PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Sagip San Cristobal Forum
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Arjhei37



Joined: 15 Dec 2005
Posts: 139
Location: Paete, Laguna, Philippines

PostPosted: Tue Jun 07, 2011 7:55 am    Post subject: Sagip San Cristobal Forum Reply with quote

Ang Sagip San Cristobal po ay isang proyektong pagpapanatili at pagpapanauli sa obra ni Jose Dans na San Cristobal na pinangungunahan ng Parochial Historical and Cultural Heritage Commission ng Parokya ng Santiago Apostol (Paete, Laguna).

Like us on facebook
http://www.facebook.com/SagipSanCristobal

For inquiries on how to help, you can email us at
sagipsancristobalpaete@gmail.com


Sino si San Cristobal?

Si San Cristobal ay isang santo na sinasabing naging martir noong panahon ng pag-uusig sa mga Kristiyano noong si Decius ang emperador ng Roma mula taong 249 hanggang 251 AD. Ang mga pinakasikat na kwento tungkol sa kanya ay natatala sa librong "The Golden Legend" na sinasabing naisulat noong taong 1260 AD.

Si San Cristobal ay pinanganak na si Reprobus. Matipuno at matangkad, ninais niyang mapaglingkuran ang pinakamakapangyarihan sa mundo. Sa kadahilanang ito, nagpunta siya sa isang haring Kristiyano at pinaglingkuran ito. Ngunit ang haring ito ay takot sa demonyo at siya'y nanginig matapos marinig ang pangalan ng demonyo. Nang makita ni San Cristobal ang reaksyon ng hari, umalis siya sa poder nito at hinanap ang demonyo.

Nang marating niya ang isang disyerto, nakasalubong niya ang isang pulutong ng mga kabalyero. Nang tanungin siya ng mga ito kung ano ang kanyang pakay, sinagot niya sa mga ito na hinahanap niya ang demonyo upang pagsilbihan. Ang isa sa mga kabalyerong ito ay malupit at sinabing siya ang demonyong hinahanap ni San Cristobal. Dahil dito, pinaglingkuran ni San Cristobal ang kabalyerong ito. Habang nasa paglalakbay, nakakita sila ng isang krus na siyang kinatakutan ng demonyo.

Nang tanungin siya ni San Cristobal kung bakit siya natatakot sa krus, sinagot siya nito at sinabing takot siya sa Kristong nakapako roon sa krus. Dahil rito, nilisan ni San Cristobal ang kabalyero (na nagsabing siya ang demonyong hinanahap ni San Cristobal) at hinahap ang Kristo. Sa paghahanap niyang ito, nakilala niya ang isang ermitanyo na nagturo sa kanya ng pananampalatayang Kristiyano.

Nang tanungin ni San Cristobal kung ano ang maari niyang gawin upang mapaglingkuran ang Kristo, sinabi ng ermitanyo sa kanya na kailangan niyang magayuno at magdasal. Nang sabihin ni San Cristobal sa ermitanyo na bigyan pa siya ng ibang maaring bukod sa mga ito, sinabi ng ermitanyo na may isang ilog na may malakas na agos na pumatay na sa maraming taong nagtangkang tumawid dito. Sinabihan siyang tulungang tumawid ang mga taong nagnanais makatawid sa ilog na yaon.

Tumalima si San Cristobal at ginawa ito. Isang gabi, may narinig siyang isang batang tumatawag sa kaniya. Daglian siyang lumabas ng bahay at hinanap ito ngunit wala siyang nakita. Matapos marinig ng makaikatlong beses ang pagtawag ng bata, nakita niya ito sa tabi ng ilog at humuhiling na dalhin siya papunta sa kabilang dako. Kinuha ni San Cristobal ang kanyang tungkod na gamit sa pagtawid sa ilog at binuhat ang bata. Nang buhat buhat niya ang bata, naramdaman niyang napakabigat ng bata. Napansin din niyang habang tinatawid nila ang ilog na lalong bumibigat ang bata at lumalakas ang agos ng ilog. Matapos makarating sa isang pampang, kinausap ni San Cristobal ang bata at sinabing muntik na siyang maging dahilan ng kanyang kapahamakan sanhi ng kanyang kabigatan. Sinagot siya ng bata at nagpakilala itong siya si Hesu-Kristo na kanyang hinahanap at inatasan isayang itarak ang kanyang tungkod sa labas ng kanyang bahay at kinabukasa'y magbubunga ito ng mga halaman at bulakak. Matapos magsalita, biglang nawala ang bata. Ginawa ni San Cristobal ang sinabi ng bata at kinabuksan, ang kanya ngang tungkod ay tinubuan ng mga halaman at bulaklak.

Nangaral siya at tumulong sa mga Kristiyanong nasa Lycia. Sinubukan siyang pasambahin ng hari ng lugar sa mga diyos-diyosang pagano ngunit hindi siya pumayag. Inakit din siya ng hari sa pamamagitan ng mga yaman at dalawang magagandang dalaga upang tuksuhin siya. Ang magagandang dilag ito ay kanyang dinala sa pananampalatayang Kristiyano katulad ng mga libong nayakag niya rin sa pananampalataya. Siya ay ipinapatay ng hari sa kanyang mga tauhan ngunit matapos ng ilang pagsubok na siya'y patayin, hindi pa rin ito naisakatuparan. Matapos makita ito, inutusan ng hari na itali si San Cristobal at panain siya ng mga tauhan ng hari ngunit ang mga panang ito ay lumutang lamang sa ere at hindi siya tinamaan. Kapagdaka'y ang isang pana ay bumalik at tumama sa hari at binulag siya nito. Matapos ito, sinabi ni San Cristobal na mamamatay siya at inatasan ang haring ihalo ang kanyang dugo sa putik at ipahid sa kanyang mata upang siya'y makakita muli.Pinapugutan niya si San Cristobal at ginawa ang sinabi nito at kapagdaka'y nakakita siya. Nanalig ang hari kay Kristo at nag atas na ang sinomang magakusa ng laban kay San Cristobal at sa Diyos ay mamamatay sa pamamagitan ng espada.

references:
http://www.fordham.edu/halsall.....hristopher

http://en.wikipedia.org/wiki/T.....ite_note-1
_________________
Dugong Paeteņo, Batang Potenian,
Apo ng Panutsa
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger
joven cajipe
Guest





PostPosted: Tue Jun 07, 2011 9:52 pm    Post subject: SAGIP SAN KRISTOBAL Reply with quote

Magandang araw po,

ang san kristobal project po ay proyekto ng pag papanumbalik at pag-iilak ng pondo upang gamitin sa preservation at kung mamarapatin ay restoration ng higanteng pinta ng ating bansa.

ang sistema po ay ang pag hahanap ng mga taong bukas ang loob upang mag bahagi at mag bigay ng kanilang tulong pinansyal at mula dito ay tatapatan namin ng pasasalamat sa pamamagitan ng mga souvenir items tulad ng mga sumusunod:

1. Key chains
2. Tshirts
5. Post cards
6. mugs
7.tumbler
8. at Mini Replica na pinta ng san Kristobal.

ang mga nasabi pong souvenir ay may roong kalakip na authentication at acknowledgement certificate na ang inyong natanggap na souvenir ay may mas malalim na dahilan at hindi lamang basa souvenir kundi isang paraan ng pag sagip sa higanteng pinta na paman ng ating kasaysayan.

kasabay nito ay ang pag lalagay ng inyong mga pangalan sa mahalagang listahan ng mga taong naki-isa at tumulong sa pag sagip sa pintang ito na ilalagay sa bahagi ng pinta o sa simbahan na makikita ng mga susunod na henerasyon.

para po sa inyong tulong pinansyal ito po ay aming tatangapin at bibigyan kayo ng karampatang resibo.

at kayo ay aming iimbitahin sa gaganaping pagdalaw sa ating bayan ng paete kasabay ng launching program sa july 24 ng nasabing proyekto at pag bibigay ng mga nasabing souvenir items katapat ng inyong mga donasyon.

sa iba pang katanungan maari po kayong maki-ugnay sa mga KASPI NG PHCHC if you are in Paete Church and we will meet you at the Parish Office.

Pauna na po ang aming pasasalamat.

Bro. joven Cajipe
Back to top
Arjhei37



Joined: 15 Dec 2005
Posts: 139
Location: Paete, Laguna, Philippines

PostPosted: Wed Jun 08, 2011 12:01 am    Post subject: Reply with quote

Narito po ang kasalukuyang kalagayan ng San Cristobal





Matatagpuan po sa Sagip San Cristobal FB Page(http://facebook.com/SagipSanCristobal) ang iba pang mga larawan.

Ang mga larawan po ay kuha ni G. Bong Cadawas, acting chairman at isa sa mga official photographer ng PHCHC.
_________________
Dugong Paeteņo, Batang Potenian,
Apo ng Panutsa
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger
joven cajipe
Guest





PostPosted: Wed Jun 08, 2011 12:36 am    Post subject: SAGIP SAN KRISTOBAL Reply with quote

HANGGANG LIKE LANG BA TAYO?

MAKIISA AT MAKI BAHAGI SA MAKASAYSAYANG PROYEKTONG ITO.

ITATAK NATIN SA PINTANG ITO ANG ATING HENERASYON NA NAG PAHALAGA AT NAG TULUNGAN UPANG HUMABA ANG PANANATILI NG PINTANG ITO.

HUWAG NATING HAYAANG SISIHIN TAYO NG MGA SUSUNOD NA HENERASYON NA HINDI NA MAKAKA KITA SA PINTANG ITO DAHIL SA ATING KAPABAYAAN.

TARA NA MAKI BAHAGI AT MAGING TAGA SAGIP SA PINTA ITO.

PAANO? MAG IWAN LANG NG COMMENT SA PAGE NA ITO NA NAG NANAIS KAYONG MAKI BAHAGI AT KAMI PO AY MAKIKIPAG UGNAYAN SA INYO UPANG IPALIWANAG ANG PROYEKTONG ITO.

SALAMAT PO!
Back to top
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 669
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Thu Jun 09, 2011 7:15 am    Post subject: Sagip San Cristobal Reply with quote

Arhjay,

Salamat sa details and info sa mailing list. Natutuwa ako at tila very organized at determined ang mga kasapi dito sa project. Count me in. I want to be involved too. Kung may private email address si Joven, paki e-mail lang ako sa: fredmc311@yahoo.com. Baka may nais akong itanong pa.

Kumusta na lang sa ama (Rene). Sayang at hindi kami nagkausap nang umuwi ako noong February. Congratulation on your forthcoming graduation. More power to you.

Tito Fred
Back to top
View user's profile Send private message
joven cajipe
Guest





PostPosted: Thu Jun 09, 2011 9:19 am    Post subject: Reply with quote

Maraming Salamat po sa mga tumutugon sa panawagang ito. ang komisyon po ay patuloy sa mga gawain upang maging matagumpay ang proyetong ito.
pagpalain po tayo ng Poong Mahal at ng Mahal na Inang Birheng Maria.

Bro. Joven Cajipe
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Sun Jun 12, 2011 9:44 am    Post subject: 1st donor Reply with quote

salamat po sa aming first donor ng sagip Kristobal project na si Ms. Marvelyn I. Madridejos. Pagpalain po kayo ng Poong May kapal at ng Mahal na Inag Birheng Maria.
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Wed Jun 15, 2011 12:10 am    Post subject: update Reply with quote

nag send napo kmi ng email sa national museum at hinihintay po namin ang kanilang pag tugon. sana po mag tulungan na tyao. sa bawat araw na lumilipas ay patuloy ang pag ka sira nito. sana po mag tulungan tayo. salamat po!
Back to top
joven
Guest





PostPosted: Wed Jun 15, 2011 8:58 pm    Post subject: media Reply with quote

nag txt na din po ako sa mga kilala ko sa media. nag txt bak po c Ms. Zhian Ambrocio ng TV patrol at kinokontak nya c kuya kim at c Mr. Julius Babao. wait pa din po ng mga rply. sana po tayong mga taga paete dto sa atin at s ibang bansa ay magtulungan bago mahuli ang lahat. kung may mga contacts po kayo. pls... introduce the project. thank you!
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Fri Jun 17, 2011 1:20 am    Post subject: San Cristobal mural restoration Reply with quote

first of all, let me extend my congatulations to the PHCHC of the San Santiago Parish, Paete, Laguna in their initiative move in the restoration of the religious artwork San Cristobal mural by artist Jose Dans housed and displayed in the Paete Catholic church. May I know if this and other murals in our church have been registered in the agencies concerned like the National Museum, NCCA and others. This is my unsolicited advice for the commission to inquire and seek recommendation on estimated costs and execution of workmanlike and professional fresco painting retouches of the project.
On the budgetary sourcing, government agencies like the PAGCOR, NCCAand other related agencies, Peoples Organizations, NGOs can be greatly considered in the financial assistance for the project.
Disregard this advice if is already incorporated in your plans.

GOD BLESS, More power and thank you.
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Sat Jun 18, 2011 5:54 am    Post subject: update Reply with quote

Thank you po sa advice. actually d pa po register ang mga paintings ang alam ko po ang paete church ay declared as national historical site by the former president marcos but not particular registered the paintings on the said agencies.

maganda po ang suggestion at yun nga po ang gusto naming mangyari. pero wala po kami connection. nag email po kami sa national museum at sa NHI pero wala pang rply bz pa cguro s celebration ng bday ng Pambansang bayani.

sana po matulungan nyo kami na magkaron ng connection sa mga nasabi nyon agencies.

Pls help us. malaki napo ang sira ng painting. pwede nyo pong bisitahin sa simbahan para mkita nyo ang kalunuslunus na condition. baka po mahuli na ang lahat.

pls po tulungan nyo po kami. panawagan narin po sa pamahalaang bayan kay Mayor Cadayona at sa iba pang may malaking maitutulong dito.

salamat po!
Back to top
PHCHC-Arthur
Guest





PostPosted: Sat Jun 18, 2011 12:32 pm    Post subject: Reply with quote

sana po ay bigyang pansin natin ang proyektong ito, sa pamunuan ng ating bayan, sana po ang mabigyan pansin nio ito, hindi po namin ito kaya mag isa, kailangan po namin ng inyong tulong,, sa mga kababayan natin maraming salamat sa mga nag paabot ng inyong tulong, ginagawa po namin lahat ng aming makakaya upang isalba ang painting ng ating bayan, hindi lang po ito ordinaryong painting isa sa pinaka matanda at pinaka malaking painting sa pilipinas wag nating hayaan na tuluyang masira
Back to top
sunday
Guest





PostPosted: Thu Jun 23, 2011 7:01 pm    Post subject: update Reply with quote

Last sunday po nung tinignan ulit namin ang painting ng San kristobal ay umangat na po ang isa sa wood pannel simula sa baba pataas at mga ilang panahon nalang ay babagsak na ito. kelan pa po kaya mag kakaron ng linaw ang aming mga ginagawang hakbang.

kami po kasama ng aming grupo ay nag bibigay impormasyon lamang po sa inyo at nag hihintay ng inyong pag tugon. at hindi po ito uusad hanggat hindi po kami pinapansin.

tuloy tuloy po ang mga pag pupulong namin at pag plaplano subalit parang pinang hihinaan na kmi ng loob dahil tila hindi kami naririnig dahil maliliit lamang kaming tinig.

pero kaligayahan n namin na simula s kamusmusan ng isip ay nag tangka kmi at nag sisigaw sa lahat na TULONG TULONG.

madinig po sana kmi ng mga dapat na didinig sa amin.
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Tue Jun 28, 2011 2:30 am    Post subject: Reply with quote

sumagaot na pao ang sangay ng pamahalaan para sa proyekto ng sagip san kristobal project. mag sasagawa po sila ng pag susuri sa mga pinta ng ating simbahan at kung ano ang nararapat na mga hakbang upang mapanatili at mapangalagaan ang mga pintang ito. sana po sa pamamagitan nito ay simulan na natin ang pag tutuluingan para sa magandang proyektong ito. kasama narin po dito ang aming panawagan sa kahit anong suportang inyong maipagkakaloob. sa lokal na pamahalaan natin at sa mga NGO's at mga pribadong individual.

Dear Bro. Joven Cajipe,

Greetings from the National Historical Commission of the Philippines!

This is in reference to your email dated June 16, 2011 requesting for help in the preservation of some of the oldest and largest fresco paintings found in the St. James the Apostle Parish Church.

We wish to inform you that we are pleased to provide technical assistance on this matter as we are committed to promote the protection of our material heritage.

The NHCP technical team plans to visit the Paete Church and assess the actual condition of the paintings in the morning of June 30, 2011 and hopefully, we would be able to come up with urgent measures to protect their existence acceptable to all concern.

Looking forward to meet you and Fr. Joseph dela Rosa for this undertaking. Our warmest regards.

Sincerely,
Engr. Larry C. Cruz
OIC, Materials Research Conservation Division
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Thu Jun 30, 2011 7:07 am    Post subject: Reply with quote

naka bisita na po ang mga representative ng National Historical commission of the Philippines at mula po sa kanilang pag bisita ay gagawa sila ng recomendation at mula po doon ay hahanap tayo ng grupo na maaring gumawa ng kanilang rekomendasyon.

sana po suportahan nyo kami....
Back to top
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Sun Jul 03, 2011 1:07 pm    Post subject: Sagip San Cristobal Forum Reply with quote

Please use this Forum for all events, postings, announcements and we will try to update everyday so it will remain both on top of the Usap Index.
tthanx po!

Sagip San Cristobal is an art preservation and fund raising project for Paete's San Cristobal mural

Description San Cristobal is one Jose Luciano Dans' large paintings inside the St. James the Apostle Parish (Paete) Church. Painted in 1850, it is one of the Philippines' largest and oldest painting with known author. It was actually the second San Cristobal painting by Dans. The first one is a fresco painted on the church wall. This fresco was hidden from the public as the wooden mural hides the fresco from view. It was in the 1980's that the fresco was again rediscovered.

For information about the Sagip San Cristobal Project, email us at

sagipsancristobalpaete@gmail.com

the OFFICIAL site of SAGIP SAN CRISTOBAL
for FACEBOOK users it is at:
http://www.facebook.com/SagipSanCristobal

for the public pls. go to: http://www.newsflash.org/2004/02/tl/tl013517.htm

these messages are from the Sagip San Cristobal FB group:
if there isn't one yet i request that this be transferred to a SAGIP SAN CRISTOBAL forum or to be as a Sticky category. tnx, tlee


Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe at: [url]<http>[/url]

Ioannes said:
pede b tong i post sa usap paete? me bagong website din daw ang paete. baka pwede tayo dun mag post din. tnx...

here is the shortened URL to view the dilapidated and decomposing state of the historical San Cristobal wall painting. help save our heritage! help conserve the paintings in our church for our grandchildren and great and great, great, great grandchildren to come.

this photo was posted at Facebook (FB) by Bernard Cadawas <url>

here is the shortened URL of Bernard's photo:
http://alturl.com/c4mps

[editing: sorry that URL needs a FB login so just pls. ignore and
i will be posting Sagip San Cristoal images, pdf files and any official documents coming to me from the Facebook group here at Usap to share with the Paete public soon!]

from renatus jacobus [Hi Arjhay Smile ] <url>
RJ Balandra said:

If you have contacts po na maaring makatulong sa project, please pakisabi po sa amin. Smile... We're looking for sponsors para sa souvenir items among others. We would post the whole project proposal asap. Smile

thanks guys!
keep up the good start. don't let the project die!
dada lee
Quote:


Last edited by leeq on Fri Jul 22, 2011 7:24 am; edited 4 times in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
tlee
Guest





PostPosted: Sun Jul 03, 2011 1:38 pm    Post subject: Sagip San Cristobal first steps-posted by Joven Cajipe Reply with quote

from FB wall of Joven Cajipe:

Dear Bro. Joven Cajipe,

Greetings from the National Historical Commission of the Philippines!

This is in reference to your email dated June 16, 2011 requesting for help in the preservation of some of the oldest and largest fresco paintings found in the St. James the Apostle Parish Church.

We wish to inform you that we are pleased to provide technical assistance on this matter as we are committed to promote the protection of our material heritage.

The NHCP technical team plans to visit the Paete Church and assess the actual condition of the paintings in the morning of June 30, 2011 and hopefully, we would be able to come up with urgent measures to protect their existence acceptable to all concern.

Looking forward to meet you and Fr. Joseph dela Rosa for this undertaking. Our warmest regards.

Sincerely,
Engr. Larry C. Cruz
OIC, Materials Research Conservation Division

copied and pasted by Dada Lee.
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Sun Jul 03, 2011 5:37 pm    Post subject: Reply with quote

Thank you po. Napakalaking suporta po nitong inyong ginawang hakbang para sa project sagip san Kristobal. sana po maka miting nmin kayo or if not possible makausap nmin kayo sa pamamagitan ng tele conference we will consult to you and present the whole concept of the project. God Bless po.
Back to top
joven cajipe
Guest





PostPosted: Sun Jul 03, 2011 5:47 pm    Post subject: Reply with quote

Maraming salamat po sa inyo. alam po namin na sa pamamagitan ng inyong pagtugon at hakbang para ang aming panawagan ay madinig ng karamihan dito sa ating bayan at sa iba pang lugar na may mga taga Paeteng nais mag bahagi para sa pananatili ng Pinta sa ating simbahan. ang mga pintang ito ay nag papakilala sa lahat ng ating Sining, kultura at tradisyon. ang pag kasira nito ay salamin ng ating kapabayaan at kawalan ng pagpapahalaga sa magagandang bahagi ng ating kasaysayan.
Back to top
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Mon Jul 04, 2011 10:16 am    Post subject: hello, bro joven! SSC!!! Reply with quote

we will! and most likely via teleconferencing and via Webcam i think is the easiest connection. i have probs with extra time in my sked. i will try hard to find the extra time. just keep messaging me from FB on new events and new reports.

at this very moment i am using my break time to try and move Bernard's photo to another URL outside of Facebook so those who are not on FB and who are here at Usap can see the photo instantly visual.

what i need is to save the image into my hard disk. can you ask Bernard to email me the image file so i can post it in full view of every
visitor in Usap forum? the link i posted here is still requiring FB logins.
so that's not okay really. we have to share info and photos outside of FB.

you are all doing good work, this is a dream project, dreams do come true, so never waver.
dada lee
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Mon Jul 04, 2011 10:21 am    Post subject: my email.... Reply with quote

please use my BellCanada sympatico email address which is:

leeq@sympatico.ca (make note of the .ca (for canada)

tnx,
tlee


Last edited by leeq on Thu Jul 21, 2011 1:55 pm; edited 4 times in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
joven cajipe
Guest





PostPosted: Tue Jul 05, 2011 7:43 am    Post subject: Reply with quote

Maraming salamat po ulit. natutuwa po kmi dahil may katulad nyong pumapansin sa amin dto sa usap paete. muntik n kaming panghinaan ng loob pero salamat po at sa pamamagitan ng inyong pag sagot ay nanumbalik ang aming sigla sa pagkilos. ipaparating ko po ke bernard cadawas ang inyong request. ngayun po ay sinisimulan ng bakuran ang pintang ito upang maiwasan na ang pag kasira pa dulot ng pag hipo at pag tuon dito. ipapadala po namin sa inyo ang pictures. salmat po sana po ay may roon pang tumugon. kailangan po namin ng mga sponsors para sa launching program sa August 27.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jul 05, 2011 5:50 pm    Post subject: Mawalang galang na nga po sa inyong lahat.. Reply with quote

Mas mainam po siguro ay kopyahin at ipaste ninyo dito sa USAP PAETE forum yong mga proyekto na sa aking pagkakaintindi ay nakasaulat sa inyong Facebook account. Maraming mga nagbabasa nitong Forum na walang Facebook account (isa na po ako) at hindi mababasa ang inyong mga proyekto.

Ito naman po ay isang munting mungkahi at huwag naman po sanang mamasamain.
Back to top
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Mon Jul 18, 2011 9:52 pm    Post subject: SagipSanCristobal update from Arjhey & leiram velasco Reply with quote

from Arjhey:
Sagip San Cristobal update: May bakod na po yung San Cristobal at pati na rin yung isa pang painting ni Jose Dans na Langit,Lupa, Impiyerno...

Kung may friends po kayo na gustong makatulong, iadd po natin sila sa group na ito. Smile.. Official email address of the project is sagipsancristobalpaete@gmail.c​om.
Yesterday July 18 at 8:55am

sabi ni Leiram:
http://www.facebook.com/leiram.velasco
last sunday.. may nakita ako na mga nakaupo sa ilalim ng san cristobal i'm planning to ask father sana kung pwede lagyan nlng muna ng mga stand yung tapat ng san cristobal para walang nakaupo pag misa Smile)
July 4 at 9:33am [/img]
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
joven cajipe
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2011 7:48 am    Post subject: Donation Reply with quote

Lubos po ang pasasalamat sa mga nag abot ng tulong para sa sagip san kristobal. kay Maam Ma Cristina Mendoza Agbada at kay Ms. Jean Almeda Mizel. Patuloy parin po ang mga pag plaplano at hakbangin para sa kaganapan ng proyektong ito. maraming salamat po muli.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sagip San Cristobal All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
Page 1 of 4

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group