PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

NAKIKI-AMOY LAMANG

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 4:50 am    Post subject: NAKIKI-AMOY LAMANG Reply with quote


NAKIKI-AMOY LAMANG

January 26, 2006


Pasalamat po't uwian na naman
Isang araw na naman ang nalampasan
Ang oras, lumipas ng 'di namalayan
May kabilisan kung 'di babantayan

Nagmadaling nilandas ang hintayan
Tiis nga lamang at may kalayuan
Sa hintuan ng bus na babantayan
Buhol-buhol ang mga sasakyan

Nakakatakot po ditong magmaneho
Maya't-maya ang tapak ng preno
Nasa manibela'y parang mga bisiro
Na may utak yatang sa kamelyo

Sa madaling sabi'y may huminto
Mini-bus na bukas ang pinto
Nagpasyang umakyat dun sa estribo
Masama ang simoy na labo-labo

Siksikang-upuan walang mapili
Dun sa kusina nagpakandili
Nagpuputukan ang mga kili-kili
Nanununtok ang amoy na tumitili

Matinding-amoy ang nakasakay
S'yangang nasasagap umaalimbukay
Dusa ang ilong na bukangkang
Nakabukana ang amoy na masangsang

Mayroong mga bumubuga ng usok
Nakakaliyong amoy nakakasulasok
Ang amoy sa damit, sumusuksok
Sa butas ng ilong ay tumutusok

Ang nasa kanan ko'y natutulog
Nagising nabigla siya't nauntog
Ang guwang na ulo'y nakalog
Pinagmuntikanan pang nahulog

Malakas ang kwentuhan ng mga salbahe
Iba't-ibang tunog at mga lengguwahe
Sadyang may kahirapang maunawaan
Ng mga napakagulo't nagbabantutan

Grabe naman talagang parusa
Pobreng kamatis ko'y nagdurusa
Pero walang 'K' na magreklamo
Nakiki-amoy nga lang pala ako

Sana'y nakapagdulot ng konting aliw Rolling Eyes
Yaring mga napulot ng isang baliw Embarassed
Kung sakaling mayrung naasiman Wink
Budburan ng asin at gawing sawsawan! Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 5:50 am    Post subject: karereklamo aba!!! Reply with quote

magdala ka palagi ng panyo
wisikan ng konting pabango
isimpli ng tapal sa iyong nguso
tingnan mo talsik ang namamaho


hahahakablag! super bagsik baga? Ah sya tiis Laughing
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 5:57 am    Post subject: Reply with quote

Walang epek ang telang panyo Wink
Sa butas na mala-tambutso Embarassed
Ang lahat na lang nasasagap Crying or Very sad
Kaya laging sisinghap-singhap Laughing


Thanks Bunsoy!
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 6:07 am    Post subject: Oh sya!!! Reply with quote

Batang Patio wrote:
Walang epek ang telang panyo Wink
Sa butas na mala-tambutso Embarassed
Ang lahat na lang nasasagap Crying or Very sad
Kaya laging sisinghap-singhap Laughing


ay sige kung kaya mong magtiis
whag lang puputuk ang kamatis
kung ang tambutso'y magdiskaril
malawak ang luneta dun magpabaril

hahahahakablagdaplag!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 8:38 am    Post subject: hi tto Au Reply with quote

Laughing Laughing Laughing Aga mo akong pinatawa sa iyung tula sensya nat ngayun lang me napasyal uli.Nakasingit lang po ako sa mahal na anak at nasa school pag dating na namn non ay talsik na namn ako sa computer.Maligo!!! tto Aurel at baka mahawa ka na ng amoyy!!! Laughing Laughing Laughing
neth
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
gerlin r. paelmo
Guest





PostPosted: Thu Jan 26, 2006 7:37 pm    Post subject: magpunas at maligo Reply with quote

Kapatid,

Kailangang mailgo talaga, hindi puwedeng tipirin ang tubig. Magpunas kung walang oras. Di kaya ng deodorant at pabango(LOL) Crying or Very sad

Bimpo at labakara, body wash kaya. Talagang ganyan, nakikiamoy lamang. Razz

Ayaw mo kasing maligo(LOL) Laughing

Gerlin
Back to top
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Thu Jan 26, 2006 10:08 pm    Post subject: ayokong makiamoy hehehehehe Reply with quote

Quote:
Sana'y nakapagdulot ng konting aliw
Yaring mga napulot ng isang baliw
Kung sakaling mayrung naasiman
Budburan ng asin at gawing sawsawan!



Yan ang mahirap pag me naamoy na ganyan di bale 't ikaw ay sanay na ng ganyang uri ng amoy, Razz wag lamang mangyayaring ikaw ang mangamoy Razz Very Happy Razz


nenett
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jan 27, 2006 6:01 am    Post subject: Re: ayokong makiamoy hehehehehe Reply with quote

net_feldmann wrote:
Yan ang mahirap pag me naamoy na ganyan di bale 't ikaw ay sanay na ng ganyang uri ng amoy, Razz wag lamang mangyayaring ikaw ang mangamoy Razz Very Happy Razz nenett


ang pagkakaalam ko'y lahat tayo'y may umok
maligo ka man muling itong sisingaw at uusok
yung iba ay talaga namang sobrang kay bagsik
kahit anong gawin ito'y nanunuot at nagsusumiksik

musta na!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Fri Jan 27, 2006 9:09 am    Post subject: ate sheba Reply with quote

kaya nga swerte baga pag kokonti ng amoy, kaya nga baga nakikiamoy ka lang eh wag ka ng magreklamo hehehe, na meet ko na na si Inang Norma Acala Uy kanina nagpunta sya dito sa shop ko sa inyo pala sila natuloy sa Ermita sa bahay ni Shirley, na meet ko na rin ang asawa ni Ate Nems ng umuwi , ok lang ako dito , sana ay ok rin kayo lagi diyan Razz Razz

nenett
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jan 27, 2006 11:00 am    Post subject: theraherb virgin coconut oil... Reply with quote

net_feldmann wrote:
kaya nga swerte baga pag kokonti ng amoy, kaya nga baga nakikiamoy ka lang eh wag ka ng magreklamo nenett


oh nett, napakinggan ko sa DZRH ito...mabibili daw sa lahat ng drug store...makabili nga pag uwi ko para may protection din...hahahakablag!

sa tutuz ayaw kong gumamit ng kung ano-ano, nakaka itim ay <eh maitim sapul> at isa pa kalalagkit sa balat nay-un...minsan may nagturo sa akin tawas nakakaputi <daw> bai nagkabungang araw lang ang kilikili ko...kasasakit aba! mula nuon di na ako nagpapahid ng kung ano-ano...hayaang maitim yan ah! hahahahakablagdapalag...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sat Jan 28, 2006 2:11 am    Post subject: MALIGO? Reply with quote

SHEBA
NIEVES
ANTONIA
at GERLIN


HAHAHAHA! Laughing Ano baga't nakalingat lang ako ng isang araw ay pinapapaligo na ninyo ako Laughing Wink Abaw gid! goli lagi ako no! Razz Laughing

thanks and regards
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sat Jan 28, 2006 8:12 am    Post subject: HAHAHA.... Reply with quote

Ang dalawang butas ng kamatis ay tapalan
At ang suminghot ay 'yong kalimutan
Sa bibig sagapin hanging amihan
Ng pakikipag-siksikan iyong matagalan!

HAHAHAHAHA....'yan ang dusa talaga riyan...aba ay maige pang mga camel ay....araguy!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 1:32 am    Post subject: araguy! Reply with quote

Kamatis ARAY! Embarassed

Maraming salamat katoto Laughing

regards
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 1:35 am    Post subject: Re: NAKIKI-AMOY LAMANG Reply with quote

Ako nga'y makikiputak, sa inyong mga inaamoy
Wag na bagang amuyin, baka kayo'y maging baboy
Lagi nyong ugaliin, magdala nitong pangwisik
Wisikan ang palibot, amoy nila'y maghihimagsik!

Kunwari ay ikaw, itong nangangamoy
Body fresh ang tawag, ito'y lagi kong baon
Pag may naiibang amoy, mag body fresh ka oy
Iwisik sa damit mo, mata nila'y sa yo nakatuon!!
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 1:40 am    Post subject: bumalik Reply with quote

HAHAHAHA! Laughing nandyan ka pala
nakabalik tuloy ako dito sa tula
agang-aga ninyo akong pinatawa
Ikaw at si Saida parehong maldita! Laughing

maraming salamat katoto!
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 2:56 am    Post subject: ih bai!!! Reply with quote

Batang Patio wrote:
HAHAHAHA! Laughing nandyan ka pala
nakabalik tuloy ako dito sa tula
agang-aga ninyo akong pinatawa
Ikaw at si Saida parehong maldita! Laughing


huh! ikaw lang baga
ih bai kay aga talaga
hapyugan nabungaran
lika may binubudburan
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 5:06 am    Post subject: wanakosey! Reply with quote

hehehe Very Happy
wala na akong masabi tungkol dun Sheba Wink
Mukhang nagkasubuan na Laughing

tnx
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 6:11 am    Post subject: Re: wanakosey! Reply with quote

Batang Patio wrote:
hehehe Very Happy
wala na akong masabi tungkol dun Sheba Wink
Mukhang nagkasubuan na Laughing


ah! kung hindi baga naman
siling labuyo ang nilalaman
ih ay talagang mapapasubo
dami'y hindi ka nyan mahubo
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 8:47 am    Post subject: abangan Reply with quote

hahaha! Laughing
Abangan pa ang mga
susunod na kabanata! Wink
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 9:23 am    Post subject: Reply with quote

Ohh tto Au naligo ka na ba????joke joke joke Laughing Laughing Laughing Wink Wink Wink Iiiiiihhh ihhh de pa aba!!pati ditoy amoy ahhh.Halika d2 ng maisama kita sa bistik ko hahhahaa...love yhaaaa mwaaa Wink Wink
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 2:45 am    Post subject: nakasinghot Reply with quote

Sa harapan ng computer kumakain
Biglang may nasinghot at nabahin
Sumambulat sa screen si pagkain
Kailangang punasan at linisin

Sarili yata ang naamoy He!
Embarassed MWAHAHAHAHA! Laughing

Salamat sa bistik Nieves, fav ko 'yan! Razz
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 3:32 am    Post subject: Re: nakasinghot...hahahakablag! Reply with quote

Batang Patio wrote:
Sa harapan ng computer kumakain
Biglang may nasinghot at nabahin
Sumambulat sa screen si pagkain
Kailangang punasan at linisin


itinulak ako ng aking pagkapilyo
baina kaya bigla akong nagkatoyo
eto naman aking pagkakaintindi
ikaw ata ang isasahog sa bistik Laughing

hoy! biro lang hani...mwuaaaaaahhhhhhh Rolling Eyes
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
odettes



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 140
Location: Odette Fadul Sunga

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 4:03 am    Post subject: Re: nakasinghot Reply with quote

Batang Patio wrote:
Sa harapan ng computer kumakain
Biglang may nasinghot at nabahin
Sumambulat sa screen si pagkain
Kailangang punasan at linisin

Sarili yata ang naamoy He!
Embarassed MWAHAHAHAHA! Laughing

Salamat sa bistik Nieves, fav ko 'yan! Razz


Bai kang aurel, bakit nga baga
Sa amoy nila ika'y kayang magtiyaga;
Ilang taon ka na bagang di magkandaugaga
Sa bansa ng mga Arabong amoy di ko yata masisikmura?
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 4:29 am    Post subject: makunat Reply with quote

baina Bunsoy!
ang karne ng bakang datan Embarassed
mahirap kagatin, may kakunatan Rolling Eyes
kahit ka pa makipaghilahan Wink
at tatlong oras na pakuluan Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 4:33 am    Post subject: beinte-tres na! Reply with quote

Kon. Odette

Ako ay beinte-tres na Abril Rolling Eyes
Hindi 'yan ang edad ni Aurel Embarassed
Kundi ang mga taong ginugol Wink
Malapit na akong humagulgol Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group