PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Sugatan Kong Bayan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Oct 13, 2013 1:29 am    Post subject: Sugatan Kong Bayan Reply with quote

Noon ay kay tahimik nitong bayan kong inibig
Panatag kang magpahangin sa labas ng iyong yungib
Tao ay magagalang may ngiting galing sa kanilang dibdib
Sagana at sumusulong ang lungsod sa gitnang panig

Kay daming mga nakasalang pagpapaunlad nitong bayan
Bilihin ay mura lang sapat mabuhay ang karamihan
Plano ay pangmatagalan sa mamamayan at boong tanan
Siya ay nasa tuktok kayat kita bawat sulok ng pamayanan

Kahit na anong ganda pamamalakad sa ating bansa
Itoy pinagsawaan at ng mga tao sa paligid nya
Ginawa ang lahat lasunin isipan ng bawat isa
Nagtagumpay ang oligarch at ang mga oportunista

Ang nais kong ibahagi itong aking muni muni
Bakit nga ba nalugmok ang masa’ng nakararami
Simulan natin noong kay Ferdinand sila ay namuhi
Siya ba ay pinatalsik sa sulsol ng puting lipi

Mula noon ay sumibol mga ngiting puno ng pag asa
Galungong na naging gabay sa matinding pag nanasa
Aayusin daw ang Pilipinas at tayo ay giginhawa
Boong tanan ay anung saya pagkat sya daw ay diktadora

Hindi doon natatapos kasaysayan sa katiwalian
Pumanaw na ang pinunong tinawag na strongman
Bagong gobyerno ay naghain doon sa mataas na hukuman
Lahat ng uri pandarambong inusig ng pamahalaan

Si Inang Imelda ay siyang humarap sa lahat ng pagdinig
Kay daming nalampasan sa mga bintang na inusig
Wala yatang napatunayan sa pagnanakaw na bumambibig
Kay daming nagsarang isip mamamayang nakamasid

Ngayon ay nasaan oh Sintang Bayan kong minamahal
Kay dami na ang yumamaman sa pwesto ay nagkakamal
Bayan ko ikaw ay naiiwan pagkat sila ay makakapal
Yumaman sa kahirapan mandarambong san damukal

Ang bayan ay inyong tingan wag ang kaban nitong bayan
Pagkat yan ay nakalaaan pagpapaunlad ng pamayanan
Kung sana ay totoo lang na kayo ay makabayan
Di sana tayo naiwanan ng silangan timog hilaga at kanluran

Ibat ibang lumalabas na pawang mga imbento
Upang malusutan mga gawa nyong mga maligno
Hindi nyo man aminin kasalanang ginawa nyo
Makikita sa kapaligiran paghihirap nitong mga tao

Magandang umaga po Kabayan saan ka mang panig
Gumawa ka rin ng kwento kaalamang pampaantig
Alisin mo ang tinik sa lalamunan ay nakapinid
Paluwagin mo ang dibdib at liwanagin natin ang isip

Salamat Po Bow… dugtunagannnnn….na
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group