Winning Entry - 1st Place - Alyas PAG-ASA
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Essay Contest

#1: Winning Entry - 1st Place - Alyas PAG-ASA Author: batang_patio PostPosted: Mon Dec 26, 2005 5:08 am
    —
1st Place - Cladlyn S. Caballes

(Alyas Pag-asa)



KUNG PAANONG MAKATUTULONG ANG KABATAAN
SA PAG-UNLAD NG BAYAN

Kabataan? Sila nga ba yung sinasabing pag-asa ng
bayan? Sila nga ba yung tinutukoy na susunod na
mamamahala sa bawat isa sa atin? Tama ka, sila nga
yun! Mga kabataan nga……. at kabilang ako roon. Ano
nga ba ang magagawa naming para sa kaunlaran ng bayan?

Ako, siyempre, may magagawa ako bilang kabataan at
bilang mag-aral. Wala man akong sapat na trabaho sa
ngayon para tulungan sa pinansyal na pangangailangan
ang aking mga magulang, ang makapagtapos at makuha ang
diplomang hinahangad at nararapat ay sapat na para
maabot ko ang mga pangarap na pagbabago sa buhay ng
aking pamilya. Hindi lamang para sa aking pamilya
kundi maging sa ibang tao na nangangailangan ng aking
tulong. Pagbubutihin ko ang aking pag-aral at
magiging isang halimbawa ako sa aking mga kapatid at
sa kapwa ko kabataan. Sa ngayon, hindi ko man sila
mailibre at mabigyan ng kanilang pangangailangan, ang
magiging isang mabuting kaibigan na hihikayat sa
kanila sa wastong landasin tungo sa magandang
kinabukasan ay sapat na.

Ang pagiging isang kabataan ay tunay na mahirap. Sa
panahong ito, nakakaranas ng maraming tukso, hirap at
problema. Kung malalabanan namin ang mga panahong
ito, ang panahon ding ito ang maituturing na
pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang tao. Dito
namin makikilala ang aming mga sarili kung paano
magbabangon mula sa pagkakadapa dulot ng mga maling
desisyon. Kailangang matutuhan na ang buhay ay laging
may bagong pag-asa. Nararapat na palaging taglay
namin ang magandang pananaw sa aming buhay. Madalas
inaakusahan kami ng maling paratang, inaalisan kami ng
karapatan dahilan sa kakulangan ng pagtitiwala sa
aming mga kakayahan. Binabawasan nila ang pagmamahal
para sa amin kung kaya nagkukulang kami sa mga
pangaral at paalala. Ito ang larawan ng maraming
mga kabataan ngayon. Abala ang maraming mga
magulang sa pagha- hanapbuhay likha ng krisis sa
ekonomiya ng ating bansa. Ipinauubaya sa telebisyon
at maraming libangan ang pangangalaga sa amin sa halip
na sila mismo ang tumugon sa araw-araw na pagpapalaki
sa mga anak. Subalit kailangan kayang sisihin pa
natin ang mga magulang sa puntong ito? Paano naman
tayo kakain kung hindi sila maghahanapbuhay? Tama nga,
biktima rin sila ng kalagayan ng ating bansa sa
kasalukuyan. Maraming biktima, Oo, maraming-marami!
Mula sa mga lider ng bansa na palagi kung napapanood
sa telebisyon na walang sawang nagtatalo-talo gayong
matatalino naman silang tao. Hindi kaya nila naiisip
ang maraming pera at panahon na naaksaya nila sa
ganitong sistema. Ah, ayaw kong tumulad sa kanila!
Kapag may sapat na akong gulang, hihikayatin kong
kapitkamay kaming mga kabataan na ibahin naman ang
sistema ng aming pamamahala at pag-aalaga sa bansa.

Alam ko sa edad kong ito, wala pa akong gaanong
magagawa pero isang bagay ang natitiyak ko, di ko sila
tutularan. Magsisikap akong maging isang mamamayan na
walang tanging hangad ay marating ang kaunlaran ng
ating bayan at ng ating bansa. Idadalangin ko sa Dios
na sana maraming kabataan ang maging ganito ang
mithiin sa buhay. Sama-sama naming pauunlarin ang
ating bayan at maging ating bansa.



Alyas Pag-asa

#2:  Author: Cladelyn H.Caballes PostPosted: Tue Jan 06, 2009 3:10 am
    —
elow poh ulit sa inyo!!!!!!!!!!!!miz na miz ko na poh ang Paete..I hope na makadalaw ako dyan..Dyan pa poh ba nagtuturo si Maam Alegre???SANA poh mas marami pa kayong matulungan na mga batang tulad ko..MARAMING SALAMAT poh kay Sir Anghhel De Dios....Sige poh regards na lang poh sa lahat................ MIZ YOU ALL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

#3: ISA KA NA NGA ... Author: BATANG LAYAS PostPosted: Sun Jan 11, 2009 2:36 am
    —
ISA KA NA NGA...SALAMAT NAMAN AT MAY TULAD MO NA HUHUBOG AT MAY KAISIPAN NA MAKA-TAO, MAKA-DIYOS AT HIGIT SA LAHAT KAPAKANAN NG NAKABUBUTI/NAKAKARAMI...GODBLESS



USAP PAETE -> Essay Contest


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group