 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Wed Dec 25, 2013 12:32 am Post subject: Diwa ng Pasko |
|
|
Kay tagal ng panahon nawala sa isipan ko
Ang tunay na diwa at pagdiriwang nitong Pasko
Ibat ibang kahulugan ang dulot sa damdamin mo
Mayroong masaya at mayroon din nanlulumo
Sa mga mayaman at maraming kaibigan
Sa kumpletong pamilya masaya ang tawanan
Sa nakaririwasa at hirap ay hindi ramdam
Ang buhay kay timyas parang walang katapusan
Ang tadhana kung minsan may hapding dulot
Katulad kong malayo sa ibang bayan pumalaot
Nais mang magsaya ng pusong puno ng lungkot
Inilayo sa mga mahal ng kapalarang masalimoot
Sa ganitong sandali nating mga Kristiyano
Ay napakahalaga buo ang pamilya mo
Ang pagsasama-sama ay gintong araw ito
Masayang kwentohan sa hapag ng salo salo
Kung kayat sana lang kung may oras pa
Ang makapiling mga mahal mo at ang ama’t ina
Ito ay simbolo at halaga ng diwa sa isat isa
Ang magkasama sama minsan lang kung Pasko na
Kay tagal ko ng kinimkim ang pangungulila
Sa iniwang bayan sa pagmahal ay nagdurusa
Bato kong puso sa isipan sabi ko ay tama na
Ngunit hindi mapigilan pagluha nitong mga mata
Maligayang Pasko po, ikaw ay nasaan man
Ito ang handog aginaldo sayo mahal na kaibigan
Ang humabi ng tula sa araw na kapaskuhan
Sagradong pagsilang ng sangol doon sa sabsaban.. _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
Lola maria Guest
|
Posted: Wed Jan 01, 2014 11:07 am Post subject: Tula ni Winston |
|
|
Ang tula mo Winston ay punong puno ng damdamin alay sa lahat ng kababayan at naghahayag ng pananabik na makamtn muli ang dating init at pagmamahalang ibinigay ng Maykapal sa araw ng kanyang pagsilang.
Thank you again,
Taga quinale |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Tue Jan 07, 2014 5:29 pm Post subject: |
|
|
Salamat po Lola Maria.. Happy New Year Po.. God Bless.. na mimis ko po ang iyong mga tula.. _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|