Paskuhan 2014 - Paetenians International
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Photo Albums and Videos

#1: Paskuhan 2014 - Paetenians International Author: net_feldmannLocation: Nenett Bagalso PostPosted: Tue Dec 23, 2014 4:45 am
    —
Architect Andy Villarin message- PI Paete Chapter President - Isang maganda at maaliwalas na umaga po sa ting butihin at kagalang galang na ama ng bayan Mayor Mutuk Bagabaldo , sa mga miyembro ng Paetenians International na pinaka sponsor ng Paskuhan 2014 , na pinamumunuan ni Pangulo Aurelia Pascual , ang ating pinakaunang taga Paete na nahirang na brigadier general Bay Pascual na tumulong sa pagdadala at pag eempake ng mga panregalo sa ating mga kababaya, sa mga kasapi ng Paetenians International Paete Chapter na sina Engr. Noel Viray , Dra. Marimar Valdecantos, Sec. Jomar Cadapan, Ms. Nenett Bagalso, Mr. Vic Valdivia , Ms. Pat C. Ong, at si ms. Evelyn Baldemor, sa mga representante ng mga barangay at sa mga tumulong sa pagsasaayos ng Paskuhan 2014 sa lahat ng ating mga kababayan na mabigyan ng pamasko ng Paetenians International isang mapagpala ang maligayang pasko sa lahat. Nagpapasalamat din po ag samahang Paetenian International - Paete Chapter na maging kabahagi sa okasyon ito "Paskuhan 2014" at maging kaisa sa layunin ng Paetenians International na makapagdulot ng kasiyahan sa ating mga kababayan dito sa Paete.
Sa atin pong lahat sa mga tatanggap ng mga pamasko mula sa ating mga kababayan mula sa iba't obang dako ng mundo , ipagpatuloy natin ang ating panalangin sa POONG MAYKAPAL na patulyo silang biyayaan ng malusog na pangangatawan , maayos na kabuhayan , masayang buhay at patuloy na gabayan sila sa kanilang mga adhikain at magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap.
Sa panahon ng kapaskuhan at sa darating pang mga panahon , tayo po ay magkaisa, magtulungan , magbigayan, maggalangan at higit sa lahat magpatawaran upang ang ating bayan ay magkaroon ng katahimikan . Kung pagbabago po tungo sa Tagumpay at Katiwasayan ng ating bayan ang ating inaasam , at pangarap, simulan po natin sa ating sarili ang pagbabago. Hindi po natin kontrolado ang damdamin ng iba, kung kaya't hindi natin sila maaasahan. Ang bawat isa sa atin ay may kontrol sa kanya- kanyang sarili kung kaya't atin din simulan ang pagbabago sa ting sarili . Bagong taon ay magbagong buhay ng lumigaya hindi lamang ang ating sarili sa bayan kundi pati ang ating sarili at kapaligiran . Mabuhay po tayong lahat salamat po ....












2 cans of maling luncheon meat akala ko isa lang po


















































USAP PAETE -> Photo Albums and Videos


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group