Salibanda
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)

#1: Salibanda Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Sat Jan 14, 2012 10:25 pm
    —
Salibanda ng Bayan

Matagal tagal na ring hindi ko na masilayan
O sumama sa salibanda nitong masaya nating bayan
Maliit pang bata noong ako ay huling nakipagsabuyan
Nang tubig na bendita pampaginhawa ng katawan

Ang okasyong ito ng poong Santo Nino
Lubhang sagrado kay dami ng mga deboto
Ang Santo Nino ng Ibaba ang kaunaunahan sa palagay ko
At sinudan na ito ng ibat ibang mga karatig bario

Kay saya nitong tradisyon doon sa mutya nating bayan
Magtipon muna ang mga barkada upang maginuman
Ito ay tanda ng nagpapakundisyon ng katawan at isipan
Upang mas masaya at bigay todo basaan at indakan

Ngayon nga ay panahon na naman nitong salibanda
Halos lingo lingo ibat ibang Santo Nino ang ipinaparada
Iba ibang grupo samahang magkakaibigan, kapamilya at magkakabarkada
At pag sasamahin lahat sa huling lingo ang mga gustong sumama

Nais kong samantalahin itong aking paglalahad
Sa aking nasaksihan noon sa aking paglalakad
Doon sa Kinale noong panahong ako ay lagalag
Masayang nag salibanda at si Balbon ang nakita kong inilulundag

Sa sariling sikap ng mga magkakabarkada at magkakaibigan
Ito marahil ay isa sa naging makulay nilang karanasan
Kung bakit ang Palaboy ay isinasalibanda na rin sa lansangan
Naging taunan na ang kanilang masasayang basaan sa boong bayan

Tradisyong kay saya na ipinamana ng mga ninuno
Ay mahalin at ipagmamalaki natin saan ka mang dako
Ang ating mithiin ay dadayuhin at mahahalina kahit na sino
Upang makisaya sa malikhaing bayan ni Viva Santo Nino!!!!!



USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group