PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: TOK d' GREAT

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:48 am    Post subject: Essay Entry - Participant: TOK d' GREAT Reply with quote

Participant: Mark Philip Cagayat (Tok d' Great)


“Kung Paanong Makatutulong ang Kabataan sa Pag-unlad
ng Bayan”


Katulad nga ng sinabi ni Dr, Jose Rizal. “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan” Ngunit ito ba ay tutuma
sa kasalukuyang nagyayari sa ating bayan? Pwedeng oo,
pwedeng hindi, ngunit papaano nga ba makatutulong ang
kabataan sa pag-unad ng bayan?

Makatutulong tayo sa pamamagitan ng maraming paraan.
Tulad ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng
ating bayan. Isa na dito ang pagbabawal ng pagtatapon
basura sa mga at daan at lalo na sa ilog na sadyang
nakaaapekto sa mga mag-aaral sa tuwing aapaw ito kung
malakas ang pag-ulan dahil sa mga basurang naiipon sa
ilog at ito ay bumabara at nagigin sanhi ng pagbaha.

Isa din ay ang pagtulong ng mga kabataan sa pag-unlad
ng turismo, kung tayo ay may malinis na kapaligiran ay
maraming turista ang maaakit na pumunta dito, bibili
sila ng mga produkto mula sa atin at kikita ang marami
sa ating mga kababayan, isa na dito an ating mga
magulang na nagsisikap sa buong maghapong mag-ukit at
magtaka para lamang makatustos sa ating pag-aaral.
Bilang pasasalamat sa ating mga magulang at guro
nararapat lamang na sumunod tayo, tayong mga kabataan
na pag-asa ng bayan.

Ang pagsusugal at pag-inom ng alak ay atin na ring
iwasan, ngayon pa lang habang nasa mababang paaralan
pa lang tayo wag na natin itong subukang pag-aksayahan
ng oras sa halip ay ang ating pag-aaral na lang ang
atupagin natin. Gumawa ng mga assignment at project sa
eskwelahan at tumulong sa mga gawaing bahay, sa
pamamagitan nito ay napakalaki na ng maitutulong natin
bilang mga kabataan.

Ang pagtatapos natin sa pag-aaral ang isang
pinakamalaking tulong na magagawa natin sa ating bayan
lalong higit sa ating mga sarili dahil sa pag-aaral
nakasalalay ang ating kinabukasan, at malay nyo isa sa
atin ang maging susunod na Mayor ng ating bayan, o
kaya naman ay sikat na mag-uukit na hinahangaan ng mga
taga ibang bansa.


By: TOK d’ GREAT
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group