Fresh Milk Feeding Program
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Batang Paete

#1: Fresh Milk Feeding Program Author: mutukLocation: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo PostPosted: Thu Mar 16, 2006 8:21 am
    —
Ang lahat po ng mga grade one pupils sa apat na sections sa Qunale Elem. School ay sumailalim sa programa ng Fresh Milk Feeding, isang programa ng Provincial Gov't ng Laguna sa pangunguna ng Prov'l Nutrition Action Officer Mrs. Teresita Silo. Nagsimula noong unang linggo ng Enero 2006 at magtatapos ngayong Marso 31, 2006. Ang mga mag aaral po sa unang baitang (4 sections) ng QES ay pinaiinom ng sariwang gatas (200ml) dalawang beses sa isang araw (umaga at hapon)



Habang nagbibigay ng lecture si Gng. Teresita Silo sa mga magulang ukol sa kahalagahan ng patuloy na pagbibigay pansin sa kalusugan ng mga kabataan.





Ilan sa mga mag aaral sa unang baitang habang pinapainom ng sariwang gatas



Picture taking matapos ang programa na ginanap sa QES kahapon March 15,2006 at 2pm. Nakaupo mulasa kaliwa Lulu Madrigal, Mun. Nutrition Officer; Mam Lili Valdellon - Principal; Mrs. Teresita Silo -panauhin ; Vice Mutuk; Kapitan Doming Solis; Kag. Lazaro: Kag. Caidic at Kag. Goyo Baet. Nakatayo po ay mga miyembro ng BNS o Brgy. Nutrition Scholars ng Paete na kaagapay para sa nasabing proyekto

#2: Fresh milk Feeding Author: mam lili PostPosted: Thu Mar 23, 2006 7:22 pm
    —
Salamat po vice mayor sa pictures na very meaningful sa QES parents, pupils and teachers. Salamat po at kasama ka namin sa pagpapasalamat kay Mam Teresita Silo ng provincial nutrition council. Sa marami pang biyayang itutulong sa mga batang Quinale, ngayon pa lang po ay makaasa pong ang layunin ng programang inilulunsad ng ating gobernador ay magiging napakalaking tulong sa mga mamamayang taga-quinale.



USAP PAETE -> Batang Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group