INA, BUKAL KA NG PAG-IBIG
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)

#1: INA, BUKAL KA NG PAG-IBIG Author: MINGB_BULANGGUGO PostPosted: Fri Dec 07, 2012 9:25 am
    —
INA, BUKAL NG PAG-IBIG
Bulanggugo 2012


Inakay na muli ang puso’t isipan
Doon sa kahapon sa piling ni Inay
Ang pagmamahal na sa kanya nagisnan
Dala at baon ko magpakailan pa man.

Kanyang alaala ay pabalik-balik
May mga araw na puso’y humihibik
At namamalisbis ang luhang mapait
Uhaw sa pag-ibig niyang sukdang tamis.

Sa mga panahon ng bagyo ng buhay
Hinahanap ko ang kanyang pagmamahal
Ang haplos ng kanyang mapagpalang kamay
Balsamong ang hatid ay kapayapaan.

Sa gitna ng nakakapagal na paligid
Kung saan marami sa sama’y nabubulid
Lalo na at ang luha tila walang patid
Inay, pag-ibig mo, pag-asa ang hatid.

Anong pag-ibig pa ang hihigit kaya
Kay Ina’ng pangalawa sa Diyos na nagpala
Ang limutin kita, hindi magagawa
Makasama kang muli ang tanging adhika.

Maigayang Kaawaran, Ina.



USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group