PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

OMG - Mayor Cadayona, Pulisya : Attention to this!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sat Jan 19, 2013 2:53 pm    Post subject: OMG - Mayor Cadayona, Pulisya : Attention to this! Reply with quote

Lilay B. Fabor
OMG !!!
kagulat gulat ang aking natanggap na balita buhat sa anak ng ating kaeskwela kabatch na nasa Canada...anak ni pare Bartolome Baysauli .....

kahapon ko lang kase nalaman kya ngayun ko lng nai post ....
nilooban yung kanilang bahay sa May toong habang kalakasan ng ulan at ang mag asawa ay IGINAPOS , NINAKAWAN at dala ang mahalagang dokumentO kasama passport....kaya hindisya sa ngayun nakaalis ng Pilipinas upang bumalik sa kanyang trabaho sa Saipan.....

hindi po nabanggit nung anak nila kung sila ay sinaktan ...pero sa palagay daw nung anak ay may ganung pangyayari....

at itong isang araw naman ay pinasok din at ninakawan naman itong aking kapatid na Sonia, na nakatira ngayun duon sa aming bahay sa Quinale (dandoy/pilar old house)

sana po mahuli na yung mga taong masasamang yunnn....mag ingat po tayong lahat grabe na po ang nangyayari....

buti na lng po at hindi sinaktan yung kapatid ko at mga kasama nyang apo at anak....

Muli po dagdag ingat, in Jesus name !!!
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Mon Jan 21, 2013 5:00 pm    Post subject: Re: OMG - Mayor Cadayona, Pulisya : Attention to this! Reply with quote

[quote="Somyga"]Lilay B. Fabor
OMG !!!
kagulat gulat ang aking natanggap na balita buhat sa anak ng

Sorry insan Lilay, Bart, mga kapatid, kamag-anak and others....It seems not a priority????
Mag ingat na lamang po kayo mga kababayan at ikandado ang pinto at bintana. At huag magpapasok ng di kakilala.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Wed Jan 30, 2013 7:43 am    Post subject: DAPAT AY MAY MANAGOT Reply with quote

Mukhang pinagpipiyestahan na tayo ng mga masasamang loob.

Pangkaraniwan na ngayon ang ganitong pangyayari sa atin at ang mga ito ay naisumbong na rin sa mga nakaraang mga taon.

Someone must be held accountable. Hindi na tayo ligtas sa loob ng ating mga tahanan. Kailangan na maging listo at maagap ang ating mga kapulisan at mga pinuno ng bayan. Kailangan din ang pakikipagtutulungan ng mga mamamayan.

Ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan ang unang tungkulin ng mga namumuno ng ating bayan.

Kailangan ang "intelligence gathering" at evaluation sa ating kapulisan....walang dapat matutulog sa pansitan ika nga....ito ay walang patid na imbestigasyon, pagmamanman, pagkilos at pakikipagtulungan sa mga kapit-bayan din.

Papaano ang mga nagbabalak umuwi sa atin na mga kababayan kung ang ganitong mga krimen ay patuloy at hindi naapula. Nakakatakot!

Ming Baldemor
Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Marlito Baysauli



Joined: 04 Sep 2009
Posts: 32
Location: Moosomin, Saskatchewan Canada

PostPosted: Wed Feb 06, 2013 5:00 pm    Post subject: Goodluck Paete! Reply with quote

Magandang Araw Po,

Speaking in behalf of Baysauli Family po Amang Somy, Amang Ming at Tita Lilay. Ang suspek po sa mga nakawang nagaganap sa ating bayan ay malaya pa rin nakakapag libot at nagmaman-man ng susunod na bi-biktimahin kilala ko po kung sino ang suspek sa pangyayari subalit masyado po akong malayo sa aking pamilya upang ilahad ang buong pangyayari sa aking pamilya mas pinili ko po na manahimik na lang at magkipit balikat ang aking mga magulang kahit na sila ay NINAKAWAN ng mga kawatan, ang tangi ko pong katwiran ay materyal na bagay lamang ang kanilang natangay at hindi ang buhay ng aking mahal na mga magulang subalit napaka sakit po bilang anak na masasaksihan ng inyong dalawang mata na ang inyong magulang ay NAKA-GAPOS magmula sa bibig, leeg at paibaba ng kanilang kamay sa likoran ako po eh halos nanlumo ng makita ko ang kalagayan ng aking mga magulang ng oras na iyon at malimit po silay natitigilan sa bawat pagkakataong nagsasalaysay sila ng buong pangyayari.

Lumapit po ang aking pangalawa sa panganay na kapatid na babae sa kapulisan upang mabigyan ng paunang Imbestigasyon ang pangyayari nakakatuwa po ang Pulisya ng Bayan ng Paete kahit susi ng kandado ng kanilang ISTASYON ay hindi alaman kung saan kukunin o hahanapin kinailangan pa po nilang gamitin ang Back Door para ma-entertain ang Kapatid ko na halos hindi mapigil ang luha dahil sa nasaksihan din niya ang kalalagayan ng magulang namin nung sila ay naka-gapos pa. Pagdating po ng PULIS sa tahanan ng aking magulang agaran po silang nagtanong at agad din naman pong sinagot ng aking mga magulang mas maganda po ang mga naging eksena ng sila ay mag umpisa ng mag-umpisa ng magsiyasat sa sinasabi nating CRIME SCENE (Entry Point at Exit Point ng mga Nanloob) kinunan po ng Imahe o Litrato ang Sinirang bubong ng aming Kusina gamit ang CELLULAR PHONE ng kapulisan labit ang kapirasong papel at isang gamit panulat ng kung ano mang mahalagang impormasyon na itanong ay siyang sinasalin sa papel.

Malamang ang kasunod po nilang itatanong ay kung ano na ang nangyari? sa makatuwid po eh WALA pa pong balita ang aming pamilya tungkol sa kaso pagkatapos ng kanilang imbestigasyon dahil ang sabi ko po sa aking mga magulang ay WAG NILANG PUKPOKIN ANG PAKO TINGNAN NATIN KUNG LALAMBOT ANG KAHOY AT HAYAANG KUSANG LUMUBOG gaya po ng ibang mga kaganapan sa Paete sabihin ko po sa wikang kalye eh YUNG MAJOR CASES NGA WALANG BALITA YAN PA KAYANG NAKAWAN LAMANG AT WALANG CASUALTIES NA NABAHIRAN NG DUGO NG KARAHASAN.

Ang huli ko pong sinabi sa magulang ko bago ako umalis ng bansa eh ganito TATAY NANAY IPAGPASA-DIYOS NA LAMANG PO NATIN KUNG ANO MAN ANG NANGYARI SA KANILA HAYAAN NIYO PO AT KIKITAIN KO PA YUNG MGA NAKUHA SA ATIN BAKA DOBLEHIN PA NG PANGINOON ANG BIYAYANG IBIBIGAY SA ATIN SA DIYOS NA LANG PO TAYO MANALIG WALA PO TAYONG AASAHANG TIBAY SA BATAS NG PILIPINAS AT SA AKSYON NG MGA NAGPAPATUPAD NG BATAS pagkatapos ko pong sabihin yan ay niyakap ko ng buong higpit ang aking magulang habang sinasambit ang DIYOS KO ILAYO NIYO PO SA KAPAHAMAKAN ANG MAGULANG KO WALA NA PO AKONG MASASANDALANG MAGULANG KO KAPAG KINUHA NIYO SILA tsaka po ako tumalikod at tuluyang pumasok sa Naia habang ang luha ko ay dumadaloy sa aking mga mata.

Ang suspek po ay kahit minsan hindi nakapasok sa loob ng aming pamamahay, pero ang kanila pong dinaanan ay siyang naging susi ko upang mapatunayan na siya nga ang isa sa nanloob o gumawa ng pagnanakaw sa aking mga magulang dahil hindi po nila matutunton ang daang iyon kung siya ay hindi rin lamang naninirahan sa paligid ng daang iyon, at dahil na rin po sa sarili kong pag iimbestiga nang umaga po na mangyari ang insidente ng nakawan ay agad po akong nagsadya sa tahanan ng taong aking pinagsuspetsahan ang nakatutuwa po ay wala sa kanilang tahanan ang taong ito at ng ako po ay maglibot sa ating bayan ng Paete akin pong nakasalubong ang asawa nito at sa hindi po kalayuan ay nakita ko siyang nakatingin sa akin habang ako ay papalapit sa kanya ng makita po akong nakatitig sa kanyang mga mata ay biglang ibinaling sa iba ang kaniyang mga mata.

Sa mga kababayan kong tiga Paete wag kayo manaya na kayo ay ligtas sa lahat ng oras dahil nasa paligid po lamang si HUDAS!!!! Ako po ay dating miyembro ng Pactaf sa samahang Red Riders subalit ng sila po ay nawala sa hulog ay hindi ko na po masabi kung ako ay kaanib pa ng Pactaf pero malimit po ay nakakatuwang pa rin po ako nila sa tuwing ako ay nasa Pilipinas, wag po natin maliitin ang Pactaf at Barangay Tanod igalang din po natin sila gaya ng pag galang natin sa ating sarili dahil mas malaki pa po ang ginagampanan ng mga ito kesa sa Man In Uniform o PULISYA sa ating bayan ng Paete malimit po ang Pactaf at Tanod ay nabubulyawan at nasisisi sa ibang pangyayaring hindi maganda sa ating bayan subalit nariyan pa rin po sila at ginagawa ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya kahit na halos ang kanila serbisyo ay WALANG BAYAD.

Hindi na po ako KAKATOK sa Pulisya at sa mga Opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Paete upang mabigyan ng linaw ang insidente ng mga nakawan sa atin dahil sila po ay dapat magkusa bago pa mangyari sa kanila ang insidenteng ito, kumbaga sabi ng mga tambay sa kanto eh ABA EH DAPAT AUTOMATIC UMAKSYON KAAGAD ANG MGA YAN HABANG HINDI PA NAKAKALAYO ANG KAWATAN!!!

Maraming Salamat Po at Magandang Araw sa kanilang lahat!

Marlito 'Dadoy' Baysauli
_________________
-->RESPECT<---
harungas_03
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Feb 12, 2013 8:34 am    Post subject: KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA? Reply with quote

Marlito,
Ramdam ko ang iyong inilahad na tunay na nakakapagpahina ng loob dahil sa kakulangan ng suporta at pagkilos mula sa mga kinauukulan. Sa dami ng mga krimen sa ating bayan na hindi nagkakaroon ng kalutasan, ng sapat at seryosong pagbibigay pansin at aksyon ng mga kinauukulan, sino pa kaya ang magtitiwala na ilapit ang mga hinaing at sumbong sa kanila?

Ang pinunong bayan ang ganang sa akin po lamang ay may pananagutan sa kalutasan ng mga pangyayaring ito. Ang kapulisan ay sumusunod lamang sa mga atas at “priority” ng punong bayan. Siya ang “ehekutibo” or mayroong executive power upang bigyang direksyon ang pagkilos at kahandaan ng mga tagapagpatupad ng katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang mga mamamayan ang nagpapasahod sa kanila, ang mga mamamayan ang kanilang “bossing” kumbaga. Ang mga pag-iimbistiga baga sa “crime scene” at pagtatanong sa mga biktima ay isang pasinaya lamang at pakitang-tao na huwag lamang masabing “may ginawa o aksyon?” Kapirasong papel na maya-maya lamang kukuyumusin at ibabasura, cell phone camera na madaling “i-delete” at mahina ang quality, mga linya ng katanungan na walang kapararakan or bara-bara lamang, habang ang mga biktima ay lumuluha, nanggigipuspos at natatakot sa kanilang naranasan…ano ba ito, laro? Hind po baga parang “gina-gago” na tayo?” Pasensya na po sa ginamit kong “lengwahe.” Emphasis lamang po ang nais ko dahil sobra na ang nangyayari sa atin.

Sa ngalan ng ating mga mamamayan, sa mga naging biktima at maaaring maging biktima pa, ako po ay nananawagan sa ating pamunuang bayan, na pag-ibayuhin ang kakayahan ng ating kapulisan at maging ng mga barangay tanod, palakasin ang kanilang hanay, bigyan sila ng mga “sandata” kumbaga katulad ng mga communication equipment, mga pagsasanay o kaalaman sa pag-iimbistiga at pagtutulungan, pag-ibayuhin ang kanilang “intelligence capacity” at salain-piliin ang mga kapulisang ito upang maging malinis at malayo sa pakikipag-sabwatan sa mga criminal at upang igalang at pagkatiwalaan ng bayan.

Inuulit ko po, ang Paete (ating bayan) ay tahanan ng ating lahi, ang bayang ating sinilangan. Sa pagkakaisa at pagsasamahang may katapatan at pagmamalasakit, sa pagkakapatiran at pagkakaunawaan, sa pagtutulungan may espiritu ng bayanihan, maaari po nating ibalik ang pagka-paraiso ng ating bayan tulad noon, tahimik, walang krimen, masaya, (KAHIT may kahirapan ang buhay), may pagmamahalan, kumikilala, masisipag, magagalang, walang droga, at may kapanatagan ang kalooban ng mga mamamayan.

Huwag din po nating aalisin sa ating pamumuhay ang pagkilala at pagpupugay sa ating Mahal na Ama sa langit at sa kanyang bugtong na anak na ating tagapag-ligtas, ang Panginoong Hesukristo.

Kung hindi po tayo kikilos ngayon......kailan pa?

Iminumungkahi ko po na ang puntong ito ng katahimikan at kaligtasan ng ating mga mamamayan ay gawing malaking isyu sa darating ng halalan ng mga pinunong bayan.

Salamat po.

Ming Baldemor
Batang Quinale
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Wed Feb 13, 2013 12:41 pm    Post subject: Samantalahin ang Election na darating. Reply with quote

Sa Election na darating ay tanungin po ninyo ang mga kandidato, kung sino ang may puso na kumilos sa kriminalidad ng ating Bayan. Kung gusto ninyo ay katahimikan sa atin.

Walang kai kaibigan.
Walang kamag anakan.
Walang utang na loob.
para sa katahimikan at maayos na pamumuhay.

Ibuto ang nararapat...tipid na salita, at puro ACTION!!!

Ito po ay mungkahi po lamang ng inyong lingkod
na may kamag anak sa ating bayang Paete.

_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
Marlito Baysauli



Joined: 04 Sep 2009
Posts: 32
Location: Moosomin, Saskatchewan Canada

PostPosted: Thu Mar 14, 2013 11:48 pm    Post subject: As usual. Reply with quote

Magandang Araw Po Amang Somy!

Kamusta po? Gaya po ng aking ina-asahan ay wala pa rin pong aksyon na nagaganap tungkol sa bagay na ito na nangyari sa aking mga magulang, bilang isang mamamayan ay napaka-laking dagok po ng bagay na ito sa isang katulad naming naging biktima ng mga manlo-loob na hindi makakamtan ang katarungan sa pangyayaring nakawan sa aking mga magulang kung hindi man makamtan sana manlang ay managot ang mga salarin na magpasa-hanggang ngayon ay malayang nakakapag gala at nagmamasid sa kapaligiran upang makahanap ng mabi-biktima.

Sa nalalapit nga pong halalan ay sana makitaan ng husay at galing ang susunod na mahahalal sa pag-sugpo ng ganitong klase ng krimen sa ating maliit na bayan, bagaman at ako po ay hindi na umaasahang mabibigyan pa ng kaukulang pansin ang bagay na ito ay nananatili pa rin pong bukas ang aking kaisipan hinggil sa usaping ito.

Lingid din po sa aking kaalaman na hindi lamang ang problemang ito ang naging at magiging suliranin ng ating bayan na kung hindi man po mabigyan ng kaukulang aksyon ng Kasalukuyang Administrasyon sana po ang susunod na hihirangin ay mabigyan manlang ng kahit katiting na pansin ang ganitong klase ng krimen.

Sa isang banda ako po ay labis na nagpapa-salamat sa ating Punong Bayan na sa loob ng Siyam na Taon ay napanatili pa rin ang kapayapaan sa pangkalahatang nasasakupan ng ating bayan ng Paete, Laguna bagamat nagkaroon po ng mga ganitong pagkakataon bago matapos ang inyong panunungkulan na hindi din naman natin inaasahan at walang may kagustuhan ay buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo.

Para naman sa mga mamamayan ng Paete, Laguna ako po ay nananawagan na sana ay buksan ng bawat isa ang kani-kanilang mata, tenga at kaisipan sa pagpili ng kanilang mga kandidatong karapat-dapat may karanasan man o wala para sa kinabukasan ng ating mahal na Bayan.




Marlito "Bisong Baradag" Baysauli
_________________
-->RESPECT<---
harungas_03
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group