PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

EBOLA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
DK
Guest





PostPosted: Thu Oct 23, 2014 9:35 pm    Post subject: EBOLA Reply with quote

mga kababayan:
sa ngayon, may isa na namang positive na pasyente sa new york city. alam nating namatay ang unang pasyente sa texas. parehong nanggaling africa ang mga ito. at alam nating maraming namamatay sa africa hanggang ngayon dahil walang gamot o bakuna sa nakamamatay na hemorrhagic fever na ito. mayroon 1700 pilipino sa tatlong bansang pinanggagalingan ng ebola. hindi natin tiyak kung may mga taga paete doon. mayroon din cruise ship kung saan ay na quarantine and isang may sakit. hindi natin alam kung may taga paete sa cruise ship na iyon. sa pagkakataong ito, ang pilipinas sampu ng ating bayang paete, kahit maliit ay maraming mga overseas worker na hindi man natin gustohin ay potential na makapaguwi ng ebola. hindi sa pananakot sa bagay na ito, ay hindi imposibleng makahawa sa ating mga kababayan. dapat naman sigurong pagusapan para sa ikililigtas nating lahat ang bagay na dapat nating pagusapan, gawan ng paraan o pagiingat para hindi kumalat ang sakit na ito sa ating bayan. dapat segurong pagusapan sa Kgg Sangguniang bayan ang bagay na ito. kailangang gumawa ng mga hakbang ang ating mga namumuno para imulat ang mga mata lahat, bigyang babala ang balana at mag handa para sa ika iigi at ikaliligtas ng lahat . ganoon din ang Paetenian International na kilala sa pangunguna sa pagtulong sa paete, lalo na si Dr.Tabia bilang president, si Dr. Re Milan na presidente ng Chicago chapter, Ms Pascual ng Paete Chapter, at iba pang chapters ng nasabing samahan, ay magtulungang maka acquire ng mga PPE o personal protective eqipment para sa ating Puericulture Center para gamitin kung sakasakaling dumating ang hindi inaasahan. Mga kapitan ng baranggay at mga health workers, gumawa kayo ng mga protocols sa bagay na ito. Ang buong bayan ay kailangang mabigyan o turuan ng mga bagay para makaiwas tulad ng maghuhugas ng kamay, iwasan ang hindi dapat pakikipag kiskisan sa mga may lagnat at iba pang paalala sa boong mamayan ng paete.Mayor, baka puedeng magpabando ang Puericulute center ng isang pagala sa buong bayan tungkol sa Ebola.Mga principals, paki dessiminate sa pamamagitan ng isang pamgbayang parade para magingat ang lahat. Ingat Tayo mag kababayang taga Paete.Salamat p. DK
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group