PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA MAGNANAKAW, NAHULI!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Aug 24, 2010 2:12 am    Post subject: MGA MAGNANAKAW, NAHULI! Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Noong Agosto 22, 2010 humigit kumulang na ika-8:00 ng gabi ay isang nagngangalang R____ Yumol, 18 taong gulang, nakatira sa Barangay Ilaya del Norte (6), Paete, Laguna ang nagbebenta ng mga tsinelas na may tatak na "Havaianas" sa Barangay Bangkusay.

Dahil sa ang nabanggit na tao ay kilala na bilang isang "magnanakaw" ay dinakip ito ni Ramil Valdellon, Hepe ng Bantay Bayan ng Barangay Bangkusay at dinala sa Barangay Bagumbayan at Himpilan ng Pulisya sa ating bayan.

Batay sa isinagawang interegasyon ay napag-alaman na ang mga itinitindang tsinelas ng nasabing suspek ay mga nakaw. Nagsampa na ng kaukulang kaso ang mga biktima at ang imbestigasyon ay patuloy pa ring isinasagawa dahil ang nabanggit ay suspek sa akyat bahay dito sa ating bayan.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Aug 24, 2010 2:33 am    Post subject: Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Ulat ng Bantay Bayan ng Barangay Maytoong noong Agosto 13, 2010:

Tatlong bata ang nahuling nagnakaw ng celphone (Sony Ericsson colored white) na pagmamay-ari ni G. Chuckoy Limlengco na taga Barangay Maytoong (2), Paete, Laguna.

Ito ay kinuha nina: A. KAHAYAGAN, JR., G. SIGIE AT ROMIKE at inamin ni Sigie na si Kahayagan ang nagbenta. Sila ay iniimbestigahan dito sa Barangay Maytoong Headquarters.

Ang nasabing mga suspek ay nakatira sa Barangay Ibaba del Sur (1), Paete, Laguna.

Umamin si A. KAHAYAGAN na kay J. Patana niya ibinigay ang celphone na ninakaw.

Ang mga batang nabanggit ay mga menor de edad kung kaya't sila ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng MSWD para sa kaukulang hakbang.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Aug 24, 2010 3:41 am    Post subject: Reply with quote

Salamat po sa Balita...

Komento ko lang ay talaga palang ang babata nitong mga batang ire.. naexpose na agad sa mga di kanais nais na gawain dapat dito ay pinagbubuti ang pagaaral habang bata at kung may pagkakataong mag aral... talaga palang gumagala sa bayan ang mga batang ire...sana mabago ang pananaw ng mga batang ire at wag madala sa kanilang pagtanda..

Salamat Po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
alex.basa



Joined: 22 Mar 2006
Posts: 18
Location: Alexander Acuram Basa

PostPosted: Wed Aug 25, 2010 9:08 am    Post subject: Reply with quote

maging responsable po sana tayo sa pagpost ng mga balita. kung menor de edad po ang mga akusado eh dapat po lamang na di sila pangalanan
_________________
Alexander A. Basa
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group