Let Us Play
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Usap Paete

#1: Let Us Play Author: vermadLocation: Jersey City, NJ, USA PostPosted: Sat Jan 27, 2007 11:01 am
    —
Vice:

Kayo rin lamang ang masigasig dito sa Usap-Paete, kaya kayo na rin ang aking lalapitan.

Para lalong mabuhay ang interes ng ating kabataan sa paggamit ng computer, ibig kong maglunsad ng isang paligsahan. Ang paligsahan ay isasagawa sa paglalaro ng nakalathalang dalawang laro sa Usap-Paete: Mga Apelyidong Paete o All Things Paetenian. [See below]

Ang magwawagi ay kung sino ang maraming apelyido or salitang mahuhulaan sa loob ng panahon na inyong itatakda, halimbawa: 15 minuto.

Kayo na rin ang gagawa ng mga "rules." Ang magiging gantimpala ay ang sumusunod:

1st [Ph4000]
2nd [Ph3000]
3rd [Ph2000]
4th [Ph1000]

Pakisubok lamang ninyong laruin ang mga laro para magkaroon kayo ng idea. Ipaalam lamang ninyo sa akin kung ito ay "feasible" at kung kailan ito mainam gawin. Naghihintay ng inyong kasagutan slmp.


All things Paetenian
http://www.quia.com/hm/294099.html


Mga Apelyidong Paete
http://www.quia.com/hm/210040.html


P.S. Baka may ibig mag-ambag sa gantimpala. Ito ay malugod na tatanggapin. Wink Wink Wink



USAP PAETE -> Usap Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group