ukit paete
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Paete - Carving Capital Forum

#1: ukit paete Author: winsbatangpaete PostPosted: Fri Jan 26, 2007 7:39 am
    —
KABAYANG Nilotica,

MAGANDANG GABI PO AT SA INYONG LAHAT, NAPAKAGANDA NG IYONG HANGARIN PARA SA KALIDAD NG ATING UKIT PAETE NA ANG TOTOO AY SYANG SIMBOLO NG BAWAT ISA SA ATIN NA SA PAETE NAKAKUHA NG KAALAMAN AT TALENTO, ANG PROBLEMA AY KUNG PAANO MAIPAPATUPAD ANG IYONG SUHESTYON NA HINDI MAKAKASAKIT SA MALILIIT NA MANGLILILOK.

KATULAD NA LANG NANG UMUWI AKO LAST YEAR ANDAMI NA NAMANG NAKADISPLAY SA MGA TINDAHAN NG UKIT PERO ITO AY KALIDAD NA PANG TURISTA LANG SOUVENIR KUNG TAWAGIN ME NAKITA AKO NA MGA ULO DAW NG LAST SUPER YUN KAHIT SAANG TINDAHAN NG UKIT MAKIKITA MO (SAYANG PARA SA ISIP KO LANG) MERON DIN NAMAN NA MAGANDA ANG PAGKAKAGAWA NG MUKHA PERO MERON DIN NA HALOS MAGKAKAMUKHA INUULIT KO PO (SA ISIP KO LANG PO ITO) KUNG AKO PO ANG BIBILI AY PARA AKONG BUMILI NG MGA PUGOT NA ULO O MGA WANTED SA DRARYO INUULIT KO (YUN AY SA ISIP KO LAMANG) BILANG ISANG RELIHIYOSO THE IDEA IS NOT SO CONVINCING ISA PO YAN SA HALIBAWA (SUBJECT OF QUALITY) PERO DAHIL NGA SA KAILANGAN DING KUMITA AT MAKASURVIVE SA HIRAP NG BUHAY AT SA HIRAP NG KAHOY.

JAN DAPAT IAPLAY KABAYANG Nilotica ANG IYONG SUHETYON NA BAGO NILA DALHIN SA TINDAHAN DAPAT DUMAAN MUNA SA ISANG TANGAPAN O PUBLIK ATTORNEY NG UKIT NA SYANG TITINGIN SA KALIDAD NG ISANG NILILOK TAMA KA DOON. ANG PROB LEMA NGA RIN AY ANG BARATAN SYSTEM KASI NGA YUNG MGA TINDAHAN NG UKIT AY DERETSONG NAKAKABILI NG UKIT NA "DEAL "KUNG TAWAGIN SA PAETE WALANG IPINAGKAIBA YAN SA NAKAW NA CELPHONE DI MO RIN NAMAN MAIAALIS YUN DAHIL NGA PAREPEREHONG GUSTO RING KUMITA

PERO DI BA DAPAT ME SWELDO RIN ANG NASA QUALITY CONTROL? DITO NAMAN SIGURO PAPASOK ANG MGA TAONG GOGYERNO KUNG PAANO NILA MAISASKATUPARAN ANG SUHESTYON MO KABAYANG Nilotica ALAM NILA YAN MATATALINO SILA ANG KAILANGAN LANG AY MEDYO KAMAY NA BAKAL KAILANGAN GUMAWA NG BATAS PANG PAETE PARA SA INDUSTRIYA NG UKIT PAETE" YUN LANG PO MUNA.

MARAMING SALAMAT PO AT MGANDANG GABI
Winston Julius T.Hernas (Cainto Generation)
Beijing, China
whernas2001@yahoo.com

#2: Ukit Paete Author: Guest PostPosted: Fri Jan 26, 2007 1:15 pm
    —
Wala naman babawalan magbenta o magtinda ng kahit anong ukit, bibigyan lang ng classification o ng tatak o selyo na ito ay autnenticated na gawang Paete na may mataas na kalidad at siyempre mataas din ang presyo dahil maipagmamalaki na Gawang Paete, yung mare-reject di ibenta pa rin nila pero walang tatak Paete, sayang din naman yung pagod nila, lamang dapat nilang pagsumikapan na mapaunlad ang kanilang craftmanship ika nga.
Ang Gawang Paete na may Zeal ng Paete ay maipagmamalaki at hindi madadaya ng taga-ibang bayan na pag pangit ay gawang Paete at pagmaganda ay kanila. Poprotektahan lamang natin yung mga kalidad na gawa sa Paete.
Sa PAGPAPATUPAD? yan ang malaking tanong, alam mo naman sa atin di ka pa nagsisimula ay may salungat na agad, at tama ka kamay na bakal, pero sino? Kung gusto mo halkayin pati baho ng ninuno mo ay humanda ka...LOL
Salamat din.

#3: pasingit oh!!! Author: eve19612000Location: Sheba Allenbach-Aseoche PostPosted: Fri Jan 26, 2007 5:00 pm
    —
pasingit po...ah para sa akin kung hand made di talaga mapeperpekto...maaring mapaganda pa...pero nasa artist un...o dun sa umukit...minsan kasi may gusto silang ipahiwatig sa kanilang lilok...dapat maunawaan mo un...tulad ni monalisa di ba? sa guhit ni da vinci wala syang kilay...kapuna puna pero dun sya nakilala...tama ka dapat may quality para mapaunlad pa ang ating hanap buhay sa ating bayan...pero nauunawaan ko na napakahalaga sa kanila ung pagpapahiwatig ng kanilang sining...at dun ko hinahangaan ang ating mga kababayan...may istilo di nanggagaya at higit sa lahat makikita mo lilok kamay di lilok ng isang makina...un lang!!!

#4: paete zeal uikt paete Author: winsbatangpaete PostPosted: Fri Jan 26, 2007 9:11 pm
    —
magandang umaga po,

tungkol po doon sa pagpapatupad ng batas na kamay na bakal ang kailangan para sa kalidad n sa isang lilok paete, ito po ay hindi para kanino man ito po ay para sa bawat isa sa atin, sa una kung ito ay maiimplento syempe me mga riski pero kapag nagamayan na ay parang mga sisiw na nagsusunuran sa kanilang inahin. katulad ng isang naging proyekto ni MEYOR sa DSWD ang mga batang out of school yun po ay napakaganda dahil mamumulat sila at maiidolize yung mga master's nila at yung iba pang maestro sa larangan ng skultura(mabangit ko lang po ang skultura ay isang daan para matutunan mo rin ang pag pipinta sa canvas at arkitektura o pagawa ng bahay mag kakaulam po lahat yan at lahat po yan ay ginagamitan ng panukat) nagawa nila yun, dapat magawa din nila ang batas para sa PAETE ZEAL quality control at dapat ay suportahan ito ng mga kapitan at mga kagawad ng bawat bario o concern citizen `tulad natin, ang kailangan lang ay me mag iindorso o magiisponsor sa ating mga namumuno at maaaring magawa ng mga NGO non government organization sa pamamagitan ng PIRMA system ng mga kasalukuyang naninirahan sa bayan ng paete, at yung mga nasa labas ng paete o bansa ay abisuahan na lang, at yung mga indibiduwal na gumagawa ng ukit paete ay pirmahan na lang nila at petsa para madaling matrace kung sino ang gumawa at bahala na ang tagapan ng quality control office kung me nalabag na batas yung mga di sumunod, napakadali ispipin ano po< paano ito magagawa?
well siguro ang sikreto jan ay galing sa puso ng mga magiging kasangkapan sa pagpapatupad nito para sa PATE ZEAL o dumaan sa quality control ang isang ukit paete, sa bawat zeal syempre me kaukulang porsyento at ito ay para sa ating bayan( kasi nga yung nabangit ko na nakaw na celphone walang kaltas na buwis)


kung iintindihin ay ang baho ng pamilya at pamumulitika ay wala namang problema wag lang magpapalason ng isipan (nobodies perfect in this world) kailangan lumakad tayo ng deretso. hihintayiy pa ba natin na taga ibang lugar ang magpatupad nito eh alam naman natin na me magagaling tayong mga namumuno.

salamat po muli

winston julius t. hernas (cainto generation)
beijing, china
whernas2001@yahoo.com

#5:  Author: kanoelLocation: Mayor Emmanuel Cadayona PostPosted: Fri Jan 26, 2007 10:08 pm
    —
Gusto ko pong i share and natanggap kong email mula kay Winston. Narito po ang ukit ni Winston na gusto niyang makita ng ating mga kababayan dito sa USAP. Isang malaking karangalan natin na magkaron ng isang kababayang mahusay mag-ukit na katulad ni Winston.

"> winston hernas <whernas2001@yahoo.com> wrote:
> magandang gabi po mayor,
>
> nabasa ko po yung inyong talakayan tungkol sa ukit
> paete na september ang petsa gusto rin po sanang
> makibahagi.
> kalakip po nito ay yung inukit kong kahoy nativity
> 4ft dito sa beijing china kempinski hotel boong december
> po ay nakaset up sa lobby ng hotel at natapos noong
> jan7 2007 magada po ang stoya nyan dahil noong
> nakadisplay po yan sa lobby ay maraming gustong
> bumili but not for sale at meron namn canadian couple
> ninakaw yung nino\ pero nabawi rin dahil sa sorveilance
> camera.
>
> noong last sunday ko lang po nalaman na meron palang
> paetenians web site kaya marami akong nababasa
> tunkol sa kung ano anong usap paete at isa na nga po ay
> itong tungkol sa ukit paete na naging sentro ng talakayan
> po ay yung kalidad at pagkawala nito tulad po ng nasabi
> nyo di po ito mawawala nagpapasalinsalin lang po sa
> ibatibang henerasyon.
>
> mayor pasensya na po di pa po ako member ng
> paetenians gusto ko pong mailagay sa usap paete itong ginawa ko
> last christmas ang kahoy po na ginamit ko ay white
> cherry tree na binili pa po namin sa canada
>
> marami pong salamat
>
> winston julius t. hernas




#6: ukit paete Author: winsbatangpaete PostPosted: Sat Jan 27, 2007 12:06 am
    —
mayor kanoel,

magandang umaga po at maraming maraming salamat po sa ginawa nyong pagpost sa aking nalikha nitong nakaraan isa pong malaking karangalan sa akin at sa lahat ng nagmamahal at mga mahal sa buhay.

maraming salamat pong muli

winston juliu t, hernas(cainto generation)
beijing, china
whernas2001@yahoo

#7: Ukit Paete Author: Guest PostPosted: Sat Jan 27, 2007 3:59 am
    —
Tunay pong kahangahanga ang nasa larawan at ikararangal ng nating mga taga Paete at ito ang ating dapat pangalagaan. Halimbawang ito ay sa SM (shoe mart) o saan man diyan sa Pinas napa display gasino nang ito ay sabihin ng taga betis na gawa ng tagaroon sa kanila. Napansin ko sa ibang lahi amerikano, hapon, lalo na ang taga europa lagi nilang nilalagyan ng tatak at nakita kong napapngalagaan nila ang kanilang gawa, pangalan at kasama na nito ang presyo.
Ngayon sa mga ganitong klase ng Obra lalo"t sa ibang bansa napalabas ay hindi na nito kailangan ang tatak Paete dahil ito pa mismo ang bubuhat sa mga gawang atin lalo pa at siya (ang gumawa) ay magpapakilalang taga Paete. napakarami na ang nagbigay karangalan na taga atin ang hindi mabilang sa daliri ang pwedeng magpromote ng produktong Paete. lamang dapat ang nasa atin naman ay kailangan din kumilos. Nakapagbigay na ako ng suhestiyon, maaring ito ay hindi perpekto pero siguro naman ay pwedeng pagsimulan....Ayaw ko lang pong diretsohin siya Mayor pero alam kong kayang kaya niyang aksiyonan ito...lol...Sigurado naman akong si Mr Winston Hernas at iba pang nasa ibang bayan na nakinabang sa kaalamang Paete ay sususporta kapag ito ay napasimulan na....Salamat po.

#8: Maganda ang ukit mo Author: fredmcLocation: Fred Cagayat PostPosted: Sat Feb 03, 2007 3:11 am
    —
Hi Winston,

Yong e-mail mo tungkol sa Ukit Paete ay accidentally napadala sa akin, pero na-forward ko kay Fr. Eugene Fadul dahil siya ang unang bumanggit ng topic about Ukit Paete. Sabi niya ay sinagot ka na raw niya.

Anyway, napakaganda ng ginawa mong nativity diyan sa China. Congratulations! Talagang iba na ang gawa ng taga Paete.

Kapatid mo pala si Elmer, our former TOYM awardee at isa sa mga binigyan ng parangal sa Balik Paete 2004 as one of the "Natatanging Buhay na anak ng Paete." Kinuha ko yong write up tungkol sa kanya sa old Paetenians Newsletter (pati picture with Madam President of RP) at inilagay sa librong Paete Memorabilia 2004. Hindi kasi namin ma-contact siya. Si Ayang Baet yata ang nagsabing nasa Beijing China siya. I am glad that we can contact him now. I am reserving one complimentary copy of the book for Elmer. Paki-email mo lang ako tungkol dito (fredmc311@yahoo.com).

FredMC

#9: ukit paete Author: winsbatangpaete PostPosted: Sat Feb 03, 2007 7:35 pm
    —
kapatid ko nga po si elmer bunso, apat po kaming magkakapatid ako po ay maraming nababasa dito sa PAETE.ORG na mga development sa ating bayan isa na dito ang tungkol sa PCC Paete Cultural Center na itinayo sa pamamagitan ng mga donasyon at ang 20 dollar club ang family tree at ang mga scholar sa out of school carver etc. at isang napakalaking tulong para sa komunikasyon ng mga nawawala sa paete life circulation tulad po naming magkapatid ang tagal din po naming walang balita tungkol sa mga kung ano anong nagaganap sa ukit paete at sa buhay paete na sya naming pinagmulan kaya lubos po ang pasasalamat ko sa mga nagtatag ng PAETE.ORG at sa boong management.

marami pong salamat

winston julius t. hernas
beijing, china



USAP PAETE -> Paete - Carving Capital Forum


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group