PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-ENERO, 2013

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Feb 27, 2013 10:56 pm    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RES. NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN-ENERO, 2013 Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman ang mga pinagtibay na Resolusyon ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa buwan ng Enero, 2013 gaya ng mga sumusunod:

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 07 ENERO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 001 t. – 2013

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK NG YUMAONG SI KGG. MARIO CARAIG SADSAD, NAHALAL BILANG KAGAWAD (1982-1988), NANUPARANG PUNONG- BARANGAY (1986-1989) AT NAITALAGA BILANG KASAPI NG KATARUNGANG PAMBARANGAY NG KGG. SANGGUNIANG BARANGAY NG MAYTOONG, PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, si KGG. MARIO CARAIG SADSAD ay pumanaw noong ika- 01 ng Enero, 2013;

SAPAGKAT, siya ay maituturing na bahagi ng pamilya ng Sangguniang Bayan bilang siya ay mapag-arugang lolo at tumayong pangalawang magulang ng kasalukuyang kasapi na si Kgg. Lyeka May S. Sadsad bilang halal na Konsehal-SKFP (Sangguniang Kabataan Federation President);

SAPAGKAT, siya ay nahalal bilang Kagawad ng Sangguniang Barangay ng Maytoong (1982-1988), nanuparang Punong-Barangay (1986-1989) at naitalaga bilang Kasapi ng Katarungang Pambarangay ng Kgg. Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. MARIO CARAIG SADSAD ay nakapag-iwan ng magandang alaala sa larangan ng paglilingkod sa ating pamahalaan bilang isang halal na opisyal;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan- mga opisyales ng Kgg. Sangguniang Barangay, mga opisyales ng Kgg. Sangguniang Bayan, mga opisyal at kawanihan ng Pamahalaang Bayan, gayundin sa mga karaniwang mamamayan ng Bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang kanyang taos-pusong paglilingkod sa Kgg. Sangguniang Barangay ng Maytoong ay nag-iwan ng isang magandang alaala at halimbawa sa mga nanunungkulang opisyales, mga kawani at sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. MARIO CARAIG SADSAD.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. MARIO CARAIG SADSAD, nahalal bilang Kagawad (1982-1988), nanuparan bilang Punong-Barangay (1986-1989) at naitalaga bilang kasapi ng Katarungang Pambarangay ng Kgg. Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 07 Enero, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal

May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal

May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May lagda ang orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May lagda ang orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal

May lagda ang orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan

Anv/2013-001 pakikiramay-sadsad


EXCERPTS FROM THE MINUTES OF THE SPECIAL SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA, HELD AT THE VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, ADECI BUILDING ON 10 JANUARY, 2013, THURSDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Vice Mayor/Presiding Officer,

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan
Councilor,

Hon. Emerito B. Gajitos
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagonghasa,
Councilor/LBP.

ABSENT:
Hon. Anna Pamela R. Dela Rosa,
Councilor, On Leave,

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP, On Leave.

RESOLUTION NO. 002 s. 2013

RESOLUTION APPROVING AN APPROPRIATION ORDINANCE AMOUNTING TO FIFTY-TWO MILLION SIX HUNDRED THIRTY-TWO THOUSAND FIVE HUNDRED THIRTY PESOS (PHP 52,632,530.00) FOR THE ANNUAL BUDGET OF THE MUNICIPALITY OF PAETE, LAGUNA FOR THE YEAR 2013

WHEREAS, it is mandated to approve the annual and supplemental budgets of the municipal government and appropriate funds for specific programs, projects, services and activities by the municipality, or for other purpose not contrary to law, in order to promote the general welfare of the municipality and its inhabitants.

NOW THEREFORE, on motion made by Councilor Emerito B. Gajitos, Committee Chairman on Finance, Budget and Appropriation, unanimously approved by all of the Sangguniang Bayan Members present, be it:

RESOLVED AS IT IS HEREBY RESOLVED, to approved the appropriation ordinance amounting to FIFTY-TWO MILLION SIX HUNDRED THIRTY-TWO THOUSAND FIVE HUNDRED THIRTY PESOS (PHP 52,632,530.00) for the Annual Budget of the Municipality of Paete for the year 2013.

APPROPRIATION ORDINANCE NO. 001

AN ORDINANCE APPROVING AN APPROPRIATION AMOUNTING TO FIFTY-TWO MILLION SIX HUNDRED THIRTY-TWO THOUSAND FIVE HUNDRED THIRTY PESOS (PHP 52,632,530.00) FOR THE ANNUAL BUDGET OF THE MUNICIPALITY OF PAETE, LAGUNA FOR THE YEAR 2013.

Be it ordained by the Sangguniang Bayan of Paete, Laguna, that:

SECTION 1. The appropriation are coming from the overall fund and to the certified estimated income amounting to Fifty-two Million Six Hundred Thirty-two Thousand Five Hundred Thirty Pesos (PHP 52,632,530.00) for the annual Budget of the Municipality of Paete, Laguna for the year 2013.

SECTION 2. Effectivity of Budgets. This appropriation ordinance shall take effect at the beginning of the ensuing calendar year. A supplemental budget, however, shall take effect upon its approval or on the effectivity date fixed therein.

SECTION 3. Use of appropriation Funds and Saving – Pursuant to Section 336 of Local Government Code – Funds shall be available exclusively for the specific purpose for which they have been appropriated. No ordinance shall be passed authorizing any transfer of appropriations from one item to another. However, the local chief executive or the presiding officer of the sanggunian concerned may, by ordinance, be authorized to augment any item in the approved annual budget for their respective offices from savings in other items within the same expense class of their respective appropriations.

ENACTED: 10 January, 2013

CERTIFIED TRUE AND CORRECT:

I hereby certify to the correctness of the foregoing ordinance which was duly enacted by the Sangguniang Bayan during its special session held on the 10th day of January, 2013.

Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian


ATTESTED AND CERTIFIED
TO BE DULY ENACTED:

Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice Mayor
Presiding Officer

APPROVED:

Original signed
EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 21 ENERO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 003 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG RESIDENSIYAL UPANG MAGING PRIBADONG LUPANG LIBINGAN NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 2,383 METRO KUWADRADO, LOT NOS. 2771 CAD 404 AT 2775 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA DAANG J. P. RIZAL, BARANGAY QUINALE (4), PAETE, LAGUNA.
_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL ERIBERTO D. PASCUAL
_____________________________________________________

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Nobyembre, 2010 ay nakatanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng liham buhat kay Gng. Teresita B. Tan na humihiling na mapagkalooban ng kinakailangang dokumento upang makapagtayo ng pribadong libingan sa kanyang lupang pag-aari na matatagpuan sa Daang J. P. Rizal, Barangay Quinale (4), Paete, Laguna;

SAPAGKAT, noong ika-05 ng Nobyembre, 2012 ay isinumite ni Gng. Teresita B. Tan sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan ang mga sumusunod na dokumento: DENR-Certificate of Non-Coverage, Initial clearance from DOH-Center for Health Development IV-A (CALABARZON), Mayor’s Permit (Certificate of Business Permit), DTI (Certificate of Business name registration), Building permit, Fencing Permit, Electrical Permit, Sanitary Permit, Official Receipt of Real Estate Tax, Tax Declaration of Properties, Site Development Plan and Bill of Materials;

SAPAGKAT, batay na rin sa alituntunin ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), ang lahat na isasagawang pagpapaunlad maging libingan at pabahay ay kinakailangang kumuha ng pahintulot sa mga kinauukulang tanggapan;

SAPAGKAT, isa sa mga kailangan upang makuha ang ibang pangangailangan sa pagtatayo ng pribadong libingan ay ang pagpapatibay ng Sangguniang Bayan na nauukol sa “Reclassification of Land”;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong mga kalakip na kinakailangang dokumento at dumaan na rin sa tamang proseso kabilang na ang “Public Hearing” na isinagawa sa Sangguniang Barangay ng Quinale noong Disyembre 13, 2012 kasama ang Tagapangulo ng Lupon sa Mga Pagawain, Sona, Pabahay at Paggamit ng Lupa ng Sangguniang Bayan at mayroong kaukulang Resolusyon Blg. 11 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Quinale, Paete, Laguna na pinagtibay noong ika-15 ng Disyembre, 2012;

SAPAGKAT, marapat na bago matapos ang takdang panahon ay kinakailangang maikuha ito ng mga dokumento upang mabigyan ng pahintulot sa pagpapaunlad;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal Sec. 20. (a) ( 3) Reclassification of Lands. na ang Pamahalaang Lokal ay hindi makapagbabago ng katayaan ng lupa kung hihigit sa sampu hanggang labinglimang porsiyento (10-15%) ng kabuuang sukat ng lupang agrikultural. Gayundin naman, hindi na kinakailangan ang pagpapatunay (Certitification) ng Lokal na Tanggapan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan kung ang lupang babaguhin ng kaurian ay para sa kapakinabangan ng publiko; ang ordinansang ito ay susunod at paiiralin alinsunod sa regulasyon o batas ukol sa pribadong libingan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal-SKFP Lyeka May S. Sadsad at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansa ng pagbabago ng Katayaan ng Lupang residensiyal upang maging pribadong lupang libingan na may sukat na humigit kumulang 2,383 metro kuwadrado, lot nos. 2771 Cad 404 at 2775 Cad 404 na matatagpuan sa Daang J. P. Rizal, Barangay Quinale (4), Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

ORDINANSA BLG. 2013-314

ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG RESIDENSIYAL UPANG MAGING PRIBADONG LUPANG LIBINGAN NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 2,383 METRO KUWADRADO, LOT NOS. 2771 CAD 404 AT 2775 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA DAANG J. P. RIZAL, BARANGAY QUINALE (4), PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

PANGKAT 1. Ang pribadong libingan ay isang pribadong sementeryo na pagmamay-ari ng pribadong tao sa katauhan ni Gng. Teresita B. Tan at hindi ng pamahalaang bayan. Ang mga taong may kakayahang bumayad upang magkaroon ng lugar/pwesto ng paglilibingan ang maaari lamang na makagamit ng nakasaad sa ordinansang ito na pribadong libingan.

Ang pribadong lupa na tinutukoy sa ordinansang ito ay may sukat na humigit kumulang 2,383 metro kwadrado, Lot no. 2771 Cad 404 at 2775 Cad 404 na matatagpuan sa Daang J. P. Rizal, Barangay Quinale (4), Paete, Laguna.

PANGKAT 2. Ang nasabing mga lupa na pag-aari ni Gng. Teresita Baldemor Tan ay nakatala sa Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna na may paglalarawan gaya ng mga sumusunod: Tax Declaration No. 18-0004-03415 na may Cadastral Lot. No. 2771 Cad 404 at Tax Declaration No. 18-0004-03414 na may Certificate of Title No. T-13925 at Cadastral Lot No. 2775 Cad. 404;

PANGKAT 3. Ang pribadong lupa na matatagpuan sa Daang J. P. Rizal, Barangay Quinale (4) ng Paete ay gagamitin lamang na naaayon sa nakasaad sa ordinansang ito.

PANGKAT 4. Ang Punong-Bayan ng Paete, Laguna, dito ay binibigyang karapatan na magbigay ng mga kaukulang pahintulot para sa pagpapaunlad ng gagawing pribadong lupang libingan matapos makatugon sa itinatadhana ng mga umiiral na batas kaugnay nito.

PANGKAT 5. Sa anumang kadahilanan, bahagi man o kabuuan ng alinmang pangkatin ng kautusang ito na lihis o taliwas, ang mga bahaging hindi apektado ay mahigpit pa ring ipatutupad.

PANGKAT 6. Ang kautusang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa itinatadhana ng mga batas kaugnay dito.

PINAGTIBAY: 21 Enero, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 21 ENERO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 004 t. – 2013

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA KNOWINGLY US ZEALOT ALWAYS (KUZA) CLUB BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-03 ng Disyembre, 2012 ang KNOWINGLY US ZEALOT ALWAYS (KUZA) CLUB ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang KNOWINGLY US ZEALOT ALWAYS (KUZA) CLUB ay itinatag noong Oktubre 28, 2011 at ito ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng humigit kumulang na animnapu’t-limang (65) miyembro na naninirahan sa ating bayan at sa ibang bayan na may pahatirang sulat sa Daang T. Valdellon, Barangay & Bagumbayan, Paete, Laguna sa pangunguna ng kanilang pamunuan;

SAPAGKAT, layunin ng KNOWINGLY US ZEALOT ALWAYS (KUZA) CLUB na maging kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan sa mga proyektong makakatulong sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Enero, 2013 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pamunuan ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng samahan ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan noong ika-21 ng Enero, 2013.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkilala sa Knowingly Us Zealot Always (KUZA) Club bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 21 Enero, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 21 ENERO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 005 t. – 2013

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG RADYO NATIN PAETE BROADCASTING (RNPB) 107.9 MHz NA KINAKATAWAN NI G. JOSELITO “LOUIE” CORTINA, STATION MANAGER.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning & Development Coordinator (MPDC) ng Paete, Laguna na may petsa Disyembre 12, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang Radyo Natin ay isang mabisang paraan ng pakikipagtalastasan upang maipaabot sa ating mga mamamayan ang mga iba’t-ibang programa ng ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng programa sa Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) tuwing araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga sa loob ng anim (6) na buwan, (Enero hanggang Hunyo, 2013) ay nagiging daan upang magkaroon ng pagkakataon ang ating mga opisyales na maipaliwanag ang kanilang mga gawaing pang-upisina;

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng programa ay nagiging mulat ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga usapin na may kinalaman sa mga umiiral na programa ng ating Pamahalang Bayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagbibigay ng karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) 107.9 MHz na kinakatawan ni G. Joselito “Louie” Cortina, Station Manager.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 21 Enero, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 28 ENERO, 2013 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 006 t. – 2013

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKATIG SA KAUTUSAN NG COMMITTEE OF THE WHOLE (QUASI JUDICIAL BODY)-KAUTUSAN NA NAGSASARADO AT NAGPAPAWALANG SAYSAY SA REKLAMO BLG. 02-2012 NA ISINAMPA NINA G. RUFINO NAVARRO, ET. AL.- MGA NANINIRAHAN SA BARANGAY (7) BAGUMBAYAN, PAETE, LAGUNA-MGA NAGREREKLAMO, LABAN KAY KGG. JOSEPH C. AQUINO, KAGAWAD NG BARANGAY (7) BAGUMBAYAN, PAETE, LAGUNA-INIREREKLAMO, UKOL SA PANG-AAPI, KASAMAAN NG ASAL (OPPRESSION, MISCONDUCT IN OFFICE) NA INIHAIN SA TANGGAPAN NG KGG. PUNONG-BAYAN EMMANUEL B. CADAYONA AT INILIWAT SA TANGGAPAN NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong pinagtibay na Kautusan noong Enero 21, 2013 ang bumubuo ng Committee of the Whole (Quasi Judicial Body), Paete, Laguna na may kaugnayan sa reklamong inihain nina G. Rufino Navarro et. al., mga naninirahan sa Barangay (7) Bagumbayan–Mga nagrereklamo, laban kay Kgg. Joseph C. Aquino, Kagawad ng Barangay (7) Bagumbayan, Paete, Laguna-Inirereklamo;

SAPAGKAT, kalakip nito ang pinagtibay na Kautusan na resulta ng ginanap na Evaluation ng mga dokumentong nakasumite sa Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan kung mayroon o walang prima facie evidence/case noong ika-21 ng Enero, 2013 na may kaukulang lagda ng mga kinauukulan;

SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng kaukulang pagkatig sa nasabing Kautusan ng bumubuo ng Committee of the Whole (Quasi Judicial Body) ng Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Brigido R. Bagayana, pinangalawahan nina Konsehal-SKFP Lyeka May S. Sadsad at Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng mas nakararaming dumalo ay:

IPINASIYA na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa Kautusan ng Committee of the Whole (Quasi Judicial Body)-Kautusan na nagsasarado at nagpapawalang saysay sa reklamo blg. 02-2012 na isinampa nina G. Rufino Navarro, et. al.- mga naninirahan sa Barangay (7) Bagumbayan, Paete, Laguna-mga nagrereklamo, laban kay Kgg. Joseph C. Aquino, Kagawad ng Barangay (7) Bagumbayan, Paete, Laguna-inirereklamo, ukol sa Pang-aapi, Kasamaan ng asal (Oppression, Misconduct in office) na inihain sa Tanggapan ng Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona at iniliwat sa Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 28 Enero, 2013

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group