PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Limampung Taon Singkad

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Jun 16, 2013 5:43 am    Post subject: Limampung Taon Singkad Reply with quote

Kaydaling malibang nitong aking isipan
Nalimot ang kumatha ng tulang kay inam
Sapagkat nalunod sa dami ng kaibigan
Doon sa talaan kalawakang pantahanan

Ang daloy ng buhay sa akin ay tuloy lang
Ipinagpapatuloy ang araw na pagsalang
Mga gawain sa bahay at sa tangapan
At pangkalusugan na mahalaga sa katawan

Nais ibahagi ang karanasan bilang isang ama
Sa matagal na sandaling napalayo sa pamilya
Kung bakit nga ba ito ay sadya bang itinalaga
Ninais humanap ng pera tiniis mapalayo sa kanila

Nagsimula sa mga pangarap may kasamang tamis
Ilan taon lang makakamit kung kayat konting tiis
Tayoy makabibili ng bahay mga utang ay malilinis
Kagamitang kailangan ay mabibili na ni misis

Akala ko noon sa malayo ay hindi magtatagal
Sandal lang ako katagang iniwan sa bayang mahal
Sa pagalis ko dala ang pag-asa at ipagdarasal
Na makamit ang tagumpay malayo man sa minamahal

Sa unang mga araw buwan taon ay tuliro ang aking budhi
Sinisisi ay may kapal bakit ganito ang buhay na ibinahagi
Malimit ay hindi makatulog at pilit pinabibilis bawat gabi
Nawala na ang saya nitong puso sa isip at sa aking sarili

Tatlong dekada na pala ang matuling na lumipas
Ako ay patuloy pa rin sa ibayo pakapak ay baba taas
Kay dami ng mga lugar ang narating sa pagkumpas
Hindi na natapos ang minithing sa hirap ay panlunas

Sa aking pagmumunimuni ay malaya ko nang tinangap
Na ito na ang kapalaran sa buhay kong nahagilap
Kung kayat ipagapasalamat sa maykapal ang lahat
Binigyan ng buhay limampungtaon na pala ako bukas..

Aking Ipinagpapasalamat ang lahat sa aking kaarawan
Sa loob ng limampung taon pait saya at kalungkutan
Bininigyan ng pagkakaton na lahat ng ito ay makamtan
Maligayang kaarawan sa tulad kong ama kahit nasaan ka man

Munting handog lang po
Salamat po

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group