PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MATABUNCCA FALL- ng Paete
Goto page Previous  1, 2
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
simbakuni
Guest





PostPosted: Tue Apr 08, 2014 11:58 am    Post subject: Re: MATABUNCCA FALL- ng Paete Reply with quote

MING BALDEMOR-B-Quinale wrote:

....Bakit ko po ito sinususog?

Dahil nga po sa aking tinuran na masyadong "self-serving" ang bagay na ito..........yun po bang pansariling kagalingan, o nagsusulong sa sarili, pangalan man o adhikain, o pagkilala, atbp. Ito po para sa aking ay hindi katanggap-tanggap lalo na at ang nagpasa ay mga "aktibong miyembro ng konseho." Kung ito po ay pangalan ng isang taong patay na, na may malaking kabutihan o kabayanihan para sa bayan.....siguro po ay wala po tayong pag-uusapan. Sa salitang matatanda kumbaga ay "parang lisya sa kumpas."

Humihingi po ako ng paumanhin sa pagbubukas ko ng usap na ito...uulitin ko po I have nothing personal against anyone, opinyon lang po.

Gumagalang,

Ming Baldemor
Batang Quinale


...akala ko baga ay ang nasa taas ("self-serving") ang dahilan ng talakayang ito na iyong binuksan???

...ngayon naman ay parang nag dududa ka sa proseso ng pagpapangalan ng mga landmarks, streets, atb pa., particularly yung talon...ano baga talaga kuya?

siguro naman ay sumasangayon ka at alam naman natin na maraming mas mahalaga at makahulugang gawain ang mga namumuno sa ating bayan kesa susugin o palitan ang pangalan ng talon, kaya let them do their job based on "needs or priorities"..ika nga eh "they got better things to do" so let it go!
Back to top
MING BALDEMOR-B-Quinale
Guest





PostPosted: Wed Apr 09, 2014 6:49 am    Post subject: Nagdududa??? Reply with quote

Ginoong Simbakuni,

Mayroong tinatawag na mga pagdinig sa mga "kongreso" na ang hangarin ay imbestigahan ang mga bagay....."in aid of legislation" para lalong maging mahusay at maging epektibo ang mga batas na ihahain at pagtitibayin ukol sa iniimbestigang bagay (matter).

Ang mga proseso ay pinakamagaling hanggang hindi pa nasususugan o nakikitaan ng mas epektibong pamamaraan. Laging may "room for improvement" ang lahat.

Maiiwasan sa darating na mga panahon ang pagkakaroon ng kulay na tinatawag na "self-serving" kung dumadaan sa mas pinagaling, mas pinalawak na talakayan, mas "transparent," at mas naaayon sa katanggap-tanggap na moralidad.

Ang lahat ng bagay, kasama na ang mga batas ay nag-e-evolve over time. Ang pagtuklas at progreso ay hindi tumitigil. Hindi ko tinatawaran ang kakayahan ng mga namumuno sa ating bayan....bagkus ay hinahangaan ko ang mga kilos at "initiative" ng ating pamunuan.

Tanggap ko na maaaring hindi na mapalitan ang pangalang Matabuncca..........ngunit papaano ang mga susunod pang pagpapangalan? Sapat na ba na "tayo-tayo ay magkasundo, magkaisa na pangalanan natin (ang ilog, tulay, bundok, ilog, at iba pa) ng mga titik ng ating mga apelyido, o kaya ng ating mga asawa, anak, apo........atbp. para lamang magkapangalan? Ang katitikan ang maglilinaw ng mga nangyari noon......subalit sabi mo nga-maaaring huli sa prioridangyaad ang usaping ito.

Salamat po sa mga sumali sa talakayang ito.......

Gumagalang,

Ming
Back to top
Mario Ramos
Guest





PostPosted: Thu Apr 10, 2014 2:40 am    Post subject: Reply with quote

Samakatuwid, lumalabas na talagang importante kay Mang Ming na mapalitan ang pangalang Matabuncca. Maliwanag hanggang huli ay nag ngi ngit siya kung bakit naipasa-batas at "gamitin ang mga simula ng mga apelyidong Paete para lamang mabuong pangalan ng talon".Para sa akin, unique ang ating mga apelyido,karamihan ay hindi apelyidong kastila. Napakababa naman ng pagtingin niya sa mga namuno noon. Para sa akin, hanga ako sa kanila dahil, una, nagkaisa silang mga HALAL ng bayan, naging iisang bigkis sila at sila lamang seguro ang nauna na gumawa at nagisip ng bahay na ito.Hanga ako dahil sa mga sumunod ng mga halal ng bayan, ang dami nila, pero may nakaisp na bang mag pangalan na tulad nito? O, kahit magpangan man lamang di na ang paggamit ng mga apelyido. Ang nakita ako lang na pangyayari ay magkaroon ng pambayang bayani, na para sa akin, ay lihis sa pagpili ang ginawang prosesong ito.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Apr 11, 2014 11:22 am    Post subject: Re: Nagdududa??? Reply with quote

MING BALDEMOR-B-Quinale wrote:
Ginoong Simbakuni,

Mayroong tinatawag na mga pagdinig sa mga "kongreso" na ang hangarin ay imbestigahan ang mga bagay....."in aid of legislation" para lalong maging mahusay at maging epektibo ang mga batas na ihahain at pagtitibayin ukol sa iniimbestigang bagay (matter).


everyone knows this, thank you!
Back to top
MING BALDEMOR-B-Quinale
Guest





PostPosted: Mon Apr 14, 2014 7:13 am    Post subject: HIndi kayo/tayo ang hahatol Reply with quote

Kung ano man ang inyong isipin o ihatol sa aking hangarin na pag-usapan ay karapatan nyo yan, pero malaya rin ako na magpahayag na sa ganang akin.

Wala akong pagngingitngit, galit, o lihim na pagnanasa o kagustuhan na mapalitan ang pangalan, isa po lamang paglilinaw para sa mga susunod pang pagpapangalan....

Iginagalang ko po ang mga namumuno at namuno na sa ating bayan dahil iyan ay isang paglilingkod-bayan.

Iginagalang ko rin po ang inyong opinyon at saloobin, hindi ko kayo hinahatulan- Guest and Mario Ramos, Simbakuni?..........ang tunay na kahatulan ay sa darating na panahon...at ang Kanyang kahatulan ay "just and perfect."

Gumagalang pa rin.....

Ming ng Quinale
Back to top
Simbakuni
Guest





PostPosted: Tue Apr 15, 2014 1:22 pm    Post subject: Re: HIndi kayo/tayo ang hahatol Reply with quote

MING BALDEMOR-B-Quinale wrote:
Kung ano man ang inyong isipin o ihatol sa aking hangarin na pag-usapan ay karapatan nyo yan, pero malaya rin ako na magpahayag na sa ganang akin.

Wala akong pagngingitngit, galit, o lihim na pagnanasa o kagustuhan na mapalitan ang pangalan, isa po lamang paglilinaw para sa mga susunod pang pagpapangalan....

Iginagalang ko po ang mga namumuno at namuno na sa ating bayan dahil iyan ay isang paglilingkod-bayan.

Iginagalang ko rin po ang inyong opinyon at saloobin, hindi ko kayo hinahatulan- Guest and Mario Ramos, Simbakuni?..........ang tunay na kahatulan ay sa darating na panahon...at ang Kanyang kahatulan ay "just and perfect."

Gumagalang pa rin.....

Ming ng Quinale


I think the main issue here started by Ming ng Quinale was his opinion that Matabuncca falls was a self-serving name selected by those people who named it. But then at the end even him realized and agreed that it wasn't.

kaya pwede po bagang tigilan na natin itong walang kakuwenta-kuwentang bagay na pinag-tatalunan dito?

CASE CLOSED!!!
Back to top
MING BALDEMOR-B-Quinale
Guest





PostPosted: Wed Apr 16, 2014 6:14 am    Post subject: YOU DID NOT GET IT Reply with quote

Sorry, Simbakuni, but you did not get it.

I beg to disagree that it's "walang kakwenta-kwenta." Lalong tumibay ang aking hinala na mayroon kang malalim na koneksyon sa sa usap thread na ito...

Magpakilala ka kaya? Huwag magtago sa saya at tapos magsasalita ka ng walang bantasan.

Ming ng Quinale
Back to top
simbakuni
Guest





PostPosted: Thu Apr 17, 2014 7:19 pm    Post subject: Re: YOU DID NOT GET IT Reply with quote

MING BALDEMOR-B- Quinale wrote:
Sorry, Simbakuni, but you did not get it.

I beg to disagree that it's "walang kakwenta-kwenta." Lalong tumibay ang aking hinala na mayroon kang malalim na koneksyon sa sa usap thread na ito...

Magpakilala ka kaya? Huwag magtago sa saya at tapos magsasalita ka ng walang bantasan.

Ming ng Quinale


again this is your opinion and I will say it again this talk is just a waste of time kaya Kuyang, payo ko, huwag mo nang pahabain pa.. mas mabuti pa tumula ka na lang kaya??

CASE CLOSED!!!
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Thu Apr 17, 2014 7:32 pm    Post subject: Matabuncca Falls Reply with quote

There you get it, Simbakuni. If it was your opinion that you agreed that it wasn't serving serving, then state it as such. It's not really nice to put your words into somebody else's mouth!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2
Page 2 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group