PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: Alyas MABAIT

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:55 am    Post subject: Essay Entry - Participant: Alyas MABAIT Reply with quote

Participant: Dominique Grace Galanido (Alyas Mabait)


Taong 1994 ng isilang ako sa bayan ng Paete. Ang mga
magulang ko ay pangkaraniwan lamang ang kabuhayan kung
kaya’t simple lamang ang aming pamumuhay. Ayon sa
Dada ko, maliit pa lamang ako ay nagpamalas na ako ng
hilig sa pagsusulat. Napatunayan ko ito mismo sa
sarili ko ng sumapit na ako sa ikaapat na baitang
hanggang sa kasalukuyan. Palaging mataas ang aking
marka sa araling Filipino lalo na sa mga sulatin.
Lalong nalinang ang aking talento sa pagsulat sa
tulong ng mga gurong nagturo sa akin. Isa ako sa
pinipili nilang dumalo sa mga pampaaralang pagsasanay
sa pagsulat o journalism. Nakapag-uwi naman ako ng
karangalan sa aking paaralan mula sa mga paligsahang
aking sinalihan.

Isang araw, sa aking pagbubukas ng internet,
natunghayan ko ang paanyaya sa pagsali sa paligsahan
ng sanaysay. Inilunsad ito ng isang kababayang may
malaking malasakit sa ating bayan. Matagal akong
nag-isip. Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad
kong bata sa kaunlaran ng Paete? Unang una, wala naman
akong matipunong katawan upang makagawa ng mabibigat
na gawaing pangkaunlaran. Ikalawa, wala rin akong
pera para ipamigay na tulong sa mga mahihirap at
maysakit, at ikatlo, wala naman akong karapatan na
ituwid ang mga mali ng mga nakatatanda sa akin, lalo
na ang mga lider ng bayan. Nalungkot ako, paano ako
makakasali sa paligsahang ito gayong wala pa pala
akong kayang gawin para sa aking bayan?

Araw ng Sabado, sa isang pagsasanay sa pagsulat na
pinadaluhan sa amin ng punongguro at rito ay maliwanag
kong narinig sa tagapagsalita ang kahalagahan ng
pagsusulat. Bakit nga ba hindi? Itong talentong
regalo ng Dios sa akin ay magagamit ko upang
makipagtalastasan. Ipamamalita ko sa buong bansa sa
pamamagitan ng internet ang ginagawang kabutihan ng
ating mga mahal na kababayan na ngayon ay
naninirahan sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang
kusang-loob nilang pagbibigay ng mga computers sa mga
paaralan at isa ako sa gumagamit nito na
pinakikinabangan ko sa aking pag-aaral sa kasalukuyan
at hanggang sa darating na panahon sa aking paglaki.
May nagkakaloob rin ng mga pagkain sa aming mga payat
at mahihirap na kaklase, May mga nagbibigay ng
“scholarship grant,” mga aklat, mga gamit sa paaralan
at iba pang tulong pambayan, Hihipuin ko ang kanilang
mga puso sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa
internet upang gayahin at maipagpatuloy ang
magagandang adhikaing ito. Sasabihin ko sa kanila na
napakahalaga at maraming batang katulad ko ang
natutulungan ng kanilang pagmamalasakit na ito.
Hihilingin ko sa kanila na tularan at ipagpatuloy ang
napakagandang adhikaing ito sapagkat darating ang
panahon, ang mga batang katulad ko ang susunod na
mamamayan at lider ng bayan. Kung ano ang kabutihang
ipinaranas nila sa amin, lahat ito ay magbu-bunga at
lalago sa aming mga puso. Balang araw, sa tulong ng
Dios, kami naman ang magsisikap. Sana mahigitan pa
namin ang naipadama nilang pagmamalasakit at
pagmamahal para mapaunlad ang minamahal nating lahat-
ang bayan ng Paete at maging ang buong bansa.




Alyas Mabait
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group