View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Mon Jul 18, 2005 8:31 am Post subject: HIGH SCHOOL DAYS |
|
|
HIGH SCHOOL DAYS
TulaText ng magkatoto
Tisay @ Batang Patio
July 18, 2005
i
“High School Days” ay anong saya
Ito ba katoto ay tanda mo pa?
Halika at balikan nating dalawa
Ang limot ko na’y iyong ipa-ala-ala
ii
Teka muna’t ako’y namamayabas
Mahahabang damo pa ang tinabas
Ang mga hantik pa’y nagsisilabas
Kapag nauuga itong sanga ng bayabas
iii
Pag-igihan mo ‘yang pamumuti
Gusto ko ng matikman ako’y ‘di mapa-ige
Siguraduhin mong isubi ang malalaki
Sa akin ay mura mo namang ipagbili
iv
Panahong usong-uso ang flower pipol
Mga palda’y nag-iiksian, nakakasipol
Itong mga binatilyo’y nagsisipagtahol
Buntong-hiningang pigil nagkabuhol-buhol
v
“Orientation” noong 1st-year ay nakakatuwa
Unang karanasang ‘di maalis sa diwa
Tuwing may “convocation” ako’y doon nakatunganga
Libang sa panonood, hanggang sa magsawa
vi
Unang araw ko sa mataas na paaralan
Hinding-hindi ko yata malilimutan
Sinumpong ba naman ng pagiging mahiyain
Pakiramdam baga’y ang lahat nakatingin
vii
Pantalong bell-bottom iyo bang napurbahan?
Mahabang buhok, monkees at beatles ang huwaran
Tie dye na t-shirts sa kulay nag-uunahan
Di mo ba napansin moda noo’y nagbalikan?
viii
Baina! Ako nay-an, gumaya’t nausuhan
Ang pagtatali’t pagda-dye pa’y natutuhan
Mga pang-ulong ni Dada’y nanga-ubos
Sa kapapakulo ko ng mga dyubos!
ix
Nabansagan tuloy na hipping kulelat
Sa kasusunod sa uso, umani ng belat
Hindi bale na, di naman yun nagpeklat
Di tulad nung namista pikaton sa peklat
x
Teka ‘di ba palipat-lipat ka naman
Buhay sa dalawang iskol nasubukan
Kaya nga iyong mga naranasan
Ang kanilang mga kaibahan
xi
Ay tunay ang iyong tinuran
Kaya mga kaibigan ko’y magkabilaan
Si Ka Amor noon kay dalas kong lapitan
Pag-oras ng exam “promissory note” lagi akong pinagbibigyan
xii
Ang makipag “JS-prom” ‘di ko naranasan
Wala kaming pangbili ng magarang kasuotan
Sapatos ko’y pudpod goma’y aking tinakpan
Upang ito’y umabot pa hanggang sarahan
xiii
Aba! ang sapatos ko’y imported
Imported pa sa Balik-Balik
Mga pinaglipasan ni Amang Fred
Na sa mga paa ko’y pabalik-balik
xiv
Noong nag-aaral, laging kapos
Hanggang dun nga sa pagtatapos
Utang ko sa iskol ‘di naubos
Diplomang blangko ang natubos
xv
Dalawang pares ang aking uniporme
Laba ay halinhinan pagsapit ng gabi
Pagplantsa sa umaga ay nagmamadali
Takbo sa pagpasok at baka mahuli
xvi
Bai ay ‘yan ang aking nakalimutan
Ilan nga ba ang pinagsasal-it sal-itan?
Basta ang tanda ko’y matitigas
Itong almirol sa pawis naa-agnas
xvii
Kahirapan nga ang naging sandigan
Upang makapagtapos at gawing puhunan
Kaya nga ang samo sa’yo kaibigan
Wag lilimuting lingunin iyong pinanggalingan
xviii
Diyes lang ang baon minsan pa nga’y wala
Kaya kung oras ng “recess” madalas nakatunganga
Sa umaga aking ibinabalot pandesal na natira
Upang sa minindal, ako ay may mangata
xix
Naranasan man ang mga kahirapan
Hinding-hindi natin matatanggihan
Na ang ating mga natutuhan
Ay maituturing na kayamanan
xx
Third year ako ay sa San Santiago
Si Bebot Salceda, isa sa aking mga katoto
Si Mr. Maunahan sa math aming guro
May sisteng nangyari sa iyo’y ike-kwento
xxi
Isang hapong tahimik sa silid-aralan
Ang lesson noon di ko na matandaan
Madalas naming laro “vicks” sa mata’y magpahiran
Kami ni Bebot ay na-opis ng mayroong mag-iyakan
xxii
Napakarami namang mapaglalaruan
Bakit naman “Vicks” pa ang napag-tripan
Di nakapagtatakang mayroong mag-iyakan
Pagkat nakakahilam sa sobrang kalamigan
xxiii
Ako man ay sa Eastern at ika’y sa San Santiago
Mga landas natin lagi pa ring nagtatagpo
Lalo na sa parada “drum & bugle” nati’y nagpapaseyo
Mga tao’y kaysasaya’t mga bata’y kaygugulo
xxiv
“Snare drum” ang hawak na kinakalampag
Awanti-sawang mga hampas ng baradag
Sa ingay ng kalabugan, lahat napapapitlag
Hawak kong “drum-sticks” halos malaglag
xxv
Mga crush at ligawan noon din nagsimula
Pag-ibig na bubot na kaydali ring nawawala
Pag nagpabigla-bigla tiyak kang kawawa
Matatali ka na sa bahay wala ka ng magagawa
xxvi
Nakasuksok si Tukiki dun sa mga sulok
Barkadang nang-uulok, laging nakatutok
Hanggang ligaw-tingin, napakamahiyain
Nagsilipas mandin natangay ng hangin
xxvii
Buhay noong “high school” puno ng katuwaan
Di ko ipagpapalit kung pwede lang balikan
Kaya ang reunion lagi kong inaabatan
Basta’t may pagkakataon aking pinupuntahan
xxviii
Kapag reunion na ang siyang pinag-usapan
Pakiramdam ko ba’y parang napag-iwanan
Sapagkat ni minsa’y hindi nadaluhan
Ngunit mga pinagsamaha’y hindi nalilimutan |
|
Back to top |
|
 |
Tisay

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 492 Location: Nemie Baldemor-Diaz
|
Posted: Mon Jul 18, 2005 8:47 am Post subject: Re: HIGH SCHOOL DAYS |
|
|
Kayrami pa nga ang dito'y 'di namin nabanggit
Sa kapipindot ng letra mga daliri na ay ngawit
Kaya kung kayo rito'y may nais na ikabit
Malugod naming kayo ay inaakit! _________________ "rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer." |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Mon Jul 18, 2005 1:36 pm Post subject: Re: HIGH SCHOOL DAYS |
|
|
di ko rin malilimutan ang high school days, napakasaya namin halos isang section kami...ang tawag nga sa amin ay kuyog at magpa hanggang ngayon buo pa kami...maganda ang aming samahan, talagang maipag mamalaki ko sila...kung baga walang iwanan sa ere...kahit malayo ako hindi napuputol ang aming contact sa isa't isa...proud na proud ako sa aming samahan...aming pagkakaibigan at higit sa lahat ang pantay pantay naming turingan sa bawat isa...
KUYOG MIS KO NA KAYONG LAHAT  _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
eboytons

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 285 Location: Antonio F. Dalagan
|
Posted: Mon Jul 18, 2005 3:43 pm Post subject: Karugtong, buhay high school! |
|
|
Katotong Nems, aking durugtungan,
Panahon ng high school, puno ng katuwaan,
Tropang "Norivels", ngalan ng barkadahan,
Puro kabulastugan at saka hapyugan.
Isang tanghali na maaga ang labas,
Nagkayayaan at barkada'y naglayas,
Doon sa kasili'y nanghuli ng isda,
Walang nahuli dahil tubig at putika lang pala! Ih ih ih kabbllagagggg, paguwi ng bahay ay
naburlit dahil sumbong kay eboy ay nagbulakbol daw kami..baiii
Dappllaagggg!  _________________ Antonio Fabriga Dalagan |
|
Back to top |
|
 |
leeq

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 304 Location: Lee Quesada
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 12:42 am Post subject: galing naman ng sagutan! |
|
|
bravo! thank you aurel, nems, sheba and eboytons! galing at nakakaligaya! more! more!
tlee  |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 6:25 am Post subject: T.Y. |
|
|
Maraming thank you din po sa inyo TLee sa walang sawa ninyong pagbabasa
best regards
aurel |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 6:27 am Post subject: Sheba & Tony |
|
|
Tony & Sheba
Maraming salamat sa inyong dalawa
Lungkot na ako dahil ako lang ang maiiwan
Enjoy kayo ha!  |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 6:36 am Post subject: Re: Sheba & Tony |
|
|
Batang Patio wrote: | Lungkot na ako dahil ako lang ang maiiwan
|
hoy! whag ka nga ganyan, kahit tayo magkakalayo tuloy pa rin ang hapyugan natin...kahit nandun kami...kasama ka namin sa kasayahan dun...tatawagan kita pagdating ko dun...whag mong i silent yung cp mo ha! -bunsoy- _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 6:38 am Post subject: pa-effect |
|
|
hahahaha Paepekpek lang yun!
thanks Bunsoy! |
|
Back to top |
|
 |
benyd

Joined: 10 Jul 2005 Posts: 344 Location: Alexandria, VA
|
Posted: Tue Jul 19, 2005 10:45 am Post subject: High School Days |
|
|
ang naalala ko noon na aking meryenda
ay yung halu-halo o kaya ay snowball
pero hindi lang doon hahantong
pagdating ng bahay mamamahaw kahit tutung
kung barkada ay di gaano
dahil nahigpit ang parents ko
bahay at school ang ruta ko
masakit mamingot ang ina ko
pero ako'y naging manlalaro
softball itong aking nilaro
minsan sumubsob, umuwing me dugo
dalawang tuhod, dalawang siko tumutulo.
nang makita ni ina, ako'y inalo
dahil sa sakit luha ko'y tumutulo
sugat ko'y hinugasan, alcohol ba naman
palahaw ng iyak, O! kay saklap na karanasan.
|
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Wed Jul 20, 2005 8:36 am Post subject: happy trip! |
|
|
Uy insan happy trip, bukas na baga ang alis mo?
Si Sheba naka-alis na kanina, nag-trext sa akin.
Have a nice trip. Take care and Enjoy!
regards |
|
Back to top |
|
 |
dorina Guest
|
Posted: Thu Jul 21, 2005 2:42 am Post subject: nemy, tony, and benita |
|
|
uy, mga classmates ko! ang gagaling naman ninyong tumula. marami kayong natutunan kay miss gagaring. okay! i'll see you all at the dance! |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Sat Jul 23, 2005 10:53 am Post subject: sali na rin maski haka.. |
|
|
ayy tito Aurel totoo yang iyong sinabi.kahit na lipas na sa ala ala ay nandyan pa rin.kahit alang baon ay ayos na rin.hahahblaggg..baii pareho pala tayong 2 lng ang uniform.pag napunit ay di maireklamo at palo ang aabutin ko.kaya karayom at sinulid ang hanap ko.ikaw palay dugong tiago rin. tyak sa heaven ika'y nag munimuni din...uso namn sa amin ay gipas ang baon o dikayay tambok at bonete na rin.pag byernes huling pasok at sa gabiy sama sama kaming mag kakabarkadang lumabas at nag sigalaan kung saan saan nakakarating at pag katapos ng usloan ay hatiran namn awa awang klasmate na naghahatid pag uwi ay nag iisa na lang.sarap nga namn pag reunion nan don ang galitan, sistehan at may mga ex mo na rin (di po alam ni tatay at kuya na rin).baka pag nalaman lagot akot patitigilin...hahaha.ngayoy nag tatabaan na dating hugis coke ngayoy balyena na..arayyy ko (isa ako ron)hayyy tito Aurel matanda na nga rin ako ahhh>>oh sya ganda ng tula mo ahh!!!the best ka talaga!!!!netg |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Sun Jul 24, 2005 2:34 am Post subject: Pula at Asul |
|
|
Hi Neth!
Ganyan tayong lahat, may kanya-kanyang karanasan at kwento sa ating mga sinagupa noong araw-araw, may mga parteng masaya at may parteng malungkot.
'Nga pala, iyong tula ay 'color coded' pagka kulay asul ay sa akin, at kapag naman pula ay kay Nemie 'yun, kaya siya ang dalawa ang uniform hahaha! Ako, hindi ko natatandaan kung ilan, baka nga isa lang eh
thanks and regards
aurel |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 10:21 am Post subject: hi ... |
|
|
tito AUREL AND ATE NEMS,SAMA NA RIN ATE SHEB;Hi sa inyong lahat.tito Aurel musta na ?[nakalipas na naman ang isang Fiesta sa atin Aba... at na miss na naman nating kumain ng mga lutong paete ahhh.. at sumilay sa patio para ipasyal ang mga bata sa mga kung ano anong mabibili.di bale marami pang fiestang dadating .bye./color][color=red]Ate Nems,AY BALIKARIKIT NILA SA PICTURE AHH!Kasama mo si Tta Luds sa picture.ala me masabi.sa tula mong gawa ay talagang mapapansin mo ang mga masasayang nakaraan ng high school day noon ano???musta na lang uli at sa family nya.ATE SHEBA;San ka sa picture nong last summit di kita makita hinahanap ko si Calou este!ikaw eh di ko makita ang pretty face mo.ahh baka sa next pic.abangan...i'm sure mga hayung hayo kayong lahat.di bale nag tagumpay namn ang pag titipon ano!!! bye.. |
|
Back to top |
|
 |
happy rock
Joined: 11 Jul 2005 Posts: 141 Location: Olivan Valdellon Afuang
|
Posted: Tue Jul 26, 2005 6:50 pm Post subject: High School life is the BEST! |
|
|
... i can relate sa tulang ito but hindi po sa bellbottom etc ... lol! ibang generation na po ako... hi... hi... hi... high school ko na-meet ang aking love of my life at simula po noon hindi ko na pinakawalan... kumusta na lang to everybody... ka aurel, sheeba, tisay and neth! GODBLESS!!! _________________ Olivan Valdellon Afuang
|
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Wed Jul 27, 2005 5:54 am Post subject: Hi Nieves! |
|
|
Kumusta din ang fiesta mo Nieves, naghanda ba kayo . Ako wala, nag-iisa lang ako, natulog na lang ako Lungkot-buhay dito kaya kapag hindi sanay eh maho-homesick. AKo Oks lang sanay na ako
Si Nems naman, bumalik na sa NY mula sa California, kasabay niya si Nenette Navarro-Galan. Sina Sheba, Beny Dans, Len & Charlie Baldemor at saka si Ludy nagpunta ng Las Vegas. Nandoon sa Las Vegas yung mga first-cousin kong Grajera.
Thanks and regards |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Wed Jul 27, 2005 5:57 am Post subject: Hi Ovan! |
|
|
At long last, nakakita din ako ng pogi mong picture OVAN Nagpunta din ba kayo sa Summit? Sayang hindi ako nakapunta, napag-iwanan ako , kita mo tahimik ngayon dito wala yung magugulo, nandoon pa at namamasyal sa Las Vegas
Thanks and regards |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Wed Jul 27, 2005 10:54 am Post subject: tito AUREL... |
|
|
HI!Yapp nag handa me sa bahay at pumunta rito ang pinsan ng asawa me kaunti lang nag adobo baboy ako.pusit,at nag fruit salad me.may spagetti rin at kahit kauntiy naka raos ma feel ko lang fiesta charing here.... tototot ka dyan ang hirap ng nag iisa sabahay lalong ang ramdam ang lungkot pag nag iisa.x di bale busog naman tayo sa pic nila ng summit no!ang mga kalahi bongga!!!hahahaha... oh cge!at musta uli sayo and ingat ka dyan.... neth |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Wed Jul 27, 2005 11:00 am Post subject: hi Ovan and Joy.... |
|
|
hi Ovan; musta ba?musta ang mga chikiting gubat mo dyan?kami he2 malapit ng pasukan here next month (aug.16)balik na sila sa school.inip na rin sa bahay ang aking mga kids.mawawala na namn ako ng magulo here.Musta si Joy of my life mo?say mo kay joy nakausap ko na si Mhel ayon nagkita rin kami.(sa phone).byeeee neth |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Thu Jul 28, 2005 3:12 am Post subject: Ang sarap |
|
|
Uy Neth! nakakagutom naman, favorite ko lahat, pwera yung baboy 'di ko type yun, maraming nakukuhang sakit sa pagkain ng baboy kaya ingat kayo
Thursday na naman, talagang ang bilis ng araw. As usual half-day kami ngayon, bukas naman day-off YEHEY!
Thanks and regards |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Sat Jul 30, 2005 9:49 am Post subject: hi |
|
|
hi po uli.baiii ala akong masabi sa mga pause mo sa mga pic na padala mo ahh.ang gaganda no!sana makarating din ako don.mga kasamahan mo ba iba don?or baka namn namamasyal din.parang gusto ko tuloy pumunta ron.teka lagay ko na salistahan ko...buti ka pa dami mo ng napuntahang lugar ako...ala pa .d2 pa lang sa n.o.ang distenasyon ng paa ko.hahahah..bye and thanks again.  |
|
Back to top |
|
 |
Tisay

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 492 Location: Nemie Baldemor-Diaz
|
Posted: Sun Jul 31, 2005 9:12 pm Post subject: Re: Karugtong, buhay high school! |
|
|
Uy "Norivels" ay tanda mo pa pala
Sana sa Reunion tayo'y magkita-kita
Pipilitin kong umuwi rin itong si Dorina
At ng mapuno doon tayo ng saya....
Para sa 'yo katoto ako ay masaya
Ningning sa 'yong mata ay kitang-kita
Babatukan kita pag pinakawalan mo pa
Aba'y tunay na tunay itong iyong nakuha!!!
Hehehehehe...tantantaran..... matagal na ang isang taon diyan |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Mon Aug 01, 2005 7:41 am Post subject: buti nakita mo |
|
|
Hi Nieves
Buti na-load yung file, ang laki-laki ng memory na nakakain, marami pa ngang hindi napasali dun . Iyong mga kasama ko ay mga tagaroon sa bansang pinuntahan ko, marami na akong friends doon dahil 3 times ko ng narating.
Thanks and regards |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Mon Aug 01, 2005 7:43 am Post subject: sangkaterba |
|
|
Hi Tisay
Mabuti't nakakainot-inot kang magbasa ng aking sangkatutak at sangkaterbang haka
thanks and regards |
|
Back to top |
|
 |
|