kalsada for sale???
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]
Goto page 1, 2  Next  :| |:
USAP PAETE -> Usap Paete

#1: kalsada for sale??? Author: porbslangLocation: quinale PostPosted: Fri Mar 13, 2009 4:24 am
    —
good day umpisahan ko muna dito:



paki basahin at unawain mabuti,para malaman kung tama ba o mali .



hindi naman yan matatapos sa isa hanggang dalawang patawag lang.

sino ba ang dapat paglingkuran?

peace,

vraian kagahastian a.k.a. porbslang

#2:  Author: Guest PostPosted: Fri Mar 13, 2009 10:33 am
    —
mali ano yan kung di maka attend ng mtg ay sumang ayon na agad. ano yan highercourt? hustisya nga matagal eh malamng ganun dn yan.

yun ang aking opinyon laang. pero mas mganada kung nilinaw mo porbslang ang iyong intensyon para maraming makikurawraw.

JTDLC

#3: Ang hirap maintindihan Author: Pabok palabok PostPosted: Sat Mar 14, 2009 3:03 am
    —
Kapitan Caguin,
Baka puede, pakilinawin dahil malabo ang mga sinabi mo. Baka maaaring paikliin mo ang mga pangungusap mo.

#4:  Author: Guest PostPosted: Sat Mar 14, 2009 5:54 am
    —
maraming ganitong kalsada sa quinale na nasasaraduhan lumiliit ang kinikilusan ng mga nakatira sa lugar dapat ito ay pakialaman ng nakaalam, lalo na sa oras ng emergency,

#5:  Author: spies19 PostPosted: Sun Mar 15, 2009 4:20 am
    —
Anonymous wrote:
maraming ganitong kalsada sa quinale na nasasaraduhan lumiliit ang kinikilusan ng mga nakatira sa lugar dapat ito ay pakialaman ng nakaalam, lalo na sa oras ng emergency,

hinde lang problema yan sa quinale...problema din yan sa ibang lugar sa ating bayan...ewan ko baga kung bakit pag may nagpapatayo ng bagong bahay eh kung hinde lumiliit ang kalsada ay nababarahan ang kanal at nawawala ito...hinde ko maintindihan kung sino ang dapat sumilip ng plano ng bahay,zoning (kung nasasakop baga ang dapat hinde masakop pag nagpapatayo ng bahay) sa pagkuha ng building permit who is the government employee responsible to these things.......

HOY GISING........punahin nyo ang mga kalsada sa atin lalo na dun sa may ermita kalye jacinto nung maliliit kami ng dumadaan pa kami dun ay magkabila ang kanal dun ngaun nakipot na at natabunan na yata yung ibang parte ng kanal.........kumilos tayo bago mahuli ang lahat baka dumating ang araw ay eskinita na laang ang daanan natin....di bga ENGR.VIRAY.......

#6:  Author: Guest PostPosted: Sun Mar 15, 2009 4:32 am
    —
sya nga pala,yung may shaded na kulay green ang pag-aari ng mga villarin.

yan yung dating pinagdadausan ng palaboy,na ngayon ay may paupahang grahe.

#7: Planning? Author: Anak Pawis PostPosted: Sun Mar 15, 2009 7:11 am
    —
Di ba may departamento ang ating bayan para sa planning or zoning?Di ba may batas na kung kailangan ng bayan, may katuwiran ang gobyernong kunan ang lote natin?

Bakit hanggang ngayon walang makapagtuwid ng mga kalye
at bigyan ng tamang sukat ang mga daan para maganda
namang tingnan at hindi masyadong masisikip kahit lakaran
man lamang?Hindi na para sa sasakyan dahil talaga namang masikip, pero kahit sa mga tao man lamang ay kailangan din and space.

Bigyan ko kayo na isang halimbawa, yang Afungol Street, sipatin ninyo mula sa dating likod ng sinihan doon sa tabi ng Miming Asido hanggang sa Quinale Elem School. Bata pa kami narinig ko na tutu
wirin yan, may administrasyon bang kumilos? Wala
Aba , pag may mga bisitang dumadating para pumunta sa QES, para lamang dumadaan sa isang iskinita. At pag nagpaparada ang
mga estudyante mula sa school, tingnan ninyo kasikip.
May mga suwelduhang kawani ang gobyerno na dapat kumilos at tingnan ang problemang ito katulad ng nangyayari sa mga likolikong iskinita ng Quinale sa likod ng QES. Kapitan Caguin,
baka ikaw na ang hulog ng langit na magsisimulang tumuwid ng mga dapat ituwid.

May pagasa pa kaya?

#8:  Author: Guest PostPosted: Sun Mar 15, 2009 8:03 am
    —
Anak Pawis,Kulang ang kaalaman mo sa batas,
May karapatan nga ang gobyernong kunan ng lupa ang private property kung kailangan,Pero babayaran yun ng gobyerno na ayon sa halaga,.Di bale nga lang kung idodonate ng may-ari.

Peace/Cheers!

#9: Salamat kay Gues Author: Anak Pawis PostPosted: Sun Mar 15, 2009 1:54 pm
    —
Dear Mr. Guest,
Salamat sa kaalamang itinuro mo sa akin. Pasensya po, talaga pong kulang ako sa aral, at lalo na sa batas dahil high school graduate po lamang ako, pero naaala-ala ko lang ng kumuha ako sa high school ng Philippine story and higovernment sa ELC ,(reference: Philippine Government by Gregorio Zaide, teacher si Mr. Noel Laurel) ) yong tinatawag na "right of eminent domain" , paki check mo ang spelling ko kung mali. Alam kung babayaran ng gobyerno pero may hangganan na kung magkano lamang na gusto kang bayaran. Ang ibig kong sabihin, may pagkakataon pang maituwid ang mga kalye ng Paete para naman hindi liko liko at napakikipot. Kung kikilos ang mga taong suelduhan ng bayan para sa ganitong tungkulin, gayon din ang kgg.Sangguniang Bayan na may tungkulin ding iayos ang kabayanan at magsagawa ng proper planning at zoning. Parang walang ganyang pinaiiral na batas sa Paete o nagbubulagbulagan na lamang ang mga nasa posisyon.

#10:  Author: Guest PostPosted: Mon Mar 16, 2009 12:57 am
    —
spies19 wrote:
Anonymous wrote:
maraming ganitong kalsada sa quinale na nasasaraduhan lumiliit ang kinikilusan ng mga nakatira sa lugar dapat ito ay pakialaman ng nakaalam, lalo na sa oras ng emergency,

hinde lang problema yan sa quinale...problema din yan sa ibang lugar sa ating bayan...ewan ko baga kung bakit pag may nagpapatayo ng bagong bahay eh kung hinde lumiliit ang kalsada ay nababarahan ang kanal at nawawala ito...hinde ko maintindihan kung sino ang dapat sumilip ng plano ng bahay,zoning (kung nasasakop baga ang dapat hinde masakop pag nagpapatayo ng bahay) sa pagkuha ng building permit who is the government employee responsible to these things.......

HOY GISING........punahin nyo ang mga kalsada sa atin lalo na dun sa may ermita kalye jacinto nung maliliit kami ng dumadaan pa kami dun ay magkabila ang kanal dun ngaun nakipot na at natabunan na yata yung ibang parte ng kanal.........kumilos tayo bago mahuli ang lahat baka dumating ang araw ay eskinita na laang ang daanan natin....di bga ENGR.VIRAY.......


Tama ka kaibigan.

Kapansin pansin na paliit ng paliit na ang ating mga kalye. maliit na nga pero lalong lumiliit pag may nagpapatayo ng bahay dahil ultimong bangketa ay sinasakop, sinasagad ang dingding hanggang daan. Nawaawala na ang mga sidewalk.

Isang magandang halimbawa ay yung isang bahay sa may JV Quesada at kanto ng Lambingan Bridge na abot tanaw lamang sa munisipyo. Hirap na hirap pong lumiko ang mga sasakyan doon, kalimitan pa nga ay nababangga yung nakatayong lampost sa kanto. Sagad na sagad kasi ang bakod nila, kinupit at pinag arimuhanan yung daan. Paano po kaya nabigyan ng construction permit yung mga yon? Balita po ay sobrang lakas ngayon nung may ari sa munispyo kaya aprub agad.

#11:  Author: spies19 PostPosted: Mon Mar 16, 2009 5:51 am
    —
may pag-asa kung may kikilos pero kung wala.....aywan na jan......

#12:  Author: Guest PostPosted: Mon Mar 16, 2009 9:03 am
    —
babala

hintayin nyo na isang palito lang at wala ng lalabasan ang mga naninirahan sa mga saradong eskinita na parang mga daga na walang malabasan dahil sa ang mga eslikinita ay ipinagdamot na malampasanmga bahay na nakasaklang sa bangbang,

hmp!!!!! kakainis isipin di nyo madadala sa kabilang buhay yan tig dadalawang metro lang tayo bawat tao kapag namahinga na at limang taon lang tunaw na ang sakim nating katawan

hmp!!!!! kakainis talaga

#13: thanks Author: jun_sollezaLocation: San Pedro,Laguna PostPosted: Mon Mar 16, 2009 6:17 pm
    —
Moderators,

HOORAY!
What you did is the manifestation that this forum do not tolerate any harmful comments whether it came from the member or anybody using pseudo.

Thank you and mabuhay po kayo.....

Any reply from the concern officials regarding this matter of selling the portion of street....
nakakalungkot sana naman maisip ang kinabukasan na magpapasan ng tiwaling desisyon ngayon.

Ang pagkakaalam ko po ay mayroong mapa ng residential area at mga daan,meron nga din diyan sa may central,hinarangan na huhuhu

#14: Hay naku pag-iisipin nyo na naman ang mga taxpayers... Author: PPPP PostPosted: Mon Mar 16, 2009 11:26 pm
    —
bakit nga kaya?,,,Pag may title ka o college graduate gusto naka-upo lang sa opisina at pa pirma-pirma lang,,,eh d2 sa ibang bansa ultimo Engineers ay marunong mag welding, yung nga may ari o employer ko pag may deliver siya mismo ang tumutulong magbuhat ng supply(Jewish po siya at may 2 Hospital/School)Eh yung iba dyan kunwari pupuntahan/susurvey o checheking lang ang site na dapat ma-license alam mo na...gaya ng napapanuod natin sa "Imbestigador at XXX" kung may nangyari hindi maganda, tsaka lang pupuntahan...tama ba?...baka ganyan ang ugat ng "global/ecomonic crisis" hayyy naku ang anak nlang b natin ang magtutuwid?...di pa siguro huli ang lahat... Iboto nyo ako hehehe joke lang po(wala po akong talent sa Politics)..........................."Godbless Paete"

#15:  Author: Guest PostPosted: Tue Mar 17, 2009 3:02 am
    —
Bakit nga kaya hindi review hin ng Pamahalaang Bayan ngPaete ang mapa ng Paete,Kung alin ang dapat sana ay bukas na daan,Talaga namang may daan o eskinita na isinara ng may nakaksakop na lupa.Samantalang Binigay na ito sa PUBLIC.Una,makakatulong ang pagbubukas o pagbubutas sa mga daang ito in case of emergency at ganun na rin para wag maharang ang baha.
Mukhang abala yata sa negosyo ang kinauukulan aba?

#16: fire exit Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Tue Mar 17, 2009 3:14 am
    —
Anonymous wrote:
babala

hintayin nyo na isang palito lang at wala ng lalabasan ang mga naninirahan sa mga saradong eskinita na parang mga daga na walang malabasan dahil sa ang mga eslikinita ay ipinagdamot na malampasanmga bahay na nakasaklang sa bangbang,

hmp!!!!! kakainis isipin di nyo madadala sa kabilang buhay yan tig dadalawang metro lang tayo bawat tao kapag namahinga na at limang taon lang tunaw na ang sakim nating katawan

hmp!!!!! kakainis talaga



Konsehal Kid Paraiso,

Fire Exit

Ito po ay isang kahalintulad doon sa kalye Gimbal sa Quinale na noong kami ay mga musmos pa ay lusut lusutan ang ang maliit na kalsada o iskinitang ito, at dahil nga po sa pagdaan ng panahon ay puro luma na ang mga kabahayan dito na yari sa kahoy.

Wala po bang paraan para ang iskinita ay magkaroon maayos na lusutan para sa seguridad ng mga naninirahan dito at lalo na ngayong panahon na naman ng tag init.

Totoo nga pong ito ay problema ng mga magkakapit bahay na syang dapat na magusap o magtulungan subalit sa ganitong usapin kailangan po siguro ay pinakikialaman ng mga nasa pamahalaan lalo na kung ang nakasalalay ay ang kaligtasan ng mga tao.

Marami pong salamat


Always
Winston

#17: Re: Ang hirap maintindihan Author: guest PostPosted: Tue Mar 17, 2009 7:17 am
    —
Pabok palabok wrote:
Kapitan Caguin,
Baka puede, pakilinawin dahil malabo ang mga sinabi mo. Baka maaaring paikliin mo ang mga pangungusap mo.


Sana naman po dumalo kayo sa nga nasabing pagpupulong na ginanap sa barangay upang malaman nyo ang mga napapag-usapan at hindi bali-balita lamang,ilan beses na po kaming nagpatawag ng pagpupulong, iilan lang po ang dumadalo. Kayo po????dumalo na......at bakit nakapagbalita kayo ng ganito............

May pagpupulong po kaming muli na gaganapin sa darating na March 28,2009 ika-9 ng umaga sa Barangay Hall.Inaanyayahan po namin kayo at magsama na rin kayo ng mga manunuri sa ikagaganda ng inyong pagbabalita. Ang hangad po ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng inyong lingkod. Kgg. Kapt. Manuel Caguin ay mapaganda at maiayos ang ating barangay. Sana isa kayo sa makatulong namin sa magagandang programa ng ating barangay.

Pagbabalita po sa March 28,2009 ika-7 ng gabi sa Palaboy Plaza, mayroon po tayong gaganaping Barangay Assembly, inaasahan po namin kayo na makiisa,makinig sa aming pag-uulat.

" Ano na ba ang mga nagawa at gagawin pa ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng inyong lingkod Kgg. Kapt. Manuel Caguin."

#18: Re: Ang hirap maintindihan Author: whernas2001Location: beijing, china PostPosted: Tue Mar 17, 2009 9:08 am
    —
Kapt. Caguin wrote:

" Ano na ba ang mga nagawa at gagawin pa ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng inyong lingkod Kgg. Kapt. Manuel Caguin."[/quote]

Dear Capt. Boy Caguin,

Sayang isa sanang magandang pagkakataon at magandang oportunidad para maisanguni ang isang suliranin ng iskinita sa lugar natin sa kalye Gimbal kung tawagin, sa Quinale.

Nais ko lang sana na malaman kung meron pang solusyon para magkaroon ng maayos na lagusan ang nakulong na iskinita sa ating lugar at hindi ito lingid sa iyong kaalaman na ang kabahayan dito ay mga yari sa kahoy at mga luma na

At dahil na rin sa kulong ang lugar na ito ay madali dapuan ng sakit ang naninirahan dito.

Sana ay mapagtuunan nyo ito ng pansin ngayong kayo ang nanunungkulan sa ating barangay sa Quinale.

Lubos na nagpapasalamat

Ang iyong kadikit bahay sa iskinita.

Winston

#19: Re: Ang hirap maintindihan Author: porbslangLocation: quinale PostPosted: Tue Mar 17, 2009 10:19 pm
    —
guest wrote:
Sana naman po dumalo kayo sa nga nasabing pagpupulong na ginanap sa barangay upang malaman nyo ang mga napapag-usapan at hindi bali-balita lamang,ilan beses na po kaming nagpatawag ng pagpupulong, iilan lang po ang dumadalo. Kayo po????dumalo na......


sa pagdalo? isa ako sa hindi nakadalo,2 days bago mag patawag ng dumating ang sulat sa aking kamay.
may mga lakad din ako na hindi pwedeng ipagpaliban.

ako ang taong nakikinig at nagtatanong sa mga balita ng mga kapit bahay ko,"pero sinusuri ko muna ang bawat impormasyon na naririnig ko kung ito ba ay dapat kong paniwalaan o hindi!

guest wrote:
at bakit nakapagbalita kayo ng ganito............


kailangan lang kapitan,dahil pang habambuhay na kung ano man ang mapag pasyahan.

baka sakaling may tumulong sa pagsasa-ayos ng lugar natin,sa suliranin na iyan.

kahit sinong taga paete ay maaring mapagawi sa ating lugar.

hindi kaming mamayan ang dapat umaksyon at gumastos sa usapin na iyan.

maraming matataas na tao sa local at provincial goverment ang pwede nyong pag lapitan.


wala akong naging masamang komento sa pang una kong pahayag,naka titik doon sa itaas ang mga katagang ito,[b]" paki basahin at unawain mabuti,para malaman kung tama ba o mali . "



[/b]
guest wrote:
May pagpupulong po kaming muli na gaganapin sa darating na March 28,2009 ika-9 ng umaga sa Barangay Hall.Inaanyayahan po namin kayo at magsama na rin kayo ng mga manunuri sa ikagaganda ng inyong pagbabalita. Ang hangad po ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng inyong lingkod. Kgg. Kapt. Manuel Caguin ay mapaganda at maiayos ang ating barangay. Sana isa kayo sa makatulong namin sa magagandang programa ng ating barangay.


sisikapin ko ang maka dalo sa araw na yan.

sana naman,makapagbigyan ang bawat isa na ihayag kung ano ang saloobin,saka natin pagbatayan kung tama ba o mali.

"sa ano mang desisyon,hindi laging ang mayorya ang nasa tama,kadalasan ay nasa mali din"


guest wrote:
Pagbabalita po sa March 28,2009 ika-7 ng gabi sa Palaboy Plaza, mayroon po tayong gaganaping Barangay Assembly, inaasahan po namin kayo na makiisa,makinig sa aming pag-uulat.



mabuti naman at may magaganap na dalawang pagpupulong,sa loob ng isang araw,"same agenda rin ba ang tatalakayin?"

guest wrote:
" Ano na ba ang mga nagawa


nagawa?alam ko marami na.

guest wrote:
at gagawin pa ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng inyong lingkod Kgg. Kapt. Manuel Caguin."


marami pa,sana'y laging nasa tama.

sa pamamagitan nito ay naihayag ko ang nais kong ipahayag sa inyong pamunuan.

sa pagtulong narito lang ako,wag lang pera Wink

O.T.

sana po sa mga guest,mag register na rin kayo,at para mapanindigan nyo ang inyong katuwiran,sa pamamagitan ng pagpapakilala.

ito ay forum,ihayag natin ang ating mga saloobin na hindi makaka sagasa ng katauhan.

peace at all!

#20:  Author: Guest PostPosted: Wed Mar 18, 2009 4:55 am
    —
Ito ay hindi problema laang ng mga taga quinale.Problema din ito ng siyam na baranggay.Kya dapat aksyunan ito ng lahat ng KAPITAN at PUNONG BAYAN at ENGINEER.Pero mukhang sila ay nahihimbing.
Buksan sana ang mga sinsay o eskinitang isinara ng mga kalapit nitong residential ganung public property na ito.

#21:  Author: Lucas PostPosted: Thu Mar 19, 2009 12:43 am
    —
Concern officials,

Tama yata si guest, pambayang suliranin ito unti unti na pong lumiliit ang mundong ginagalawan natin.
Minsan nga pong may nagkwentong taga ibang bayan na napasyal sa Paete,ang pagkaka describe nya ay " Doon sa Paete kalalaki ng bahay pero ang liliit ng daan kapag nagbukas ka nga ng bintana ay pwede na kayong magkumustahan at magkamay."eh di lalo na kung masasarhan ang mga daan ....paano na kaya kung magkasunog "huwag naman sana"....wala na ngang tubig ang trak ng bumbero wala pang madaaanan,HHAAAAYYYYY nakuh......

Maawa po kayo sa amin,
Lucas

#22:  Author: porbslangLocation: quinale PostPosted: Sun Mar 29, 2009 7:40 am
    —
kagaya noong huling patawag,hindi natuloy ang pagpupulong noong nakaraang sabado marso,28,2009 8:am or 9:00am.

marami ang hindi dumalo at hindi nagpakita ng interest bagama't lumagda sila sa paanyaya ng pamunuan ng barangay quinale. Sad

para sa kaalaman ng lahat,nakausap ko si kapt.caguin noong araw na yaon,at ayon sa aming napag usapan kailangan namin/kaming nasa lugar na malapit sa lupang pinag uusapan ay magbubuo ng committe o samahan upang gumawa ng "project proposal" na ihahain nila sa sino mang pwedeng paglapitan ng suliranin sa lugar namin.

upang iisa na lang o ang aming magiging pang-ulo/pinuno ang kanilang sasangunihin sa mga usapin at haharapin pang problema ng aming lugar.

ang ikinalulungkot ko kapag nangyari ang paggawa ng "project proposal" at maihain sa matataas ng hindi dumaan sa pamunuan ng barangay.

ano kaya ang mararamdaman nila?

sa aking nakikita at naririnig kaya mas marami ang hindi dumadalo sa bawa't panyaya,ay dahil sa ayaw ng nakararami ang mga naunang pangyayari.

sana naman ay hindi na kailanganin pa ng isang "committe" o samahan upang maisakatuparan ang proyektong nararapat.


napapanahon pa naman ngayon para mailapit ito sa ibang matataas na opisyales ng bayan at lalawigan.

nasabi ko na ang ibig kong iparating sa panulat at personal na pananalita.

ang inyong lingkod:



peace to all Sad


Last edited by porbslang on Sat Jul 16, 2011 1:42 am; edited 1 time in total

#23:  Author: Lucas PostPosted: Thu Apr 02, 2009 4:35 am
    —
Magandang araw sa lahat,

Noon pa man ay ganyan na ang hinaing ng namumuno sa bayan.....
kapag may mga proyekto,at pagmimiting ....mag paanyaya ka at walang dumadalo,kapag naman naapekyuhan sila ng in a negative way , hayan na nga at magrereklamo at magbubunganga....
kailan pa kaya tayo magigising........ I am not from U.P. but let me quote their slogan,,,,,Kung hindi ngayon? Kailan pa..Kung hindi ako kikilos ? SINO?

Mabuhay ka porbslang..... at least may nag iinitiate....a good sign na meron nang nagigising......
Sana nga lang sapat ang panggigising upang may magising!!!!

Kumusta na kaya si Juan??? matagal na syang wala ah...

#24: Makikisali nga po Author: MingLocation: Georgia PostPosted: Fri Apr 03, 2009 1:10 pm
    —
Mangyari lamang po na makisali ako sa inyong usapan. Ako po at ang aking mga kapatid ay sa Quinale isinilang at lumaki kaya alam ko po ang inyong mga hinaing at mga obserbasyon. May katwiran po kayong lahat.

Tama po kayo na sa halip na maayos ang mga kalsada o sinsay ay kumikipot ang mga ito. Ito ay hindi tanda ng pag-unlad. Ang nakikita ko pong maaaring mag-tama ng ganitong nangyayari ay walang iba kundi ang namumuno sa ating bayan tulad ng Meyor at Sangguniang Bayan. Sila po ang gumagawa ng batas na mangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at sa kanilang karapatan.

Bago magtayo ng isang bahay o gusali, kailangan po ng “PERMIT.” Ito ay may plano ng kabahayan at lupa kung saan itatayo. Kung halimbawa at may batas na nagsasabing “kailangang magkaroon ng isang metro (o dalawa) agwat mula sa kalsada ang anumang itatayong gusali o bahay” ito ang magiging kalakaran mula sa “umpisa” ng batas na ito. Ganoon din, kung may batas na nagbabawal sumakop o takpan ang isang bambang, may basehan ang magpapatupad ng batas upang tanggihan o hindi aprubahan ang hinihinging permiso. Kung bigyan naman sa kabila ng batas, may basehan upang maparusahan ang pinuno o kawani ng pamahalaan (graft and corruption).

Sa aking pong palagay ay humihingi lamang si Kap. Boy Caguin ng isang miting upang pag-usapan at magkaroon ng hakbang upang malutas ang naka-ambang problema at ito ay dapat na may kahinahunan. Pagkatapos ng pulong at may mapagkaisahang hakbang ito ay maaaring iluhog sa Pamahalaang Municipal. Walang legal na basihan ang baranggay upang magbigay ng pahintulot magtayo ng gusali o bahay , lalo na kung sasakupin ang kalsada ng bayan o ng pamayanang baranggay. Ang munisipyo lamang ang maaaring gumawa nito.

Ang mga kinakasihan ng magandang kapalaran at buhay ay walang karapatan na tikisin ang sambayanan sa pamamagitan ng panggigipit sa mga mahihirap nating mga kababayan. Hindi dapat sakupin ang mga kalsada o eskinita, hindi rin dapat takpan ang mga natural na daluyan ng mga tubig (bambang o ilog), at lalong hindi dapat panghawakan ang kanilang pagiging kaibigan, kamag-anak o kumpare ng mga namumuno sa pamahalaan upang makuha lamang ang gusto kahit ito ay mali at immoral.

Hinihiling ko po na bigyan ninyo ng panahon at pagod ang pagdalo sa pulong na hinihiling ni Kap. Boy Caguin. Bigyan natin siya ng pagkakataon upang makapaglingkod , dinggin natin ang kanyang sasabihin, at ipahayag natin an ating mga saloobin tungkol sa paksa. Kapag nakita ng mga may hindi magandang balak na nagkakaisa ang mga mamamayan na maaapektuhan, maghuhunusdili ang mga ito.

Hangad ko po ang ika-uunlad ng ating mahal na bayan, sa kalinisan, kagandahan, pagkakaisa at pangkalahatang katahimikan para sa mga susunod na lahi ng mga taga-Paete.

Salamat po.

Ming Madrigal Baldemor
Anak ni Miguel Baldemor at Onyang Madrigal
Kapatid ni Berting, Paquito, Raffy at Liza
Batang Quinale, Batang Eboy

#25:  Author: porbslangLocation: quinale PostPosted: Sat Jul 16, 2011 2:20 am
    —
makalipas ang mahigit 2 taon mamamayan pa rin ang mag-aambagan.tsk tsk tsk

nasaan na kaya ang mga dapat sana'y gumawa ng solusyon sa suliraning ito.


pwede kaya dumaan dyan ang walang ambag?



USAP PAETE -> Usap Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Goto page 1, 2  Next  :| |:
Page 1 of 2

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group