Panganib sa Wawa Park
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]
Goto page 1, 2, 3, 4, 5  Next  :| |:
USAP PAETE -> Usap Paete

#1: Panganib sa Wawa Park Author: Guest PostPosted: Tue May 19, 2009 2:28 am
    —
Habang nilalanghap ko ang sariwang hangin mula sa lawa.
Sinasalubong naman ng usok mula sa tambutso ang ilong ko.

Habang naglalakad ang mga paslit sa daan papuntang Wawa.
Nawawala ang laya nilang maglakad dahil sa pag-iwas sa mga nagdaraaang mga motorsiklo.

Sana ay magkaroon ng ordinansa na nagbabawal sa mga behikulo na pumasok ng wawa.
Iparada nila ang kanilang mga sasakyan sa bungad pa lang ng daan papasok ng Wawa.

#2: I agree Author: cvafuang PostPosted: Tue May 19, 2009 6:54 pm
    —
Maybe what we need here is not a total ban but some kind of a restriction where all type of motor vehicles will be prohibited to enter the Wawa park everyday of the week:

from: 5:00 - 8:00 AM and maybe
from 5:00 - 7:00PM?

This is just a suggestion. Ano kaya pwede baga ito, Vice Mutuk?

Salamat Po!

#3:  Author: Guest PostPosted: Tue May 19, 2009 8:38 pm
    —
sang ayon ako jan sa naisip mo di dapat talag ipinapasok ang mga degasolinang sasakyan sa mga park.

eto na naman po tayo ang disiplina nawawala na naman pero kung merong magbabantay at magpapatupad nyan bakit nga ba hindi magandang IDEA ITO.... HOY GISING

#4: Re: Panganib sa Wawa Park Author: Guest PostPosted: Tue May 19, 2009 8:53 pm
    —
Anonymous wrote:
Habang nilalanghap ko ang sariwang hangin mula sa lawa.
Sinasalubong naman ng usok mula sa tambutso ang ilong ko.

Habang naglalakad ang mga paslit sa daan papuntang Wawa.
Nawawala ang laya nilang maglakad dahil sa pag-iwas sa mga nagdaraaang mga motorsiklo.

Sana ay magkaroon ng ordinansa na nagbabawal sa mga behikulo na pumasok ng wawa.
Iparada nila ang kanilang mga sasakyan sa bungad pa lang ng daan papasok ng Wawa.


Oo nga. Pwede siguro sa umaga kung kailan maraming namamasyal sa Wawa na may mga bitbit na bata, ipagbawal ang mga sasakyang may tambutso. Halimbawa, 6am to 8am daily. At sana may mga designated areas kung saan pwede manigarilyo. Minsan nasagi yung baby ko ng sigarilyo ng mama habang naglalakad siya at kami ay tumitingin ng tilapia.

#5: Tagal ng isyo yan Author: Guest PostPosted: Tue May 19, 2009 9:22 pm
    —
Tagal ng isyo yan bok. La naman magawa. At ito pa -

Pag na sa WaWa park nakaharap sa dagat ikaw ay tumalikod at humarap sa bundok. Makikita mo ang usok sa bayan - parang nasusunog ang Paete. Siga sa mga bakuran ng basura ang pinagmumulan. Masama ang usok na ito sa kalusugan. Hindi ko lang alam ipapaano ipaliwanag dito kung ano anong mga lasong chemical ang laman ng usok galing sa basura.

Seguro may nakakaalam sa ating mga taga-Paete tungkol dito. Asahan na lang nating magpaliwanag.

Tungkol naman sa mga motorsiklo - kauusok na kaiingay pa. Hinidi lang usok ang nakakasama dito, yong ingay ay masama din sa tenga. May masamang epekto din yan sa ating mga tenga.

Hindi ko talagang maisip kung bakit kailangan mag motor pa papunta sa WaWa. Hindi naman mga disabled. Para sa kalusugan - maglakad na lang kayo.

#6:  Author: Guest din PostPosted: Wed May 20, 2009 12:17 am
    —
Isang puna din po...Bkit po bga pag m parada o prususyon ay palaging m mga "eskort" n nakamotor?

Bukod po sa sayang ang gas, dagdag ingay pa yon at dagdag polusyon din dhil sa mga ibinubuga nitong maitim na usok.

Sna po ay wag ito masamain, constructive po ito para sa ikabubuti ng pamayanan.

#7:  Author: Guest PostPosted: Wed May 20, 2009 5:21 am
    —
Admin,
bakit po kaya anim na ang nagpost reply sa topic na ito ay wala naman lumalabas na post? Nagtatanong lamang po?

Dahil yung ibang nagpopost ay puro nangangalawkaw lamang dito... wala ng magawa kundi usisain ang mga nakapost. Bigyan natin ng magandang idea o positibong kumento para sa ikauunlad ng bayan natin kesa puro asungot na lamang.

#8: Perwisyo, peste, atbp Author: Guest PostPosted: Wed May 20, 2009 1:40 pm
    —
Guest din wrote:
Isang puna din po...Bkit po bga pag m parada o prususyon ay palaging m mga "eskort" n nakamotor?

Bukod po sa sayang ang gas, dagdag ingay pa yon at dagdag polusyon din dhil sa mga ibinubuga nitong maitim na usok.

Sna po ay wag ito masamain, constructive po ito para sa ikabubuti ng pamayanan.


Pabayaan mong masamain, wala naman kabutihan dinudulat yan mga yan. Peste talaga.

#9:  Author: Guest PostPosted: Wed May 20, 2009 9:34 pm
    —
hoy gisssssinnggggg!!!!!!!

mga nagmomotor unfair sa mga nakakalanghap ng usok nyo

#10: Re: Perwisyo, peste, atbp Author: Guest PostPosted: Wed May 20, 2009 10:18 pm
    —
sana lagyan na lng ng parking sa bungad para sa mga motor- yun bang handrail made of pipes gaya ng sa mga mall..

#11:  Author: kap_hensol57Location: J. Tinawin Street Paete Laguna PostPosted: Thu May 21, 2009 3:30 am
    —
dear guest:

regards po don sa ating wawa park tama po kayo dapat ang wawa park bilang isang magandang parke na dinarayo ng mga kababayan natin especially mga tamang gulang aydapat po talagang huwag ng puntahan ng mga de makinang motors at iba behikulo. alam po ninyo pinaguusapan na po ito ng sangguniang bayan na magkaroon ng mga pedi cab na pupunta sa wawa at maipasyal na kababayanggustong magpahangin.kmi rin po sa aming barangay 9 ay may plano ring magpagawa ng mga pedicab siguro sa isang taon at wala po kaming pondo pa. ang layunin naman po ay madala po namin ang mga kababayan na maysakit na kahit papaano ay makapunta rin sa ating wawa park.
sige po maraming salamat sa iyong magandang pananaw.

kap hensol brgy 9

#12: wawa Author: mariot53 PostPosted: Thu May 21, 2009 3:52 am
    —
sa mga motorista

Huag gawing kawawa ang wawa at baka magsingawa ang mga kawawang bata. Kung gusto ninyong idisplay ang bagong biling motor dun na lang sa papatahan. Suhestion ko instead na mag motor ay mamisikleta na lang o maglakad. Ang wawa ay para sa lahat na gustong maging healthy at hindi hell. Sawatain ang usok sa wawa upang hindi mawala ang magwawala he he he

Kung magtitinda na naka tricycle gumamit na lang ng kariton. Maraming suki pa ang bibili dahil walang usok na mabaho.

Ako ay inuubo na makakalanghap pa ng usok. Carbon monoxide maawa ka sa wawa.

#13:  Author: Guest PostPosted: Thu May 21, 2009 7:27 am
    —
kap_hensol57 wrote:
dear guest:

regards po don sa ating wawa park tama po kayo dapat ang wawa park bilang isang magandang parke na dinarayo ng mga kababayan natin especially mga tamang gulang aydapat po talagang huwag ng puntahan ng mga de makinang motors at iba behikulo. alam po ninyo pinaguusapan na po ito ng sangguniang bayan na magkaroon ng mga pedi cab na pupunta sa wawa at maipasyal na kababayanggustong magpahangin.kmi rin po sa aming barangay 9 ay may plano ring magpagawa ng mga pedicab siguro sa isang taon at wala po kaming pondo pa. ang layunin naman po ay madala po namin ang mga kababayan na maysakit na kahit papaano ay makapunta rin sa ating wawa park.
sige po maraming salamat sa iyong magandang pananaw.

kap hensol brgy 9


Kap hensol

Sana po ay wag na ninyong hintayin pa ang isang taon sa susunod na paglutang muli ng Wawa Park napakasimple po ng problemang ito kailangan lang ng disiplina at lagyan nyo po nang karatula na bawal ipasok ang de gasoling sasakyan sa loob ng wawa park ireport sa inyong tangapan pagmultahin nyo para sa karagdagang pondo ng barangay.

Dyan nyo po makikita ang mga makakapal ang mukha, at kung meron na pong kautusang ganito marami po ang pwedeng mag citizen patrol para ipagbigay alam sa inyong tangapan.

#14:  Author: Guest PostPosted: Fri May 22, 2009 2:39 am
    —
muhang wala na tayong maaasahang aksyon mula sa ating pamahalaang bayan.Nakatuon lang ang proyeto sa pgppaganda ng wawa.Sorry na lang tayo.

#15:  Author: Guest PostPosted: Fri May 22, 2009 8:05 am
    —
Mahirap umaksyon sa ngayon lalo na sa pagbabawal sa mga tao at maglagay ng batas sa Wawa Park dahil makakasira ito lalo na at malapit na ang halalan, syempre ang gagawin ng mga pulitiko ay ang magpabango at ito ay baka maging sanhi sa pagkabawas ng boto.

#16: MOTOR SA WAWA Author: GUEST PostPosted: Sat May 23, 2009 9:50 am
    —
SANA PO AY WAG MASAMAIN...TANONG KO LANG PO...DUN PO SA MGA APEKTADO MASYADO NG MOTORSIKLO....DI NA PO BA KAYO AALIS SA WAWA..DUN NA LANG PO BA KAYO MAG-I-STAY???PAANO PO PAG PAUWI NA KAYO SA INYO..WALA PO BANG MOTORSIKLO SA DARAANAN NYO..SA BAYAN PO BA AY WALANG MOTORSIKLO O IBANG SASAKYANG MAUSOK ANG TAMBUTSO????SA WAWA LANG PO BA KAYO HIHINGA O LALANGHAP NG HANGIN?SANA PO NAMAN AY WAG TAYONG MASYADONG "O.A."SA HALIP PO AY PAG-ISIPAN NATIN AY KUNG PAANO TALAGA TAYO MAKAKATULONG NG TUTUO SA PUSO NATIN AT HINDI YUN LAGING PARANG MAY PINATATAMAAN O SABI NGA AY BAKA NAMAN WALA NG MASABI O MAGAWA KAYA KUNG ANO -ANO NA LANG...ISIPIN PO NATIN NA YUNG USOK NA NALALANGHAP NATIN AY HINDI LANG SA MOTORSIKLO NG TAGA TAGA PAETE GALING..BAKIT YUN PO BANG USOK NG JEEF STA.CRUZ -SINILOAN NA DUMADAAN SA HI-WAY NATIN AY DI PO BA UMAABOT SA WAWA????P-CENCIA NA PO.NAGTATANONG LANG PO...SANA TANGGAPIN PO NATIN YUNG REALIDAD NA ITO NA ANG MUNDO NATIN NGAYON....AT HULI NA PARA MAGSISIHAN....

#17:  Author: guest PostPosted: Sat May 23, 2009 10:02 pm
    —
Mahirap umaksyon sa ngayon lalo na sa pagbabawal sa mga tao at maglagay ng batas sa Wawa Park dahil makakasira ito lalo na at malapit na ang halalan, syempre ang gagawin ng mga pulitiko ay ang magpabango at ito ay baka maging sanhi sa pagkabawas ng boto.

Ay, oo. talagang mababawasan ang boto. kaya wag na kayomg umasa.

#18:  Author: mutukLocation: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo PostPosted: Sat May 23, 2009 11:12 pm
    —
cvafuang wrote:
Maybe what we need here is not a total ban but some kind of a restriction where all type of motor vehicles will be prohibited to enter the Wawa park everyday of the week:

from: 5:00 - 8:00 AM and maybe
from 5:00 - 7:00PM?

This is just a suggestion. Ano kaya pwede baga ito, Vice Mutuk?

Salamat Po!


Cesar,

Sorry ngayon ko lang napansin itong post mo.

Noon pa man ay napag usapan na ito sa SB. Noong past Administration pa. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kon. Oddete Sunga ang Chairman ng komitibang may hawak nito noon [i-double check ko rin sa Lunes). Ang naging proposal noon ay pwedeng pwede i-regulate tulad din ng suggestion mo. Kaso ay kailangang magkaroon ng alternatibong magagamit pamalit sa kasalukuyang nakagawian, tulad ng de padyak na pedicab na hindi mangangailan ng gasolina. Hindi kasi pwedeng ipagbawal ang anumang sasakyan na pumasok sa WAWA dahil may mga negosyo, hanapbuhay na kailangan din nating isa-alang alang.

Napagkasunduan noon na bago ipagbawal ang pagpasok ng anumang uri ng sasakyang de motor sa Wawa, ang barangay na may sakop sa Wawa ay magtatayo muna ng livelihood program na sila ang mangangasiwa tulad ng de padyak na pedicab na rutang highway tulay to WAWA at vice versa.

Base sa obserbasyon ko pag napupunta ako doon sa umaga 5am to 7am, may mga motorsiklo man ay pagdating naman sa wawa park ay nakahimpil agad o patay na ang makina , yung iba ay para mag ehersisyo din o mamasyal kasama ang kanilang pamilya at yung iba ay para bumili ng murang isda. Ang klase ng mga bagong motorsiklo ngayon na aking nakikita sa wawa at maging sa Paete ay 4 stroke na mas episyente at environment friendly compare sa mga 2 stroke na makina.

Hamo at papasyal din po ako sa bandang hapon para personal ko ding makita ang mga kaganapan

Baka po yung sinasabi na lugar na delikado ay yuong mismong kalsada na nagkokonekta sa highway papuntang Wawa Park. Meron po tayong bukod na pwesto sa wawa (tatawid pa ng tulay na kahoy) na ipinasemento para hindi masyadong maistorbo ng mga dumadaang sasakyan bukod pa doon sa playground na may palaruan para sa mga bata.

Meron din naman po akong mga naunang posting na kuhang larawan sa WAWA na maari nating pagbasehan para na rin sa kabatiran ng mga kababayan natin na hindi napupunta doon.

Umasa po kayo na muli ko itong ipagbibigay alam sa chairman ng komitibang may sakop (Sangguniang Bayan) para sa kanilang konsiderasyon at pag-aaral na muli.

Maraming salamat din po!!!


http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=8069

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=8070

#19: Re: MOTOR SA WAWA Author: Guest PostPosted: Sun May 24, 2009 2:48 am
    —
GUEST wrote:
SANA PO AY WAG MASAMAIN...TANONG KO LANG PO...DUN PO SA MGA APEKTADO MASYADO NG MOTORSIKLO....DI NA PO BA KAYO AALIS SA WAWA..DUN NA LANG PO BA KAYO MAG-I-STAY???PAANO PO PAG PAUWI NA KAYO SA INYO..WALA PO BANG MOTORSIKLO SA DARAANAN NYO..SA BAYAN PO BA AY WALANG MOTORSIKLO O IBANG SASAKYANG MAUSOK ANG TAMBUTSO????SA WAWA LANG PO BA KAYO HIHINGA O LALANGHAP NG HANGIN?SANA PO NAMAN AY WAG TAYONG MASYADONG "O.A."SA HALIP PO AY PAG-ISIPAN NATIN AY KUNG PAANO TALAGA TAYO MAKAKATULONG NG TUTUO SA PUSO NATIN AT HINDI YUN LAGING PARANG MAY PINATATAMAAN O SABI NGA AY BAKA NAMAN WALA NG MASABI O MAGAWA KAYA KUNG ANO -ANO NA LANG...ISIPIN PO NATIN NA YUNG USOK NA NALALANGHAP NATIN AY HINDI LANG SA MOTORSIKLO NG TAGA TAGA PAETE GALING..BAKIT YUN PO BANG USOK NG JEEF STA.CRUZ -SINILOAN NA DUMADAAN SA HI-WAY NATIN AY DI PO BA UMAABOT SA WAWA????P-CENCIA NA PO.NAGTATANONG LANG PO...SANA TANGGAPIN PO NATIN YUNG REALIDAD NA ITO NA ANG MUNDO NATIN NGAYON....AT HULI NA PARA MAGSISIHAN....


Ang oras na 5,6-7am ay malalanghap mo pa ang hamog ng kabundukan at madalang pa ang mga motorista sa mga oras na ito sana bago kayo pumunta.
Ang issue dito ay hindi lang ang usok.
Kundi ang ingay habang ang mga may sakit o matatanda ay nagrerelaks s wawa upang makinig ng ingay ng kalikasan lang sana.
At mga musmos na walang muwang sa kanilang kaligtasan kung masasagi sila o mapapaso ng tambutso ng iyong motor.
Di sila magkakaron ng ng layang maglaro,maglakad o tumakbo sa daan at sa playground na mismo.Lalo na at wala ng mapaglaruan dito sa paete.
Wag ka sanang pikon.

#20: Re: MOTOR SA WAWA Author: Guest PostPosted: Sun May 24, 2009 7:27 am
    —
GUEST wrote:
SANA PO AY WAG MASAMAIN...TANONG KO LANG PO...DUN PO SA MGA APEKTADO MASYADO NG MOTORSIKLO....DI NA PO BA KAYO AALIS SA WAWA..DUN NA LANG PO BA KAYO MAG-I-STAY???PAANO PO PAG PAUWI NA KAYO SA INYO..WALA PO BANG MOTORSIKLO SA DARAANAN NYO..SA BAYAN PO BA AY WALANG MOTORSIKLO O IBANG SASAKYANG MAUSOK ANG TAMBUTSO????SA WAWA LANG PO BA KAYO HIHINGA O LALANGHAP NG HANGIN?SANA PO NAMAN AY WAG TAYONG MASYADONG "O.A."SA HALIP PO AY PAG-ISIPAN NATIN AY KUNG PAANO TALAGA TAYO MAKAKATULONG NG TUTUO SA PUSO NATIN AT HINDI YUN LAGING PARANG MAY PINATATAMAAN O SABI NGA AY BAKA NAMAN WALA NG MASABI O MAGAWA KAYA KUNG ANO -ANO NA LANG...ISIPIN PO NATIN NA YUNG USOK NA NALALANGHAP NATIN AY HINDI LANG SA MOTORSIKLO NG TAGA TAGA PAETE GALING..BAKIT YUN PO BANG USOK NG JEEF STA.CRUZ -SINILOAN NA DUMADAAN SA HI-WAY NATIN AY DI PO BA UMAABOT SA WAWA????P-CENCIA NA PO.NAGTATANONG LANG PO...SANA TANGGAPIN PO NATIN YUNG REALIDAD NA ITO NA ANG MUNDO NATIN NGAYON....AT HULI NA PARA MAGSISIHAN....


Natural na merong mga dumadaang mga sasakyan sa kalsada dahil yun ay daan talaga ng sasakyan ang sinasabi dito ay Park sa Wawa naiintidihan mo baga yun tagalog yun hindi english ikaw payag ka ba na sa loob ng salas nyo ay may motyorsiglong umaandar at mausok!!!! ang park ay isang pasyalan para makapagrelaks doon na nga lamang tayo malayang makakalanghap ng sariwang hangin na galing sa dagat pati baga naman yon ay hahaluan mo pa ng pulution.

#21:  Author: Guest PostPosted: Sun May 24, 2009 11:18 am
    —
tagalog po pala yun...pasensiya na po...gaano po ba kalaki yung salas nyo at yun wawa.... gaya po ng nasabi ko.dun lang po ba tayo hihinga sa wawa?pag po ba sa bayan ay hindi na?wag po sana tayong pilosopo para wag din mapilosopo....paano naman po yung mga naghahanapbuhay dyan na kailangan ang sasakyan,mapipigilan po ba yun usok o ingay nun....wag po namang sarili lang natin ang isipin natin bago tayo magbitaw ng salita..kung nakasama po yun tanong ko ay pasensiya na at di na mauulit....lalo na po kung may tinamaan...

#22:  Author: Guest PostPosted: Sun May 24, 2009 9:48 pm
    —
Anonymous wrote:
tagalog po pala yun...pasensiya na po...gaano po ba kalaki yung salas nyo at yun wawa.... gaya po ng nasabi ko.dun lang po ba tayo hihinga sa wawa?pag po ba sa bayan ay hindi na?wag po sana tayong pilosopo para wag din mapilosopo....paano naman po yung mga naghahanapbuhay dyan na kailangan ang sasakyan,mapipigilan po ba yun usok o ingay nun....wag po namang sarili lang natin ang isipin natin bago tayo magbitaw ng salita..kung nakasama po yun tanong ko ay pasensiya na at di na mauulit....lalo na po kung may tinamaan...


Sya sige kung di mo naiintidihan ang sa litang PARK ay bahala ka at yung mga naghahanapbuhay ay me oras na nakalaan para sa kanila ang hinihiling dito ay Disiplina sa oras ng mga nag eehersisyo at mga nagpapahangin para makalanghap ng sariwang hangin ay wag haluan ng usok ng motor mo ok kung gusto mo ikaw na lang ang lumanghap ng tambutso mo sa wawa, wag mong ipalanghap sa ibang tao lalo na sa umaga sa PARK.

#23:  Author: Guest PostPosted: Mon May 25, 2009 3:45 pm
    —
mutuk wrote:


Base sa obserbasyon ko pag napupunta ako doon sa umaga 5am to 7am, may mga motorsiklo man ay pagdating naman sa wawa park ay nakahimpil agad o patay na ang makina , yung iba ay para mag ehersisyo din o mamasyal kasama ang kanilang pamilya at yung iba ay para bumili ng murang isda. Ang klase ng mga bagong motorsiklo ngayon na aking nakikita sa wawa at maging sa Paete ay 4 stroke na mas episyente at environment friendly compare sa mga 2 stroke na makina.



Vice,

4 Stroke ay talagang mas maige sa ganitong pagkakataon. OK kung nakahimpil lang pagdating sa Wawa. Talagang may mga taong kailangan mag-sasakyan (hindi lang motorsiklo) upang makarating lang sa Wawa. Example; elderly, disabled or mahihina. Ang pinaka punto dito ay ang Wawa Park ay ginawa para sa mamayan. Ang nakararami sa mga mamayan na nagpupunta sa Wawa park ay lakad. Dapat lang ang masusunod ay ang nakararami. Puwede rin namang makibagay ang dalawang panig kung susundin ang mga sumusunod na rules of engagement.

1. May respeto sa foot traffic. Hindi sila yong iniilagan dahil mabibilis o talagang parang maton kung magpatakbo. Kailangan ang foot traffic ang may right of way.
2. Wala kayong Sound Measuring Device upang sukatin ang ingay na lumalabas sa bawat sasakyan. Kaya kailan ang tambutso ng lahat ng sasakyan ay stock. Ibig sabihin hindi binago at tinanggal ang silencer o pinalitan ng masmalakas na tambotso. Common sense lang yan. Alam naman ninyo kung ano ang maingay.
3. Walang usok na sobrang puti o sobrang itim. (Mahirap gawin ng 2 stroke). Papaano mako-kontrol. Common sense lang uli yan.
4. Ganon din sa mga naghahanap buhay na tricycle. Kailanggan hindi maingay o mausok. Huwag papasukin ang mga maiinggay at musok maski pa naghahanap buhay sila. Hindi naman kailanggan maging maingay ang mga panghanap buhay nila. Dapat naman ipagawa nila kung umuusok na sila. Palagay hindi lang sa Wawa dapat i-kontrol ito. Kaya lang wala talagang magawa ang municipyo.

#24:  Author: laki ng sira ko bro PostPosted: Mon May 25, 2009 5:55 pm
    —
Guest din wrote:
Isang puna din po...Bkit po bga pag m parada o prususyon ay palaging m mga "eskort" n nakamotor?

Bukod po sa sayang ang gas, dagdag ingay pa yon at dagdag polusyon din dhil sa mga ibinubuga nitong maitim na usok.

Sna po ay wag ito masamain, constructive po ito para sa ikabubuti ng pamayanan.


Ang mga Presidente, Hari at kung sinu-sinong pinuno ay may mga escort din sa unahan. Matagal ng ganito. Pero walang nag-iinarte na kesyo mausok, maingay, etc.
Ang mga motor escorts dito ay boluntaryong tumutulong para sa trapiko, seguridad, kaayusan, etc. Sana yung ganitong pananaw ay isama din ninyo sa pagtimbang ng sitwasyon.
Dun naman sa mga nakamotor sa Wawa, exercise sana ang gawin nyo, hindi porma. Maglakad na lang kayo. Mangahiya naman sana kayo sa mga nagpapahangin sa Wawa. Hindi ba ninyo nahalata, silař naiingayan, nauusukan at NAIINGGIT... pasensya na lang katulad kong puro satsat lang.

#25: Making Both Ends Meet Author: LPB PostPosted: Tue May 26, 2009 11:38 am
    —
Maraming mga bagay na kesa pagtalunan eh nareresolba sa usapang maganda, in a productive way ika nga, di tulad ng iba na kaya lang mag popost para lang salungatin ang opinyun ng iba, which is not a productive approach on my own opinion.

tungkol sa motor issue, kung di maiiwasan ng iba nating mga kababayan na di magdala ng motor bakit di tayo mag request sa Pamahalaan Bayan ng magtakda ng speed limit pagkatawid ng hi way papunta sa wawa sa gayun eh bawas ang ingay at ang usok ng tambutso, ika nga kung hindi maalis eh di bawasan di po baga???, para sa akin disiplina lang naman at sentido komon na ng motorista yan, now kung di sila makakasunod its either ban them na dalhin ang mga motor nila or tikitan at ilagay sa pondo ng Wawa Park for sure kikita ang Wawa park kasi maraming mga delingkwenteng motoristang kabataan sa atin, kung di sila madidisiplina sa Paete paliitin o bawasan ang kalsada na pwede nilang puntahan lalo na ung mga walang kaukulang papel or lisensya.

kaya suggestion ko lang lets make this forum productive, take your time before posting, na kung makakatulong, at di makakasira bagkus makakabuo ng solusyon, ung makakaganda at di ikasasama ng isang suhestiyon at opinyun ng iba. para di na humahaba o humahanghang ang usluan, di po baga...???
nababawasan na ang interest ng ibang bumabasa dahil sa mga un healthy and negative trends tulad nito nawawala o lumilihis na sa orihinal na pinaguusapan kaya nawawalan ng linamnam kung baga..

merong kasabihan na "its better to lend a helping hand that to a ready tounge".......

maraming salamat po.......cheeeersss....!!!! Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing



USAP PAETE -> Usap Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Goto page 1, 2, 3, 4, 5  Next  :| |:
Page 1 of 5

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group