TOUR FOR SAGIP SAN CRISTOBAL / PEST CONTROL IN THE CHURCH
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Sagip San Cristobal

#1: TOUR FOR SAGIP SAN CRISTOBAL / PEST CONTROL IN THE CHURCH Author: leeqLocation: Lee Quesada PostPosted: Sat May 05, 2012 3:14 am
    —

UPDATE: TOUR FOR SAGIP SAN KRISTOBAL

Isa po sa mga na kakatulong sa ating poyekto na Sagip San Kristobal ay ang pag tanggap ng mga bisitang turista na nag bibigay ng tulong, donasyon at suporta sa ating proyektong sagip san Kristobal. at dahil po dito ay nakakalikom na tayo ng pondo bilang seed money para sa umpisa ng proyektong ito.

meron pong nag pa schedule po ng tour sa last week ng month of May no definite date yet. but we need to prepare kz po sila ay mga guests natin na malaki ang maitutulong sa ating proyekto ng sagip san kristobal. sila po ang mga bisita natin na makakatulong sa atin to connect sa different ambassador of different country particularly Japan Embassy at US Embassy who are very willing to help in this kind of projects. Let our finger cross and pray to the Lord na maging maayus at successful ang lahat.Makikipag ugnayan po ako sa Myor's office tungkol dito hinhintay ko lang po ang update kung ano ang eksaktong date ng bisita. sa mga kababayan din po natin na willing tumulong kayo po ay welcome din sa special tour na ito.

maraming salamat po!

Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe

11:31pm May 3

UPDATE: PEST CONTROL INSPECTION (MAY 3, 2012)

Isa po sa mga na pag desisyunan ng Konseho Pastoral ay hayaang suriin ng mga eksperto ang kalalagayan ng ating simbahan sa mga anay at bukbok na sumisira sa ating mga paintings.

Ang inilahad po ng mga ekperto noong nag pulong last sunday ay dpat patayin muna ang lahat ng peste sa loob at labas ng simbahan dahil mababalewala ang pag sagip sa mga higanteng paintings kung hindi natin isasagawa ito.

kahapon po pagkatapos ng kanilang pasg susuri sa mga peste ay nakita nilang ang malaking bilang at malaking problemang idudulot nito. kung kayat sila po ay gagaw ng kanilang proposal kung papano at magkano ang ating ihahanda sa prosesong ito.

ang kanila pong proposal ay susuriin at pag titibayin ng ating Konseho Pastoral Kasama ang ating kura Paroko at ilalahad sa Diyosesis para sa huling pag titibay. samantalang ang mga conservator ay nag hain ng kanilang libreng serbisyo para sa emergency action upang maiwasan ang pag patak ng mga piraso mula sa painting. Subalit ang mga materiales na kanilang gagamitin ay atin pong sasagutin. hinihintay po namin ang kanilang quotation para sa mga materiales na gagamitin at ang kanilang pamasahe at pagkain ay atin ding ihahanda. ang hakbang pong ito ay hindi ang restoration kundi paunang lunas pa lamang na dapat agaran nating maisagawa.

sa ngayon po ay nag hihintay parin kami ng resulta ng Pest contol Inspection at ng quotation ng materials par sa Emergency Action sa ating San Kristobal.

Maraming salamat pO!



USAP PAETE -> Sagip San Cristobal


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group