PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pulitika sa Pinas

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Thu Jul 21, 2005 8:06 am    Post subject: Pulitika sa Pinas Reply with quote

PULITIKA SA PINAS
Bulanggugo 2005


Kailan kaya tayo makakahulagpos
Mula sa mahigpit na pagkakagapos
Sa kuko ng ganid at mapambusabos
Bwitreng nasa trono ng bayang hikahos?

Sa paningin nitong inyong abang lingkod
“Corruption” ang ugat nitong pagkalublob
Sa lusak ng dusa’t pighating marubdob
Kumunoy ng bayang tuloy sa paglubog.

Matapos pangakuan, tao’y nagtiwala
Maglingkod sa bayan siya raw adhika
Mataginting na tinig, matamis na dila
Puhunang ginamit sa pagsisimula.

Kapara’y asukal na biglang nilanggam
Balana’y lumapit naging kaibigan
Nag-alok ng tulong, ang wika’y “sa bayan”
Mula sa kalsada hanggang eskwelahan.

Sa bawat kontrata na kanyang pirmahan
Mga kahilingang pinauunlakan
Kahit di humingi at walang usapan
May iniaabot na walang bilangan.

Kapag nawili na’t nagkamal ng yaman
At lumawak na rin ang ari-arian.
Ang kapangyarihang ‘binigay ng bayan
Ngayong nasarapan ayaw nang bitiwan.

Sa mga sukab at masasamang budhi
Nakipagsabwatan upang manatili
Sa kinaluklukang bukal ng salapi
At kapangyarihang tulad ng sa hari.

Ganitong pangyayari ay paulit-ulit
Ang lagayan mandin ay wala nang patid
Sa mga sangay ng gobyerno’y nahasik
Ang isang sistemang walang kasimpangit.

Ang nakakatakot, nakakarimarim
Kasama rin dito may suot na itim
Husgadong dulugan ng mga usapin
Katarungang mithi nabibili na rin.

Sino ang nagbunsod sa kinasadlakan
Ng bayan kong sawi at api-apihan.
Ang pulitiko ba o ang taong-bayan
Nasang pagbabago saan sisimulan?

Ang kapitbahay kong taga “customs bureau”
Nagtayo ng bahay animo kastilyo
Sa mga “charity” at “fund raising” kuno
Mabilis magbigay kahit ilang libo.

Ang usap-usapan sa kapitbahayan
Paano ba naman na hindi yayaman
Taong gobyerno yan na isang kawatan
Malakas kay “ano” mahirap labanan.

Si Juan de la Cruz, doon sa bukana
Mayro’ng katungkulan sa pamahalaan
Isang munting bahay ang kanyang tirahan
Sa jeep at tri-cycle nakikipag-unahan.

Ang usap-usapan sa kapitbahayan
May sira yata ang ulo niyang si Juan
Nasa gobyerno na’y di pa magpayaman
Kung hindi ba naman may katangahan yan?

Ang “corrupt” sa atin di lang pamahalaan
Kundi kasama rin ay ang taong bayan
Inaabuso na’t pinagnanakawan
Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan.

Yang mga “public bidding” sabwatan
Yang “pork barrel”,bawa’t proyekto, porsyentohan
Sa “customs” puslitan-bayaran
Sa “Internal Revenue” hiritan-bayaran
Sa “Environment Bureau” lagayan
Sa korte “highest bidder” panalo
Sa “Central Bank” palakasan para sa “money laundering”
Sa police “tong”
Sa “gambling at drug lords” protection = kahati

Hindi ko po naman sila nilalahat
Mayro’ng ilan diyan na sadyang matapat
Ngunit ang sistema’y lubha nang talamak
Na kahit ayaw mo, pilit mapapahawak.

Ang solusyon dito ay hindi ko hawak
Sa inyong bumabasa aking ‘nilalahad
Ito’y hindi lihim, alam nyo ring lahat
Nirerepaso lang baka may mamulat.
Back to top
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Sat Jul 23, 2005 12:06 pm    Post subject: Ako ay hanga sa iyo! Reply with quote

Lahat ng sinabi mo ito'y hanga,
wala lamang akong masabi sa balita.
dahil ako'y malayo sa ating bansa.
nakikinig lang ako ng tsika news.

Pero ang iyong lathang tula,
nalulungkot ako sa balita,
nakaawa sa mga kababata,
ating mga kabalat madla.

Bulanggugo nice to talk to you again,
Ituloy mo ang lathang comment-taryo.
Laging babasahin----susubay--bayan ito,
isa ako wiling-wiling bumasa nito.

vergs47 Cool
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 8:49 pm    Post subject: Pulitika sa Pilipinas Reply with quote

katoto,

totoong ngang lahat ang iyong tinuran
ngunit pagbabago'y saan sisimulan
tuliro ang bayan, danas kahirapan
nagmomoro-moro nasa pamunuan.

minsan nangangarap itong tanging guro
ano kaya't ang Pangulo isa kong kabaro
o isang kabayang ang puso ay ginto
puro at dalisay na di maduduro.

ang mga senador pati kinatawan
buhat sa mailing list nitong paetenian
siguro ang bansa babangon, sisigla
at sasalubungin ang bagong umaga.

salamat katoto.

amor
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group