PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PAGSUSOG SA MGA KATIWALIAN_PORK BARREL

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo_2013
Guest





PostPosted: Mon Sep 16, 2013 8:09 am    Post subject: PAGSUSOG SA MGA KATIWALIAN_PORK BARREL Reply with quote

Ibang Pangalan…Dating Mukha
Bulanggugo….2008

Paulit-ulit kong pinasasaringan
Paboritong paksa na katiwalian
Minsa’y naaagnas na kabundukan
At mayr’ong mega-dike na pinagkitaan.

Anupa’t saan man mata ay ibaling
Sa mga proyekto ng gobyerno natin
Mayro’g kalakaran at mga tuntunin
Tiyak ang pasimuno ay may kikitain.

Iyang mga “bidding” sabi lang at turing
Halaga ng proyektong siyang gagastusin
Mali ang akala paano man sumahin
Tunay na usapan “magkano ang akin?”

Ang pinaka-ugat na siyang pinuno
May kanang-kamay na siyang tanging sugo
Hindi pumapapel tango lang nang tango
Para pag pumalpak siya’y nakatago.

Yang mga “pork barrel” ano ba talaga
Pantulong sa bayan tulad ng kalsada?
Kongresista’t senador tingin dyan ay pera
Gastos sa eleksyon bayad na’y tubo pa.

Sinumang contractor ang nakikisali
Sa mga proyektong maliit o malaki
Tanungin mo lamang usapang lalaki
Lagayan sa atin galis na makati.

Mga kontrabando sa ati’y labas-masok
Sa “customs” may kakampi, malakas ang loob
Ang lagayan doon ay katakut-takot
Ang dapat ay sa bayan sa bulsa nahuhulog.

Mga negosyante’y dalawa ang “libro”
Mayroong sa BIR at mayroong totoo
Bakit ka nga naman magpapaka-gago
Maglalagay din lang pandaraya’y itodo.

Ang mga sangay daw nitong demokrasya
Sa lokal, nasyonal, at maging probinsya
Mayro’ng “check & balance” ang tawag …kung baga?
Bokya ang sa bayan…balanse nasa bulsa…di baga?

Habang tumataas ang iyong posisyon
Tumataas din ang lagayang katugon
Kung libo sa bayan, sa siyudad ay milyon
Eh doon sa “ano” di ba’t mga bilyon?

Kabayang mga Pinoy alam na natin yan
Lagayan sa ati’y isang kalakaran
May maririnig ka na pangangatwiran
“Kahit di mo hingin…..dumarating na lang.”

Haaay naku bayan ko laging nakalugmok
Ang masang kawawa ay naghihimutok
May pag-asa ba sa lahing sumusunod
Na kapakanan ng bayan ay itataguyod?
Back to top
noli c. valdellon
Guest





PostPosted: Tue Sep 17, 2013 11:12 am    Post subject: Pork Barrel Reply with quote

Bulanggugo, I have always been impressed with your balagtasan skill. Seems like the way you pick up the words is as easy as taking candy from a baby. I guess I was absent when that skill was being taught.
Back to top
Bulanggugo.....
Guest





PostPosted: Thu Sep 19, 2013 8:47 am    Post subject: Salamat Noli... Reply with quote

Salamat Noli sa iyong pagpansin
Munting kakayahang 'binigay sa akin
Magagamay mo rin iyo lang hasain
At may kadalasan na iyong subukin.

Tula ay isa ring pampaluwag-dibdib
Ibulalas yaong nasa puso't isip
Nandiyan ang hinagpis, at saka ang galit
Pagpuri, pagbato at maging pag-ibig.

Kaya Totong Noli iyo ring subukin
Ilahad sa panulat ang iyong damdamin
Huwag katakutan o ikahiya mandin
Sa sining na ito walang maling turing.

Salamat
Back to top
Bulanggugo...
Guest





PostPosted: Mon Sep 30, 2013 7:43 am    Post subject: Salamat Noli Reply with quote

Salamat Noli sa iyong pahatid
Kakayahang tumula pwede mong makamit
Kung sa ating wika ika'y may pag-ibig
Bakit di subukin nang paulit-ulit?

Bulanggugo......
Back to top
noli c. valdellon
Guest





PostPosted: Tue Oct 01, 2013 8:27 pm    Post subject: Reply with quote

Thanks for the encouragement, Bulanggugo, still you are a genius when it comes to poem. I like your treatise concerning corruptions. I hope this malaise will be eviscerated.
Back to top
Bulanggugo....ulit
Guest





PostPosted: Wed Oct 02, 2013 1:10 pm    Post subject: Pagsusog... Reply with quote

Nagkakahulan ang mga pulitiko
Dawit sa “scam” na sampung bilyong piso
Ngayong dumaan na ang kung ilang linggo
Tanging si Napoles pa lang ang arestado.

Ang mga pangalan tunay na kilala
Sa pangungurakot sila’y dalubhasa
At kung magsalita akala mo bida
Silang inaapi may kulay (daw) pulitika.

Sapagkat “corruption” ay isang kalakaran
Halos lahat sila may uling ang kamay
Mas malakas ang loob, malaki ang kamkam
Yaong medyo takot medyo katamtaman.

At kung kasama ka sa kanyang partido
Yaong pinaka-lider ang sasagot sa ‘yo
Hawak ka ng mga sikat na abogado
Sa laki ng ninakaw tiyak na “abswelto.”

Yaong mga saksi ay patatahimikin
Sila at pamilya tiyak na tatakutin
At kung manindigan, ano’ng mararating?
Huwag naman sana sa malamig na libing.

Mga umuusig siyang haharapin
Kasinungalingan pilit tatahiin
May mga galamay na pagagalawin
Totoo ay pilit na babaliktarin.

Ang kamal na yaman ay kayang bayaran
Kahit ang paglikha nitong kaguluhan
May mga galamay na mga criminal
Na kayang maghasik takot kaninuman.

Sampung bilyong piso????

Mga silid-aralan siksikan
Mga kalsada-baku-bako, sira-sira
Mga tulay kulang
Mga pantaguyod sa mga magsasaka- wala
Mga pundo upang bawasan ang pagbaha-wala
Mga pundo para sa programang pangkabuhayan- wala
Mga pundo sa modernisasyon ng military-wala
Mga pundo sa pagpapabuti ng mga hustisya/hukom-wala
Mga pundo para sa pagpapaunlad ng enerhiya-wala
Mga pundo sa pagpapasigla ng turismo-wala

Sampung bilyong piso????

Hati-hati sila, mga panyero at panyera
Magkakasabwat sa nakawan
Magkakasundo sa hatian.
Mga kabulukan nagtatakipan
Mga bahay, sasakyan di mabilang
Mga anak nag-aaral sa ibang bayan
Mala-palasyo ang mga tahanan
May-ari o kasosyo sa mga negosyo
Mga magnanakaw, maiitim ang budhi, walang hiya
Pero nagpapakita sa mga simbahan
Nag-aabuloy kuno sa mga kawanggawa
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group