PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

HAWOT, DAING AT DILIS

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 7:54 am    Post subject: HAWOT, DAING AT DILIS Reply with quote

HAWOT, DAING AT DILIS
Batang Patio
July 25, 2005


Kapag araw ng biyernes ay walang magawa
Ano pang magagawa kundi gumawa ng muta
Sa bawat kanto ng kuwarto’y pamula-mulaga
Nagiba ang bangkito sa kakukuyakoy at pag-uga

Biglang naisip na mamasyal at magpalipas
Pero grabe naman pala ang init sa labas
Mabuti pang makapag-ngabngab ng tinapas
Di pa mamamalayang ang oras lalampas

Tanghali na pala, mabuti pang makagpasaing
May mga istak pa akong mga hawot at daing
Napakadaling iluto sa kawali’y ibiling-biling
Dahan-dahan ang apoy at baka maging uling

Maamoy, may reklamo si kapitbahay na pailing-iling
Napakabaho daw ang alimbukay napakatuling
Kasamang ibang lahi niya’y nagka-kanduduling
Isara ko daw ang ‘exhaust fan’ itong hirit pang hiling

Bai! Baling-bali namang pangyayari ‘yan
Papaano naman kaya kung sila’y pagbibigyan
Itong ‘flat’ ko naman ang mag-aamoy mangyan
Matinding amoy sa damit pa’y magdidikitan!

O siya sige! mga kili-kili nga tayo’y mag-amuyan!
Bakit nga ba ‘di ako nagrereklamo kapag nababahuan!
Napakatamad pa ninyo, katawa’y takot paliguan!
Santambak pa ang inyong libag, kapag nahiluran!

Sadyang napakahirap nitong nangdadayuhan
Itong mga daing at hawot mga ‘miss’ pa naman
Makatikim lamang kahit pa makipag-bangayan
Kayat sa susunod na “day-off” pritong dilis naman!
Back to top
View user's profile Send private message
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 8:23 am    Post subject: bai... ay napakasarap nga niyan Reply with quote

a bai nah ay napakasarap nga niyan, lalo na sa umagahan, kaulam ng sinangag at nag-uusok usok pang kape, ok lang naman ang fiesta dito maganda ang panahon, di gaanong mainit at di naulan. naging bisita ko pa ang anak ni Inang Ludy Carolino na bunso, kapatid ni Kuya Rey, miss na miss na nya ang Paete, at nanibago sa mga bahay dito. musta na ng fiesta mo jan? Very Happy Razz

nenett madridejos bagalso Razz
husband : felman bagalso
Daughters: daphne, ariadne
Sons: Feldman , neumann
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 8:34 am    Post subject: wala ditong fiesta Reply with quote

Naku Nette, mabuti pa kayo at napakasaya, dito'y walang ganyan, walang pasko, walang bagong taon Crying or Very sad May sariling kalendaryong sinusunod sa parte ng mundong ito Sad

Confused Mantakin mong yung hawot at daing ay mga amoy patay na daga daw Laughing ih ih bale talaga!

Kumusta na lang muli sa inyong lahat!

thanks and regards
Back to top
View user's profile Send private message
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 8:57 pm    Post subject: hawot, tuyo at dilis Reply with quote

dear aurel,

sarap ng ulam mo ah. naku hanga na talaga ako sa iyo. sangkaterba itong iyong tula. kaya ito lang muna ang aking binasa.

kung sumulat ka ng tula ay parang ngumunguya ka laang ng mani. so easy! ay siya kumusta na laang sa iyo riyan at laging ingat pati sa kalusugan.

ka amor
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Tue Jul 26, 2005 2:29 am    Post subject: Ginanahan Reply with quote

Hello there Ka Amor!

Muli, maraming salamat sa iyong pagpasyal dito sa ating paboritong pasyalan Smile Medyo sinamantala kong wala ang mga katoto, para may panggulat ako pagbalik nila Very Happy

Kumusta ka nga pala, busy pa rin? Miss ko na ang mga tula mo Crying or Very sad

Regards
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group