Apelyidong-Paete
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]
Goto page 1, 2, 3  Next  :| |:
USAP PAETE -> Family Trees

#1: Apelyidong-Paete Author: freugeneLocation: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul PostPosted: Tue Oct 17, 2006 9:10 am
    —
Ito po ay kaugnay nung post ko na "To the FADUL FAMILY."
http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=3203

Iba pang Apelyidong-Paete

Quesada (Spanish) – Cheese-house (Gawaan at tindahan ng Queso).
Delos Santos (Spanish) – of the saints (genetive plural)
De Dios (Spanish) - of God
Dela Cruz (Spanish) – of the Cross
Delos Reyes (Spanish) – of the kings (genetive plural)
Reyes (Spanish) – kings
Villanueva (Spanish) – New House
Agapito (Spanish) – from the Greek word agape (love), meaning “beloved.”
Adao (Portugese) – from the Spanish name “Adam” Hebrew = “man”
Madridejos - derived from Madre de Dios (Spanish) = "Mother of God"
Villamayor (Spanish) - "Great house"


God bless!

fr. eugene


Last edited by freugene on Tue Oct 17, 2006 6:05 pm; edited 4 times in total

#2: kamusta lang! Author: dedette villanueva PostPosted: Tue Oct 17, 2006 9:57 am
    —
:)Kamusta na siguro busy busy ka na lalo, syanga pala yong copy ng thanksgiving mo eh pinahiram ko kay Sheina gusto nyang ulitin. Well kami naman dito eh Okay esp. mga bata nakapag adjust na sa bago nilang school, si Mac at Camila eh malalaki na natawa nga ako ng makita ko na Villanueva eh newhouse kasi si Camila everynight pagnagdarasal lagi kasama sa dasal nya eh "Lord thanks for our newhouse". Lagi nya ipinagpapasalamat yong bago naming bahay, nakakatuwa di ba? Kamusta na lang kay Tita Baby at mga kapatid mo, miss na namin kayo dyan.

Ate dedette

#3: kumusta Author: adi aseoche PostPosted: Tue Oct 17, 2006 3:39 pm
    —
ay kumusta fr.eugine,sana pati apeliedo nmin makuha mu ang meanning,nainteres kc ako sa mga research mu.god bless u

#4: Apelyidong paete. Author: freugeneLocation: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul PostPosted: Tue Oct 17, 2006 6:03 pm
    —
To ate dedeth, "New House" nga ang villanueva. At tila nagkatotoo yan sa inyo he he he...Kailan kaya ako makapupunta sa new house nyo jan sa states? hehehe. Ay talagang dami kong work dito sa parish ko. 19 barangays ang sakop namin (almost 5o % ng san pablo city). Masaya ako kasi lagi kayong nasa mabuting kalagayan. Ikumusta mo na lang ako kina estong mac at camila. Nag-email nga sa akin si ate milli. Napanood na rin daw nila yung dvd ko. God bless!

To adi, hayaan mo at magreresearch ako ng meaning ng aseoche. Nakakalibang din magresearch sapagkat maraming bagay akong natututunan. Nasa europe k na pala. Nakita ko mga pics mo dito sa usap. Sige abangan mo baka matagpuan ko na he he he...God bless!

#5:  Author: Guest PostPosted: Tue Oct 17, 2006 8:03 pm
    —
pwede po ba paki reserch din ang apelyido namin na Bagonggahasa?

#6: apelyidong Bagongahasa Author: neliaLocation: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan PostPosted: Wed Oct 18, 2006 3:45 pm
    —
Kung gusto mong ipa research puede bang ibigay mo naman ang correct spelling?

#7:  Author: saidaLocation: Saida Cagandahan Dulay PostPosted: Wed Oct 18, 2006 8:28 pm
    —
hi father eugene,

ay ano po kaya naman sa CAGANDAHAN?

ang sa pagkaka kwento ng aming mga dada, noong unang unang panahon daw ay suuuper kapapangit daw ng aming mga ninuno. ng mabalitaan daw nila na magkakaroon na sila ng apelyido ay tuwang tuwa daw sila lalo't may karapatan pa daw silang mamili ng apelyido. nag pulung-pulong daw ang aming mga ninuno at dahil nga daw mga sobrang pangit sila, napagkasunduan nilang piliin ang apelyidong CAGANDAHAN...para kahit man lang daw sa apelyido ay gumanda sila! <LOL>

incidentally, narinig ko sa TV kagabi na sa monday, sa channel 7 ay may featured interview si kuya rudy cagandahan tungkol sa mga apelyidong paete. hindi ko lang natandaan ang pangalan nung TV program. abangan na laman natin...this is interesting!

rgds,
saida

#8: Re: apelyidong Bagongahasa Author: TonyB PostPosted: Wed Oct 18, 2006 8:45 pm
    —
nelia wrote:
Kung gusto mong ipa research puede bang ibigay mo naman ang correct spelling?


Obviously, he/she is not one. Just a flamebait.

BTW, how are we related?

cheers!
Tony

#9: Bagongahasa atbp... Author: freugeneLocation: Rev. Fr. Francis Eugene Adefuin Fadul PostPosted: Wed Oct 18, 2006 9:22 pm
    —
To guest, i found a copy of an old tagalog-spanish dictionary. Nakalagay dito yung maaring pinaggalingan ng apelyido nyong Bagongahasa. Pls click the link

Title: Diccionario Tag'alog-Hispano: por Pedro Serrano Laktaw.
Author: Serrano Laktaw, Pedro.

http://www.hti.umich.edu/cgi/t.....mp;seq=289

To saida, bai napatawa mo ako dun ah. Anyway, nung unang panahon wala pang apelyido ang mga tao. Kaya ung mga cognates (karugtong ng pangalan) ay base sa katangian nila. Halimbawa, ang name na Charlemagne (Latin: Carolus Magnus = Charles the Great) ay nagpapakita ng kanyang kadakilaan lalo na nung maging emperor siya ng holy roman empire. Pepin the Small, because of his small stature. Kaya baka ganito din ang case nyo...Cagandahan...he he he obvious naman na bagay sa inyo ang apelyido nyo.

To tony, musta na? regards kay classmate alex...D ba ang basa ay galing sa Bagongahasa? Pls help me sa research. Thanks God bless!

fr. eugene

#10:  Author: roy PostPosted: Wed Oct 18, 2006 10:05 pm
    —
Di ba ang Caancan ay apelyidong Paete?

#11: Fr. Eugene, thank you for the research Author: neliaLocation: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan PostPosted: Thu Oct 19, 2006 4:14 pm
    —
Alam kong hindi masama ang kahulugan ng apelyido namin ewan ko na nga lang ba at bakit naging masama ang kahulugan ng apelyidong Bagongahasa.

#12: To Tony Basa Author: neliaLocation: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan PostPosted: Thu Oct 19, 2006 4:17 pm
    —
I really don't know dahil matagal na kaming wala sa paete and both of my parents are dead pero ang alam ko basta bagongahasa pinsan namin dahil 'nong bata pa kami my mom use to mention everybody's name kung sino-sino sila but now wala na akong alam.

#13: sa aking pong pagkakaalam.... Author: tcdediosLocation: Thomas Cagandahan de Dios PostPosted: Thu Oct 19, 2006 10:13 pm
    —
Ang de Dios ay hindi po apelyidong Paete sapagkat base sa kwento ng aming ama noong nabubuhay pa sya ang de Dios ay galing sa Marilao, Bulacan. Nabanggit nya rin na kamag-anak namin ang may-ari ng de Dios Transit noon. Base din po sa aking initial research at kasalukuyang inaalam ko pa rin, ang lahing de Dios ay galing Pampanga.

Ang aming ina (Diega) ay ang syang purong Paete talaga (Valdivia-Cagandahan).

Ano kaya ang ibig sabihin ng Valdivia? Atsaka, Bagabaldo at Cainto? Mga kamag-anak namin ang mga ito.

Salamat.

#14: Re: Fr. Eugene, thank you for the research Author: tcdediosLocation: Thomas Cagandahan de Dios PostPosted: Thu Oct 19, 2006 10:24 pm
    —
nelia wrote:
Alam kong hindi masama ang kahulugan ng apelyido namin ewan ko na nga lang ba at bakit naging masama ang kahulugan ng apelyidong Bagongahasa.


Hi Kang Nelia,

Tama ka nga po. Hindi ko lang matandaan kung angkahan ang ibig sabihin noon (full of energy). Bagonggahasa at Basa ay magkamag-anak.

Nakwento nga sa amin ng Ina na amg mga apelyido ay may ibig sabihin. Noong panahon ng Kastila, ang bawat isa ay binigyan ng apelyido base sa mga taglay na character. Iyon nga lang sa aming mga Cagandahan na ang ninuno namin na ang ngala'y Tiburcio Cagandahan (Bulutungin ang hitsura) eh kabaligtaran. Ayon sa mga matatanda noon, kaya ganun ang ginawa para naman gumanda ang lahi.... Ehehehe... kaya heto ang mga resulta... Very Happy Di ba Ate Saida?

Best regards,
Thom

#15: Re: Fr. Eugene, thank you for the research Author: saidaLocation: Saida Cagandahan Dulay PostPosted: Thu Oct 19, 2006 11:47 pm
    —
tcdedios wrote:

Nakwento nga sa amin ng Ina na amg mga apelyido ay may ibig sabihin. Noong panahon ng Kastila, ang bawat isa ay binigyan ng apelyido base sa mga taglay na character. Iyon nga lang sa aming mga Cagandahan na ang ninuno namin na ang ngala'y Tiburcio Cagandahan (Bulutungin ang hitsura) eh kabaligtaran. Ayon sa mga matatanda noon, kaya ganun ang ginawa para naman gumanda ang lahi.... Ehehehe... kaya heto ang mga resulta... Very Happy Di ba Ate Saida?
Best regards,
Thom



But of kors! Laughing

Dun sa mga nagpapasalamat dahil hindi na sila CAGANDAHAN, naiintindihan ko sila...baka gawa lamang ng talagang hindi bagay sa kanila ang apelyidong CAGANDAHAN... ano sa palagay mo Thom??? Rolling Eyes Laughing Rolling Eyes

But I'm proud of my family name CAGANDAHAN and I will carry it with pride and dignity anytime...anywhere... Wink Wink Wink


Last edited by saida on Fri Oct 20, 2006 12:06 am; edited 1 time in total

#16: Re: apelyidong Bagongahasa Author: mutukLocation: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo PostPosted: Thu Oct 19, 2006 11:55 pm
    —
tony.basa wrote:
nelia wrote:
Kung gusto mong ipa research puede bang ibigay mo naman ang correct spelling?


Obviously, he/she is not one. Just a flamebait.

BTW, how are we related?

cheers!
Tony



Tony and Nelia,

Lunch break ko kaya nag research ako para sa inyong connections sa Bagongahasa.


Ang pinagmulan (base sa tala ni amang Dodo Mamoy) ng pamilya ng Bagongahasa ay sa mag asawang Antonio Bagongahasa, may katawagang Antonio Dalag, na asawa ng Melitona o Agatona Baldemor.

Mga naging anak:

1. Francisco (Iscong Dalag) - Maternal Greatgranfather ni Sonia Ac-ac Salceda na asawa ni Tikboy Cadawas.

2. Genoveva (Bebang Dalag) - Paternal Grandmother ni Inang Moding Fabrig.

3. Catalina (Inang Dalag) - Paternal Grandmother nina Simeon Madrigal Gajitos at Rodrigo Asido Gajitos.

4. Gregorio - Maternal greatgrandfather nina Adoy at Lolet Bagongahasa Villanueva.

5. Atanacio (Tanang Dalag) - Grandfather nina Amang Honor Bagongahasa.

6. Lazaro -Maternal Grandfather ng Namayapang Ibarra Bagongahasa Reyes, gayundin nina Inang Tala Bagongahasa Pacunayen- Acupan at Paternal Granfather ng iyong amang si Amang Ador Basa ( binago legally from Bagongahasa).

7. Ananias (Aning Dalag) - Maternal Grandfather ni Nelia Bagongahasa Cruz-Punzalan at Paternal Granfather nina Kap. Hermie Bagongahasa ng Brgy. 5 at Gloria Bagongahasa- Caguin.

8. Luisa (Isang Dalag) - Maternal Greatgrandmother nina Noel Madrigal Adefuin.




Note: Sariling sagap sa tabi tabi at wala pong resibo <lol>

Ang pinagmulang lahi daw po ng mga Bagongahasa (Bagong-ahasa kung bigkasin) ay mapupusok at laging bagong hasa ang mga itak. Inuulit ko po ito ay ayun sa bali balita at walang resibo Wink . Paki double check sa inyong mga nakatatanda.

Opel Ac-ac D.,

Hayan ang pakinabang sa mga initiatives mo about Ugat Paete Project.

Thanks,

#17: sama kami Author: andyBLDMRLocation: abu dhabi ,uae PostPosted: Fri Oct 20, 2006 1:01 am
    —
Makiki sali na rin po;kase poy napag uusapan na rin ang apelyidong paete base po lamang sa kaalaman ko ang apelyido naming BALDEMOR e isa sa original na apelyidong paete at sa paete talaga nagmula.
pero mula nga po pag kabata ko e di ako mausisa sa mga nakakatandaa;basta ang alam ko lang po e isa sa pinaka malaking angkan sa atin ang BALDEMOR ni hindi ko po alam ang aming mga ninuno at kung anong ibig sabihin nito o anong karakter nung naging unang BALDEMOR
minsan nga po vice Mutuk pag may extra time pa kayo e paki research na rin po,o kay fathe Eugene..
SALAMAT PO!

#18: Re: apelyidong Bagongahasa Author: paetechieLocation: kahit saan PostPosted: Fri Oct 20, 2006 1:52 am
    —
mutuk wrote:


6. Lazaro -Maternal Grandfather ng Namayapang Ibarra Bagongahasa Reyes, gayundin nina Inang Tala Bagongahasa Pacunayen- Acupan at Paternal Granfather ng iyong amang si Amang Ador Basa ( binago legally from Bagongahasa).


VM Mutuk,

ang galing!
plan pa naman namin halungkatin sa lumang baul 'to at buuin family tree

Kuya Tony-san,

looks like after reunion ng Basa dapat yata Bagongahasa clan naman Razz


Quote:

Note: Sariling sagap sa tabi tabi at wala pong resibo <lol>

Ang pinagmulang lahi daw po ng mga Bagongahasa (Bagong-ahasa kung bigkasin) ay mapupusok at laging bagong hasa ang mga itak.
Thanks,


this finding confirms what i've researched sometime ago from Bibingka.com that the name originally meant that way. Later evolved to the new meaning

the still extant online article of Ambeth Ocampo here
for further reading. ANother here

teka bakit dalag? akala ko baculi? hehe

#19: Re: Fr. Eugene, thank you for the research Author: tcdediosLocation: Thomas Cagandahan de Dios PostPosted: Fri Oct 20, 2006 2:16 am
    —
saida wrote:


But of kors! Laughing

Dun sa mga nagpapasalamat dahil hindi na sila CAGANDAHAN, naiintindihan ko sila...baka gawa lamang ng talagang hindi bagay sa kanila ang apelyidong CAGANDAHAN... ano sa palagay mo Thom??? Rolling Eyes Laughing Rolling Eyes

But I'm proud of my family name CAGANDAHAN and I will carry it with pride and dignity anytime...anywhere... Wink Wink Wink


Bai... wala akong alam dian. Basta sa akin da best ang Dada Dado!!! Very Happy

#20:  Author: neliaLocation: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan PostPosted: Fri Oct 20, 2006 4:08 pm
    —
Vice, napakarami pong salamat sa inyo, talaga pong hindi ko masyadong alam ang pinakanuno namin pero dahil sa inyo naintindihan ko kung bakit namin naging pinsan 'yong mga nabanggit na mga tao, medyo natandaan ko iyong ibang mga pangalan nabanggit na rin ng mother ko 'yong ibang kapatid ng dada ko, dahil sa mga lupain ay nagkahiwahiwalay ang magpi-pinsan, mahabang istorya. Pero ulit ko napakalaking pasasalamat ko sa inyo.

#21: Familia Cagandahan Author: Dalen Pascual PostPosted: Fri Oct 20, 2006 9:26 pm
    —
TORIBIO CAGANDAHAN/Juana Gajitos
Mga anak:
1. Dionisio Cagandahan/Roberta Cadapan - Lolo ni Kang Tacio at Tarco Cagandahan
2. EUGENIO CAGANDAHAN/ Maria Cainto*
3. Roman Cagandahan/Pascuala Cawil - Lolo ni Mario Aquino
4. Bienbonoto Cagandahan/Rosa Aca - Ama ng Juan Banal at lolo din ni Fely Asido Luis
5.Eustaquio Cagandahan/Josefa Fadul - Ama ng Inang Ikang Cagandahan Cadiao

*EUGENIO CAGANDAHAN / Maria Cainto
Mga anak:
1. Roberto Cagandahan/Gertrudes Baldemor - Lolo ni Saida
2. Eduardo CagandahanFaustina Valdivia - Lolo ni Angel de Dios
3. Maria Cagandahan/Leon Pascual - Ang aming Ina't Ama
4. Mercedes Cagandahan/Marcial Rocamora - Lola at lola ni Aurea at Manny Rocamora
5. Dominga Cagandahan/Mariano Edquitao - Ina't Ama ni Oyong Edquitao

Sa susunod lahi naman ng aming Lolang si MARIA CAINTO

#22: Madridejos Clan Author: kabangchuayLocation: Jojie I. Madridejos-Vergeire PostPosted: Fri Oct 20, 2006 10:35 pm
    —
Baka po merong nakakaalam kung sinong mga magulang ng aking greatgrandfather at greatgrandmother: Ricardo Madridejos at Cedora Adao (Cedong Bomba kung tawagin). Baka me alam din kayo kung bakit naging bomba ang aming pamagat. ANg alam ko pong naging mga anak ng dada Cardo at dada Cedo ay ang mga sumusunod:

dada Estan
dada Elyang
dada Alipio
dada Edad Bague

Marami pa pong iba, parang 12 yata sila pero di ko na maalala ang mga pangalan. Meron pong kapatid sila na babae na nakapangasawa ng taga Sta Maria at ang last name eh Real at isa pang babae na nakapangasawa ng Afuang (yata). At yong ibang lalake naman ay namatay yata sa cholera. Sayang at di ko nausisa ang aking mga magulang noong buhay pa sila.

Sana po ay matulungan ninyo ako.

#23: Re: Familia Cagandahan Author: saidaLocation: Saida Cagandahan Dulay PostPosted: Sat Oct 21, 2006 12:14 am
    —
Dalen Pascual wrote:


TORIBIO CAGANDAHAN/Juana Gajitos
Mga anak:
1. Dionisio Cagandahan/Roberta Cadapan - Lolo ni Kang Tacio at Tarco Cagandahan
2. EUGENIO CAGANDAHAN/ Maria Cainto*
3. Roman Cagandahan/Pascuala Cawil - Lolo ni Mario Aquino
4. Bienbonoto Cagandahan/Rosa Aca - Ama ng Juan Banal at lolo din ni Fely Asido Luis
5.Eustaquio Cagandahan/Josefa Fadul - Ama ng Inang Ikang Cagandahan Cadiao

*EUGENIO CAGANDAHAN / Maria Cainto
Mga anak:
1. Roberto Cagandahan/Gertrudes Baldemor - Lolo ni Saida
2. Eduardo CagandahanFaustina Valdivia - Lolo ni Angel de Dios
3. Maria Cagandahan/Leon Pascual - Ang aming Ina't Ama
4. Mercedes Cagandahan/Marcial Rocamora - Lola at lola ni Aurea at Manny Rocamora
5. Dominga Cagandahan/Mariano Edquitao - Ina't Ama ni Oyong Edquitao

Sa susunod lahi naman ng aming Lolang si MARIA CAINTO


maraming salamat po amang dalen.

ang balita ko po ay meron nga tayong CAGANDAHAN grand family reunion ngayong darating na mahal na araw. mukhang sa Toribio/Juana yata mag uumpisa kaya siguradong talagang napakalaki, sabay pa naman ng reunion din namin ng Baldemor [dada tore side] sa sobrang laki po yata ay pinoproblema kung saan gagawin.

kumusta na lamang po sa kanilang lahat!

saida

#24:  Author: Alicia Aseoche Afunggol PostPosted: Sat Oct 21, 2006 3:23 am
    —
Amang Dalen,
Anak po ako ng Jose Cainto Afunggol ,kapatid ni Mrs Ignacia Cainto Afunggol Santos.Vicente.Pedro at Inyang Cainto Afunggol Cadapan.Ang Ina po nila ay Maria Cainto rin na asawa ni Toni Afunggol ( Dada ko sa side ni Ama ). Magkatulad po ng pangalan ang Dada natin at magkamag-anak pa sa palagay ko. Ang Dada Isa ko na Ina ni Ina(Diding Aseoche) ay Cainto rin po,kaya si Amat Ina ay pareho ang middle name -Cainto, magkamag-anak din.Kung talagang po susugurin ang lahi ng mga taga Paete ay magkakamag-anak tayong lahat, kabit- kabit na.
Napaka gandang topic po ito. Kami po sa Aseoche family ng aking Ina,angkan ng Tiyong- Isa Aseoche ay gumagawa po ng family tree.Napakalaking pamilya po kami.Sana po ay magkaroon pa ng magpapaliwanag kung paano tayo mga tagaPaete ay magkakamag-anak.Salamat po sa kanyang pag-uulat..........Alicia of San Diego
PS:Regards po kay Inang Felisa at kay Baby Aurelia

#25: Re: Familia Cagandahan Author: eve19612000Location: Sheba Allenbach-Aseoche PostPosted: Sat Oct 21, 2006 4:30 am
    —
Dalen Pascual wrote:

Sa susunod lahi naman ng aming Lolang si MARIA CAINTO


Mang Dalen,

kumusta na po! interesado po ako dun sa Maria Cainto...gusto ko pong mabuo ang aming family tree...kaso marami pa pong kulang...isa na po ay sa side ng Dada ko...Luisa (Isa) Afurong Cainto,1st daughter of Mariano Cainto and Maria Afurong, may kapatid na Fortunata Afurong Cainto ,married to Agbada...

hintayin ko po ang inyong posting tungkol dito...salamat po @ rgds. sa lahat ng ating kabayan dyan...



USAP PAETE -> Family Trees


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Goto page 1, 2, 3  Next  :| |:
Page 1 of 3

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group