tulong para k rev fr. marcelino ramos
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Tulong Paete

#1: tulong para k rev fr. marcelino ramos Author: apo ni pekto PostPosted: Thu Aug 19, 2010 11:24 pm
    —
pagbati sa lahat ng tiga paete n mkakabasa nito.
isa lang akong kaibigan ng pamilya ramos.
si rev. father marcelino ramos ay anak ni mang ross ramos na bale kapatid ni inang tala pacunayen-acupan.
si fr marce kung tawagin ng mga kaibigan nya ay nasa isang maselan na kalagayan ngayon sa makati medical center. inoperahan po sya noong nkaraang linggo lamang na kinailangang lagyan ng titanum disk ang kanyang spinal cord. apat na araw syang naglagi sa i.c.u. ng hospital at ngayon ay nasa recovery room na. kahit nasa recovery room na po si fr marce ay hinde pa rin ganun kaayos ang kanyang kalagayan. patuloy syang dumaraan sa therapy upang maigalaw ang kanyang mga braso at kamay. sana nga sa pag-usad ng mga araw ay gumaling na sya ng lubusan.
humihingi po kami ng tulong sa mga taga paete. taimtim na panalangin ang ialay natin para sa ating butihing pari. Gayundin po ang tulong pinansyal na ipagkakaloob ninyo ay ipagpapasalamat namin ng lubusan. maaari po ninyong kontakin ang kanyang pamilya dito sa paete, or ang liceo de pakil kung saan ito ang kanyang huling parokya na pinaglingkuran, o ang diocese of san pablo, san pablo laguna.
maraming salamat po!



USAP PAETE -> Tulong Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group