Paete Ang Tahanan ng Ating Lahi......
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)

#1: Paete Ang Tahanan ng Ating Lahi...... Author: Bulanggugo...... PostPosted: Wed Sep 28, 2011 12:52 pm
    —
Naalaala ko lang.........habang break time...

Noong araw naman wala sa mga usapan
Hindi pinangarap ang lisanin ating bayan
Kahit pa nakasadlak sa imbing kahirapan
Ang nagisnang mga buhay ay ayaw iwanan.

Ang ating kaligayahan ay may kababawan
Kung ikukumpara sa lakad ng kasalukuyan
Mga okasyong kahit pa halos buwan-buwan
Gastos at pag-aabala hindi pinagsawaan.

Ang mga kalsada ay hindi sementado
Maalikabok, lubak-lubak, nagkalat ang mga bato
De-padyak, o de-motor na tri-cycle hindi uso
Mga tao’y naglalakad, kwentohan sa mga kanto.

Paimbay na nilalakad mula Ibaba tungong Ilaya
Nakabakyang namamasyal, habang-daan naghuhunta
Mula Quinale nararating Bagumbayan di dipara
May kahirapan man ang buhay hindi nauubusan ng saya.

Kapag pamilya mo’y nagutom ikaw ang may kasalanan
Sila’y kaya mong buhayin sa yaman ng kalikasan
Ang itaas ng kabundukan sinupin mo at taniman
Lamang-dagat na kay yaman doon sa dakong kanluran.

Marami ring sa industriya ay naunang namuhunan
Umingay ang bayan natin sa sa nagkalat na bakyaan
Mga taka ay nagkalat sa kalsadang daraanan
O di kaya’y mga palay na sa banig nakahuyang.

Sa paslit kong kaisipan, bagay na di ko malimutan
Kung may ibig ipahayag ang pinuno nitong bayan
May “pabandong” babasahin, mga bagong kalakaran
Tatapusin sa pangalan “Manuel Agbada, Punong Bayan.

PAKI-DUGTUNGAN KAHIT HINDI PATULA.......

#2: Susog...... Author: Bulanggugo.... PostPosted: Thu Sep 29, 2011 1:10 pm
    —
Inabot ko na ang ilaw na ang tawag ay “gasera”
Dahil ang gamit ay gaas, ang sindihan ay ang “mitsa”
Kaya sa iyong paggising minsan ay matatawa ka
Ang ilong ay nangingitim sa agiw na sangkaterba….hahahaha!

Kung Septyembre at Oktubre kabundukan ay sulyapin
Tila bumaba sa Payti ang napakaraming bituin
Nagkalat ang mga ilaw saan man ibaling ang paningin
Upang nahihinog na lanzones paniki ay ‘wag dagitin….......hanggang ngayon pa ba ito?

Naranasan kong maglaro sa kabilugan ng buwan
Sa mga troso ni Amang Niko kami ay nagtataguan
Walang takot maghabulan sa trosong galing Mauban
Na kung ilang taon ding nagpasigla ng bakyaan.

#3: paete Author: kinale PostPosted: Fri Sep 30, 2011 9:37 pm
    —
K- inale, purok na sinilangan
tabing bundok aking kinagisnan
araw nakatutok sa aming bahay
masarap, mahirap ang aming buhay....

I- tong aking munting ala-ala
hindi malimutan kahit ngayon na
tagal na dito, sa America
may asawa't mga anak na....

N- uong kami ay mga bata pa
ang playground namin itong kalsada
sinasabi sa mga anak ko
itong laro namin, tumbang preso....

A- ng bilin ko sa mga anak ko
not to forget sila'y Pilipino
ugali nila ay huwag mabago
kahit ako ay wala sa mundo....

L- aging naiisip aking pamilya
magulang, kapatid tumatanda na
nanay, tatay sa mundo'y wala na
ganito pala pag tumatanda ka....

E- rmita duon lumipat
ilang taon duon naparapat
sa America duon napadpad
ito ang aking gulong ng palad.

Ito po ang aking ala -ala nung bata pa ako diyan sa Paete....pasensiya kung hindi kasing ganda ng tula 'nyo.
Thank you.

#4:  Author: Guest PostPosted: Sat Oct 01, 2011 12:58 am
    —
Naala ko lang..

At kung ang mga troso ay mahati- hati na,
At maikorteng BAKYA na,
Ihahanay na sa loob ng TAKBA,
Upang sa Maynila ay maideliber na!

#5: Lahing Payti Author: Bulanggugo..... PostPosted: Wed Oct 05, 2011 7:02 am
    —
Kapurok ko sa Kinale,

Bumilis ang daloy nitong aking dugo
Sa mga tinurang nanggaling sa puso
Ramdam ko bagang ika'y nakalaro
Nagkasalo tayo sa dekadang "ginto."

Jokalapens, piko, tumbang preso at lastiko
Limuran, tansan, manik, at kaha ng sigarilyo
Saltikan na ang bala ay baging, pati trumpo
Gaya sa sineng espadahan, pinakintab na kuko.....hahahaha!

Halos nalimutan na rin ang tinawag na takba
Na sa mga bakyaan lamang natin makikita
Isinasalansan sa magdamag pakain nina Inang Ligaya
Kahit pa mapuyat dalaga't binata'y masasaya.

Idagdag nyo na ang mga nasa alaala
Bago pa lumawig ang inyong amnesya............

#6: Tuloy-tuloy lang......dugtungan...... Author: Bulanggugo........... PostPosted: Fri Oct 07, 2011 8:14 am
    —
Naranasan ko rin nuong mag-ayukod
Mahal na Araw sa prusisyong nakakapagod
Mula sa simbahan bawat kalye ay iniikot
Aglipay at Romano ay nagpapang-abot.

Habang ang may-ari nitong mga santo
Bayanihang nagluluto matapos ang ayuno
At pinakakain ang kahit na sino
Ang buong bayan ng Paete masayang-magulo.

Usong-uso noon ang halikan sa Senyor
Na sinasabayan din ng nga “Dayunyor”
Doon sa madilim na sulok ng iskul (PES)
At kalsadang tabing-ilog patungo pa doon (alam nyo n yun)

Haaay naku ang bayan ko maraming gay-unan
Maraming ginaganap araw-araw o linggohan
Ang mga sosyalan walang katapusan
Mga alaalang di malilumutan.

#7: TUBO RING KINALE,MAGANDANG KALYE DAW Author: EME-ENE PostPosted: Fri Oct 07, 2011 11:46 pm
    —
SALAMAT SA MGA TULA MO,TALAGANG PARA PARIN AKONG NAGLALAKAD SA MGA MABATO NATING KALSADA PERO KAHIT PAPAANO AY NATATAGALAN ANG PAKIKIPAG PROSUSYON LALO PAG BIERNES SANTO,IYAN ANG NAKITA KO NA IBANG-IBA NA SA ATING BAYAN AT KABABAYAN, ABA....AY HUMIHINTO AT NAGIINUMAN AT NAG KAKATUWAAN,MAY NAGCE-CELL PHONE PA ....AY TALAGANG MATATANDA NA YATA KAMI...19TRALA-LA THANK YOU BULANG-GUGO

#8: PAETE AT PAYTI PA RIN Author: RUBEN G. CAGAYAT PostPosted: Sat Oct 08, 2011 11:18 pm
    —
Salamat katotong bulanggugo sa mga tinuran
Malayo man ay malapit din aking pakiramdam
Panahon ng kabataang hindi napaparam
Kahit ang abang lingkod nyo'y nangingibang bayan

Ang mga araw na nagdaan ay may saya at lumbay
Maligaya kapag nakaupo sa bangkang pakaway
At doon sa wawa nagsumpaang habang buhay
Mundo may magunaw walang taksil walang away

Subalit kung ang tinamo ay pait ng kabiguan
Sapagkat mahirap ka at ayaw ang mga magulang
Matagal ring panahon nagluluksa dulot ng kasawian
Dalangin ko'y sana lumigaya ka sa ibang kandungan.

Hanggang dito po muna ang maiksing maiduduksong
At sikapin nating makipagdugtungan sa dako pa roon
Mayayamang diwa at tulaang sa sining ay meron
Ang mga kabataang taga Payti talata nyo ay isuson


Dada Ruben
Singapura, 10 Oktubre 2011

#9:  Author: guest/rey bagalso PostPosted: Mon Oct 10, 2011 9:18 am
    —
Doon sa bagumbayan, na aking kinagisnan.
Masayang alaala,mahirap limutan.
Nagbibigay ng lakas at kasiyahan.
Musmos na isipan nahugis ang nalalaman.

Sa iskul na pinag aralan, lahat tayo ay nagdaan.
Malilimutan ba natin si Amang Juan Banal?.
Mga kuwentong katatawanan at multong lumalabas daw.
Habang nagtatabas, tuloy ang usluan.

Ang teror na si Mr. Cadapan, laging iniiwasan.
Ang mabait na si Mrs. Pagalanan ang pinupugay.
Isa sila sa naghugis ng ating kapalaran.
Salamat po ng madami sa inyong tiyaga at dunong na ibinigay.

Laro ng bastketbo, laging inaabangan.
Pinapanood ang magagaling, jump shat ay sinasanay.
Mga lusot ni Ric Bague,sundot sa tiyan ni Bey Bonin.
Ang jump ni ka Erning, ang rebound ni Ka Vergel.
Ang fast break ni Impo V. ang lay-up ni Casas C.

Ngunit pag kumidlat, kulog ay nasundan.
Ulan na kailangan, takbuhan nasa palayan.
Mga dalag,gurami,tinikan madaling dakmain.
Hito ay iniiwasan.

Dito din sa iskul, labanan ng bulador ay masasaksihan.
Sasalok ang bulador may bubog ang pisian.
Malutong na halakhak, kung ikaw ay tagumpay.
Habol ang bulador kung ikaw ay naputlan..

Sa mga kabataan dilag na sinisinta.
Sino ang makakatangi, kung si Ludy B. ang nakita.
Isa sa pinakamaganda, bae, baleng bale talaga.
Ano naman ang masasabi ninyo kay Esting Balandra.

At si Terri Africano, hindi man sa bagumbayan.
Isa sya sa bulaklak na gustong ligawan.
Nagtataka lang ako, bakit taga ibang bayan ang kanilang natagpuan?
Tayo bay mga tukiki, at ligaw tingin lang ang nalalaman? heheheheh.

Sa mga makatang sampay bakod.
Lagi kung alala, ang TABO ni Dumas ang napaganda.
Puno ng paghanga,pag-ibig at papuri nya.
Hindi ko lang matan daan, kung nakahalik sya.

Teka teka muna, taynga kuy pinirot ng asawa.
Time out daw muna at magluto ka na.
Minanok ang gusto at may anghang pa.
Sa Lucena ang palad ko doon ko siya nakita.

Mga ka iti kayo naman ang mag istorya...........

#10:  Author: kinale PostPosted: Mon Oct 10, 2011 8:40 pm
    —
sarap gunitain itong mga nakaraan
lalo na ngayong tayo'y nagta-tandaan
masarap isipin lumipas na kabataan
lahat ng nangyari diyan sa ating bayan.....

nuong bata ako meron ding nagustuhan
pangarap nuon kami'y mag-katuluyan
hindi nangyari dahil mga magulang
ayaw sa akin dahil may kahirapan.....

gusto ng nanay mag-punta ng America
maigi raw dito maraming makikita
oo nga naman dito walang nag-huhusga
pare-pareho tayong lahat, kumikita.....

matagal-tagal din dito sa America
isang lalaki itong aking nakilala
mabait, masipag itong aking nakita
sa awa ng Diyos buhay ko ay maligaya.....

minsan-minsan din aking naa-ala ala
napusuan nuon kumusta na kaya 'sya
may pamilya na 'sya at dalawang anak na
sana naman maligaya rin 'sya........

#11:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Tue Oct 11, 2011 3:20 am
    —
Aking Kamusmusan

Ipag paumanhin aking kapangahasan
Ang sumali dito sa inyong tulaan
Ito lang sa ngayon pansin koy tinakam
Nang mga istorya nyo noong kabataan

Ako ay mayroon ding mga karanasan
Sa bayan ng Paete noong kabataan
Nais ko ring ibahagi sa inyo kabayan
Masaya’t malungkot buhay na kinagisnan

Noon, ako ay lagi sa palayan
Naghahanap ng kung anong pwedeng pakinabangan
Kuhol, isda, kalatkat at ligaw na kangkungan
Ito na ang aming pangtawid gutom sa hapagkainan

Mainam din naman lagi sa kabundukan
Kasa kasama ng angkan ng Cajumban
Sila'y magagaling pagdating sa putihan
Santol at lansones, Manga pati sa Koprasan

Buhay ko'y umikot sagad sa kahirapan
Maagang nawala sa amin ang magulang
Ang aming ina lang syang pinagiwanan
Kahit anong hirap, buhay di inatrasan

Mapalad ang ibang aking kaibigan
Noong bata sila maraming nagmamahal
Kapag mahirap ka halos ay talikdan
Nang ating masalimoot na lipunan

Ang masayang bahagi sa aking kabataan
Noong ako ay laging nasa lansangan
Halos maghapon ay nasa bilaran
At kung minsan naman naglalaro sa ulanan

Doon sa Black hawk aking natatandaan
Palaging naliligo at naglalanguyan
Doon ako unang pagsisid ay natutunan
Umu-uwi’y palakat, may nagtago ng salawal

Sa gabi naman, kami ay taguan
mga musmus kaming walang kapaguran
tumba preso o kaya ay tubigan
at mayroon din kaming ginawang bayhanan

Ang buwan ng Abril Mayo'y inaabangan
Kumakanta't pulmipila sa pasantakrusan
Nag-ayukod sa poon libre ang hapunan
Sa pakubol naman ay nakipag agawan

Masarap gunitain lumipas na kamusmusan
Walang paki alam bastat masaya lang
Lalo na kung maganda ang kinagisnan
Masarap na buhay walang kahirapan.

Hangang dito na lang itong kwentohan
Ng guhit na palad ko noong kabataan
Salamat sa inyong sandaling inalay
Sa pagbabasa nitong aking ninilay nilay…

#12: Susog kay Ka Ruben Author: Bulanggugo......... PostPosted: Tue Oct 11, 2011 2:19 pm
    —
Mga tinuran mo’y palasong tumimo
Tila ramdam pa rin ang pait sa puso
Sa pananagumpay may itinatago
Bakas ng kahapong mayro’ng pagkabigo.

Hayaang hugasan kahapong nagdaan
Ng masayang agos ng nakamtang buhay
Hamon at inspirasyon yaong kabiguan
Nagbukas ng tunay na kaligayahan.

Mabuhay ka Ka Ruben

#13: Susog kay katotong Rey Author: Bulanggugo.... PostPosted: Tue Oct 11, 2011 2:28 pm
    —
Rey,

Si Amang Juan banal ba ang siyang nagpa-uso
Nitong mga kung anu-anong kwento
Kesyo ay mayroong ang sabi’y “santilmo”
Lumiliit-lumalaki kapag minura mo????? Hahahaha

At yaong basketball court nasabing sementado
Tubig nagtatagal pag inulan ito
Mayroong madulas, butas-butas na dako
Pag minamalas ka bali ang ‘yong buto.

Mawalang galang na aking kaibigan
Ang paborito ko’y si Mr. Cadapan
Kahit pa mabagsik, may galing na taglay
At matututo kang mag-aral na tunay.

#14: Kinale....tunay ka Author: Bulanggugo............... PostPosted: Tue Oct 11, 2011 2:37 pm
    —
Abai bakit baga iisa ng lasa
Mga unang pag-ibig noong mga musmos pa
Mayroong nabibigo at may lumigaya
May saya at lungkot pag naalaala.

Kung bakit nga kaya at di malimutan
Istorya ng pag-ibig na sa buhay dumaan
Ang alaala raw ay di malilimutan
kahit ang damdamin tagal nang naparam.

Sa English: The memories remain but the feelings are gone.

#15: kaligayahan ko ang mga tulang paete Author: eme-ene PostPosted: Tue Oct 11, 2011 10:09 pm
    —
nasasayahan na akong magbasa ng mga tula ninyo,malakas ang aking pagbasa,para bagang ako ang bumibigkas ng mga tula ninyo sa platoporme ng plasa. busog na ako sa kaligayahan at biglang bumata ang aking puso. napipi ako at hindi makasagot sa inyong mga tula. nadarama kong paripareho tayo ng pananabik at pagmamahal sa bayan nating sinilangan. congrats to all eme-ene

#16:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Wed Oct 12, 2011 3:24 am
    —
Tuod ng Langka

Totoong mapait nagdaan kong buhay
Doon sa Paete na kay-sayang bayan
Ang lahat ng ito ay aking natikman
Sa mus mus kong gulang na walang kamuang-muang

Sa mura kong idad iyan ang napala
Minsan sinisisi ang amang may gawa
Kung bakit kami ay iyong nilikha
At iiwanan mo lang na mukhang ka-awa awa

Nagbago ang buhay, ng dahil sa kahoy
Doon sa kaingin aking pinuputol
Tood ng langka kahit matigas tini-tiyaga
Dahil noon ito nagkalat lang at isinisiga’’

Ang kahoy na ito ay lubhang mahalaga
Sa tulad kong mahirap na dito ay aasa
At sa araw araw ako ay kikita
Ikakabuhay na kahit konting barya

Mapalad din ako sa Paete ay isinilang
Marami din akong doon ay natutunan
Ako'y naglililok sa silong namin minsan
Pilit na piniga ang aking murang isipan

Ngayon ko nakita kapag malikhain ka
Di ka magugutom saan man magpunta
Ito ang pagkukunan, kahit konti ay sapat na
Kayang ipambuhay sa maliit na pamilya

Pansensya kana abang mambabasa
Sa tula kong ito na aking istorya
Malungkot man ay, ako ay masaya
Kahit nasa malayo ka di ako nag iisa.
Very Happy Very Happy Very Happy

#17: Kapitbahay, kapurok, kasabayan ng aking mga kapatid... Author: Ka Ming Baldemor PostPosted: Wed Oct 12, 2011 6:31 am
    —
Whernas,

Nabalitaan ko sa mga kapatid
Kung paanong bininit sa himpapawid
At ang ginamit mo ay isip at bisig
Mapag-aruga ka't puno ng pag-ibig.

Iyan ay patunay na kung may pagsisikap
At hindi patalo sa anumang palad
Lalo na kung sa Diyos ikaw ay tumawag
Sa kinasadlakan pilit na aangat.

Sa mga talata na iyong sinulat
Ang kamusmusan mo ang ‘sinisiwalat
At kahit pa tagumpay ang iyong tinanggap
Ay sa lupa pa rin laging nakatapak.

Mabuhay ka!

Ka Ming

#18: TULAAN Author: RUBEN G. CAGAYAT PostPosted: Wed Oct 12, 2011 8:50 am
    —
Kapag taga paete ang mga mambabasa
Mga tula natin sana'y makapagpaligaya
Malulungkot na kahapong lasang apaliya
Tumatam is pa sa repinadong kulay pula

Ang buhay sa atin nung panahon ko'' simpli
Malakas ang bakyaan ang pang ulong ay libre
Nahihingi ang pinaglukuan at ritaso sa tabi tabi
Sa kalang binastiya lumalambot rin itong karne

Mga pinto natin noon walang kandadong mahal
Kaputol na kahoy napangtukod itulak mo't mabubuwal
Subali't ang nakawan ay kukunti pagka't ito'y bawal
Mga tao'y may damdaming pusong ginto bumubukal

Ang mga naunang isilang ay may kanyang panahon
At panahon ay may kanyang tao angkop naman ngayon
Dala ng pag unlad at inog ng mundo marami ang napipikon
May mga tao na walang modo at gagamit ng aborsyon

Sabi nga ni MN talagang nag iba at naiwan na taga 19tralala
Marami ang saramulyo ilan na lang nagmamano sa ama't ina
Ang ligawan noon at pag tapo maka alas otso ay bawal na
Ngayon isang sutsot o kaya ay teks ang buhay ay maligaya

Kumusta sa inyong lahat lalo na sa mga mahilig ring tumula
Sabi ni Bulanggugo sagusaguna habang pwede pang kumatha
Pag meron ng amnesya kahapong nagdaan nawalang parang bula
Kaya't patuloy pasiglahin itong sining kay Balagtas nagsimula

#19:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Wed Oct 12, 2011 10:33 pm
    —
Kalye Gimbal (now J. Baisas Street)

Noon ako ay maliit pang bata
Laging naririnig, ang pangalang Liza
Nagtrabaho din ako maglilinis nila
Kay Kits at Amang Bert, kapatid nyong dalawa ( Kang Ming)

Maraming gawaan,may bantsuhan pa
Sa kalye Gimbal kung tawagin nila
Palaging bisi, at amoy ammonia
Nagkalat ang rapya, dooy nililiha

Ang kalyeng ito noon ay kay saya
Sa tulad kong bata na doon ay tumira
Ibat ibang kwento, ibat ibang eksena
Magkaaway ngayon, bukas ay bati na

Marami din akong dooy kababata
Naging kaiskwela, hangang ngayon ay kaibigan pa
Mayroon ding naiwan, nasadlak sa dusa
Sa hirap ng buhay di nakakabangon pa

Gusto mang balikan ang mga nakaraan
Nais mang namnamin lahat ng kasayahan
Ito nga marahil palad na pinaglagyan
Kaya tangap na, kalye man ay nilisan

Pag habi ng tula ay ipagpaumanhin
Masarap basahin kung kukulayan natin
kaya katototo ko, wag mamasamain
Gusto lang libangin, ang isip na nahimbing
Very Happy Very Happy Very Happy

#20: Tulaan natin.....saluhan Author: Bulanggugo ulit. PostPosted: Thu Oct 13, 2011 8:22 am
    —
Sa aking mga barkadang Manunula.....mga Balagtas ng Paete

Sa inyong pagdiga ako’y nagulantang
Puno ng emosyon ang mga tinuran
Nasa mga puso, nasa kaibuturan
Mga alaala na hindi naparam.

Mga gintong alaala pa’no malilimot
Sa tuwing sasagi, may saya at kirot
Kahit pa ang buhay ay masalimuot
Pilit tatakasan kahit pa “bangungot.”

May pagmamalaki at taas ang nuo
Ang naging pagbangon iyong iku-kwento
Hindi lang sa anak kundi mga apo
Mga aral ng buhay na pinagdaanan mo.

Ang ating tulaan ang napakasarap
Malayang-malaya ating pag-uusap
Walang nanggugulo puro paghahayag
Ng mga damdaming laon ding naimbak……

#21:  Author: Guest PostPosted: Thu Oct 13, 2011 4:43 pm
    —
Pakiwari ko mga taga Paete noong araw ,
Sobra ang emosyon ang inililitaw,
Dahil halos yata tayo ay may pinag daanan,
Sa ating pag laki na hindi malimutan.

Kung karanasan lang ang pag uusapan,
Isa ako doon na may pinag daanan,
Hindi biro ito at hindi malimutan
Hirap na dinanas para maging ma tagumpay sa buhay.

Siyam kami mag kakapatid na lumabas sa mundo
Mula sa masipag na magulang nakumayod ng husto.
Walang yaman material ang binuhay sa mga supling na ito
Pero puno naman ng pag mamahal ang natanggap ng mga ito.

Sabi ni Ama,"mag aral kayo"
Hindi tulad ko na grade 6 lang ang natapos ko"
Ang Ina naman ay grade 3 lang ang nahayon nito ,
Pero masipag siya at may natural na talino".

Lahat kami ay pinag-aral ng mga magulang na mahal.
Pawis at dugo ang kanilang pinagdaanan
Para lang sa mga anak na kanilang minahal,
Salamat po Ama't Ina sa biyayang ibinigay.

Wala na sina Ama't Ina sa mundong ibabaw
Pero ang mga gunita nila ay laging nangingibabaw
Sa aking pusot'isip hindi ko malilimutan
Hanggang sa mga anak ko, gunita nila ay pina-alam.

Kahit nasa ibang bansa ang mga apo tinuran.
Alam na alam nila ang hirap ng mga Dada at mga magulang.
Lagi sina-sama sa pag uwi sa bayan na sinilangan(Paete),
Para makita nila ang ROOTS na pinang-galingan.

Taga Ermita

#22: Tama ka, kaibigang Bisita.. Author: Bulanggugo......... PostPosted: Fri Oct 14, 2011 8:21 am
    —
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Hindi makakarating sa patutunguhan
Tunay at totoo itong kasabihan
Mga buhay natin ang siyang katunayan.

Mantakin mo ang siyam na iyong bubuhayin
Sa panahon noong gusto nang limutin
Datap’wat itong mga magulang natin
Iginapang tayo upang pag-aralin.

Ang mga tulad mo at ang iyong kwento
Ay paulit-ulit sa buhay na ito
Mga magulang natin, lingapin nang husto
Sa dapit-hapon ng buhay nila sa mundo.

May pag-ibig kaya na hihigitan pa
Pag-ibig na kuyom sa dibdib ng Ina (at Ama)
Buhay na ‘pinunla, dugtong na hininga
Pangalawa sa Diyos, wala nang iba pa.

#23: PAANYAYA Author: Bulanggugo.......... PostPosted: Fri Oct 14, 2011 9:15 am
    —
Kayong kababayan na nananahimik
At sumusubaybay sa mga pilantik
Nitong mga dilang dati’y mga umid
Halina’t sumali, hasain ang isip.

Hindi naman ito isang pagligsahan
Wala ngang Hurado, wala ring husgahan
Kahit walang sukat, kulang ang tugmaan
Huwag kang matakot, at katuwaan lang.

Ang mas mahalaga tayo’y nagbubukas
Ng isang pintuang lahat ay kaangkas
Binubulatlat ang kahapong nilandas
May saya, may pait, may mga halakhak.

Kung minsan tayo ay may pagkakataon
Na nabubuklat ang kahapong binaon
At sa pag-iisa may naghihimaton
Na muling balikan nagdaang panahon.

Kaya kunin na ang panulat at papel
Subukang ilahad and iyong damdamin
At sa dakong huli pagtugma-tugmain
Ang mga talata ay paindayugin.

Kung sa akala mo matapos ang tula
Mukhang di maganda at baka mapahiya
Sige na “i-post” mo walang mali’t tama
Sa tulaan nating maraming natutuwa.

#24:  Author: kinale PostPosted: Fri Oct 14, 2011 3:48 pm
    —
Talaga ngang lahat tayo'y may pinagda-anan
masayang, malungkot ang ating kabataan
kahit ganon ang buhay may mga kasayahan
hindi ipag-papalit ang mga nakaraan.....

Buti ngang tayong lahat galing sa kahirapan
salamat sa kayod kapatid at magulang
'tiis sila para sa ating kinabukasan
mga anak natin 'di na sila mahirapan......

kahit anong hirap nuon 'di ko ipagpapalit
mga dina-anan nuong ako'y batang paslit
kung maibabalik lang ang mga naka-raan
palagay ko naman, meron pa ring kasiyahan.....

Buhay sa America masarap at mahirap
'dyan sa ating bayan mahirap pero masarap
pag retire naming dal'wa gusto ko rin malasap
sa Paete pa rin ako, 'yan ang aking pangarap.....

#25:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Fri Oct 14, 2011 11:17 pm
    —
Henerasyon

Kung sino man po kayo na taga Ermita
Kay ganda ng kwento nyo tungkol sa pamilya
Sa sipag at tyaga ng inyong amat ina
Masayang lumawig ang siyam na anak nila

Maaring masarap ang mabuhay noon
Lalo na kung pamilya moy hindi nagugutom
At kung dalawa naman silang laging magkatulong
Sa hirap ng buhay ito ay mai-a-ahon

May mga sandali, na di ko malimutan
Kagandahan ng asal noon sa ating bayan
Sagana sa pagkain ang material ay kaunti lang
Kaya kalimitan ay gantihan, sa pag aabutan ng ulam

Magkapatid ang turingan kay sarap ng samahan
Ganyan magtinginan, ang mga sina-unang katauhan
Laging nakahanda sa oras ng kagipitan
Hindi humihingi, kalimitan sila’y nag kukusa na

Ang mundo nga ay nag-iba, ugali'y nakasama na
Sa dami ng binebenta nagkalat minsan sa bangketa
Kung ano anong nau-uso kahit ito'y di kailangan pa
Wala ng libre lahat ay pera, sa buhay ang nagpapagana

Magkapit- bahay noon, marami ang magkasang-ga
Ngayon dumami na, ang ingitero’t mga ingitera
Pagkat di ka inn kung wala ka, sa uso ngayon kahit isa
Kay dami na sa merkado, kagamitan ay nag lipana

Kay sigla ng damayan, bihira ang mayroong utang
Ngunit ngayon ay gulangan, mahilig sa pakinabang
Dumaming mga kawatan, na noon sa atin ay madalang
Ito ang sukli ng pagdami, ng sa Paete ay naninirahan

Ang buhay noon at buhay ngayon, ay lubha nang mag-kaiba
Lumakad ka hangang pLaza, noon maraming sa iyo'y kikilala
Sa ngayon ay mag ingat ka, kaliwat kanan lumingon ka
Kung noon ay karitela, nyayo’y de motor na masakit sa tenga

Ganyan marahil itong mundo, kay dami ng pagbabago
Ang lisanin ang mahal mo, ngayon karaniwan na lang ito
Noon bayan natin gamit ay radio, at di nararating ng dyario
Computer, Celpone ang gamit mo, noon nama'y wala nito

Hangang dito na lang muna, itong tula ko na kay haba
Baka kayo ay ma- unga, dito sa aking naging katha
Pagkat ako’y gagayak na medyo malayo pa ang distansya
Maglalaro kami ngayon ng kaibigan kong mga tenista!!!

Hehehe pati laro ko nagbago na Very Happy Very Happy Very Happy


Last edited by whernas2001 on Sat Oct 15, 2011 5:32 pm; edited 2 times in total

#26: Salamat sa mga Tula ninyo! Author: Somy Asido PostPosted: Sat Oct 15, 2011 12:03 am
    —
Ako'y natutuwa sa inyong pagtula.
Sabi ko na nga bat di ko matiis na babasa lang
kaya ang plano koy habang nagpapahinga
itong weekend ay may tula sayo sinta.

#27:  Author: Guest PostPosted: Sat Oct 15, 2011 12:12 pm
    —
Salamat Winston nagustuhan mo ang aking katha,
Na dala lang ako ng aking emosyon para ilathala,
Ang buhay na may kulay mula pag kabata,
Hindi malimutan dahil ako ay tumatanda na.

Winston ,hindi ka iba sa aking pamilya.
Kilala ko ang Dada Porosa mo dahil kamag-anak kita.
Hindi mo na ako kilala
Dahil bata musingin(biro) ka pa ng lumisan sa bayan sinta.

Kahit ako ay pinadpad sa malayong lugar
Hirap ang dinanas para lang lumuwag
Trabaho sa araw pati sa gabi pa
Kumita lang ng pera sa panganga-ilangan nga ba?

Sa ngayon ay natanto hindi lang pera ang mahalaga
Pag ibig sa kapuwa ay huwag ipagkait sana
Mag tulungan tayo para masaya
Dahil buhay ng tao may katapusan din pala.

Hingi sa Diyos ay bigyan pa mahabang buhay
Para naman makatulong sa mga taong kapos palad
Mapa dito(abroad) at mapa ating bayan(Paete)
Kahit kakaunting tulong ay taos pusong ibinibigay.

Taga Ermita

#28: pagpupugay kay bulang-gugo Author: eme-ene PostPosted: Sat Oct 15, 2011 7:11 pm
    —
taas ang nuo ko sa pagpupugay sa iyo,
magaling na sagot mo sa mga makata,
parang kapit bahay palagay ko sa iyo,
sa kalye Mabini ba,pook na nailakhan mo.

ang iyong magulang parang kilala ko,
kayat itinanong ,kapatid kongbunso,
napatunayan nga,na ikaw ay sino,
kapatid ni berting,na natatandaan ko.

nais kong bansagan,sa pangaalan moy ikabit,
Lakandiwa ng balagtasan,sa nuo;ylaurel ang ikapit,
pagpapasimula ng balagtasan,nais buhaying pilit,
pag piesta o San antonio,sa komedya ay ipalit.

ako ngayoy nangingiti,ako pala ay ari pa,
ang utak ay hindi pa laos,meron pang ibubuga,
ang nagawa mo bulang-gugo,sa aking pangamba,
wala pa palang"alshiemer"kinatatakutang talaga.

cheers magkitakita tayo sa plasa sa balikbayan2012

#29: TULAAN Author: RUBEN G. CAGAYAT PostPosted: Sun Oct 16, 2011 2:22 am
    —
Maraming salamat mga kababayang mahilig sa tula
Ating pagyamanin ang dugtungan ng mga talata
Kaya't ang mungkahi ko sa ating hari ng makata
Bulanggugo panahon na uli balagtasan magsimula

Tulad noong ginawa natin pumili ka ng paksa
Isang grupo ang sang ayon isang grupo sa kabila
Ito ay sagutan lamang at ang hahatol ang madla
Walang mananalo at palinawagan lang ng paksa

Paksang nasa isip sana'y magustuhan
Tulad ng nasasaad sa ibaba ating pagbotohan
At kung pwede ikaw na ang tumimbang
Kung aling paksa ang ating sisimulan:


1. Kailangan ba ang Diborsyo?
2. Pagpaplano ng pamilya kailangan bang mag aborsyon?
3. Kailangan bang magtrabaho sa overseas? ito ang paksa natin
noon at pwedeng ulitin..

Tulad noon ikaw ang nagplano kung papano gagawin.
Ito nama'y katuwaan lang para ang tulaan ay suriin
Mga talata nating sa puso manggagaling
Maging aral sana ng madlang mahal natin.

Note:
Naisip ko po lamang magkaroon ng paksa ang ating tulaan.
Baka po malahad lahat kahapong nagdaan.
Mauwi pa ito sa aming iyakan.
Ikaw kasi at kami ay magsisihan.. biro po ito..

Ano ang say ninyo..Whernas, Taga Kinale, Taga Ermita, Rey,
Eme Ene, Somy at iba pa.

#30:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Sun Oct 16, 2011 6:16 am
    —
Ibigay ang Hilig

Maraming salamat po, sa yo Bulanggugo
Dahil sa mga katha dito, lumiliit itong mundo
Kamag anak namin, na nasa kabilang ibayo
Nang dahil sa tula, taga Ermita nagkita po tayo.

Dugo'y sumilakbo, ng bangitin po ninyo
Na kami pala ay kaanak, sa Cainto’ng apelyido
Di ko malaman kung matutuwa o malulungkot ako
Biglang naalala ang Dada, na mapagmahal sa mga apo

Maganda po ang hangad, na ang tulaan ay lumawig
Sa forum man lang, ating maisa-himpapawid
Mga saloobin sa paguusapang ninanais
Ako ‘y dito lang sasagot, sa makakayang ipabatid

Hindi po ako, bihasang manunula
Ito ay dala lang ng hilig, kahit na hindi makata
Wala rin akong balak, sa entablado’y kumatha
Sa mabilisang pag iisip, ng magagandang talata

Sige po amang Ruben, ako po ay maghahatid
Nang mga paliwanag at isip ay pipigaing pilit
Pampalipas ng oras sa aking pagtitiis
Sa malayong lugar na pinagkukunan ng kaunting atik

Makisalo na pampatalas ng isip:D Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

#31: Ang Pagbabalik Author: SomygaLocation: Somy G. Asido PostPosted: Sun Oct 16, 2011 9:00 am
    —
Ito na lamang po ang maiiambag ko sa inyong mahihilig sa tula.
Sumusubok po talaga akong gumawa ng tula ay parang mahirap na magkatugmatugma. Kailangan siguro ng concentration and motivation to express my thought of the subject. Salamat po, next will be mine...I hope my mind will have the compatibilty with my heart or else it will not work at all...ha ha ha.


“ANG PAGBABALIK”
By: JOSENG BATUTE – JOSE CORAZON DE JESUS


Babahagya pa lamang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan,
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Ng siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamamatay ako, siya’y nalulumbay.

Ng sa tarangkahan ako’y makabagtas,
Pasigaw na sabing, “Magbalik ka agad”,
Ang sagot ko’y, “Oo, hindi magluluwat’...”
Nakangiti akong, luha’y nalalaglag,
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Na biyak ang puso’t naiwan ang kabiak.

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig ng magningning,
Naka-orasion na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayong lupain,
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob,
Kumain ng kunti’t natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw ng tumibok,
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga ng kulog!!”

Ng kinabukasan, araw ay magningning,
Sinimulan ko na ang dapat gawin,
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim,
Ng magdedeciembre tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwing taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas,
Bulaklak ng damo sa gilid ng landas,
Ay pinopol ko na’t panghandog sa liyag,
Ng ako’y umalis siya’y umi-iyak,
Oh, marahil ngayon, siya’y magagalak.

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong amin, meron pang musiko,
Nagkakagulo ang maraming tao,
“Salamat sa Dios” ang nasabi ko,
At nalaman nila na darating ako....

At ako’y tumuloy, ng ako’y pumanhik,
Mata’y napapikit sa aking namasdan,
Apat na kandila ang na-nga-babantay,
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
Mukha’y nakangiti at ng aking hagkan,
Para pang sinabing, “Irog ko, paalam!!!”

#32:  Author: Guest PostPosted: Sun Oct 16, 2011 12:54 pm
    —
Eme-ene,salamat sa hula na ako ay taga Mabini lugar,
Pero mali din ang iyong tinuran,
Sana ako na nga ang taga Ermitang na iyong alam,
Dahil isa siyang magandang tao,maraming kaibigan.

Ikaw nga ay hindi ko rin kilala
Dahil mula high school hanggang kolehiyo'y lumisan na,
Pag katapos ng college naman ,mas malayo ang pinangarap,
American dream ang inasam sa buhay.

Matagal ng panahon nasa malayong lugar,
Puwedeng ng mag retire sa bayan iniwan,
Pati kabiyak ko ay walang laging inuusal,
Mag retire na daw kami para mag enjoy sa buhay.

Ikaw naman Winston ay Cainto ang ating pinag mula,
Dahil parehong magulang ko ay Cainto ang panggitnang pangalan,
Mabuti na lang ang siyam na anak ng magulang
Hindi kulang sa isip ang kinalabasan.

Kang Ruben,magandang ang iyong tinuran,
Kahit anong topic aking pagbibigyan,
Parang itong musika na iyong alam( kilala ko rin ikaw)
Magaling na musikero noong araw(pati ngayon).

Bai Somy, madaling tumula pag nasa mood ka
Medyo kailangan lang ng concentration talaga
Para mabuo ang kathang ninanasa
Diyan pa sa Toronto maraming inspirations ka.

Bulanggugo,malaking pasasalamat
Sa inumpisahan mong tulaan ng bayan
Hindi ko rin kita kilala dahil lumisan ako ng maaga
Iniwan ang Paete na ang isip ay musmos pa.

Sa takbo ng pag susulat mo sa Usap Paete
Gustong gusto ko ang mga topic na tinuran
Nakikita ko ang talinong mong taglay
Dahil maganda at may kabuluhan ang iyong mga pananaw.

Ming ,kilala mo siguro ang mga kapatid ko sa Eastern nag-aral
Kilalang kilala sila doon dahil may honor na kinamtan
Yong lang ang aming ipag mamalaki lalo na ang mga magulang
Dahil wala kaming yamang taglay noong araw.

Taga Ermita

#33: Mabuhay ang mga Makatang taga Paete... Author: Ming alyas Bulanggugo PostPosted: Sun Oct 16, 2011 10:19 pm
    —
Mga kabarkadang Makata ng Paete

Salamat sa inyong masigasig na pagdalo
Sa maindayog na usapang sinimulan ko
Tulad ng naunang paghamon ko sa inyo
Ito’y katuwaang bukas kahit kanino.

Hindi natin kailangan ang mga laurel
Sa larangang ito tayo’y pantay-pantay
Ito’y tagisan at isang pagsasanay
Nasa puso at isipan dito italakay.

Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Higit pa sa hayop at malansang isda
Kaya pagyamanin ang wikang Pambansa
Salin-lahing darating sana’y maging adhika.

Samakatwid sa tulaan walang mali o tama
Walang kailangang sukat man o tugma
Isaad ang damdamin nakakaiyak man o kakat’wa
Kasali tayong lahat, wala ritong saling-pusa.

Ang iyong magandang panukala, Ka Ruben
Sa mga barkadang Makata isangguni natin
Alin nga bang paksa ang gustong piliin
Ang nakakarami ang ating susundin:

1. Kailangan ba ang Diborsyo (sa Pilipinas)?
2. Pagpaplano ng pamilya kailangan bang mag-aborsyon?
3. Kailangan bang magtrabaho sa overseas? ito ang paksa natin
noon at pwedeng ulitin..

At kapag nagkaisa na sa ating tatalakayin
Ang kontra at panig ating aalamin
Sa hanay ng mga makata ating tatanungin
Sinong magkakampi, sinong kakalabanin?

Mga bumabasa ay ating pasalihin
Anyayahang sumali at ang isip patalasin
Wala namang inampalan na hahatol sa atin
Bato-bato sa langit ang tamaan tumula rin.


Huwag sanang masamain ang aking kahilingan
Na sa ating barkadahan ay ilahad ang pangalan
Wala namang nakakahiya sa ating usapan
At lahat naman tayo ay magkakaibigan.


Kung magkagayun man at ayaw talaga
Di ko ipipilit kung doon panatag baga??
Basta huwag kang bibitaw, ikaw ay ok na
Yun namang sa akin kung pwede lang sana....

#34: TULAANG PAYTI Author: RUBEN G. CAGAYAT PostPosted: Mon Oct 17, 2011 12:21 am
    —
Habang nag hihintay ng hudyat ni bulanggugo
Sa pagsisimula ng balagtasang dalangi'y mabuo
Makilala sana mga katotong sa alias nagtatago
Ito naman ay kung pwede kabayan ko kasing dugo

Uunahin ko na si Eme Ene na wari ko'y kilala ko
Pagka't kasabayan ni Iskong Em naging barkada ko
Naging katunggali sa balagtasan sa ibabaw ng entablado
Siya lamang ang apo ni ebang sa tulaan ang aming idolo

Si Ginoong Francisco Em tubong Siniloan
At doon sa Eastern aming kasabayan
Parang si Raymundong hari ng balagtasan
Matining ang tinig kahit siya'y hindi kalakihan

Noong ako ay konsehal sa ating sangguniang bayan
Doon sa Siniloan siya'y konsehal rin at nagka kumustahan
Di niya malimot ang Eastern at sinalihang balagtasan
Lalo ang katunggaling dilag na kay ganda at matapang

Ito namang si katotong sa Ermita nanggaling
Ako'y siguradong malaki ang kabataan sa akin
Kilala ako marahil at mga utol ko ay kilalarin
Ini isa ko na di maturan ang may siyam na supling

Si Winston Whernas di ko nakaharap ng personal
Matagal ko ng idolo at nabigyan na ng parangal
Isang TOYM awardee sa Paete'y nagbigay ng dangal
May talino at may adhika isang taong marangal

Hanggang sa muli mga kaibigan
Maganda ring sanayan itong pahulaan
Kung nais nyung magtago sa pangalang tulaan
Tuloy ang ligaya sa Paete tayo magkamayan

#35:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Mon Oct 17, 2011 9:01 am
    —
Mabini (now E.M. Dalagan Street)

Ako’y nag iisip, at may pinag- tatagni -tagni
Inabot kong mga tahanan, na tumatak sa Mabini
Dinadaanan ko noon , Ermita’ng tapat ito ng ELC
Hangang sa dulo sa may kanto, bahay noon nina Saldy

Taga Ermita saan po dito, sakop nito hangang dulo
Calabig Adao Fadul at Ordiales, Belly Asido sa gitnang kanto
Caguin Madrigal Rabacal at Cabisidan, Ramos Cadayona noon ay tindahan ito
Ermita na katapat ng kabilang baryo, mga pangalang natatandaan ko

Salamat po amang Ruben, hindi po ako ang T,O,Y,M
Solidong tubig ay nilulukad, doon sa Makati akoy napadpad
Pinagsikapan at pinalad, na makamit nya ang mithing award
Elmer Hernas ngalan nito, kapatid kong bunsong kapalit ko

Ako po ay natutuwa, na gamitin itong wika
Sa tulaan ay naghahanda, mga salita ay kinakapa
Ang bayan ay nagbabasa, mga bata ay nagtataka
Di maarok ang nakikita, mga kahulugang kay lalim na

Kay ganda po ng layunin, buhaying muli ang damdamin
Sa pagbigkas nitong wikang, parang awit na kay lambing
Panahon ngayon ay ibang iba, hip hop ay usong uso na
At ngayon nga’y naghalo na, englis tagalog na pinagsasama

Ako po ay may munting hiling, sa ibang kaba-bayan natin
Ito sana ay bigyan pansin, at kayo man dito ay mahaling
Sumama na at lilukin, ang budhi mong nahihimbing
Kahit putol parang Texting, Mabini'ng binini pwede na rin

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Magandang gabi po...

#36:  Author: Guest PostPosted: Mon Oct 17, 2011 11:44 am
    —
Winston,Ermita ay pina kamaliit na purok sa bayan ng Paete
Boundary nito ay Kinale ,Ilaya at Maytoong
Sa mga lugar na iyong ni mentioned
Malayo na mahulaan ang taga Ermitang ito.

Kang Ruben ,malapit na mahulaan ang aking pagkatao
Kilalang kilala ko ang mga magulang at kapatid mo
Mag kasing Aglipay sa reheliyon tayo,
Pag may practis ng honsana and dada't tiya mo ang nagtuturo nito.

Isa pang hint ko kung sino ako
Musekero rin ang mga kapatid at Ama ko,
Hindi lang ako pinalad na maging katulad ninyo,
Hindi rin pumasa maging tambol mayor sa banda ninyo.(puro peklat ang binti,lol)

Pag pasensiya na muna kung ako ay hindi pa lumatad,
Hindi pa handa ilahad ang kulubot na balat(LOL)
Mag fafacial treatment muna (he,he,biro lang)ang lingkod na hamak
Nang sagon ang balat ay maging banat na banat.

Taga Ermita

#37:  Author: Elias PostPosted: Mon Oct 17, 2011 12:16 pm
    —
Akoy hindi makata pero susubukan na din.
Dahil nagpupumiglas tagalog na kaylalalim.
Gustong alalahanin natabunang wika natin.
Nang ang henerasyon ngayon,magbaga ang damdamin.

Akoy nagsusumamo sa mga kabataan natin.
Ating ibahagi kung saan din tayo galing.
Pahulaan man ito,o pangalang nakalahad din.
Ang mas importante,lumabas ang kinikimkim.

Itoy nabanggit ko lang upang sanay alamin.
Takbo ng kaisipan ng ngayo'y kabataan natin.
Upang maunawaan kanilang mga damdamin.
Nang tayo'y makasabay sa bagong mundo natin.

Madami sa nalathalang tula ay hindi ko na pansin.
Dahil hindi ko na inabot ang ganung mga gawain.
Ngayon ay napagtanto ko,na may ganyan pla sa atin.
Kaya may karagdagang kaalaman na tumimo sa akin.

Ipagpaumanhin ninyo po,kung ako'y isang alyas.
Kung sa ganitong paraan mahikayat ko silang magbulalas.
Na bagama't nagtatago sa isang Pangalang Elias.
Magugulat na lang tayong may lalabas na 'ngalang Kulas.

#38:  Author: Guest PostPosted: Mon Oct 17, 2011 1:36 pm
    —
Correction:Huling sentence:Nang SAGANON ang balat ay maging banat na banat.

Anonymous wrote:
Winston,Ermita ay pina kamaliit na purok sa bayan ng Paete
Boundary nito ay Kinale ,Ilaya at Maytoong
Sa mga lugar na iyong ni mentioned
Malayo na mahulaan ang taga Ermitang ito.

Kang Ruben ,malapit na mahulaan ang aking pagkatao
Kilalang kilala ko ang mga magulang at kapatid mo
Mag kasing Aglipay sa reheliyon tayo,
Pag may practis ng honsana and dada't tiya mo ang nagtuturo nito.

Isa pang hint ko kung sino ako
Musekero rin ang mga kapatid at Ama ko,
Hindi lang ako pinalad na maging katulad ninyo,
Hindi rin pumasa maging tambol mayor sa banda ninyo.(puro peklat ang binti,lol)

Pag pasensiya na muna kung ako ay hindi pa lumatad,
Hindi pa handa ilahad ang kulubot na balat(LOL)
Mag fafacial treatment muna (he,he,biro lang)ang lingkod na hamak
Nang sagon ang balat ay maging banat na banat.

Taga Ermita

#39: Samut-sari ng Bata-Batutang Payti Author: Taguillero PostPosted: Mon Oct 17, 2011 5:15 pm
    —
Ikaw Bulanggugo ang siyang "kaporal"
Sa hindi maawat na pagtutulaan.
Kaya kahit pulpol, ako'y napilitan
Mga kahapon ko'y pinagnilay-nilay.

Naalaala ko, laruan kong sumpit,
Yari sa kawayan at maikling siit.
Nanggaling sa bambang, ang pambalang tubig,
Kalarong mabasa, sa akin ay galit.

Mayroon din akong laruang sulpak.
Ibinabala ko'y bulaklak ng putat.
At napakalakas kung lumalagapak,
Ang mga kalaro lahat nagugulat.

Ang sabi ni ina,"Pulad di maganda,
Iyan ay peligro sa mata ng iba.
Kadulu-duluhan ay maka-bulag ka.
Kaya nga ba't ikaw magtigil na sana!"

Kung dumarating na, anihan ng palay.
Mga maya man din nangaghuhunihan,
Ang magkakalaro, takbo sa palayan,
Doon namamatda ng ibong kawan-kawan.

At kung dumarating malakas na ulan.
Mga kalaro kong batang kapit-bahay
Sa gitna ng kalye, kami ay habulan
Tapat ng alero, kami'y halinhinan,
Pagkatapos sa gripo, roon magbabanlaw.

Masalimuot na ang ating tulaan.
Kung saan-saan na ang naging usapan.
Nabanggit ni Whernas ang salitang 'ulam',
Pakinggan ninyo ang aking "karanasan"

Minsan ay nagluto si ina ng ulam.
Sinigang na kanduli, saksakan ng 'mahal' (precio)
Ako ay nauna na magtanghalian,
Pagkaraka'y alis nakipag-tatsingan. (holen)

Ano't nang kakain, mga kasambahay.
Hindi na makita, masarap na ulam.
Sa paglalaro ko, ako'y tinawagan.
Pag-pasok pa lamang ako'y napingutan.

"Ikaw na bata ka ay napaka-'hangal'
Talagang ikaw ay merong kagaguhan
Ulam na natira'y hindi mo tinakpan
Hayon at kinain ng pusang matakaw. (Hindi amin ang pusa)

Hindi man totoo na ako ay gago
"Academic subjects" mataas ang "grades" ko.
Mayroong "ninety" at "ochenta y cinco"
Sumpa man sa inyo napaka "burot" ko (ano?)

Sa "Character" nga lang may "sixty five" ako.
Iisa lang naman at di likas na 'waso" (wardi o loko)
Ang 'buddy-buddy' ko ang s'yang tarantado
Naramay lang ako nang siya'y ma "castigo"

Di ko ihahayag ang pangalan nito
Pagka't sa "reunion" delikado ako.
Ngunit hanggang ngayon siya ay katoto.
Magkatotong "carnal" magunaw man ang mundo!

#40: pagpapakilala Author: eme-ene PostPosted: Mon Oct 17, 2011 8:06 pm
    —
Ako nga ay may kaba,ang ngalan koy malahad,

Lalo nang sa sagot ni ruben MN ay na banggit niya,

Hindi ko matandaan kung sino at kailan,eme-ene ;y ibinansag

Pagkat first year lamang ako nuon,sa paaralang Eastern Laguna.


Ako po ay taga ermita,kalye ay J.Luna,

At anak ng Rito,asawa ng Martang magpeperia,

Kapatid nina Indo,Doming,TEring at Flora

Gayon din nina Ponyong,Dodo at Juliana.

Kami po ay maralita napilitang magabroad na,

Makatapos ng nursing duon sa Lucena.

Masakit sa luob nang lisanin ang bayan

Maria navarro po ngayo;Andaluz na

#41: Kay Sarap marinig (kumbaga) at muling balikan.. Author: Bulanggugo.......MB PostPosted: Tue Oct 18, 2011 6:51 am
    —
Ay hindi maubos ang sayang 'dinulot
Ng mga kahapong dito ay sinusog
Hindi kaya tayo noo'y nagpang-abot (Taquillero)
Sa pamamatda at paghukay ng "pook?"

Ibinahagi mo'y karanasan ko rin
Ngiting-ngiti ako nang isa-isahin
Mga laro natin ngayon mo isipin
Sa pagkakaibigan ay nagpapalalim.

Ang hindi ko alam kung aking inabot
Si Eme-Ena na halos ay ka-Purok
Maytoong-Quinale doon nagpang-abot
Tanda kong may Makopa doon sa may likod.(Nakasungkit din ako noon....hehehehe)

Heto ang listahan ng mga Makata
Na naghahanay ng talatang inakda:
Eme-Ene, Elias,Guest, Kinale, Ka Ruben
Rey B, Somy, Taquillero,Whernas, atbp.
Ating dagdagan pa upang lalong sumaya.

Ituloy-tuloy lang itong paglalakbay
Ng mga katotong sa Paete namuhay
Mga alaalang matingkad ang kulay
T'wing babalikan, saya'y nag-uumapaw.

Datap'wat ang hiling na mag-balagtasan
Nitong si Ka Ruben'g pinagpipitaganan
Inyo nang silipin nang maumpisahan
Limiing mabuti at hindi mabilisan.

Diborsyo sa Pinas, payag ka ba o hindi?

Huwag nang matakot kayong nagbabasa
At sumubok kayong dito'y makiisa
Walang tama, walang mali, halina't sumali ka
Pag-tilamsik ng diwa mo, ikaw'y magtataka.

#42:  Author: Guest PostPosted: Tue Oct 18, 2011 11:31 am
    —
Maria(Aka Eme-ene),ikaw pala ang nagtatago sa pangalang ito,
Batang Ermita pala tayo
Akala ko ako lang ang babae dito
Salamat na lang ,dalawa tayo.

Kilalang kila kita dahil kay Kaka
Laging mong binabati sa pasyalan sa Wawa
Mabuti ka pa retired nurse ka na pala
Nag eenjoy na sa buhay na itinakda.

Kilala mo rin ako dahil tayo ay nagkasama
Sa papamamasyal sa malamig na Alaska
Narinig ko na, na mahilig kang kumatha,
Nang mga Tulang aming damang -dama.

Malapi-lapit na ako ay mahulaan
Sa mga hints na ibinigay doon malalaman
Palagay ko yong may edad(hindi kabataan) ang makakaalam,
Nang tunay kong pagkatao sa akin ay ibinigay.

Taga Ermita

#43:  Author: guest/rey bagalso PostPosted: Tue Oct 18, 2011 1:04 pm
    —
Dahil si eme ene nagpakilala na.
Akoy may hinala kung sino si Ermita.
Palagay koy siya yung nagtuloy ng tula ko.
Sapagkat katulad ng kanyang estilo.

Ako naman ay hindi din masyadong kilala.
Maraming nalilito kung sino baga?
Tunay na pangalan ginagamit talaga.
Rene ang palayaw sa nakakikilala.

Kahit si Ka Ruben hindi din ako matatandaan.
Pero siya ay tandang tanda ko pa.
Isang baskebolista, at Jubilee pa.
Kasama si Pakito,Kang Hector.
Gintong ngipin ay naaalaala.

Kung hindi ako nagkakamali kay Ermita.
Ikaw ba yan Sheba?

#44: mga-taga ermita Author: eme=ene PostPosted: Tue Oct 18, 2011 2:38 pm
    —
Parang nahulaan kung ikaw ay sino.

Hindi ko ibubunyag ang pangalan mo.

hayaan na munang panabikan ito,

Ng mga makatang,hangad ay ito.

Kumusta na laang sa iyong kapatid,

Mabait,mayumi kaibigan din ni lourdes

Parang kahapon lang nuong barkadahan

Kaming maliliit sa aming paaralan.[ELC ]

#45:  Author: guest/rey bagalso PostPosted: Tue Oct 18, 2011 6:59 pm
    —
Alam kong hindi sya si Sheba.
Hinuhuli ko lang kung kakanta sya.
kami ay nagkita, nitong Lingo.
Masakit ang paa, pero nakalalakad na.

Sa aking pagsasaliksik ako ay may nakita.
Apelyido ng magulang ay Cainto daw.
Ngunit tayo ay nililigaw niya, 9 ang bilang.
Pero walo lang sila.

Isa pang mga clue, nag alaska sila.
Kaya ako ay wala ng duda.
Kaeskwela ko kapatid niya.
Valedctorian namin sa Eastern Laguna.

#46: Maytoong Author: wAlladin PostPosted: Tue Oct 18, 2011 10:22 pm
    —
Minsan nakita ko ang iyong pangalan
huag ng palitan ang alyas sa tulaan
ng binanggit mong musikero ang kasambahay
masisipag at tahimik ang pamilyang tinuran.

Sanay balang araw si Tisay ay lumitaw
At ng ipagpatuloy ang aming lambingan.
Sa wawa pa minsan kamiy namamasyal
Ang simoy ng hangin aming kaulayaw.
Ang halik na matamis aming pinagsaluhan.
Parang ayaw ng magising sa aming lambingan.


wAlladin

#47:  Author: Guest PostPosted: Wed Oct 19, 2011 2:11 pm
    —
Kang Rey, pasensiya ,hindi ako si Sheba na iyong akala.
Hindi masama kung siya ang hula mo na taga Ermita
Dahil mabait na tayo siya sa kapuwa at hindi iba siya,
Malapit na kamag-anak kaming dalawa.

Bulanggugo isa siguro ako sa "atbp"
Sa listahan na inihayag mo ng mga makata(biro lang )
Medyo hinahanap-hanap ko lang ang Taga Ermita
Wala sa listahan ang aba kong "AKA".(Alias)

Eme-ene,nasaan ka ngayon?
Hinahanap kita sa Canada mong bayan.
Nag punta ako sa Victoria BC Island
Para mabisita ko ang pinsan kong mahal.

Taguillero, nag-enjoy ako sa mga laro ini-ulat
Lahat yoon ay mga imbentong hamak,
Iba ang ligaya ng mga laruang itong inilahad
Sa mga batang kalalakihan noong araw.

wAlladin,Hindi kita pa kilala pero may hinala na....mmmh
Nag banggitin ang pangalan ng kumare kong mahal(Tisay)
Sana nga ay sumali na , dahil magaling siya
Ilahad ang mga experiences namin noong araw.

Kinale,sa iyong iniulat,tayo'y pare-pareho
Nang buhay na pinagkaluob sa mundo.
Hindi pinagsisihan dahil may magandang resulta ito
"Pag may hirap ay may ginhawa kapalit nito."

Yong iba nating makata,Whernas,Elias,Kang Ruben ,Taguillero ,Rey at iba pa,
Besing busy ngayon sa ibang topic ni Bulangugong makata,
Diborsiyo ang paksa ng tugisan nila
Very sensitibo dahil maka Diyos pa rin sila.(ako rin)

Taga Ermita

#48: M. N. Author: Guest PostPosted: Wed Oct 19, 2011 3:29 pm
    —
Naku, Eme-Ene, Aba, ikaw pala!
Tagal kong inisip sino ka nga baga?
At nalimutan kong "first name" mo'y Maria.
Basta't ang alam ko, palayaw mo'y Tita.

#49:  Author: Guest PostPosted: Thu Oct 20, 2011 12:15 pm
    —
Kang Rey hindi ako nag sisinungaling na siyam kami sa pamilya,
Bunso namin na si Gloria kinuha ng sanggol pa.
Nalanggas na rin ang unang supling nina Amat' Ina.
Kaya pipito na kami na magkakapatid na titira.

Salamat sa pag dalaw sa tahanang kong mahal.
Lintik na tuhod na ito ,hindi makalakad,
Tanda na yata ito ng rayumang pag may edad
O kaya naman ay kailangan mag tamad.(excuse magtrabaho)

Hayan malapit lapit na
Sa tinuran mong clues ,mahuhulaan na,
Hindi bali makilala ng iba ,
Dahil isang hamak lang ako na gustong lumigaya.

Taga Ermita

#50: bakit baga Author: eme-ene PostPosted: Thu Oct 20, 2011 7:05 pm
    —
Maraming ngang kababayan ,sa nglan ko'y nalilito,
Maria,pita,baga may annge pa at iba pa.
Ito'y sa iba-iba ibinansag ng kapalaran,
Bagama't Maria Carmen,binyag ni Padre Rosal.

Sa school ay Maria,sa Lucena ay Mary
Sa mga kapatid ay Tita,kababata ay Pita,
Kaya nga ng mapunta dine sa Canada
Matunog na Maria aking pakilala.

Ng ako ay musmus pa sangayon kay Pureza
Mabilog,mataba,pinaglalaruan nila
Para daw manika sa tokador nila
Sa duyan ay nahuhulog,sa sahig dinadakma.

Ita daw si Gimo[rudy Ibanez]utal nang bata pa
Tuwing makikita ako ang tawag ay pita
Ang ibig sabihin,mukha raw manika.
Sa mga nakarinig ang akala ay Pita.

Kaya pasinsya na mga kababayan
SA idinulut kong pinagkalituhan,
Pangalan o bansag,pinabayaan ko na laang
Ang damdam ko nito,maraming nagmamahal





Ang Ibig sa bihin,mukha raw manika.
sa mga nakarinig ang akala'y Pita.

#51:  Author: kinale PostPosted: Thu Oct 20, 2011 7:28 pm
    —
Talaga ngang lahat tayo'y may pinag-daanan
masayang, malungkot ang ating kabataan
kahiy ganon ang buhay may mga kasayahan
hindi ipag-papalit ang mga nakaraan.....

Mabuti ngang tayong lahat galing sa kahirapan
salamat sa kayod kapatid at magulang
nag-tiis sila para sa kinabukasan
mga anak natin hindi na mahirapan.....

Kahit anong hirap nuon, 'di ko ipag-papalit
mga dinaanan nuong ako'y batang paslit
kung mai-babalik lang ang mga naka-raan
palagay ko naman meron pa ring kasiyahan.....

Buhay sa America masarap at mahirap
'dyan sa ating bayan mahirap pero masarap
pag-kami'y nag-retire gusto ko pa ring malasap
sa Paete pa rin ako, 'yan ang aking pangarap.....

#52:  Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Sat Oct 29, 2011 3:15 pm
    —
guest/rey bagalso wrote:
Dahil si eme ene nagpakilala na.
Akoy may hinala kung sino si Ermita.
Palagay koy siya yung nagtuloy ng tula ko.
Sapagkat katulad ng kanyang estilo.

Ako naman ay hindi din masyadong kilala.
Maraming nalilito kung sino baga?
Tunay na pangalan ginagamit talaga.
Rene ang palayaw sa nakakikilala.

Kahit si Ka Ruben hindi din ako matatandaan.
Pero siya ay tandang tanda ko pa.
Isang baskebolista, at Jubilee pa.
Kasama si Pakito,Kang Hector.
Gintong ngipin ay naaalaala.

Kung hindi ako nagkakamali kay Ermita.
Ikaw ba yan Sheba?




mukhang kayo po`y nagkamali sa tinuran
ang inyong lingkod bibihira na sa tulaan
marami pong kasing pinag kakaabalahan
at sa ngayon po may ibang kinahihiligan

danga`t nabanggit nyo ang aking pangalan
ngiti ay muling namutawi sa aking kaibuturan
isinamtabi muna larong pinagkakalibangan
upang sagutin ang inyong nalilitong isipan

ganyan kahiwaga`t ganda sa larong taguan
ang palawakin ang kanya kanyang isipan
hindi man ito sa inyo madaling mahulaan
ngunit nag iiwan ito ng malaking kaalaman

Sheba Aseoche



USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group