PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Basurahan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Mon Oct 06, 2008 11:04 pm    Post subject: Basurahan Reply with quote

Noon pong Sept. 30, 2008 ay pinagbawalan na po ang Bayan ng Paete at Lumban na magtapon sa pribadong basurahan ni Gng. Macatangay sa bayan Lumban. Napilitan po tayong makipag usap kay G. Lading Asedillo na muling makapagtapon pangsamantala sa kanilang lupa sakop ng sitio Macumbo. Sa kasalukuyan ang lupang ito ni G. Asedillo ay hindi mararating kung hindi makikiraan sa lupa ng mga Navarro. Nakikiusap po kami ngayon sa Pamilya Navarro, lalo na kina Inang Flora at Dr. Dodo na payagan kaming makiraan hanggan Disyembre po lamang ng taong kasalukuyan. Sa Enero 2009 po ay bubuksan na ang Landfill ng Pakil at sila po ay informal na pumayag na payagang magtapon ang ating bayan. Ito pong buwan ng October ay uumpisahan ng ipatupad and R.A. 9003 ng mga Barangay kung saan ay tinatayang makakabawas ng 75% ng basura matapos itong paghiwahiwalay sa mga kabahayan.
Umaasa po kami sa inyong walang sawang pagsuporta para sa kalinisan at kalusugan ng ating Bayan.
Back to top
View user's profile Send private message
tsk tsk
Guest





PostPosted: Thu Oct 09, 2008 5:53 pm    Post subject: basura Reply with quote

dear mayor.

Yun po bagang basurahan na pansamantalang gagamitin sa macumbo ay hindi makakaapekto lalo na sa tubig na iinumin sa mga susunod na panahon, baka po yung pansamantala ay maging permanente, tuwing tagulan, di po baga ang katas ng basura ay ay maaring humalo sa mga bukal ng tubig na isa sa mga pinagkukunan iniinum ng mga tao. sana po ay hindi maging isang bundok din ang pansamantalang basurang macumbo.

Pasensya na po pero kung wala ng iba pang alternatibo para dito ako po ay nagaalala lamang.

Sabagay pareho lang din po naman yan doon sa mga isda na nakakain natin galing sa Laguna De Bay na sanay na mabuhay sa katas ng basura. Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Laughing

tsk tsk
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Oct 10, 2008 11:14 am    Post subject: Reply with quote

Hindi na po matutuloy ang pangsamantalang pagtatapon sa lupa ni G. Asedillo. Hindi po pumayag ang pamilya Navarro na makiraan sa kanilang lupa. Sinisikap po naming mai renegosiate yong contrata sa may ari ng lupa sa Lumban. Pumayag na daw pong magtapon ang Municipyo ng Lumban pero na doble ang bayad. Payag na rin po kaming bumayad ng doble basta mapayagan na lang muli.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
guest#8
Guest





PostPosted: Fri Oct 10, 2008 10:28 pm    Post subject: Reply with quote

Andito na naman po ang problema natin sa basura,napakaganda po sana kung napagbigyan yun ating napakaganda sanang landfill pero inunahan po agad ng pagtutol ng mga magagaling nating kababayan kaya nasayang lamang po ang proyekto.Sana lang po binigyan muna natin ng pagkakataong mag operate at kung talagang depektibo ay saka natin tinutulan.

At yung magagaling nating kababayan na nanguna sa pagtutol ay wala naman pong alternatibong nagawa para masolusyunan ang problema sa basura ng ating bayan.

Malapit na naman po ang eleksyon,wag na po sanang maulit na ito ay magamit sa pamumulitika.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Sat Oct 11, 2008 7:35 am    Post subject: Reply with quote

Para po sa kabatiran ng lahat, hindi na po talaga pumayag ang may prebadong lupa sa Lumban na tayo ay magtapon doon. Pero salamat po sa kagandahang loob ni Mayor Tedy Adao at pinayagan po tayong makapagtapon sa kanilang basurahan sa Kalayaan. Mula bukas po ay doon na tayo magtatapon at mag-o overtime ang mga utility para mailipat ang mga basurang naipon sa transfer point sa Bagumbayan. Sampong Libong Piso po (P10,000.00) isang buwan ang ating ibabayd sa pakikitapon ng basura sa Kalayaan.

Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Dodong Kampilan
Guest





PostPosted: Mon Oct 13, 2008 12:00 am    Post subject: Macumbo Reply with quote

Ito po ay sagot ko sa kahilingan ni Mayor Cadayona na makiraan sa aking lupa upang doon itambak ang basurang bayan sa katabing kaingin ko.
Una, pagpasensyahan ninyo at huli ang sagot kong ito dito sa Usap Paete dahil namatay ang aking kapatatid na dating Konsehal Doming Navarro at ngayon lang ako nakapagbukas at nakasagot.
Ang totoo po, ng dumating ako sa Paete noong Lunes, October 6, ay nakapagtapon na po ang truck ng basura sa katabing lupa ko, hindi ko lamang alam kung ilang truck na ang dumaan doon sa lupa ko dahil sabi ng tagatingin ko ay palaging may bakas ng gulong ng truck. Nagkataong may pinaahon ako noong Lunes na nakahuli kay Engr, Viray (hindi po ang pamangkin ko ang nagreport sa akin kung hindi isang reliable na tauhan ko).Sa katunayan ay sinira po ng nagtatapon ng basura ang bagong bagong bakod ko. Ang formal pong pakiusap ni Mayor ay tinanggap ko noong October 7. Nasa akin po ang sulat na kung sakaling gusto ng madla na makita ay gagawin kong attachment. Ang sagot ko po kay Mayor ay ayaw ko ng padaanin ang basura at ayaw ko ng magtapon ang Paete sa Macumbo sa mga sumusunod na kadahilanan: May panikalang batas na po na bawal ang basura sa bundok mula noong tutulan ng buong bayan pagkatapos magkaroon ng rally sina Dr. Nilo Valdecantos at dating Mayor Elmoise Afurong. Ikalawa, may covenant na pinirmahan ang mga kandidatong Mayor nitong nakaraang halalan na walang ng magbubukas ng landfill. Ikatlo, bago ako sulatan ni Mayor ay nagtapon na sila ng wala akong pahintulot. Ito ay isang pagtapak sa aking munting katauhan. Ilang buwan ang nakaraan may email siya sa akin na sinagot ko agad, pero wala siyang ginawang iba pang sagot kundi ang paghakbang at pagkilos ng laban sa kalooban ko. Kaya, kung sino mang taga Paete ang makababasa nito. kayo ang ang humatol kung tama o hindi ang ginawa ko.Pinagbigyan ko na sila noong araw, pero nasunog ang aking mahigit dalawang libong daranghita mujla sa basurahang kanilang binauksan, bukod sa baho, langaw at basurang nakakalat sa kaingin ko.Gusto ko ngang makapulong ng personal si Mayor doon man lamang sa necrological ni Kaka pero hindi siya dumating na siya pa namang pinakaaasang maririig naming pananalita para isang dating konsehal ng Paete
Teodoro C.Navarro, MD

For the moderator, kindly post and never alter any wordings so the people would know exactly what I want them to know
Back to top
tsk tsk
Guest





PostPosted: Mon Oct 13, 2008 8:57 am    Post subject: basurahan Reply with quote

Sa amang Teodoro

ito po ay isa na palang galis na dapat pagalingin.

pasensya na po at huli po sa balita.

talaga pong hindi kanais nais ang nangyari po pala sa inyong kaingin sa macumbo. at dahil po sa mga nangyari na naging labag sa inyong kalooban at pagpapasya ito po ay isang maselan na usapin nag karoon po ng mis comunication o mabilis na pagpapasya.

pero sa akin pong palapalagay siguro po bilang isang namumuno sa bayan ay isa rin pong malaking suliranin para sa nakararami kung paano masusulusyunan ang problema sa basura siguro po kahit sino po ang lumagay sa katayuan ni mayor at sa sinu mang magiging mayor ay medyo matotorete rin kung paano ito magagawan ng paraan at di po lingid sa ating kaalaman na talagang problema ng mga bayan bayan ang pagtatapunan ng basura. kahit nga po Japan eh sa Pilipinas po me planong magtapon ng basura.

para po sa aking kuro kuro magaling na nga po yung nahinto yung pagtatapon sa macumbo. pero bagamat itoy nangyari na sana po ay wag na ring maulit, at wala po rin sigurong masamang hangarin si mayor tungkol dito nais lang po nyang gampanan ang kanyang trabaho yun lang ang nakikita kong dahilan.

taong bayan lang po

tsk tsk
Back to top
Dodong Kampilan
Guest





PostPosted: Mon Oct 13, 2008 3:22 pm    Post subject: Susog sa sinabi ni G. or Gng tsk tsk Reply with quote

Sa iyo tsk tsk:
Nais kong susugan ang mga sinabi mo. Ang totoo , ang pinakamalaki kong pangamba noon ay ang nabanggit mong basura ng Japan. May reliable source ako na makapagpapatunay na ang basurang nakita sa isang barge ay patungo na sa Pilipinas . May isa tayong kababayan (hindi ko na babanggitin ang pangalan para mapangalagaan ang kanyang identitiy) na may alam tungkol sa planong sa Paete dalhin ang nabanggit na basura.Naniniwala ako sa sinabi mo, problemang malaki ng isang punong bayan ang basura, kaya ako bilang mamamayan ang unang nag-alok sa kanya noong ako ay nasa Paete pa na gamitin mismo ang lupa ko. Pero ang WARM , na pagaari ng kapatid ni dating Gov. Lina ang siyang nangatawan at nagpatakbo ng proseso upang itapon daw ng tama ang basurang Paete, at maglalagay daw ng plastic lining para hindi maapektohan ang ating tubig. Pero walang ginawang ganoon. Nakipagusap din sila sa aming pamilya na sa katunayan ay wala silang tinupad sa mga pinirmahang kontrata sa pagdaan sa aming kaingin dahil daw nabili ang lupa ni Lading Asedillo (na sangayon kay Mayor ay kay Asedillo pa rin hanggang ngayon). Sa katunayan, may mga nakikitira pa sa kaingin ko ng tauhan ng WARM dahil daw may lupa silang inaalagan diyan sa Macumbo na di ko lang alam kung alin. Hindi ko po sila pinaaalis dahil wala daw silang ibang matuluyang bahay. Hindi ko po alam kung may kaugnayan pa ang pamahalaang bayan sa WARM. Nasabi ko ito dahil si Mr. Tolentino na administrator ng Paete ang siyang pumupunta sa akin pag makikipag usap and tauhan ng WARM. Hindi ko din alam kung may plano pa ang WARM na magpatuloy ng pagbabasura balang araw sa Macumbo. Hindi ko po alam ang pinaka solution ng basura pero alam ko pong ito ay malulutas ng ating sangguniang bayan dahil sa aking mga nakikitang proyektos tulad ng Environmental Awareness, paglilinis ng mga kabataan sa ilog, sipag ng mga barangay Kaptains at mga kagawad na maglinis ng paligid at iba pang pamamaraan isinasagawa ng ibat ibang organization tulad ng TKP upang ma minimize ang basurang hindi na maaring ma recyle.
Teodoro C. Navarro, MD
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Tue Oct 14, 2008 1:30 am    Post subject: Reply with quote

Dear Doc Dodo at sa Pamilya Navarro,

Kung ano man po ang nagawang pagkukulang na aking mga taohan sa inyong bakod ay taos puso kong inihihingi ng paumanhin. Inayos na po ni Engr. Noel Viray ang nasirang bakod. Paumanhin din sa hindi ko pagkakadalo sa luksang parangal ng kang Doming. Inabot ng umaga ang congressional budget hearing kung saan ay kasama kami ni Cong. San Luis kaya hindi na ako umabot sa luksang parangal. Muli, ang aking taos pusong paghingi ng paumanhin.

Mayor Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Dodong Kampilan
Guest





PostPosted: Fri May 13, 2011 8:52 pm    Post subject: G.Gil Tolentino and WARM Reply with quote

Dear Mayor Cadayona,
Seguro naman po ay natanggap ninyo ang sulat ko sa inyo at gayon din kay G.Gil Tolentino na siyang katiwala ng WARM. Sa sulat ko po sa inyo ay binanggit ko na may utang sa FLECO ang pinatira ninyong katiwala sa WARM house, sa panahon ng pag babasura sa lupa ko,na nagkakahalaga ng mahigit 2300 pesos. Dahil kay G.Tolentino nakapangalan ang utang sa FLECO hanggang ngayon, hindi puedeng makabitan ng kuryente ang lupa ko sa Macumbo.May pinapunta din akong tao upang makipagusap kay G.Tolentino, pero hindi na daw po siya ang administrador ng munisipyo kaya hindi daw po siya ang dapat singilin. Sa dahilang naniningil ang FLECO upang ano naman ang magpakabit ng kuryente, wala akong malamang tanungin kung sino ang dapat magbayad ng nasabing utang na dapat ang munisipyo ang magbayad dahil pinakinabangan ang lupa namin noong nagtatapon ang bayan ng basura doon.Kaya sa pagkakataong ako naman ang dapat kabitan ng kuryente,,mayor, sino po ang dapat kong lapitan upang bayaran ang utang sa FLECO? Nailathala ko ito sa USAP dahil halos isang taon na po ang sulat ko sa inyo ni G.Tolentino pero wala kayong sagot. Gumagalang at umaawa ng inyong mahalagang tulong.
Teodoro Navarro,MD
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group