PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Halalan Doon Po Sa Amin

Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jan 18, 2013 4:56 pm    Post subject: Halalan Doon Po Sa Amin Reply with quote

Habang papalapit itong darating na halalan
Ay para bang piyesta sa sagradong bayan
Ang mga tao ay halos walang pagsidlan
Ibat ibang nakikita ibat ibang karanasan

Bago ang lahat sana sa isip ay hindi mawaglit
Ang magagandang nagawa sa bayan nating sinasambit
Tatlong pagkaluklok bayan ang puso nyo ay nasungkit
Lubos ang tiwala sa kamay nya mamamayan ay naakit

Malapit ng dumating ang araw ng pag tutuos
Ating mga pinuno ay lilisan at papalitan na sa utos
Kung kayat piliin at maging matalino sa iyong datos
Bayan mo ang ipagkakatiwala mula sa isa mong puntos

Anu nga ba ang nararapat piliin sa mga nagnanais pumalit
May kakayahan bang gawin sa karaniwan o sa maliliit
Bawat isa ay magmasid at tingnan ang ating paligid
Kung anu ang kailangan pa at hindi dapat malingid

Alamin ang nagdaan at tingnan ang kasalukuyan
Ang lubak at putikan ito bay naging konkretong daan
Mga duming nagkalat ito bay maayos ang basurahan
Benditang sa dulo ba ay maayos ang bawat dinadaluyan

Mahalagang alamin kanilang kakayahan at pagtrato
Mabilis kung umakto sa problema ng mga tao
Ang mga balakin sa darating pang mga siglo
Upang hindi nangangapa sa kanilang mga pinaplano

Iwasan po mga salitang makakasakit at huwag siraan
Sana ay makatulong sa ating darating na paglinang
Karapatang ipinagkaloob sa matalinong paghirang
Ihandog sa bayan ang matiwasay at mapayapang halalan

Salamat po
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest

PostPosted: Fri Jan 18, 2013 11:02 pm    Post subject: Mahusay! Reply with quote

...bigan galing mo...parang gusto ko na tuloy palitan ang tawag ko sa 'yo at gawin ko ng "idol", hehehe!
Back to top
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Jan 19, 2013 1:11 am    Post subject: Reply with quote

Hehehe Bigan anjan ka na naman
Palaging nakasubaybay sa aking tinuturan
Minsan ay pumupuna sa mga kamalian
Lalo na sa talata ng mga dayuhan

Aba ay ikaw ang tunay na idol
Marami kang tinuruan na nagkabukol bukol
Talentong tinamo bayan sa puso mo kinulapol
Ibinahaging kaalaman sa punyal burukil na panangol

Panahon ay darating magsasawa ka rin
Sa pakikipagsapalaran sa lugar mong kanluranin
Sana sa bayang iniwan ikaw ay palarin
Makapanatiling muli at doon lakas mo ay ubusin

Tayo ay taga subaybay ng halalan darating
Ito ang magagawa pagkat malayo sa piling
Subalit kaanak kaibigan moy ibubulong sa hangin
Ninanais na pinuno natin GAT sa kanila ay tanging hiling

O di ba…. Very Happy Very Happy Very Happy
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest

PostPosted: Mon Feb 11, 2013 5:56 pm    Post subject: Happy Valentines Po Reply with quote

Sadya nga bang ganyan itong darating na halalan
Sa pagpili ng mga pinuno doon sa mutyang bayan
Pilit hinahati ang puso ng boong tanan
Sa iisang layunin ang tayo ay paglingkuran

Hindi ko mawari ito nga ba ay sinasadya?
Ang lahat ng salita maganda man o panunuya
Sa mga nagpapahayag ng damdamin o sa kapwa
Ito ba'y daang matuwid upang tayo'y magpakasira sira

Ang akin pong adhikain ay mapayapang pagpili
Nang magiging mga pinuno sa bayan nati'y minimithi
Isapuso natin at ang prinsipyo ay hindi mabibili
Ipaglaban ang ninais na gagabay sa bayan at ating lipi

May mga nababasa nakalathala ang mga pagtatalo
Mga pangyayari nagaganap may masaya at nakakahilo
Ibat ibang salita kahit maa-anghang ay ganado
Sa mga naisusulat nakikita ang tunay na anino

Tula ay man ay mayroong mithing hiling
Mahal na bayan sana ay pakaisipin natin
Iwasan ang magbatuhan ng katagang ubod talim
Sumusugat sa ating puso’t walang muwang damadamin

Karapatan ng bawat isa ito ay ating hawak
Kung kaya at gamitin sa tama at nararapat
Puso ay I alay sa iyong taong hinahangad
Maglilingkod ng tapat yan ang ating hinahanap

Huwag sanang patigasin malambot mong puso
Imulat ang mga mata ang isip huwag ikandado
Huwag kulapulan ng putik sa taong ayaw mo
Pagkat ito’y ibabalik sa iyo at kay pait ang lasa nito

Araw ng mga puso ipinaabot po ang pagbati
Sa ating kababayan sa kaibigan at katungali
Pagmamahal ang aking handog ligaya bawat sandali
Sa inang bayan at sa lumikha pag ibig po ay mananatili

Happy Valentines Po
Back to top
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Feb 11, 2013 5:58 pm    Post subject: Reply with quote

Mensahe Nitong Puso

Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group