PANAGHOY SA LANGIT
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)

#1: PANAGHOY SA LANGIT Author: Bulanggugo 1 PostPosted: Thu Jul 30, 2015 1:24 pm
    —
PANAGHOY SA LANGIT
Ming Baldemor a.k.a. Bulanggugo….April 2013

Kahit ilang taon na ang mabilis na lumipas
Alaala ni Ina ay walang pagkupas
Sa mga sandaling tila tumigil ang oras
Ang isip at puso ko sa kanya naglalandas.

Kasama na ako sa grupong may edad
Narating ko na rin ang noo’y pangarap
May asawa’t anak, may apong nadagdag
Kung bakit si Ina pa rin ang syang hanap.

Nang kami’y iniwan nitong si Kang Berting
Na siyang panganay sa bilang na anim
Ang hapdi sa dibdib di kayang batahin
Luha sa mata ko di kayang ampatin.

Sa bawat pahina nitong aking buhay
Magkasama lagi ang saya at lumbay
At sa bawat yugtong ako ay luhaan
Ang haplos ni Ina ang nararamdaman.

Walang pinipili itong kamatayan
Hindi mapipiho ang dating kung kailan
At kung sobrang sakit ang siyang maranasan
Diyos ang sinisisi ng iba…..kung minsan.

Katulad nga nitong nakaraang buwan (Marso 2013)
Kapatid kong si Raffy, kami ay iniwan
Sa kanyang edad na limampu at siyam
Marami pa sanang ‘aring magampanan.

Nanaghoy na muli ang aba kong puso
Sa Diyos at kay Ina ay nagsusumamo
Kung paanong sa buhay kapatid ko ay bigo
Sa dako pa roon ligaya’y makatagpo.

#2: Ming,tula mo ay puno ng damdamin Author: Eme Ene PostPosted: Sun Aug 02, 2015 1:38 pm
    —
Para ko nang nakikinitakita si Inang Onyang,sa umaga at hapong yaot ito papunta sa ElC mula1st yr to 4th year.
Pag ganto at nahayon mo ang edad na 75 at nalayo ka sa ating bayan ng /54 yrs ,ang mga pangalan ng mga ina sa ating palipaligid ay isa isa paring bumabalik sa ating alaalaItong mga Ina sa Quenle na nagtulongtulomg ipang tayong mga inakay ay laging malayo sa disgrsia.
Sa mga ina ng Quenale,Salamat po.
Sa inyo:Tandang Purang,Tandang Teray,Inang Choling,Inang Maria,Inang Hana,Inang apiang,Inang Ana,Inang Ikta.Tamdang Noni,
Kang Tinang,Inang Isiang. ABA. Napakarami pa na hindi kasama nito.

Salamat Bulanggugo,ginising mong muli ang gunita ng ating kabataan lalong lalo din sa napakasipag naming Ina ,Marta Calabig Navarro..
MARAHIL SILANG LAHAT AY NAKIKINIG SA IYONG TULA!'!,,,,,Bravo!,,l!!!!

#3: Mga "matatanda" sa atin noon Author: Bulanggugo....... PostPosted: Sun Sep 20, 2015 7:59 pm
    —
Eme-Ene,

Ewan ko nga ba pero kasarap balik-balikan ang mga panahong iyon.....dahil nga ba sa tayo ay nagkaka-edad na????

Iyang mga Rabacal na nabanggit mo ay mga haligi ng Quinale/Mabini... mga kilalang Liberal Party supporters.

Si Dada Teray ang Grand Matriarch noon. Full of compassion and of wisdom. Malaki ang utang na loob ng aking mga magulang sa kanila. Minsan daw ay maysakit si Ama na siyang tanging naghahanap-buhay para sa aming pamilya..... si Ina ay nadaanan ni Dada Teray na nasa bintana ay larawan ng kalungkutan. Hindi nagtanong man lang, bumalik siya sa amin at inabutan ng perang tulong si Ina upang mapatingnan sa doktor si Ama at ng pagkain na rin. Hindi niya tinanggap ang bayad kailanman. Butihing halimbawa, tunay na alagad ng Diyos.

Mga Ninang at Ninong ko:
Amang Jaime at Elena Caguin
Amang Tonyo at Inang Tika na anak ng Dada Purang

Hindi mapapawi ang ngiti sa aking mga labi
Sa mga alaala ng kahapong may saya, may pighati
Mga taong sa aking pagkatao ay bumuo, humabi
Upang lapatan ng lunas pagsubok na dala'y hapdi.

#4: Appreciation to Bulanggugo Author: Eme ene PostPosted: Wed Sep 23, 2015 12:59 pm
    —
You made my day!akala ko ay hindi mo matutunghayan ang post ko nuon pang isan buwan.
Talagang sugod ka ni kupido sa mga na ho home sick....siguro dahil nakatikim dine ng Lasones galing sa Thailand....Gusto kpng sumamama sa pagbababa ng Lazones Paete kahit mga pulot laang ay inaasam. Asam pag dating ng Sept ans Oct.....hehe.Mahina ang tuhod ko at umuulan pa pag kasama ako nina Ama....tawg tuloy ay Mariang Maulan.
Thank you again...hindi mo ako binigo.



USAP PAETE -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group