PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Paki post po

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest
Guest





PostPosted: Tue Jan 08, 2013 2:00 pm    Post subject: Paki post po Reply with quote

(Komento rin tungkol sa Usap. Pakilagay po sa tamang window.
Nilagyan ninyo agad ng baral ay, di kami makapasok ; ))

Nuong umpisahan itong Usap ay napakaganda at napakasaya ng
pagsasama-sama. Parang nasa plaza na hindi magkamayaw. Ngayon ay nawawala na ang sigla at nawawala na rin ang mga nakikisaya gawa ng mga hindi disenteng posting.

Marahil, medyo maluwag ang pag-screen. Maganda na nga sigurong balik-balikan ang mga patakaran bilang paala-ala sa isa't isa dahil madaling makalimot pag nagkakainitan sa talakayan.

Una ng dapat kilalanin na itong Usap ay pribado. Kung papasok ka sa isang tahanan na hindi iyo, pwede kang papasukin o hindi. Pangalawa, sa iyong pagpasok, kailangan irespeto mo ang alituntunin ng mga namamahala. Dahil Internet ito na parang plaza na pwedeng padaan-daan lang, alalahanin na sa plaza ay pisikal na kilala ang mga partisipant na kung dumating ka na di disente o gumawa ka ng gulo, mag-ingay na wala sa lugar, o mang bastos, ay pwede ka rin pagsabihan na gumalang o paalisin. Yung public na lugar ay open sa mga makikiisa sa okasyon, at bilang pag-ulit, na may pagrespeto. Kung hindi ay may magpapahinahon sa iyo, kaibigan man o pulis. Kung may init ka, ayusin mo ng pribado at saka ka bumalik pag mahinahon ka na. 

Siguro po, yung mga komento na may name-calling, labeling at iba pang nakakasira sa katauhan ng iba na wala namang ebidensiya o kunkretong basehan ay huwag palagpasin. Kung nais nung poster na ipost ang kanyang opinyon ay di baguhin niya ang pananalita, alisin ang malisya at pag-atake ng tao. Yung di magandang opinion sa pagkatao ng iba ay sarilinin na lamang o sa pribadong usap na lamang sa mga kakosa mo, o iparating mo ng personal dun sa partikular na tao, huwag dito.

Lahat ng opinion ay maaaring ilahad ng may pagrespeto, kahit pa sa mainitang talakayan. Ang komentong hindi disente o tahasang atake sa pagkatao ay malinaw na may malisya at hindi dapat pam-publiko, o huwag na dito. Kung tungkol sa bayan, at di mo maalis ang init, idiretso mo sa munisipyo, may email naman duon. Naihayag na rin dito sa Usap ni Ka Noel na hindi niya sasagutin ang mga hinaing dito sa Usap, mangyaring ihain sa kanyang tanggapan ang mga tanong o reklamo.

Nararapat din na linawin ang freedom of speech na ginagamit ng wala sa lugar ng mga abusero.

One's FREEDOM OF SPEECH reflects one's own self respect. Freedom of speech begs to be heard, seen and acknowledged.
SNIPING is
1. To shoot at individuals from a concealed place.
2. To shoot snipe.
3. To make malicious, underhand remarks or attacks.
Sniping is meant to hurt, never to build.
VAST DIFFERENCE.

Feel the pulse...
Compare with the early posts of Usap. Which is it going to be for Usap?
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group