PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ANG MGA MAKATA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 3:53 am    Post subject: ANG MGA MAKATA Reply with quote

ANG MGA MAKATA
January 29, 2006


Kadalasang nagnanais na makagawa ng tula
Yung bang tula't awitin na parang naghimala
Dumadaloy, umaagos kung saan nagmumula
Natatangay, nadadala pagkaminsa'y tulala

Sadya ngang anong hirap maghagilap ng salita
Habang palutang-lutang ang napakaraming diwa
Hindi na mabilang ang mga buntong-hininga
Sa magagaling magsitula sadyang humahanga

Kung sa mga katha ni Tisay ika'y mamamangha
Gayundin si Ka Amor na sadyang kahanga-hanga
Inaabot bagang pilit, nakalutang na talinghaga
Madalas nalulula sa mga salitang nakamulaga

Sina Ka Noel, si Angkol, Prof. Angel, Bulanggugo
FMA, Diwata, Ver Navarro at Sallie Castro
Mga 'insang Ka Herming at Ka Ruben nagtago
Sa mga tula ni Ofelia, mata kong hilam nanglabo

Kalimitang nag-iisip kung ako ba ay sasagot
Mga kagalingan sa pagtula, baka hindi ko maabot
Hinihigit bagang pilit, kuwerdas ng diwang naglalagot
Humahagip ng mga salitang gumegewang, kumekembot

Sa kwentuha't kalokohan minsan pa'y nasasangkot
Katatawa't kahahagakhak tuloy ako'y nanglalambot
Ang mga katotong nagkakalugod at nagkakatuwa
Sa mga tulaan at usloan, mga hindi nagsasawa

Saida, Sheba at Nemie na pare- parehong maldita
DaLuds, Nenett, Beny, Ellie sa tulaan din makikita
Diegong Tabak at Mr. Y Not mga birada'y magugulat ka
Mayron pang magandang musa na ang pangala'y Gloria!

Sadya ngang nakakatuwa ang ating ginagawa
Wala ngang karapatang malungkot dito't ngumawa
Kaysa nga mag-emote mabuti pa ang maghaka
Baka mapahilera din sa mahuhusay na makata!


Last edited by batang_patio on Mon Jan 30, 2006 1:30 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
gerlin r. paelmo
Guest





PostPosted: Sun Jan 29, 2006 7:54 am    Post subject: nakakahawa Reply with quote

saan ba nanggagaling
inspirasyong malihim,
kabanatang taimtim
ngiti at mga dalangin. Surprised

paggising sa umaga
luluhod at kakatha,
pinagbuhol na salita
hinugot sa ating wika. Smile

kung saan patutungo
salita't kuro-kuro,
ibabahagi sa inyo
naggagaling sa puso. Laughing

itutuloy........... Very Happy
Back to top
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 8:32 am    Post subject: lumabas Reply with quote


Lumabas na ang itinago
Nito pong si Gerlino
Mula sa lahi ng Paelmo
Mga pogi't matatalino Wink

Sige nga kapatid
Sa balana'y ihatid
Ang 'yong napasimulan
Dito sa ating tulaan Very Happy



Ang galing ah!
Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jan 29, 2006 12:56 pm    Post subject: hahahahakablag! Reply with quote

mukhang nilamig sa Syria si katoto
naghakot ng hinabing tulang totoo
sana'y may gana-ay din akong ulo
sakaling sa paghahaka'y makabwuelo

baina ako'y hanggang sa pang-gulo
nilamon ng pasko ang utak kong hilo
maging sa guni-guni dipa umu-usbong
ah! paano ko baga ito mapapayabong

o sya kung hei fat choi!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 1:49 am    Post subject: at nang eeganyo pa Reply with quote

di maisip di mawari
kung paano masasali
hindi talaga maari
maging makata dini

paano nga ba uubra
sa mga hari at reyna
maligaya ng makita
mga usloan at tawa

wala talagang papantay
sa talentong ibinigay
ikaw na siyang tunay
wag ka na lang maingay



(tayo tayo lang ang nakakaalam nun)
hehehehe Razz Very Happy jok jok jok

nenett Very Happy Razz
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 5:11 am    Post subject: wag ka ingay! Reply with quote

Psssst! 'wag ka na ingay Bunsoy Wink
Pagkaminsan ang agos tuloy-tuloy Razz
Isinusulat agad bago pa mapusoy Very Happy
Pagkat ang salita mahirap makahoy Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 5:15 am    Post subject: nakakagulat Reply with quote

Aba pumpkin! ako nama'y nagugulat
Sa iyong tulang sa aki'y nakadilat
Mayroon ka palang panggulpe de gulat
O sige na't ituloy ang iyong pagsulat Laughing

Ang galing-galing mo pala Wink
Ituloy mo yan! Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 5:49 am    Post subject: Re: wag ka ingay! Reply with quote

Batang Patio wrote:
Psssst! 'wag ka na ingay Bunsoy Wink
Pagkaminsan ang agos tuloy-tuloy Razz
Isinusulat agad bago pa mapusoy Very Happy
Pagkat ang salita mahirap makahoy Laughing


kahoy bigla kong natuktok
baka kako'y ikaw mabatok
ituloy mo ang pangangahoy
ng walang pagka-pusoy Laughing

hahahahakablagdaplag!!! di baga tong-its
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jan 30, 2006 8:50 am    Post subject: sugal Reply with quote

'di ko alam ang mag-tong-its
Alam ko lang ay ang songhits
Napakahilig bagang kumanta Wink
Walang hilig naman ang kanta Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 12:00 am    Post subject: Re: sugal Reply with quote

Mga kapatid ay 'wag na kayong magtalo
Yaring tulang itinuno nauwi sa huwego
Maglaro na lang kayo ng tansan at lastiko
Mahirap mag-ambisyon pag kalaban ay l'yamado!



Nice one, very 'interesting'...KABLAG!
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 2:54 am    Post subject: biglang sumingit! Reply with quote

Aba! si katotong Tisay pala! Very Happy
Mabuti't ikaw dito'y nakasingit
Habang nilututo mo'y sumasagitsit
Mag-ingat lang sa talsik ng mantika
Habang naka-abang ang ibang gawa!
hehehe! Secret! Wink
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 3:19 am    Post subject: may tansan pa baga? Reply with quote

Tisay wrote:
Mga kapatid ay 'wag na kayong magtalo
Yaring tulang itinuno nauwi sa huwego
Maglaro na lang kayo ng tansan at lastiko
Mahirap mag-ambisyon pag kalaban ay l'yamado!


mantain man, wala na akong tansang nasilayan
namamalik! puro plastik na ang pinaglalagyan
maging sa palengke't tindahan plastik ang libre
kaya tambak ang basurang naghara sa kalye

napagtawanan pa ako ng minsan maydala akong basket!!!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 4:40 am    Post subject: hehehe! Reply with quote

hehehe at isa pang HE! Razz
Maraming bagay ngayon ang elastik Rolling Eyes
Kahit pa nga sa tao'y maraming plastik Wink
Nagkalat ang mga gawa ng intsik Very Happy
Napakadaling masira naman ng lintik! Evil or Very Mad
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 5:11 am    Post subject: Re: ANG MGA MAKATA Reply with quote

Kung maldita ako, ikaw naman ay mal-dito
Que sera sera, ang bati ko sa imo
Utak ko'y nakasentro, kay Dios Amang nandito
Panalangin ko sa iyo, sana ikaw ay nandito!!!

He he he he......



Batang Patio wrote:
ANG MGA MAKATA
January 29, 2006


Saida, Sheba at Nemie na pare- parehong maldita
DaLuds, Nenett, Beny, Ellie sa tulaan din makikita
Diegong Tabak at Mr. Y Not mga birada'y magugulat ka
Mayron pang magandang musa na ang pangala'y Gloria!

[/size][/i][/color]
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 6:40 am    Post subject: nagkasubuan Reply with quote

Daluds karugtong ng katuwaan

hahaha! ang sabi ko'y nagkasubuan Laughing
Si Nems nama'y gustong masubuan Rolling Eyes
ih ih ih talaga naman baling-bali yan Razz
Sadya namang may kamalditahan! Wink
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Tue Jan 31, 2006 8:31 am    Post subject: Re: nagkasubuan Reply with quote

Aba'y tapos na at nalulon na nga
Muntik pang mabilaukan dahil sa tuwa
Ang pahindian ka'y 'di ko magawa
Kahit 'atrasado' na't nagkakandarapa!


HAHAHAHAHA...MGA HAPYOG...ito, read ko txt mo kaya 'di makaalis ng 'di sumisilip dito....sige na , mga linsyak kayo at late na ako hehehehe! Mwuah.

Rolling Eyes Laughing


Batang Patio wrote:
Daluds karugtong ng katuwaan

hahaha! ang sabi ko'y nagkasubuan Laughing
Si Nems nama'y gustong masubuan Rolling Eyes
ih ih ih talaga naman baling-bali yan Razz
Sadya namang may kamalditahan! Wink

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Thu Feb 02, 2006 1:21 am    Post subject: nawawala Reply with quote

nawawala na naman ang mga maldita
umuwi't bumalik ako'y walang nakita
saan nga baga kayo nagsisipunta
trabaho nga baga o lamyerda? Wink Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
odettes



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 140
Location: Odette Fadul Sunga

PostPosted: Thu Feb 02, 2006 10:29 am    Post subject: Nakakainggit...Pasubok nga ulit! Reply with quote

Bai, talagang ako'y inyong pinahanga
Mga kababayang anong husay na mga makata;
Kaya ngayo'y muling kakatha
Ng isang tula kahit haka.

Alam kong di ko kayang pantayan
At lalong di kayang lampasan
Inyong kakayahan sa tulaan
Kaya't ako'y pagpasensyahan.

Kang Aurel at mga kabarkada
Kayo na ang bahalang humusga
Kung ako baga'y mayroon pang pag-asa
At may karapatang sa inyo'y makisalamuha.
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Thu Feb 02, 2006 3:46 pm    Post subject: Reply with quote



MARAMING SALAMAT KATOTONG AUREL
DI MAN KARAPAT-DAPAT MAPASAMA
DITO SA HANAY NG MGA MAKATA
KARANGALANG MAITUTURING TALAGA.

RUMATSADA KA NA NAMAN NG KATUTULA
NALULULA HARING AKING MGA MATA
ANG MASAKLAP PA NITO BAKA DI MAKAUGAGA
NANG PAGSHOVEL SA IYONG MGA TULA.

DI KO MAIPAPANGAKO NA LAHAT AY MASASAGOT
SUBALIT SISIKAPIN KO NG DI AKO MALAGOT
DOON SA CONFERENCE ROOM NA ATING TAGPUAN
NA NAGBIBIGAY LIGAYA SA ATING KALUNGKUTAN.

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sat Feb 04, 2006 2:19 am    Post subject: bali kayo! Reply with quote

hahaha! bali talaga kayo Laughing
teka muna't tinatawag ako Crying or Very sad
basta't magtulaan tayo Rolling Eyes
at yun nga ang hintay ko! Wink
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sat Feb 04, 2006 2:53 am    Post subject: full length Reply with quote

Konsehala okay na okay ang mga tirada mo
Sige nga't ipagpapatuloy ang paghahagimo
Ng mga gumegewang at salitang may ritmo
At sigurado ngang malilibang tayo! Wink Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group