PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATUWAAN SA GITNANG BAYAN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 28
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Wed Sep 11, 2019 1:28 pm    Post subject: KATUWAAN SA GITNANG BAYAN Reply with quote

"KATUWAAN SA GITNANG BAYAN: ISANG KATHANG ISIP"
(My tribute to the barbers of Paete of the 50s,60, 70s and beyond who served the townfolks for many years, from their childhood to adulthood. They are trusted because of their skills, friendliness, and sense of humour. They were good fathers and reliable family providers. With sincerety, no pun, no ridicule intended. scnavarro88@gmail.com)

UNANG BAHAGI

May ilang barbero na nagkatuwaan
Nagkasama-sama doon sa Tayangtang
Trabaho'y natapos, nakapaghapunan
Sa Gitna ng bayan, nagpapahinga lang.

Ang napag-usapan ay lubhang masilan
Kung mag-aasawa, ano ang basihan
"Kung taga-Paete ka, tanong: maganda ba?"
"Sa Pagsanjan naman, tanong: mayaman ba?"

Babaeng malaki, sabi ni Mang Pilo:
"Hanapin, ligawan at pakasalan mo
Magkasakit ka man, kaya kang buhatin
Kaya kang kalungin, kahit na pas-anin."

"Kung ang mga anak, matigas ang ulo
Ni ayaw makinig, sa wika't aral mo
Baka ang asawa ang katatakutan
Ng anak, palaging nangangatuwiran."

Kabaliktaran, sagot ni Mang Siso
"Babaing maliit ang pakasalan mo
Kung kayo'y mag-away at magpam-buno
Malamang siya ay kayang-kaya mo."

Singit ni Mang Udok, habang naka-upo
Pag-aasawa daw ay 'di gawang biro
Masipag o tamad ang mapipili mo
Mabait o sira, hindi sigurado.
(Dahil habang una ay pakitang tao)

Kumampi si Angkos, sa ama'y tumabi
Ang kinabukasan ay 'di mo sabi
Darating sa buhay, anong kapalaran
Ang guhit ang palad 'di huhulaaan.

"Dahan-dahan kayo", payo ni Mang Juan
"Kahit na babae, nakikipagsapalaran
Noong nanliligaw, lalaking esposo
Akala mo'y santo, 'yong pala'y demonyo."

Kung nagkasama na, ugali'y lalabas
Dating maginoo'y naging balasubas
Barkada'y kasama, maghapon sa daan
Ang inaatupag, salon at sabungan.

Tumango-tango lang, anak na si Celso
Sinabi ng ama ay kanyang natanto
Kahit na babae o kahit lalaki
Swerte't kamalasan, walang pinipili.

Kahit babae ka o isang lalaki
'Di mo masasabing ikaw ay masuwerte
Hanggang magsama na't araw ay lumipas
Kung siya'y mabait, o kulang sa basbas.

Ang sumpa sa altar ay panghabang buhay
Sa harap ng Dios, ito'y hanggang hukay
Nagkamaling dukot, mahabang kalbario
Dahil ang pangako, hindi mo mabago.

***********************************
Sa may paang-bundok, matagal ng kasal
Ito ang narinig, kanilang inusal
Mga kapit-bahay, namangha na lamang
Nangyayaring bangay, 'di inaasahan.

Sa pagsisisihan, lumabas ang tunay
Nilang mag-asawa, na tungkol sa buhay
At ang pagtatalo'y walang katapusan
Ganito ang kanilang nagiging sagutan:

Ang sabi ng babae:
"Sabi mo no'n araw, ng binata ka pa
Aalagaan ako na parang man(y)ika
Sa'n ang pangakong ating paraiso
Pag-aalaga ba ng sampung anak mo?"

"Mula pa no'n una, hindi ka na nagtantan
'Di ka na nahabag, sa aking katawan
Halos mana-on, aking panganganak
Tila ako ngayon ay lantang bulaklak."

Sabi ng lalaki:
"Sabi mo no'ng araw, ikaw ay magaling
Magluto ng ulam at mga kakanin
Ano ang nangyari sa iyong sinaing
Sa bato sa Saray, ay maihahambing?"

Sagot ng babae:
"Nag-sukob sa taon, anak na dalawa
Enero't Desciembre, ng sila'y magkita
Labing-isang buwan ang naging paggitan
Parang mag-kakambal, napagkakamalan."
(At mag-kaeskwela sa unang baitang.)

Sagot ng lalakii:
"Noong dalaga ka, pabango mo'y hasmin
Bakit kaya ngayon amoy mo'y masanting
Simula umaga ng ikaw, magising
'di ka na humarap sa ating salamin."

Pintas babae:
"Habang nanliligaw, ikaw, maginoo
Masipag magdala ng mga regalo
Ngayo'y ang gising mo ay onse na
Sa mantikang tulog, ipinaglihi ka."

"Plantsadong-plansado lawlaw mong pantalon
Long sleeves ang damit kung minsan pa'y banlon,
Sapatos, "Ang Tibay" palaging mong suot
Kung dumiga ka pa'y sintamis ng pulot".

Pintas ni lalaki:
"Nakukuriri ako sa aking pagdating
Ang mga tanong mo'y rapid fire ang dating
Wala kang ginawa kundi mag-usisa
Kaya ang palagay ko ikaw ay urira'."

Sabat ng babae:
"Tila ka makata at puntong Maynila
Ang katunayang lang ikaw ay madara'
Anong parti ng baboy, ang iyong nakain
Hindi ko napansing puno ka ng hangin."

"Sang-ayon kay Ama, asal mo'y 'di gusto
Sa mga usapan, 'di ka patatalo
Ang mga sagot mo ay pa-pilosopo
Lahat ay alam mo, ikaw ba ay henio?"

"Anak, ako sa 'yo, tunay nagtataka
Hindi ko marinig, ikaw, magmutarga
Sa pag-aalaga ng maraming bata
Habang asawa mo ay nagbibinata."

Sabat ni lalaki:
"Hindi baga pwedeng ikaw ay mag-ayos
Magpalit ng damit, saka mag-hilamos
Nagmukha ka tuloy na nanggugulawad
Nasanay lang ako, sa nagi kong palad."

Sinong manghuhula, dulot ng tadhana
Bago mo pulaaan, asawa't kasama
Tingnan mong mabuti ang iyong sarili
Baka kasama ka sa dapat ma-sisi.

PANGALAWANG BAHAGI


Ang pa nga't hindi mangagkasundo
Dahil iba-iba, kanilang kuro-kuro
Kung ano-ano pa ang napag-usapan
Katuwaan lang, mag-kakaibigan.

Bigla ng sumungaw itong si Mang Kario
"Hala-hala, magsasara na ako
Mga asawa ninyo, hinahanap kayo
Bukas ay bisperas pa naman ng Pasko".

"Sa barberiya, ang pila ay mahaba
Magmula umaga hanggang sa gabi pa
Baka hindi kayo makapag meryenda
Hindi makaupo at walang pahinga".

Ang mga barbero, masipag talaga
Sabado ang tapos, Lunes ang umpisa
Kung araw ng Linggo, ay nagpapahinga
Isang araw lamang, sa buong semana.

"Tara na, tara na" at sabay ang tayo
Tila nainip na itong si Mang Henio
Sa maghapong singkad hindi nakaupo
Trabahong barbero ay 'di gawang biro.

Sa upuang banko nangagsi-tayo na
May napansin silang biglang nagparada
Last trip na sasakyan, tapat ng Ermita
Parang naghihintay, na may makasama.

Sa sasakyang M. Ruiz, tsuper ay bumaba
Itong si dela Cruz, sa Paete'y kilala
Ang pagmamaneho ay na-master niya
Pero ngayo'y oras ng pagmemeryenda.

Inayang kumain dahil nga gutom na
Kaya si dela Cruz, 'tanggap paanyaya
'Di rin magkasundo, kung saan kakain
Pinagtatalunan, ano'ng kakainin.

May ibig kay Benga, tunay daw Chinese food
Kay Senyong, kay sarap, apat ang sumunod
Pati daw pang-gisa, ay napaka-bango
May sabaw na pansit, ang ibig ng tatlo.

Anupa't nagtungo sa pansiteriya
Tindahan ni Senyong ang napunteriya
Nabusog ng husto , masarap talaga
Pansit miki't bihon na uma-aso pa.

Bago manghimagas, may payo ang isa
H'wag agad matulog, kung kayo'y busog pa
Pansit ay mahilab, kung puno ang tiyan
At baka bangungot, siyang pag-abutan.

Halos alas onse, ng magkinatapos
Lahat nasiyahan, nabusog ng lubos
At nagsi-uwi na sa kanilang bahay
Bukas ay simula, parang bagong buhay.

Maagang nagising kina-umagahan
Upang ihanda na, pagtatrabahuhan
Pagsikat ng araw, tao'y naghihintay
Pila ay mahaba, tila walang humpay.

Pagdating ng araw ng pista o Pasko
Mukhang bagong lahat, pantalon at polo
Pati na sapatos na tatak ay "Elpo"
Ang simbahan naman, puno, abot patio.

Ang bagong gupit ay kapansin-pansin
Buhok ay sinuklay, ala-Elvis mandin
Handa ng mamasko sa ninong at ninang
Kahit na ang bigay, isang tingga lamang.

Marangal na tunay, trabahong barbero
Siguradong buhay' ang pamilya't apo
Puntahan, huntahan ng mga katoto
Sa mga balita ay hindi dihado.

Dapat na igalang ang mga barbero
Kaya ang turing ko, na sila ay "hero"
Maasahan mo, kanilang serbisyo
Maliban na lamang, pangilin at Linggo.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group