PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

SUBJECT: SPOT REPORT: RE (VEHICULAR ACCIDENT) HIT & RUN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jul 29, 2010 11:13 pm    Post subject: SUBJECT: SPOT REPORT: RE (VEHICULAR ACCIDENT) HIT & RUN Reply with quote

SUBJECT: SPOT REPORT: RE (VEHICULAR ACCIDENT) HIT & RUN
"RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE AND PHYSICAL INJURY.

MGA BIKTIMA:
1. ANGELICA PATANA Y MACALIS, 17 taong gulang, dalaga, naninirahan sa Brgy.Sulib, Pangila, Laguna. (idiniklarang patay ng sumuring doktor sa ganap na ika-2:00 ng madaling araw noong Hulyo 26, 2010).

2. JESSICA CADAWAS Y DELOS REYES, 14 taong gulang, naninirahan sa Brgy. Bagumbayan (7), Paete, Laguna. (kasalukuyang naka confine sa Gen. Cailles Hospital, Pakil, Laguna.)

SASAKYAN AT DRAYBER NA KASANGKOT NG NASABING AKSIDENTE:

Suzuki van type, Plate # YJ6-668, kulay green, model 2008, Engine No. FGA-6389928, Chassis No. DE51V802202. Pagmamay-ari ni: Mercelita Villaruel y Medina.

Suspek/Drayber ng nasabing sasakyan:
Almer Villaruel y Medina, 28 taong gulang, dating Army at naninirahan sa Brgy. Isla, Pangil, Laguna.

SALAYSAY:

Noong Hulyo 25, 2010, humigit kumulang na ika-11:45 ng gabi sa Manila East Road(Hi-way), Barangay Bagumbayan (7), Paete, Laguna ay mayroong isang Suzuki van na sasakyan na nanggaling mula sa Kalayaan na patungo sa Siniloan, Laguna. Aksidenteng nabangga ng nasabing sasakyan ang dalawang biktima na nagkaroon ng mga pinsala (injuries).

Dinala ang nasabing mga biktima sa Gen. Cailles Memorial Hospital para sa kaukulang "medical treatment" subalit ang isa sa mga biktima na si Angelica Patana y Macalis ay sumakabilang buhay samantalang ang isang biktima na si Jessica Cadawas ay naka confine sa parehong ospital para sa "Medical Treatment".

Ang drayber ng nasabing sasakyan ay agad na tumakas matapos ang nasabing aksidente. Sa isinagawang "Follow-up Operation" ng Paete Municipal Police Station sa pakikipagtulungan din ng bumubuo ng iba't-ibang samahan na kaanib ng Paete Anti-Crime Task Force (PACTAF) particular ang ICAGC ay nakuha ang nabanggit na sasakyang sangkot sa nasabing aksidente sa Brgy. Sulib, Pangil, Laguna sa humigit kumulang na ika-2:15 ng madaling araw ng Hulyo 26, 2010 sa tulong na rin ng mga nagmamalasakit ng mga mamamayan ng nasabing bayan.

DISPOSITION OF THE CASE:

Ang nasabing sasakyan ay pansamantalang nakalagak sa Paete Municipal Police Station para sa kaukulang pagpapasiya ukol dito. Samantalang ang kaukulang kaso (Reckless Imprudence resulting to Homicide & Physical Injury) ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek/drayber.

Officer on case: PO1 Marie Franz Inez Sumayod

P.S.
Sang-ayon po sa Himpilan ng Pulisya ay sumuko ang suspek noong Hulyo 26, 2010 at nakakalaya batay sa naging utos ng Fiscal's Office, Sta. Cruz, Laguna.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Jul 30, 2010 1:28 am    Post subject: Excellent Job ICAGC of Paete and Pangil Chapter... Reply with quote

Congrats sa bumubuo ng ICAGC Paete Chapter and with the coordination from ICAGC Pangil Chapter.....pati na rin syepre sa Brgy. Tanod ng Bagumbayan (BRGY 7) at ng ating kapulisan ke Kuyang Marlon Calonge (Chief of Police), sa aking butihing Ama Kapt. Nardz at kina Sir C5....
Mabuhay po Kayo........
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Aug 02, 2010 5:44 am    Post subject: PLAKE NG PAGKILALA IGINAWAD SA IBA'T-IBANG SAMAHAN Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Matapos ang isinagawang Flag Ceremony kaninang umaga, ika-02 ng Agosto, 2010 ay pinagkalooban ng sertipiko ng pagkilala ang mga naging katuwang ng Pamahalaang Bayan upang magkaroon ng isang maayos at mapayapang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Santiago Apostol sa ating bayan at ang mga samahang ito rin ang naging kaagapay ng Himpilan ng Pulisya sa "follow-up" operation ng aksidenteng "Hit and Run" noong Hulyo 25, 2010.

Ang mga sumusunod po ang napagkalooban ng nasabing sertipiko ng pagkilala:
-Sangguniang Barangay Bagumbayan
-Bantay Bayan Foundation, Inc. (BBFI-PACTAF)
-Hall of Justice - PACTAF
-Rampants Club - PACTAF
-PROCOM - PACTAF
-Independent Correspondents Against Graft and Corruption,
Inc. (ICAGC-PACTAF)
-Triskelion - PACTAF
-Guardian Brotherhood, Inc. (GBI-PACTAF)
-Paete Harabas Riders Club - PACTAF

Narito po ang ilan sa mga kinunang larawan sa nasabing paggagawad ng parangal:


Ang Kgg. Sangguniang Bayan


Ang mga Sangguniang Barangay ng Paete, Laguna


Ang mga kawani ng Pamatay Sunog sa pangunguna ng kanilang hepe, Arnel A. Rana at Himpilan ng Pulisya sa pangunguna ni P/Insp. Marlon M. Calonge.


Si Kgg. Aurelio P. Paraiso, habang binabasa ang nilalaman ng nasabing sertipiko.







Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Aug 10, 2010 5:40 am    Post subject: PLAKE NG PAGKILALA IGINAWAD SA BANTAY BAYAN NG PAPATAHAN Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Noong ika-09 ng Agosto, 2010 pagkatapos ng isinasagawang Flag Ceremony ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay ginawaran ng kaukulang pagkilala ang mga Bantay Bayan ng Sitio Papatahan sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin bilang kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan sa pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan at pangmadlang kaligtasan sa lugar na kanilang nasasakupan. Ito po ay isinagawa sa pangunguna ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, Tagapangulo ng Lupon sa Katahimikan, Kaayusan at Pangmadlang Kaligtasan at ng Kgg. Sangguniang Bayan.

Ang mga bumubuo ng Bantay Bayan ng Sitio Papatahan na nasasakupan ng Barangay Ibaba del Norte (9) ay ang mga sumusunod:

Hepe Zosimo Portugues, Jr.
Kalihim Elorde Garbilao
Benjamin Lisay
Ricardo Dela Cruz, Sr.
Carlito Llandelar
Rommel Gonzaga
Rico Villaren
Deputy Anselmo Llandelar, Sr.
Oscar Lizano
Rogelio Encontro, Sr.
Lorito Villaraza Sr.
Joel Villaraza
Carlos Samson

Mayroon po silang tatlong kaso na naresolba dahilan sa aktibo nilang pagbabantay at pag-uukol ng panahon upang matunton ang mga suspek sa mga krimen sa kanilang nasasakupan. Ito po ay ang mga sumusunod:

Noong Mayo 18, 2010 at Hulyo 22, 2010 ay naresolba nila ang kaso ng rape kung saan nahuli nila ang mga suspek.

Noong Agosto 02, 2010 ay nakahuli sila ng tao sa kasong "Illegal possession of firearms".

Narito po ang iginawad na plake ng pagkilala sa mga Bantay Bayan ng Sitio Papatahan at sa Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte (9) na nakasasakop sa nasabing Sitio:











Narito po ang ilan sa mga kinunang larawan sa nasabing parangal:











Bilang pagbibigay halaga sa mga nasabing "accomplishments" ng mga Bantay Bayan ng Sitio Papatahan ay napagkalooban sila ng kaukulang "CASH INCENTIVE" mula sa Pamahalaang Bayan.

Muli po, maraming,maraming salamat sa patuloy ninyong pagganap sa inyong mga tungkulin at pag agapay sa ating Pamahalaang Bayan upang magkaroon ng isang matiwasay na pamayanan ang inyong nasasakupan.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
lorem1982



Joined: 04 Oct 2009
Posts: 49
Location: cavite / calamba / paete

PostPosted: Sun Aug 22, 2010 10:24 am    Post subject: Reply with quote

bakit nakakalaya ang nakabanga sa mga biktima?
_________________
The more you SWEAT in training
The LESS you bleed in WAR
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Aug 23, 2010 8:08 pm    Post subject: Reply with quote

G. Lorem,

Nakipag-ugnayan na po ang inyong lingkod kay P/Insp. Marlon M. Calonge, nakatalagang hepe sa Himpilan ng Pulisya dito sa ating bayan at batay sa kanya, ang suspek ay pansamantalang nakalalaya dahil siya ay naka post on bail. Ang kaso niya ay kasalukuyang nasa korte na at kasalukuyang dinidinig.

Nakikipag-ayos ang pamilya ng suspek sa pamilya ng biktima sa anumang mga gastusin at iba pang bayarin.

Maari po kayong sumangguni sa himpilan ng Pulisya para po sa anumang katanungan.

Maraming salamat po.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group