PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-DISYEMBRE, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Jan 04, 2013 2:24 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-DISYEMBRE, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaaalaman ang mga pinagtibay na Resolusyon ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa buwan ng Disyembre, 2012 gaya ng mga sumusunod:

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 125 t. – 2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK NG YUMAONG SI KGG. ANTONIO A. BALDEMOR, NAHALAL BILANG KONSEHAL (PEBRERO 15, 1976-APRIL 20, 1980), NANUPARANG PANGALAWANG PUNONG-BAYAN (ABRIL 27, 1980-MARSO 30, 1986) AT NAHALAL BILANG PANGALAWANG PUNONG-BAYAN (HULYO 01, 1998-HUNYO 30, 2001) NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, si KGG. ANTONIO A. BALDEMOR ay pumanaw noong ika- 02 ng Disyembre, 2012;

SAPAGKAT, si KGG. ANTONIO A. BALDEMOR ay nahalal bilang Konsehal simula noong Pebrero 15, 1976 hanggang Abril 20, 1980, nanuparan bilang Pangalawang Punong-Bayan ng Kgg. Sangguniang Bayan noong Abril 27, 1980 hanggang Marso 30, 1986 at nahalal bilang Pangalawang Punong-Bayan noong Hulyo 01, 1998 hanggang Hunyo 30, 2001;

SAPAGKAT, si KGG. ANTONIO A. BALDEMOR, bilang opisyal ng United Laboratories, Inc., Philippine Dental Association at Professional Regulatory Commission (PRC) ay nakatulong at malaki ang kanyang naging kontribusyon sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan katulad ng mga medical mission at pagbabahagi ng iba’t-ibang klaseng mga gamot;

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. ANTONIO A. BALDEMOR ay nakapag-iwan ng magandang alaala sa larangan ng paglilingkod sa ating pamahalaan bilang isang halal na opisyal;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan- mga opisyales ng Kgg. Sangguniang Bayan, mga opisyal at kawanihan ng Pamahalaang Bayan, gayundin sa mga karaniwang mamamayan ng Bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang kanyang taos-pusong paglilingkod sa ating Kgg. Sangguniang Bayan ay nag-iwan ng isang magandang alaala at halimbawa sa mga nanunungkulang opisyales, mga kawani at sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. ANTONIO A. BALDEMOR.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. ANTONIO A. BALDEMOR, nahalal bilang Konsehal (Pebrero 15, 1976-Abril 20, 1980, bilang nanuparang Pangalawang Punong-Bayan ng Kgg. Sangguniang Bayan (Abril 27, 1980-Marso 30, 1986) at nahalal bilang Pangalawang Punong-Bayan (Hulyo 01, 1998-Hunyo 30, 2001) ng Kgg. Sangguniang Bayan, Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 03 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal

Hindi Dumalo/On Leave
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May lagda ang orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May lagda ang orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal

May lagda ang orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


EXCERPT FROM THE MINUTES OF THE REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA HELD AT SESSION HALL, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, ADECI BUILDING ON DECEMBER 03, 2012, MONDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Municipal Vice-Mayor & Presiding Officer,

Hon. Anna Pamela R. dela Rosa,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan,
Councilor,

Hon. Emerito B. Gajitos,
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagongahasa,
Councilor/LBP,

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP.

ABSENT:

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor, On Leave.


RESOLUTION NO. 126 S. 2012

RESOLUTION AFFIRMING THE INTEREST OF THE LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU) AND AUTHORIZING HONORABLE MAYOR EMMANUEL B. CADAYONA, TO APPLY, NEGOTIATE AND PARTICIPATE IN THE LAGUNA DE BAY INSTITUTION STRENGTHENING AND COMMUNITY PARTICIPATION (LISCOP) PROJECT AND TO BORROW FUNDS FROM THE MUNICIPAL DEVELOPMENT FUND OFFICE (MDFO) UNDER THE DEPARTMENT OF FINANCE (DOF) AND UNDERTAKE OTHER ACTIONS NECESSARY TO THE EFFECTIVE IMPLEMENTATION OF THE SOLID WASTE MANAGEMENT OF PAETE.

WHEREAS, the LEAP (Laguna de Bay Environmental Action Plan) process undertaken for the Municipality of Paete resulted in the identification and prioritization of the development and implementation of the Solid Waste Management Program;

WHEREAS, the existing Solid Waste Management Plan needs to augment funds for the implementation, orientation and management of Solid Waste Management facilities and technologies to protect and conserve our natural resources that will address environmental problems;

WHEREAS, the LGC mandates Local Government Unit (LGU) to develop Solid Waste Management Program and to appraise waste generated by the community to identify, evaluate and select recyclable waste materials and factory returnables thus reducing the volume of waste to be dumped in the disposal facility that will generate livelihood activities for the community;

WHEREAS, the Municipality has limited financial capacity to finance this program that we need assistance in the form of loan/grant.

NOW THEREFORE, on motion of Councilor Emerito B. Gajitos, duly seconded by Councilor Urbano R. Cadapan, Councilor Eriberto D. Pascual and Councilor Ronaldo Z. Valdellon, with the concurrence of all Councilors present hereby:

RESOLVED, to affirm the interest of the Municipality of Paete, Laguna to participate in the LISCOP Project to finance its proposed Solid Waste Management.

RESOLVED, to authorize and empower the incumbent Local Chief Executive, Hon. Emmanuel B. Cadayona, Municipal Mayor, or his successor, for and on behalf of the Local Government of Paete to undertake the following:

a) To apply, negotiate, enter into contract, execute, sign memorandum of agreement, loan agreement, loan documents, project agreements, credit facilities deeds and other papers with the Municipal Development Fund Office – Department of Finance (MDFO-DOF), for financing of the Solid Waste Management Program, including amendments, renewal and/or extension thereof such terms and conditions as may be agreed by MDFO-DOF, under the LISCOP Project:
b) To participate in the LISCOP Project and cooperate in the implementation of the sub-projects proposed for financing and/other available packages by the LISCOP-PCO and MDFO-DOF as defined in the Memorandum of agreement executed between the LLDA and the Municipality of Paete, Laguna.

RESOLVED, that the prioritization of the sub-project proposed for financing under the LISCOP Project is the result of the participatory LEAP process undertaken for the improvement and upgrading of MRF (Material Recovery Facility) of the local government of Paete, Laguna;

RESOLVED FURTHERMORE, to authorize the incumbent Local Chief Executive, Honorable Mayor Emmanuel B. Cadayona, or his successor, for and on behalf of the Local Government of Paete, Laguna to affirm and undertake the following commitments required by the LISCOP Project:

a. To put up the LGU equity required by the propose sub-project;
b. To appropriate funds for the required insurance cost which is approximately 2.5% of the building equivalent cost;
c. To provide operations and maintenance trust fund for the completed local sub-projects;
d. To provide funds for the annual amortization for loan repayments until the contracted loan is fully paid;
e. To authorize the MDFO to intercept the Internal Revenue Allotment (IRA) of the municipality equivalent to the amount due in case of default which will cover the activities related to sub-project preparation and implementation;
f. To conduct credible public hearings and enact ordinances relative to the imposition fees and charges;
g. To create a Project Development Team to coordinate the preparation and development of the sub-project proposal and the SPAR;
h. To constitute a Project management Team to serve as the local sub-project office and designate a local sub-project officer and technical staff as may be necessary for the execution of the sub-project;
i. To provide office space and facilities and all other support services as may be needed;
j. To conduct public hearings and ensure that stakeholder participation in all stages of project implementation; and
k. To participate as recipients of capability-building assistance to be financed by the LISCOP Project as part of the LISCOP incentives and Laguna Lake Development Authority (LLDA) support LGU’s.

RESOLVED FINALLY, to furnish the MDFO and the LISCOP Project with a copy of this resolution.

ADOPTED this 03rd day of December, 2012.

I HEREBY CERTIFY to the correctness of the foregoing resolution .


Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian

ATTESTED BY:

Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice-Mayor
Presiding Officer


APPROVED BY:

Original signed
ENGR. EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 127 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMANG LIBONG PISO (PHP 5,000.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATALANG SIBIL NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA OVERTIME PAY NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, noong ika-13 ng Nobyembre, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Nenita B. Gajitos, Pambayang Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna na humihiling ng pagliliwat para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay mayroong kaukulang lagda nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay kinakailangan upang huwag mabalam ang mga gawain sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil:

Membership due to Organization - Php 1,500.00
Maintenance-Office Equipment - 1,200.00
Maintenance-IT Equipment - 800.00
Other Expenses - 1,500.00
Kabuuang Halaga - Php 5,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMANG LIBONG PISO (Php 5,000.00) na magmumula sa Iba’t-ibang paglalaan sa Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna patungo sa Overtime Pay ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 40 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil:
Overtime Pay - Php 5,000.00
Kabuuang Halaga - Php 5,000.00

PINAGTIBAY: 03 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINGIYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 128 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ANIMNAPU’T APAT NA LIBONG PISO (PHP 64,000.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN NG TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, kinakailangang mapaglaanan ang mga pangunahing pangangailangan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan upang huwag mabalam ang mga gawaing pangtanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Sangguniang Bayan:

Travelling Expenses - Php 55,000.00
Vehicle Rental - 9,000.00
Kabuuang Halaga - Php 64,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ANIMNAPU’T APAT NA LIBONG PISO (PHP 64,000.00) na magmumula sa Iba’t-ibang Paglalaan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 41 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Sangguniang Bayan:
Capital Outlay (Computer set with printer and fax machine)
- Php 50,000.00
Bookbinding - 5,000.00
Representation expenses - 9,000.00
Kabuuang Halaga - Php 64,000.00


PINAGTIBAY: 03 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINGIYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 130 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 2 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN NG PAETE, LAGUNA, KAPASIYAHANG PAGLILIWAT NG HALAGANG PHP. 100,000.00 PARA SA SOCIAL SERVICES- EQUITY TO MATERIAL RECOVERY FACILITIES NA MAGMUMULA SA REPAIR AND MAINTENANCE OF HEALTH FACILITIES NG 20% DEVELOPMENT FUND.

SAPAGKAT, noong ika-16 ng Nobyembre, 2012 ay may natanggap na sipi ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna ng Resolusyon Blg. 2 T 2012, Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Isang Daang Libong Piso (Php. 100,000.00) para sa Social Services- Equity to Material Recovery Facilities na magmumula sa Repair and Maintenance of Health Facilities ng 20 % Development Fund;

SAPAGKAT, ang nabanggit na Resolusyon Blg. 2 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran ay pinagtibay noong ika- 15 ng Nobyembre, 2012;

SAPAGKAT, ang Sangguniang Bayan ito ay nagpatibay noong ika- 3 ng Disyembre, 2012 ng Resolusyon Blg. 126 T. 2012 – Resolution affirming the interest of the Local Government Unit and authorizing Hon. Mayor Emmanuel B. Cadayona, to apply, negotiate and participate in the Laguna de Bay Institution Strengthening and Community Participation (LISCOP) project and to borrow funds from the Municipal Development Fund Office (MDFO) under the Department of Finance (DOF) and undertake other actions necessary to the effective implementation of the Solid Waste Management of Paete;

SAPAGKAT, ang nakalaang pondo para sa “Equity to material Recovery Facilities” ay nagkakahalaga lamang na Walong Daang Libong Piso ( Php. 800,000.00) na ang kinakailangang halaga ay Siyam na Daang Libong Piso (Php. 900,000.00);

SAPAGKAT, ang pondong nakalaan sa “Equity to Material Recovery Facilities” ay kulang ng halagang Isang Daang Libong Piso (Php. 100,000.00) na kinakailangan upang maisagawa ang nasabing proyekto.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa Kapasiyahan Blg. 2 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran ng Paete, Laguna, Kapasiyahang pagliliwat ng halagang Php 100,000.00 para sa Social Services-Equity to Material Recovery Facilities na magmumula sa Repair and Maintenance of Health Facilities ng 20% Development Fund.

INIATAS na bigyan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 10 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 131 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG TATLUMPU’T SIYAM NA LIBO, ANIM NA DAA’T LABING WALONG PISO (PHP. 39,618.00) NA MAGMUMULA SA GENERAL FUND (BENTA NG GAMOT) NG BOTIKA NG BAYAN PATUNGO SA IBA’T IBANG GASTUSIN NG BOTIKA NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan, na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika- 3 ng Disyembre, 2012 mula kay Dra. Maria Fe Aguilar, Pambayang Manggagamot;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda ni Gng. Marita B. Bagabaldo, Pambayang Tagatuos at sinang-ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring ilaan mula sa benta ng mga gamot ng Botika ng Bayan na nasa Pondong Pangkalahatan:

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang TATLUMPU’T SIYAM NA LIBO, ANIM NA DAA’T LABING WALONG PISO (PHP. 39,618.00) na magmumula sa General Fund (Benta ng Gamot) ng Botika ng Bayan patungo sa iba’t-ibang gastusin ng Botika ng Bayan ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 42 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Manggagamot:

Botika ng Bayan
Pambili ng mga Gamot Php. 31,618.00
Other Expenses 8,000.00
Kabuuang halaga Php. 39,618.00

PINAGTIBAY: 17 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 132 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWAMPUNG LIBO, SIYAM NA DAA’T APATNAPU’T PITONG PISO (PHP. 20,947.00) NA MAGMUMULA SA MGA BENEPISYO NG MEDICAL OFFICER V SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG MANGGAGAMOT NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA VEHICLE RENTAL NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG ADMINISTRADOR NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan, na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika- 04 ng Disyembre, 2012 mula kay G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda rin ni Gng. Maria Louisa B. Sena na nagpapatunay na ito ay may paglalaan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat:

Tanggapan ng Pambayang Manggagamot:
13th Month Pay Php. 13,197.00
Cash Gift 2,500.00
Magna Carta 5,250.00
Kabuuan Php. 20,947.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPUNG LIBO, SIYAM NA DAA’T APATNAPU’T PITONG PISO (PHP. 20,947.00) na magmumula sa mga benepisyo ng Medical Officer V sa Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng Paete, Laguna patungo sa Vehicle Rental ng Tanggapan ng Pambayang Administrador ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 43 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Administrador:

Vehicle Rental - 20,947.00
Kabuuang Halaga - Php 20,947.00


PINAGTIBAY: 17 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINGIYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 DISYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 133 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ISANG DAA’T TATLONG LIBO, ISANG DAA’T WALUMPU’T DALAWANG PISO (PHP. 103,182.00) NA MAGMUMULA SA PASAHOD AT IBA PANG PAGLALAAN NG MEDICAL OFFICER V NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG MANGGAGAMOT NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan, na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika- 27 ng Nobyembre, 2012 mula kay Dra. Maria Fe Aguilar, Pambayang Manggagamot;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at sinang- ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan;

SAPAGKAT, mayroong mga pondo na maaaring iliwat mula sa mga sumusunod:
Pasahod (Medical Officer V) Php. 79,182.00
RATA 18,000.00
ACA-PERA 6,000.00
Kabuuang Halaga Php.103,182.00

SAPAGKAT, noong ika-27 ng Nobyembre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan naging panauhin si Dr. Maria Fe A. Aguilar upang talakayin ang nasabing kahilingan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ISANG DAA’T TATLONG LIBO, ISANG DAA’T WALUMPU’T DALAWANG PISO (PHP. 103,182.00) na magmumula sa Pasahod at iba pang paglalaan ng Medical Officer V ng Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng Paete, Laguna patungo sa iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 44 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Manggagamot:

Capital Outlay Php. 55,000.00
Other Expenses 13,060.00
Travelling Expenses 10,000.00
Overtime 20,000.00
Repair and Maintenance of Motor Vehicle 5,122.00
Kabuuang Halaga Php.103,182.00


PINAGTIBAY: 17 Disyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINGIYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


EXCERPT FROM THE MINUTES OF THE REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA HELD AT SESSION HALL, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, ADECI BUILDING ON DECEMBER 17, 2012, MONDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Municipal Vice-Mayor & Presiding Officer,

Hon. Anna Pamela R. dela Rosa,
Councilor,

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan,
Councilor,

Hon. Emerito B. Gajitos,
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagongahasa,
Councilor/LBP,

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP.

ABSENT: NONE


RESOLUTION NO. 134 S. 2012

RESOLUTION APPROVING AN ORDINANCE AFFIRMING ITS COMMITMENT FOR THE OPERATION OF PAETE INTEGRATED ENVIRONMENTAL WASTE MANAGEMENT SUB- PROJECT COSTING PHP. 12,000,000.00 AND APPROPRIATING FUNDS IN THE AMOUNT OF PHP. 900,000.00 FOR THE LISCOP SUB- PROJECT LGU- EQUITY FROM THE 20% DEVELOPMENT FUNDS OF THE MUNICIPALITY OF PAETE, LAGUNA.

WHEREAS, through the Sangguniang Bayan of Paete, Laguna Resolution No. 126 S.2012, the municipality has confirmed its commitment to participate in the Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project, thereby authorizing the Municipal Mayor to apply, negotiate, borrow funds from MDFO and undertake other acts necessary for the effective implementation on the approved sub- project;

WHEREAS, the Paete Integrated Environmental Waste Management Sub-Project consist of Material Recovery Facility with Sanitary Landfill Category 1;

WHEREAS, through this Sangguniang Bayan Resolution, LLDA had facilitated the approval of the sub- project by the MDFO- PGB of the Department of Finance, where such approval necessitated the preparation of the Detailed Engineering Design and subsequent construction of the facilities;

WHEREAS, upon the completion and acceptance of the sub-project facilities, turn- over shall be effective for the LGU to eventually manage the sub-projects.

NOW THEREFORE, on motion of Councilor Emerito B. Gajitos, duly seconded by Councilor Ronaldo Z. Valdellon, Councilor-LBP Hermie B. Bagongahasa, Councilor Eriberto D. Pascual and Councilor Urbano R. Cadapan, with the concurrence of all Councilors present hereby:

RESOLVED, to affirm its commitment and implement the completion of the sub- projects and in so doing affirm to appropriate funds for the said project, sub-loan Php. 5,400,000.00, sub- grant Php. 4,800,000.00 and Equity of Php. 1,800,000.00 wherein the amount of Php. 900,000.00 will be the LGU equity which must be deposited in a separate account in accordance with the schedule of release of sub-loan and sub-grant.

RESOLVED FINALLY, to furnish copies of this ordinance to the Municipal Development Fund Office (MDFO) and the Laguna Lake Development Authority- LISCOP Coordination Office (LLDA- LISCOP/PCO).


APPROPRIATION ORDINANCE NO. 45

APPROPRIATION ORDINANCE FROM THE 20 % DEVELOPMENT FUND.

So ordered by the Sangguniang Bayan of Paete, Laguna that,

Section 1. Appropriation ordinance for LISCOP Sub- Projects LGU- Equity
a. Material Recovery Facility with Sanitary landfill Category 1 Php. 900,000.00


ADOPTED this 17th day of December, 2012.

I HEREBY CERTIFY to the correctness of the foregoing resolution.


Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian

ATTESTED BY:

Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice-Mayor
Presiding Officer


APPROVED BY:

Original signed
ENGR. EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group