PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Isang maikling kwento

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo Baldemor
Guest





PostPosted: Tue Aug 27, 2013 7:12 am    Post subject: Isang maikling kwento Reply with quote

Hinango ko po ito sa isang kwentong aking nabasa maraming taon na ang nakakalipas.....medyo malabo na sa memorya ko ngunit yung itinuturong prinsipyo ang aking ibig ibahagi. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit.

Isang mag-ama ang naglalakbay tungo sa malayong siudad upang magsimula ng panibagong buhay. Akay nila ang isang asno na may dala ng kanilang kaunting mga gamit at pagkain.

Pinagtawanan sila ng mga nadaanang tao at sinabi, “ Napakatanga naman ng mag-amang ito. Me asno naman ay naglalakad pa.” Kagyat na sumakay ang mag-ama sa asno at ipinagpatuloy ang kanilang paglalakbay.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo nang may marinig silang upasala sa kanila dahil umano sa pinahihirapan nila ang maliit na asno sa bigat nilang mag-ama.

Hinayaan ng Ama ang anak na siyang nakasakay habang antabay siyang lumakad sa paglalakbay. Hindi pa kalayuan ay narinig nila ang patuyang sabi ng nadaanang mga tao. “Ano ba naman ang batang yan, siya ang nakasakay habang ang me edad nang ama ang pinaglakad.” Bumaba ang bata sa asno at hinayaan ang Ama na siyang sumakay dito.

Makaraan ang wala pang isang milyahe ay pinulaan na naman ng mga tao ang mag-ama. “Napakawalang kwentang ama naman niya, yung batang anak ang pinaglakad at siya itong nasasarapan sakay ng asno.”

Binagabag nang husto ang mag-ama sa lahat nilang narinig. Kumuha sila ng dalawang mahabang kawayan, nilagyan nila tolda at tali upang isakay at pasanin nila ang asno. Sa kasamaang palad ay umalma ang asno at nahulog sa bangin na ikinamatay nito. Lipos nang lungkot at hinagpis ang mag-ama na hindi na nakatuloy sa kanilang paglalakbay.

Aral: Kahit ano ang iyong gawin, kahit isinaalang-alang mo ang makakabuti sa nakakarami, kahit ano pa ang iyong pagsisikap na gumawa ng mabuti ay may pula kang aanihin. May mga tao rin na
“bulag sa kulay” ika nga (color blind) at iisa ang nakikitang kulay. May kasabihan sa Ingles na ganito, “Everything looks yellow to a jaundice eye.”

Bulanggugo
Batang Quinale
Back to top
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Tue Aug 27, 2013 10:11 pm    Post subject: Reply with quote

masasabi rin na walang sariling disposisyon ang mag-ama, dahil nakikinig sa bawat marinig.

pakalimiin na kung yung unang sitwasyon ang sinunod, malamang ay buhay pa ang asno at maluwalhati silang nakarating sa paroroonan.

Isa rin aral dito na kapag nagpasya ka kung ano ang makabubuti sa isang sitwasyon, pakinggang mainam ang mga puna, ito ba'y makatutulong upang pag-ibayuhin pa ang kasalukuyang kalagayan, o ito kaya'y pampagulo lamang???
Back to top
View user's profile Send private message
Bulanggugo.....
Guest





PostPosted: Wed Aug 28, 2013 6:31 am    Post subject: Sinabi mo "Naclit" Reply with quote

Naalaala ko na, sa Aesop's Fables ko nga pala nabasa ito....Elementary pa ako noon........

Medyo hindi sakto ang pagkaalaala ko pero yung prinsipyo nandoon. Exactly, kamo. Walang sariling disposisyon ang mag-ama. It is good to listen to the public's pulse and opinion, but at the end of the day, it is your call. Whatever you decide, you are answerable first, to your God and second to the people you are sworn to serve.

My 60 cents.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group