PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

INA........LAGI KANG ALAALA 2013

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Apr 19, 2013 1:58 pm    Post subject: INA........LAGI KANG ALAALA 2013 Reply with quote

Kahit ilang taon na ang mabilis na lumipas
Alaala ni Ina ay walang pagkupas
Sa mga sandaling tila tumigil ang oras
Ang isip at puso ko sa kanya naglalandas.

Kasama na ako sa grupong may edad
Narating ko na rin ang noo’y pangarap
May asawa’t anak, may apong nadagdag
Kung bakit si Ina pa rin ang syang hanap.

Nang kami’y iniwan nitong si Kang Berting
Na siyang panganay sa bilang na anim
Ang hapdi sa dibdib di kayang batahin
Luha sa mata ko di kayang ampatin.

Sa bawat pahina nitong aking buhay
Magkasama lagi ang saya at lumbay
At sa bawat yugtong ako ay luhaan
Ang haplos ni Ina ang nararamdaman.

Walang pinipili itong kamatayan
Hindi mapipiho ang dating kung kailan
At kung sobrang sakit ang siyang maranasan
Diyos ang sinisisi ng iba…..kung minsan.

Katulad nga nitong nakaraang buwan (Marso 2013)
Kapatid kong si Raffy, kami ay iniwan
Sa kanyang edad na limampu at siyam
Marami pa sanang ‘aring magampanan.

Nanaghoy na muli ang aba kong puso
Sa Diyos at kay Ina ay nagsusumamo
Kung paanong sa buhay kapatid ko ay bigo
Sa dako pa roon ligaya’y makatagpo.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group