PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Batang Lansangan mangangalakal

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
guest
Guest





PostPosted: Sat Sep 07, 2013 9:07 am    Post subject: Batang Lansangan mangangalakal Reply with quote

Ganda ang tanawin dito sa Paete Laguna...woodcarving Capital of the Philippines ika nga.... may taka, may ukit at ang importante makikita sa paete may BATANG LANSANGAN.... BATANG MANGANGALAKAL.....BATANG WALANG SUPORTA SA PAMAHALAAN SIMULA PA SA MGA DATING NANUNUNGKULAN.... NAG-ELEKSYON NA BAGO ADMINISTRATION ITO PARIN ANG PROBLEMA KC WALA RIN NAMANG NABAGO SA MGA NASA DSWD SILA-SILA PARIN ANO PA BA ANG BAGO.... ????????????
Back to top
Ming Baldemor-Bulanggugo
Guest





PostPosted: Tue Sep 17, 2013 6:37 am    Post subject: Batang Lansangan.... Reply with quote

Katotong Guest,
Mungkahi ko lamang, dumulog ka sa bagong pamunuan, ang mga bata ay iyong pangalanan, ang mga magulang kung mayroon man, at ang tirahan kung may tinutuluyan- ipaalam.

Kapag ang bagay na ito ay hindi inaksyonan matapos nating iparating sa mga kinauukulan, sasamahan kita sa pagpansin kasama ang ating mga lapis at papel upang idaing sa bayan ang kawalang asikaso at pagkilos.

Huwag nating ilagay ang kalesa sa unahan ng kabayo kumbaga....

Isa pa, ang paglilimayon ng mga batang mangangalakal ba ika mo, ay katungkulan o responsibilidad ng mga magulang. Kailangan muna ang pagiimbestiga at pagkalap ng mga impormasyon, pag-alam sa tunay na sanhi ng kanilang "pangangalakal sa lansangan" bago malapatan ng karampatang lunas o solusyon....

Mungkahi lang naman kung mamarapatin.....

Ming Baldemor
Batang Quinale....
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Mon Sep 23, 2013 8:21 am    Post subject: batang mangangalakal Reply with quote

paki bigay na lang po sakin ng e-mail address nyo... i-send ko sa inyo mga picture na nakunan ko.. hindi po kc ako marunong mag-attached sa usap, para makita ninyo.

Salamat po.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Sep 30, 2013 5:28 am    Post subject: dswd Reply with quote

Cno po b ang dswd ngayon?dati p din b?pti nga po ung nahuhuli n magnanakaw n minor d naipapadala s boystown dapat ay mag sample para matakot sila magnakaw,d po b bskante ang dswd ?wala po b mga applikante n qualified ? Pki sagot po mayor?mag iintay po kmi ng kasagutan?
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Oct 07, 2013 12:56 am    Post subject: RSW Reply with quote

Dapat po talaga ay magkaroon ng Registerd Social Worker ang pamahalaang bayan ng Paete para maaksiyunan ang mga nabanggit na suliranin at sa gayun din ay hindi na kumukunsulta sa mga social worker ng mga karatig bayan Very Happy
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Wed Oct 09, 2013 9:43 am    Post subject: dswd Reply with quote

Kung maari ay dapat po ay magkaroon tyo pero kung wala p po ay basta at may may sapat n kaalaman o pinag aralan hindi kumo matagal lamang n ngtatrabaho s dswd s ngayon khit baguhan o bta p ay mas qualified dahil sila.ang may sapat n pinag aralan d n uso ang seniority s public.
Back to top
Visitor
Guest





PostPosted: Wed Oct 09, 2013 10:30 am    Post subject: walang mangyayari dyan Reply with quote

kahit sinong maupo sa posisyong yan, wala namang ginagawa lahat. ninakawan kami, nahuli ang magnanakaw, anong nangyari, wala din. dahil pinakakawalan at hindi daw maihahabla pag bata pa. aba, ay kailan maihahabla at kailan parurusahan? pabalik balik ganon ng ganon, walang parusa, walang aksyon, lalong natututong magnakaw ang kabataan. Mayroon bang magagawa ang mga nahalal ?
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Oct 10, 2013 2:17 am    Post subject: dswd Reply with quote

Ngayon po ay aprobado n ung juvenile justice prang 12 yrs n. Lng wede n makulong
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Oct 11, 2013 9:16 am    Post subject: Reply with quote

ay bakit nakakakawala pa din?
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Oct 14, 2013 8:06 am    Post subject: Batang Lansangan mangangalakal Reply with quote

Ka Ming Baldemor... o yan marami na ang nagrereklamo, baka po panahon na kausapin nyo ang mga bagong halal ng ating bayan. Mahirap magbulag-bulagan sa mga problema sa ating mga kabataan... madaling araw na nasa kalsada pa sa bahagi ng Quinale, Brgy. 7, Ibaba, Ilaya at sa tagong lugar. Tingnan ninyo ang picture ng ating punong bayan sa bahagi ng mga ilog at canal may nacapture doon na mga bata na nangangalakal. Mga bata na umuiigib ng tubig sa Quinale at mga batang kasama ng kanilang mga magulang sa pag-uuling ng kahoy sa sitio tubog at Papatahan.

ACTION na... kilan pa
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Tue Oct 15, 2013 6:39 am    Post subject: Salamat sa hindi pag-bitaw Reply with quote

Tatawagan natin ng pansin ang mga kinauukulan sa mga bagay na may kinalaman sa “pangangalakal” ng mga kabataan tulad ng inyong hinaing. Hindi ko nalilimutan ang pangaral ng ating bayani na si Gat. Jose Rizal, “ nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.”

May mga panahon ang buhay ayon na rin sa Banal na Kasulatan, kung tawagin ay “seasons.” Kailangang iligtas ang ating mga kabataan sa kawalang pag-asa at mabigyan ng pagkakataon na mai-ahon ang sarili sa kumunoy ng kahirapan at kamangmangan.

Tulad ng kagalang-galang na “Eboy Dalagan” ang mga paaralan ay dapat tumangkilik sa mga mahihirap ngunit karapatdapat tulungang makapag-aral sa pamamagitan ng “scholarship” at iba pang paraan upangmakamit nila ang edukasyon na magpapaunlad sa kanilang buhay. Ito ang panahon upang mag-aral, hindi ang mangalakal. Oo, makakatulong sila sa kabuhayan ng kanilang pamilya sa ngayon, ngunit papaano ang kanilag bukas, papaano rin ang magiging anak nila pagdating ng araw.

Ang ikinakatakot ko ay ang hindi kaiga-igayang balita na may mga kabataan sa atin na natututong “ipangalakal” ang kanilang katawan kapalit ng kaunting ginhawa na dala ng salapi. Kung may katotohanan, kailangan ang isang pagkilos sa pangunguna ng mga pinuno ng mga simbahan at ng pamahalaang local upang sugpuin ang gawaing ito at iligtas ang sambayanan sa “imoralidad” na mag-aakay sa mga sumusunod na salin-lahi tungo sa kasamaan at kasalanan. Ilantad natin sa liwanag ang mga gawain ng kadiliman.

Kailangan po natin ang paghakbang sa ikaliliwanag at ikalulutas ng usap na ito tungkol sa pangangalakal ng mga bata sa atin at ang naka-ambang panganib sa aking huling nabanggit.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Wed Nov 06, 2013 10:20 am    Post subject: batanga kaye Reply with quote

Ang ganda ng mga post sa lente ng camera na naka-attached at download sa FB ni Mayor at Vice mayor batang nakahiga sa isang stante ng tindahan...... hanggang sa picture picture na lang ba ang bagong pamahalaang lokal ng Paete... action po kilan pa.... last saturday may namamalimos na mag-iina sa bahagi ng quinale... grabe na ito. MALIGAYANG PASKO PO MAYOR.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Nov 08, 2013 12:00 pm    Post subject: Re: batanga kaye Reply with quote

guest wrote:
Ang ganda ng mga post sa lente ng camera na naka-attached at download sa FB ni Mayor at Vice mayor batang nakahiga sa isang stante ng tindahan...... hanggang sa picture picture na lang ba ang bagong pamahalaang lokal ng Paete... action po kilan pa.... last saturday may namamalimos na mag-iina sa bahagi ng quinale... grabe na ito. MALIGAYANG PASKO PO MAYOR.


...kahit saan ka pumuntang lugar sa Pinas, may makikita kang namamalimos..hindi kasalanan ng Mayor ito.. ano baga ang gusto mong iparating na mensahe dito? tapos na eleksyon at pulitikahan, ang kailangan natin ay mag tulungan.
Back to top
visiting
Guest





PostPosted: Fri Nov 08, 2013 10:45 pm    Post subject: Reply with quote

Haka !!!!!!!!!!!
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Sat Nov 09, 2013 11:11 pm    Post subject: Reply with quote

mga kabayan puro kayo comment ng masama sa mayor kayo din dapat kumilos, wag ninyo iasa lahat sa mayor yan, kong mga natalo ang mga bata ninyo na kumandidato tumulong na lang kayo sa mga naglilingkod ngayon, iilang buwan pa nakaupo puro na kayo kabulastugan ang mga pinasasabi, kong ano ano nakikita ninyo pero di niyo nakikita yung ilang buwan na may mga ipinagbago na diyan sa bayan natin. ------ kayo wala naman kayo mga ginagawa kundi mag comment ng mag comment dahil talunan mga kandidato ninyo, tumulong na lang kayo para pakinabangan kayo ng bayan ng paete, mahiya kayo sa balat ninyo ang kakapal.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Wed Nov 13, 2013 8:43 am    Post subject: Reply with quote

Nakakalungkot naman, pulitika parin ang pinagdiskitahan ng mga tao pag may pumupuna, sa makatutuhanan ang Mayor KO ay si Mutuk at ang vice ko ay si Kid. kaya mali ang pagsusuri mo kabayan... hindi pulitika, pulitiko at hindi ka-alyado ng kilala ninyong kalaban sa pulitika, ang babaw naman ng pagtingin mo sa mukha ng kahirapan at kalalagayan ng Paete. Ano ang punto? Matapos makita ng punong bayan at ilang namumuno sa ating lokal na pamahalaan ang kalalAgayan ng bata ano ang aksyon na ginawa? Matapos mailathala ang mensahe sa unang posting ano ang planong ginawa? Panay Facebook lang naman ang ginagawa ng mga ahensya ng pamahalaan na natutuk sa ganitong problema. Napakaganda ng usap Paete dahil dito mo mailalabas ang mga gusto mong mabago sa BAGONG PAETE na ibinabandera ng mga namumuno sa pamahalaang lokal. Sayang hindi ka marunong tumingin kung papaano babasahin ang mga mensahe kung ano ang problema. Ito nga po ang pinaka malaking tulong ko sa Bayan ng Paete ang manggising ng mga namamahala upang makita ang problema ng hindi lumalala. Mandato ba at opisyal ba ang paggamit ng Facebook ng mga ahensya na nadapat ay tutugon sa ganitong problema. kung hindi ito matatalakay at makikita ng ng mga namumuno sa ating bayan papaano maisasama sa CONPREHENSIVE DEVELOPMENT PROGRAM NG ATING BAYAN. ANNUAL INVESTMENT PLAN an problema ng ating mga bata, kabataan at mga indigent families ng paete laguna. Sana mapagmunimuni ang ganitong bagay. SA PAMAMAGITAN NITO SANA MAKATULONG SA ATING MAMAYAN ANG GANITONG PANAWAGAN. SAYANG ANG BUWIS NG MAMAYAN. IBANGON ANG BAGONG PAETE LAGUNA.
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Nov 18, 2013 12:32 am    Post subject: Huwag Malungkot Reply with quote

...kung talagang gusto mong matugunan agad ang iyong inilalahad na problema..mabuti siguro na pumunta ka sa opisina ni Mayor at kausapin mo siya at sabihin mo o magbigay ka ng suhesyon sa kanya para sa "madaliang pag-lutas" ng nakikita mong problema...facebook o Usap Paete, walang pinagka iba yan... ang kailangan siguro ay personal na pakikipag-talakayan at pakikipag tulungan sa mga namumuno sa ating bayan
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group