PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Matandang Hukluban

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
FMA
Guest





PostPosted: Wed Feb 26, 2014 4:18 pm    Post subject: Matandang Hukluban Reply with quote

NagLambing ang Langit sa Puso't Gunita
Na Noong araw ma'y ..... Suma'y mukhang Bata
Bakas ng Kahapo'y hindi Alintana
Nagbingi-Bingihan ng hindi Tumugma
Kulubot na Anyo'y Hindi Nag-Paraya
Sariling Salamin ang Uma-lipusta

Hinawi ang Telon nang Naka-Agapay
Habang Nangi-Nginig sa Tungkod na Tangan
Ang dating Karipas Mandi'y Hinay-Hinay
Lalak-Bayin mandi'y Kapirasong Siwang
Paglapat sa Lupa ..... ay Hingal Kalabaw
Waring Matitisud ng walang Sagabal

Ang Kislap ng Mata'y Binura ng Hangin
Kahit Nakapikit waring Mapu-puwing
At Ina-Aninag ang Dati'y Di Pansin
Gimbal ng Kaaway nakuha sa Tingin
Ngayo'y Ngiting Aso ng Walang Panimdim
Matang Mabalasik Nawalan ng Pangil

Salitang Binitiwa'y Dati ay May Anghang
Buong Pananalig nitong Sam-Bayanan
Kapag Binigkas na ... sa Irog na Mahal
Dulot na Ligaya'y Eden ang Kapantay
Sa Ngayong Panahon Ipag-Pumilit man
Itong Pasubali'y Walang Kabuluhan

Wala mang Bantayog ay Tini-Tingala
Nito ngang Lipunang Siya ang Lumikha
Butas ng Karayum Bago Mapinsala
Armadong Galamay ang Naka-Sunganga
Itong Karangalang Hindi man Kinusa
Sa Lapidang Marmol .... Ipina-Ubaya

Kapagka-NagUtos iyong Mapipiho
Lahat Ta-Talima na Yuko Ang Ulo
Dating Mandirigmang Naluklok sa Trono
Mahirap Tapatan ang Korona't Setro
Kinata-Takutang Kahapong Berdugo
Tigapag-Alaga .... Magugulong Apo

Sa Dami ng Gamot na Ina-Atupag
Tabletas, Kapsula, kundima'y Pilduras
Para ng Orasyon na Wasto sa Oras
Paningi'y Nagdilim ng Minsang Malingat
Ang Yugto ng Buhay nitong Hinaharap
Magpantay ang Paa'y Wala ng Hinagap

Mga Kapulungan laging Nababanggit
Ang Kanyang Pangalan na Minsa'y Yumanig
Pagkat Mga Letra na Tatu sa Dibdib
Walang Pakungdanga'ng ...... "Ako'y Pamanganib"
Ang Dating Pangala'y nawalan ng Titik
Walang Makarinig Isigaw mang Pilit

Kay Daming Binihag na Mga Alindog
Pagkat Dadalhin ka Saan Mang Lupalup
Ika-Pitong Langit ang Hi-Ninging Limus
Panahong Lumipas Kung Hindi man Angkop
Itong Mga Bugaw kagyat na Kumilos
Bayarang Babae'y Di Pa Rin Sumipot

Dapat ay Pabulong ng Huag kang Marinig
Pagkat Magpupuyos sa Tindi ng Galit
Kundi ka Sang-Ayun Salungat sa Ihip
Maka-kabuting pang Itikum ang Bibig
Kung Nuong Araw Man'y .... Saksakang ng Lupit
Maamong Kordero ang ngayo'y Kawangis

Siya ang Naiwan Maraming NaUna
Mga Kaibiga't Tunay na Barkada
Na sa Dapit-Hapon sa Tuwi-tuwina
Hindi Maiwasan ang Luha sa Mata
Habang Ninanam Mga Ala-Ala
Dusay Maiibsan kung Ku-kuhanin na ! ! !

fma/estadosunidos
Feb 23, 2014
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group