PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MAGPATAWAD

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
MING B....aka Bulanggugo
Guest





PostPosted: Fri Feb 21, 2014 10:44 am    Post subject: MAGPATAWAD Reply with quote

Magpatawad Upang Patawarin
Bulanggugo-2014

Ang isa raw na pagkakamali
Hindi maitatama ng isa pang muli
May mga naligaw, maitim ang budhi
Na sa pagsisisi’y isinilang muli.

Ayon sa Kanya ang paghihiganti
Ipagpaubaya sa Diyos na mabuti
Pagdurusa’t sakit ng mga nangyari
Sa banal na altar ihain ang sarili.

Hayaang parusa Siya ang mag-gawad
Dahil ang hustisya ng tao’y di sapat
Wika nya ang tao dapat magpatawad
Sa atin ay utos na dapat matanggap.

Habang iniimbak ang galit sa dibdib
At ang mga ngipin laging nagngangalit
Pansinin, Katoto, ang pait at sakit
Dalahing pabigat, saya di makamit.

Kaya sa pag-usad ng maikling buhay
Biyaya’t pagsubok ipagpasalamat
Mabubuting gawa dalhin mo hukay
At ang masasama pagsisihang tunay.

May kilala akong isang kaibigan
Puno ng problema maging kapansanan
Sa Diyos ang lagi niyang kahilingan
Ay biyayaan siya nitong kamatayan.

Kaya ang salaring siyang naging ugat
Kumitil sa buhay at mga pangarap
Hahayaan mo bang sa isa lang iglap
Ay lumisan siyang walang paghihirap?

Ang parusang gawad hayaang danasin
At ang buhay niya huwag nating kit’lin
Baka pagsisising dasal ay sambitin
At kapatawaran sa sala ay kam’tin.

Lahat naman tayo mayro’ng bahid dungis
Tanging si Kristo lang ang siyang malinis
Gayong isang Diyos dugo ay itinigis
Upang ang nagsisi sa huli’y di tumangis.

Gawang maka-Diyos ang pagpapatawad
Luluwag ang dibdib at may sayang gawad
Sa takdang paghuhukom kay Kristo pagharap
Mga kasalanan mo burado nang lahat.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group