PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Taniman ng Ilang-ilang... malapit sa 3 cruz..basurahan na!!!
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
guest
Guest





PostPosted: Sun Feb 20, 2011 8:04 pm    Post subject: Taniman ng Ilang-ilang... malapit sa 3 cruz..basurahan na!!! Reply with quote

Kalungkot isipin ang taniman ng Ilang-ilang ngayong ay basurahan na... tatlong Krus gandang tanawin ....ilang panahon pa amoy bulok na basura narin....tubig na inumin sa bayan ng paete ay pinagmamalaking likas na yaman...ilang panahon pa amoy at lasang basura na rin... kawawang Paete....

Paglumakasang ulan, hangin at Bumagyo.... pihado paggising nyo nagkalat ang basura sa harapan nyo.

Panawagan sa bayan ng Paete at sa pamahalaang bayan... ipatigil na ang pagtatapon sa ibabaw ng bundok sa Sitio Sta Ana..... Pakiusap...
.
nagmamalasakit
Back to top
dante v



Joined: 02 Jan 2010
Posts: 82
Location: thailand

PostPosted: Mon Feb 21, 2011 8:48 am    Post subject: santa ana basurahan? Reply with quote

may punto ka dyan pag tamabakan ng basura ay sa santana aba ay baling kasama nay an kaya pala pag bumabaha sa atin ay puro basura ang taglay ng ilog at mga bambang,at binabalak pa ng nanunungkulan na magtanim ng ilang-ilang ay ang bayan natin ay mga maguukit ang mga propesyon ang dapat nilang isipin ay magtanim ng mga kahoy na balang araw ay mapapakinabangan ng mga maguukit,mangga,batikuling,langka at iba pang mga fast growing kahoy na pwedeng ukitin yan ang dapat nilang isipin,tayo namang mga taga Paete ay di masyadong palapagpabango kaya ang dapat ay yong talagang mapapakinabangan ang kanilang isipin,nakikisingit laang sa ikabubuti ng mga taga Paete....
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Mon Feb 21, 2011 10:42 am    Post subject: Reply with quote

Please read this:

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=10475
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Guest






PostPosted: Tue Feb 22, 2011 3:16 am    Post subject: Reply with quote

Ilan taon na yang problema sa basura?
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Tue Feb 22, 2011 7:16 pm    Post subject: Reply with quote

Ang basurahan po sa Sitio Sta. Ana ay masusing pinagaralan ng Municipal Waste Management Board at isinumiti sa DENR para sa kanilang pahintulot. Aktuwal po itong binisita ng mga taga DENR at nakita nilang ito'y ligtas at malayo sa pinanggagalingan ng tubig inumim. Hindi po ito pahihintulutan ng DENR kung ito'y makakapinsala sa ating kapaligiran. Hindi po totoong ang Ilang-ilang farm ay tinabunan na at ginawang basurahan. Isang maliit na bahagi lang po ito ng nasabing lote. Hindi rin po uuwi sa bayan ang mga basura kapag malakas ang ulan dahil ang kinatatayuan po nito ay malayo sa slope na nakaharap sa bayan at ang mga basura ay tinatabunan ng lupa tuwing ika lawang araw, sangayon sa itinatadhana ng batas. Inaasahan pong bago sumapit ang buwan ng Julio ay lalabas na ang pondong galing sa LLDA upang gawin itong isang ganap na Sanitary Landfill kung saan ay may makapal na plastic lining na ilalagay dito. Subali't kung meron po kayong alam na lugar na sa palagay ninyo ay mas angkop na gawing basurahan ng bayan ay umasa po kayong ito'y aming bibigyan ng malaking pansin.
Sa pagtatanim po naman ng mga kahoy na magagamit sa paguukit, meron na pong kasunduan ang ating Pamahalaang Bayan, ERDB, Ayala West Groove, at DENR, na gamitin ang 34.5 Hec. sa may Sitio Papatahan, na kaloob sa atin ng DENR upang pagtaniman ng batikuling at iba pang mga punong kahoy. Naguumpisa na pong manguha ng mga seedling ng batikuling ang ERDB.
Siyanga po pala, ang Ilang-ilang po ay hindi lamang pwedeng gawing pabango; ang proyekto po ng ilang-ilang farm ay inisip upang makapagbigay ng karagdagang lively hood para sa ating mga kababaihang nais gumawa ng mga kwintas na yari sa ilang ilang at sampaguita.
Para po sa inyong kabatiran.
Maraming salamat po,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
guest
Guest





PostPosted: Wed Feb 23, 2011 8:37 pm    Post subject: Reply with quote

Mas magnada po ata sa dulo ng Papatahan, wag na po nating hintayin maging katulad ng Payatas experienced na sumabog ang tambak ng basura..... last week po ako nagpunta sa LUGAR... hindi po kaakit-akit ang kalalagayan.... noong unang umpisa ng bumisita ang MUNICIPAL waste MANAGEMENT board maganda pa kasi bagong simula , ngayon hindi na.... baka kinakailangan na pag-aralang muli......

Mga puntos:
1. Ang tambak ng basura ay nakasako at patas-patas kung ilagay.... ilang taon itong matutunaw at magiging lupa...... (Plastik at iba pang hindi natutunaw na basura)

2. Ilang metro lang ang layo sa mga source ng tubig sa Paete.... (Barangay 6 & 5 at iba pang mga bukal sa paete na karamihan ay galing sa ilalim ng bundok....

3. Ang pagdami ng langaw na posebilidad ng maghakot ng sakit sa Barangay 6 at barangay 5 at ilang kalapit lugar sa bundok. kANIPIS NA PO NG PANAMBAK NA LUPA....HINDI PA PROPORTION.....PAGNAHUGAS NG ULAN LULUTANG ULI ANG BASURA

4. Hindi basura lang ang panambak para lang mapantay ay nasabing hukay kung gusto talagang gawing parke.

5. Papaano magiging panghanap buhay ang itinanim na Ilang-Ilang kung ngayon pa lang nauubos na ang dahon at hindi na bumubulaklak dahil basurang sinusunog.

6. Sa bawat dami ng basurang itinatapon sa lugar baka, pagsisihan natin ang kalalabasan, kasi ilang buwan pa lang ang basurahan sa sta ana kabaho na..... AT NAPAKARAMI PANG BASURA ANG HINDI NADADALA GALING SA BAGUMBAYAN

NAKAKAHINAYANG MAGSET-UP NG ILANG KAGAMITAN PANG BASURA KUNG ITO AY PANSAMANTALA.......GUMAWA NA NG PROYEKTO YUNG PANG MATAGALAN NA......PARA MAKAUSAD NA ANG PAETE SA USAPIN NG BASURA

BAkA MAY MAGAMIT NA LUPA ANG PAMAHALAAN NG BAYAN NG PAETE NA MAY KALAYUAN SA KABAYANAN NG PAETE tULAD NG:
SITIO PAPATAHAN.....
SITIO TUBOG........
O KAYA AY SA SITIO GUMIHAN

(WAG LANG SA SITIO STA ANA, MACOMBO AT ALUTAY)

NA MAY MASMALALALIM NA HUKAY AT MATATAAS NA KABUNDUKAN

DAMA NA PO NG TAGA-PAETE ANG HINDI PANGKARANIWANG LAKAS NG HAMPAS NG HANGIN NITONG NAKARAANG DECEMBER HANGGANG 1ST WK NG FEBRUARY AT LAKAS NG ULAN NA TILA MAY BAGYO DAHIL SA KAWALAN NG MGA PUNO NA TUMATABING DITO SA ATING KABUNDUKAN........MAY POSIBILIDAD NA SA SUSUNOD NA LAKAS NG ULAN AT HANGIN, BASURA NA ANG TUMAPON SA ATIN.

Pagbumaha sa Paete .....Basura sa H-way..... Basura sa Bundok

wag na po tayong makisali pa sa mga bayan naapektuhan ng hagupit ng kalikasan. MINSAN LANG PO MAGYARI ITO



Guest
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Feb 24, 2011 8:41 am    Post subject: Reply with quote

Magandang gabi po,

Ako po ay makikisabat sa inyong tinatalakay tungkol po dito sa problema ng basura.

pambungad po..

Simula po ng tayo ay isinilang ay kakambal na ng tao ang gumawa ng basura...talaga pong malaki itong problema kung hindi mailalagay sa tamang lugar dahil sa atin mga din po ito babalik di man ngayon ay sa mga darating na panahon...

Siguro nga po ay kailangan natin ang magkaisa sa pag iisip ng solusyon tungkol dito...na sa ngayon ay ito ay isa ring pinuproblema ng mga nanunungkulan sa ating bayan...

Doon po baga sa Tubog o Papatahan o sa iba pang malayong lugar na sinasabi nyo ay maganda na po baga ang kalsada...dahil po noong huli po akong makarating last year dahil sa aming proyekto ay putol po ang kalsadang semento na may 3 kilometro bago makarating sa Papatahan at ito po ay tag araw...paano po kung tag ulan baka hindi po makarating ang trak ng basura sa site kung meron man...at isa pa po sa Papatahan po ay marami na ring naninirahan baka sila naman ang maperwisyo kung ilalapit sila sa basurahan...

Wala po akong maisip na suhestyon kung ano ang magandang solusyon...basta ang naiisip ko lang po ay dapat na nga rin pong limitahan ang pagtatapon sa taniman ng Ilang ilang maari nga po na malapit na itong mapuno...marahil nga po ay mag hanap muli ng bagong lugar kung meron mang magmamagandang loob sa ating kabundukan...

Ang Basura po ay pang habang panahon nating obligasyon at problema hindi po ito kahapon ngayon at bukas ito po ay habang tayo po ay nabubuhay.

Maisasaayos po ito sa pamamagitan ng modernization at ito po ay malaking halaga at masusing pagaaaral na marahil ay naging usapin na rin noon pa dito sa Usap.

Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tukmol
Guest





PostPosted: Thu Feb 24, 2011 1:17 pm    Post subject: Basura Reply with quote

Magandang araw po, o gabi, saan man kayo naroroon;

Ako po ay sang-ayon sa concern ni kababayang Winston.

Totoo po ito, "Out of Sight, Out of Mind", at iyan ay tumutukoy sa basura.

Ang masakit na katotohanan, ito'y nakatago lamang pero kung "Rumesbak", grabe, at kadalasan huli na ang lahat.


Ang solusyon po dito ay harapin ito, unang una ay ng mamamayan, at susuportahan lamang ito ng mga nanunungkulan.

Dahil sino po baga ang gumagawa ng basura? mamamayan di po ba, at maging ang mga nanunungkulan ay bahagi rin mismo ng pamayanan.

Kaya heto po ang ilang suhestiyon para ito ay harapin;

1.) Gumawa ng sariling kilos, at kung maaari pa rin ay isabatas, na hiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok, "Bio-degradable, from non Bio-degradable.


Ang nabubulok, maaaring maging compost o pataba, pansarili o ipagbili sa commercial entity, kung possible pa rin, umpisahan as cooperative, tingnan kung ito'y magiging kapaki-pakinabang, maaring pagmulan ng hanapbuhay.


Ang hindi nabubulok gaya ng plastic, metal, papel, karton, at iba pa, mayroong programa na tungkol sa "Recycling", ang kailangan nga lang ay isulong pa ito.

Sa ganitong paraan, kakaunti na lamang ang talagang itatapon, at kakaunti na lamang ang mga tinatawag na "Bio-hazard Material"na kung saan ay ito ang kailangang kailangang mabigyan agad ng solusyon.

Hindi solusyon ang pagsunog, dahil ito'y nagkakalat ng Lason sa hangin.

Lalong hindi rin solusyon ang pagtapon sa ilog, dahil pinapatay nito ang lawa ng Laguna na sa malaaot madali ay siyang pagkukunan ng tubig inumin, sa tanggapin man natin o hindi.

Kung mahilig tayo sa isda, malamang ang tinapon nating basura, kinakain na rin natin, dahil nauna na itong nilapang ng isda.
Back to top
guess
Guest





PostPosted: Thu Feb 24, 2011 2:22 pm    Post subject: Reply with quote

ay wala tayong magagawa, kung anong gusto ni mayor, yon ang masusunod
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Feb 24, 2011 10:00 pm    Post subject: Reply with quote

Ang Papatahan po ay isang napakalaking bahagi ng kalupaan ng Paete sa kabundukan, ang pagkakalam ko po simula sa putol na semento ay Papatahan na, bago pa makarating sa Karamihan ng Bahay o panget na kalsada ay makakahanap na ng pwedeng gawing basurahan.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Feb 25, 2011 7:15 pm    Post subject: Reply with quote

Dear mga "Guests",
Maraming salamat po sa inyo mga puna at suhistyon. Umasa po kayo na ito'y tatalakayin sa susunod na pulong ng Waste Management Board.
Tulad po ng nasabi ko na sa isang trend, ang basurahan po sa Sitio Sta. Ana ay dumaan sa masusing pagaaral ng DENR at ito ay inaprobahan. Nangangahulugang itoy hindi makakapinsala sa ating kapaligiran. Hinihintay na lang po ang release ng pondo galing sa LLDA upang ito'y gawing ganap na isang Sanitary Landfill.
Kung sa Papatahan po ilalagay ang basurahan, ang mga taga Papatahan naman ang hindi papayag, kung sa Tubog, ang mga taga Tubog naman ang magrereklamo. Kahit saan po natin ito ilagay ay may magrereklamo. Ang mahalaga ay dumaan ito sa tamang proseso at sumasangayon sa itinatadhana ng batas.
Ganon pa man, ang inyo pong mga opinion ay iginagalang at pinasasalamatan.
Wala pong katutuhanan ang komento ng isang "Guest" na kung ano daw po ang gusto ni Mayor ay yon ang masusunod. (Admin, bakit mo pinayagan itong maipost na wala ka man lang komento, alam mo naman ang proseso na ito'y dumadaan muna sa Municipal Waste Management Board, approval ng Sangguniang Bayan at approval ng DENR bago ito maipatupad.)
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
guest
Guest





PostPosted: Fri Feb 25, 2011 7:50 pm    Post subject: Reply with quote

Sa ating mga pamunuan ng Pamahalaang bayan ng Paete, ito po palang basurahan na ito ay hinihintay lang ang pundo at talagang magiging ganap na tapunan ng basurahan. TAMA LANG PALA ANG KOMENTO NA HINDI LANG PALA PANSAMANTALA ANG BASURAHAN.

MAYOR SINu-sino PO BA ANG BUMUBUO SA WASTE MANAGEMENT BOARD AT ANONG GAMPANANIN NITO SA PAGSASAAYOS NG ATING BASURAHAN, PARA MALAMAN NG ATING MGA KABABAYAN. At ano ang gamapanin ng Sangguniang Bayan at Tanggapan ng Punong Bayan para sa pagsasagawa ng ganitong proyekto.

Mayroon po bang sariling pag-aaral ang Sangguniang bayan at Tanggapan ng Punong Bayan.

Ang pundo po ba na manggagaling sa LLDA ay GRant o Utang, dagdag na tanong lang po
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Feb 25, 2011 8:46 pm    Post subject: Landfill Reply with quote

Ka Noel,

Ito pong pondo na manga-galing sa LLDA ay "one time" funding po baga o permanente ng naka talaga sa "annual budget" ng LLDA?

Sino po ang mangangasiwa o magme- maintain nitong "sanitary (sic) landfill kapag ito ay "fully operational" na, munisipyo po baga o private company?

Salamat po sa pag-bibigay pansin.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Feb 26, 2011 6:09 am    Post subject: Reply with quote

Magandang gabi o umaga saan mang dako ng mundo,

Mayor Ka Noel,

Pasensya na po, ako ay may katanungan at kahilingan na nauukol dito sa tinatalakay sa pamamagitan ng usap...salamat po at meron tayo ng ganitong web site...

Gayong nakaplano na po pala na magkaroon ng Sanitary Landfill in the same area at na naaprubahan na paglagyan ng basurang Paete.

Ito po bagang landfill na planong ilagay sa site ay kahalintulad na naayon sa standard sanitary landfill design at gaano kalaki po ito...dahil ang lupa pong nasasakupan ng ilang ilang plantation ay 7000 sq meter ayon na rin po sa post noon 2006 gagamitin po ba ang boong area?

Gaano po katagal o ilang taon ang target na gagamitin ang planong ito para sa Basura ng Paete?

Sana po ay magkaroon kayo ng pagkakataon na maipost din ang boong plano ng design ng Sanitary Landfill.

At sana po ito ay maging pribadong gamit lamang ng Bayan ng Paete na hindi pwedeng pasukan ng ibat ibang bayan para dito ay magtapon sa pamamagitan ng pagbabayad sa bawat basurang kanilang ilalagak.

At sana po ay kung ito ay mapapahintulutan ng nakararami sa bayan ng Paete ay magamit ng pangmatagalan at masusi pong mapag aralan...dahil kung ito po ay magagamit ng kung ilang taon lang ay pabalik balik lang po tayo sa ganitong problema.

Gumagalang po at nagpapasalamat

Kababayang Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
guest
Guest





PostPosted: Sun Feb 27, 2011 10:09 am    Post subject: Reply with quote

Last na punta ko sa Alutay, nasalubong KO ang mga bangaw sa subrang baho, amoy na amoy ang baho ng pagsusunog ng basura habang sakay ng sasakyan.

Ilang buwan pa lamang po itong pinagtatapunan, umaalingasaw na ang amoy, ka babaw ng hukay, kaliit na lupa, para sa pangmatagalang planong sanitary landfill. Wla pang isang taon katambak na basura dito.

SAYANG NA NAMAN PUNDO, KUNG ITO AY HINDI PANG MATAGALAN...

Boto ako sa panawagan ng hindi dapat gawing sanitary landfill ang Basurahan s Sta Ana, sa taas ng bundok na malapit sa tatlong crus at ilang metro lang layo sa source ng tubig, sa kabahayan ng barangay 5 at 6.
Back to top
guest din
Guest





PostPosted: Mon Feb 28, 2011 8:27 am    Post subject: Reply with quote

abot po sa macumbo and langaw
Back to top
henry dacsil
Guest





PostPosted: Mon Feb 28, 2011 8:59 am    Post subject: Reply with quote

maghanap nalang ng ibang lugar na pagtatapunan ng ating mga basura..huwag na sana sa bundok.gawin nalang tourist spot ang ating kabundukan.salamat po..!
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Mar 01, 2011 6:52 am    Post subject: Reply with quote

gd am po Mayor,Ka NOEL,sang ayon po aq sa lahat ng ngcomment tungkol po sa basura......gusto po ba nating matulad tayo sa infanta real quezon?d malayong mangyari un sa bayan ng paete pagdating ng panahon...d po ba Mayor? sabagay nasa huli ang pagccc....nirrespeto ko ang desisyun nyu,pero mas majority po yata ang ayaw mglagay ng basurahan jan sa taas ng bundok.....
Back to top
guess
Guest





PostPosted: Wed Mar 02, 2011 9:47 am    Post subject: Reply with quote

Sorry po mayor, hindi ko po ibig sabihing kung ano ang gusto ninyo ay yon talaga ang masusunod, ang ibig ko po lamang sabihin ay kung ano ang napagkasunduan at napag aralan ng Sangguniang Bayan.
Sa ngayon nga pala ay magkahiwalay na ang opisina mo at ng batasan. Pero dahil na rin sa ang mga tao ang tumututol sa basaruhan sa bundok seguro naman panahon na talaga para itigil ang pagaahon ng basura. Sorry po kung mali ang aking pagkakasulat ng maling salita sa una kong posting.
Back to top
hanaptulong
Guest





PostPosted: Wed Mar 02, 2011 2:12 pm    Post subject: bakasakali Reply with quote

sa kinauukulan,
baka sakali na meron kayong maihahayag o alam na lugar na walang magrerelakmo..o baka sakali na meron kayong ibang suhestiyon na sa palagay ninyo ay makatutulong upang maiwasan ang mga bagay na ayaw ninyo..palagay ko naman nagsisikap ang mga nanunungkulan..baka skali meron kayong alam na mas mabuti.....bring it on..nag-aantay ang bawat isa..lalo na ako kalapit nang kaingin ko ang lugar. luv u all
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Mar 02, 2011 2:36 pm    Post subject: Reply with quote

Dalawa lamang ang maaaring pagpilian:

(1) Walang basura (zero waste) sa Paete
(2) Isang basurahan sa Paete

Ang Paete ay napakalayo pa sa pagkamit ng "zero waste" dahil mayroon pa ring basura ang Paete. Dahil dito, ang pangalawa lamang ang maaaring mangyari sa kasalukuyan. Kailangan pa rin
ang isang basurahan. Ang basurahan ay kinakailangang malayong-malayo sa Laguna de Bay. Dahil dito, ang basurahan ay
maaari lamang gawin sa kabundukan.

Ang kasalukuyang (nawa'y pansamantala, hanggang maging "zero
waste" ang Paete) basurahan sa sitio Santa Ana ang siyang
tanging kasagutan sa suliranin ng basura. Malungkot subalit tila
walang ibang mapapagpilian. Dahil dito, ang kinakailangan ay
gawing maigi ang basurahan upang ang masamang maidudulot
nito ay mabawasan. Kinakailangan ding magsumikap upang
marating ang "ideal" na "zero waste".
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Mar 02, 2011 7:15 pm    Post subject: Reply with quote

Hintayin ko po muna ang komento ng ating Kgg. Vice Mayor Mutok Bagabaldo, na siyang nanunuparang Punong Bayan ng pagtibayin na sa Sta. Ana ang gawing Pambayang Basurahan na siyang magiging permanenteng Sanitary Landfill ng bayan ng Paete. Baka po meron siyang mga komentong lihis sa aking magiging pahayag. Gayon pa man, ipinaabot ko po sa lahat na sapagka't alam kong ito'y nakasunod sa lahat ng mga reglamento, 100% ko pong sinusuportahan and desisyong ito.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Mar 04, 2011 10:13 pm    Post subject: Reply with quote





Naging problema sa basura

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=10449



Pansamantalang solusyon

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=10475



Kondisyon ng Donasyon ng Lupa

















Heto po ang kalalagayan ng nasabing pansamantalang basurahan noong nakaraang Linggo Feb. 27, 2011





























Hanggang dito na lang po muna.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Sat Mar 05, 2011 7:43 am    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk:

Seeing photos of the site really help in visualizing the situation.

But the photos should also remind us of the following:

Do we have an alternative site? If we do, then a new application needs to be filed for that new site, which will require a new approval process by DENR. The current application, I am trying to count the months here - (if successful), is taking almost a year. Realistically, if a different site is suggested at this point - and a new application is filed for both permit and funding, it will take another year from now - which means - 12 more months that Paete would require a controlled dumpsite. These 12 months are only counting the time it takes to get approved and funding - it does not include the time for construction.

If there is an alternative, then it must be done now. Waste is a problem that grows with time. All solutions are temporary (except for zero waste - which at the moment seems impossible) but Paete needs the best temporary solution.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sat Mar 05, 2011 11:34 am    Post subject: Reply with quote

Angel,

Mas mainam na magkaroon ng dagliang pagpupulong ang bumubuo ng Municipal Solid Waste Management Board (MSWMB) para dito. (Alam kong huling meeting ay last year pa noong time na acting ako.) Hindi ko sigurado kung dumaan o mayroong naunang pag sang ayon ang board (MSWMB) para sa nasabing plano para sa isang sanitary landfill. Pero sigurado akong wala pang pinagtitibay ang Sanggunang Bayan para sa planong pagtatayo ng isang sanitary landfill sa kabundukan . Walang alam ang Sangguniang Bayan sa mga bagay na ito. Nalaman ko na lang ang nasabing plano noong ako ay umakto last year ( Fist week ng August 2010) dahil may natanggap akong sulat mula sa DENR bilang tugon sa isang sulat kahilingan ni Mayor Noel Cadayona .

Mayroon akong natatandaan (April o July 2009) na pagbibigay ng karapatan sa Punongbayan (from SB) para humiram ng pondo sa LISCOP project pero ito ay sa improvement at upgrading ng Material Recovery Facility na matatagpuan sa may tapat ng dating sabungan sa may Bagumbayan at hindi para sa pagtatayo ng isang sanitary landfill.

Sa aking palagay, nabigla ang nakakarami dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso. Kailangan din sa ganitong proyekto ang pampublikong pagdinig at social acceptance upang maiwasan ang kaguluhan at maintindihan ito ng mga apektadong mamamayan nang sa gayo'y matanggap ang dagliang solusyon na kinakailangan.

Hindi po ako tutol sa isang matinong sanitary landfill sa bundok pero sana'y na-inform muna ang mga tao para hindi nabigla. Maliit ang sukat ng lupa nung sa mga Africano sa Sitio Sta. Ana. At kung iuutang naman pala ay baka po pwedeng ilayo na para mas safety. Napilitan lang po akong pagtapunan yung sa Sta. Ana dahil biglaan ang naging problema. Kung kailangang kumuha ng isang malaki laking lupain ay pwede naman by eminent domain thru expropriation proceedings tulad ng ginawa sa lupang malapit sa tatlong krus.

Vice Mutuk
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group