PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Proposed MRF-landfill and WasteWater Treatment
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Aug 08, 2011 3:14 am    Post subject: Re: WWT Reply with quote

Pasensya na po hani...

Sana nga po ay hindi kayo nakakain ng kanin noong nasa Paete pa kayo dahil simula po ay nakikita ko na po sa palayan na ang pinanggagalingan ng patubig ay galing sa kanal at yan po ay matagal ng praktis ng ating magsasaka... swerte nga po dahil maraming bukal sa kabundukan na pinagmumulan ng natural na tubig...ang ibang lugar naghihintay pang umulan o galing sa irrigation...di ba po ang patubig ng ating palayan ay galing sa kanal? at sa iba pang karatig bayan?...

Hindi po ako namumulitika o nagiisip ng paurong talaga lang pong di ko malubos maisip kung ito ay epektibo sa Pilipinas ang Lawa po ay napakalaki at laging binubuhay ng bagyo sama ng panahon wala na po tayosa mundo anjan pa rin ang lawa..ang puntos ko lang po ay bakit po natin gagawin ang isang proyekto na ayon sa mga REPRESENTANTE sila ang nagsabi na ang mga halamang tubig ay nakakatulong para malinis ang tubig...ibig sabihin meron na ang Paete at ibang karatig bay bay..Hayan ang dami ng waterlili bakit di na lang bakuran para wag silang mawala sa bandang laot...siguro naman mas praktikal na solusyon yan dahil pag tag bagyo ay laki ng tubig at hindi rin naman mapapakinabangan ang proyekto ng anim na buwan dahil lubog...kaya kung may bakod sa laot siguro naman ay makakaharang na sa mga waterlili at iba pang halamang tubig...at hindi pa tayo ilulubog sa utang ng ibang bansang mamumuhunan na alam naman natin na may mga na interes kaya sila magpapautang...

Kung gagawin po ang proyekto ng sabay sabay ay siguro mas epektibo ...pero kung gagawin ang bayan natin bilang ekperimento ay wala pong katiyakan...ilan taon po kung ito ay gagawin ng lahat ng nakabay bay sa Laguna De Bay 20 years or more sa panahon ng tagbagyo tigil ang trabaho....

Ang problema po ay nasa bayan wala sa Palayan...di ba po dapat ay ang bayan ang ating idevelope...sa tingin ko lang po at yun pong kanal kapag may sala every 100 meters ay pagdating sa laot ay malinis na runing water po meron tayo...para din pong posonegro may mga division..

Pasensya na po hani ito po ay oponion ko rin lang katulad po ng sa inyo...At ayon po kay Vice sa tala ni Prof Angel ay Plantsdo na ang Lahat kaya maaring wala na rin pong say say itong ating paliwanagan...ang hindi lang nga siguro kanais nais ayon sa ating mga nababasa ay nagkakaproblema sa komunikasyon, pag abisa sa mga tao...at pagtugon sa iisang desisyon...

Salamat Po

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Aug 08, 2011 5:55 am    Post subject: Reply with quote

Sangguniang Bayan of Paete Resolution 042 of 2009 authorizes the local government to apply, negotiate and participate in the LISCOP project, to borrow funds, and to undertake other actions necessary for the effective implementation of solid waste management of Paete.

The Sangguniang Bayan did not discuss the requested resolution by LLDA in their session today apparently because one of the barangay captains was absent.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Aug 08, 2011 6:37 am    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk:

With regard to the scientific merit of the proposed project, keep in mind that as a non-expert we could always claim that we do not know in case we find ourselves wrong in the end. On the other hand, the scientists and engineers of LLDA and the WB do not have that luxury. Their answers to your questions come with their reputation and expertise. Politicians do not share the same responsibility since politicians could always use ignorance as an excuse.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Aug 08, 2011 7:07 am    Post subject: Reply with quote

mutuk wrote:

MOA signing na daw po bukas Aug. 9, 2011 10 am sa PES gayong ngayon pa lang (Aug. 8, Monday) ang session ng SB para pagtalakayan ang Appropriation Ordinance na kailangan para tuluyang maipagawa ang WWTF sub-project.



As I was told, the memorandum of agreement (MOA) will list the requirements before the project will proceed, which includes the appropriations ordinance.

Also, the WB engineer made the presentation of the feasibility study and design of the waste water treatment at the Sangguniang Bayan Hall. Five members of the Sangguniang Bayan were in attendance. This meeting was held inside the Sangguniang Bayan, not anywhere else, a year ago.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
guest
Guest





PostPosted: Mon Aug 08, 2011 8:55 am    Post subject: Reply with quote

[Ang una ko pong tanong ay kung nakakalinis ang water lilies ng tubig. ( Nakakalinis daw po ang tugon)
Pangalawa ko pong tanong ay kung nakakalinis din ang ang palay sa tubig. (lahat daw po ng halamang tubig ay nakakalinis ng tubig). - Vice Mutuk

Vice Mayor, hindi po ninyo nilahad nang tuluyan ang inyong mga narining. Sinabi po nang nagpresent na ang water lily ay nakakalinis, subalit hindi sing husay ng mga nirerekomenda na halaman para sa WWTF. Dahil kung nalilinis nga po talaga ng water lily ang tubig, e di sana ay hindi na nila ginawa ang pagsusuri sa simula palang, dahil hindi naman pala madumi ito.

At ukol naman sa palay, sinabi nga na lahat ng halamang tubig ay nakakalinis subalit para malinis ang dumi na galing sa palengke at slaughterhouse ay kulang ang kakayanan ng palay. At bakit mo naman ipanlilinis ang palay e kakainin mo iyon?

kaya po ginawa ang pagsusuring ito ay dahil po may problema sa kalinisan na pwedeng lumala at makapaminsala sa kalusugan ng mamamayan. E kung kaya pala ng water lily at palay e bakit nagkaStudy pa?

Tama po si ginoong de dios. Wag po kayo umarteng expert. Buhay po ng taong paete ang sinusugal ninyo. salamat po
Back to top
Kung Fu Master
Guest





PostPosted: Mon Aug 08, 2011 12:08 pm    Post subject: Words of Wisdom Reply with quote

Silence is ignorance, and silence is a valid excuse.

A little undersdanding, is dangerous thing!
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Aug 08, 2011 12:25 pm    Post subject: Reply with quote

Engr. Lim pointed out that the plants must be contained to effectively clean the water.

It appears that this response was not fully understood. Plants in a constructed wetland provide the biological framework for the wetland to work. The wetland is a system, a living system, with several parts that have various functions such as controlling the flow of water, sedimentation, and sunlight availability.

"There are many Physical, Chemical and Biological mechanisms that play a part in the treatment of wastewater within a constructed wetland system. The principal mechanisms are bacterial activity and filtration. Wetland plants have evolved to grow in saturated conditions and one adaptation is the ability to draw oxygen from the leaves to the roots. With enough area and enough plants, the need for electric pumps is replaced by this trait, where the plants themselves make the oxygen available for the right bacteria to thrive and treat the wastewater." - Féidhlim Harty of FH Wetland Systems Ltd., Gaggin, Bandon, Co. Cork


What actually cleans the water are microorganisms which are able to strive in the environment provided by the plants.

The cost of the wetland comes mainly from the construction - the dikes and the bed. Avoiding this cost means avoiding the construction of a wetland for waste water treatment. The cost of the plants is very small compared to the entire budget. It is the structure that will keep and contain the plants that will cost money. This structure is designed so that the land is efficiently used and the flow of waste water is controlled. This structure is designed so that the plants stay within the boundaries so that an ecosystem of microorganisms that will clean the water will be able to establish biofilms on the roots and stems of the plants. The structure is likewise designed to receive the wastewater coming from the slaughterhouse and the public market. This structure (not the plants, not the planting, not the operation or maintenance) is the part that requires money.

--------------

What Winston is roughly sketching (fencing the water lilies so that these would stay) is in essence the proposed WWTF, except that the proposed subproject had done the calculations required so that the facility would in fact efficiently clean the wastewater.

Moving the slaughterhouse away from the river does not solve the problem because the slaughterhouse in addition to requiring its own septic tank will still need to discharge its wastewater. Paete has no sewage treatment plant so this discharge will still go to the river, if not directly to the lake via a canal. Slaughterhouses that are built far from a possible wetland would require its own lagoon for its wastewater and it is very difficult to prevent this lagoon from contaminating its surroundings.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Tue Aug 09, 2011 1:04 am    Post subject: Reply with quote

Nagiging makakalimutin na si Vice Mayor. Noon pa pong April 2009 ay nagpasa na ng resolusyon na nagpapahayag ng pagnanais at pagbibigay kapangyarihan sa punong bayan na lumagda sa kasunduan, at makautang ang bayan ng Paete sa ilalim ng programa ng LLDA (LISCOP) upang matugunan ang mga pangangailangan para maisaayos ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng ating mga basura. The documents will speak for itself.





Ang MOA po na nilagdaan kaninang umaga sa pagitan ng LGU ng Paete at LLDA na ipinagtataka ng butihing vice mayor kung bakit ito isinagawa agad gayong hindi pa napagtitibay ang Ordinansa na naglalaan ng salapi para sa proyekto ay ang MOA na binabangit sa kanilang Res. 042 T 2009 sa itaas. Ito po ay isang gabay o “frame work” lamang na nagsasaad ng mga dapat gawin at mga responsibilidad ng magkabilang panig kung sakali at matutuloy ang panukalang proyekto. Nakasaad po rito na ang isang kailanggang maisagawa ay ang “appropriation ordinance”o isang ordinansang naglalaan ng pondo para sa mga naturang proyekto na kasalukuyang tinatalakay ng Sangguniang Bayan. Pag wala po to ay hindi matutuloy ang mga pinaguusapang proyekto







Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Aug 09, 2011 1:10 pm    Post subject: Reply with quote

Once more, to bring a wider view on these subprojects. Perhaps
in the summer of 2008, Paete might have thought that it was
leading in its vision to use constructed wetlands to clean its
wastewater. But three years later, Paete will not be the first one
to realize such vision.

Wastewater treatments in Laguna:

Sta. Rosa Hospital: The city spent about $114,000 to
build the facility, and received training and capacity building
assistance from the Philippine Sanitation Alliance on the design,
construction, operations and maintenance of the system

http://psa.ph/index.php?option.....Itemid=122

--------------------------------------------------------------------------
Constructed Wetlands in Angono, Lucban and Calamba

Wastewater treatment
May 18, 2011, 4:46pm

MANILA, Philippines — Three local government units (LGUs) in the
Laguna de Bay Region will develop wastewater treatment plants
using constructed wetlands and microorganisms to rid used water
of pollutants.

This system will soon be operational in Angono, Rizal and in
Lucban, Quezon as well as Calamba City in Laguna.

Laguna Lake Development Authority (LLDA) general manager
Rodrigo E. Cabrera said these treatment plants will be using
natural systems like constructed wetlands and microorganisms to
clean up the water of pollutants and use it for irrigation and other
agricultural needs.

LLDA has taken the lead in implementing the concept of natural
wastewater treatment systems introduced by USAID
Environmental Cooperation-Asia (ECO-Asia) in collaboration with
Chia Nan University of Taiwan (CNU) and Calamba Water District.


From May 12 to 17, 2011, the Chia Nan University of Pharmacy and
Science (CNU) of Taiwan worked with wastewater services
providers in the Philippines to develop natural wastewater
systems around the Laguna Lake area. CNU, in coordination with
the Laguna Lake Development Authority, is collaborating with the
Calamba Water District and municipalities of Angono and Lucban
to pilot the system design and implementation that will ultimately
benefit at least 50,000 residents. Lucban will develop a system to
treat municipal sewage while Angono will use constructed
wetlands to treat domestic wastewater coming from a residential
area near a proposed lakeshore park. Calamba Water District
plans to construct a natural system to treat septage. LLDA is also
exploring cooperation with the Tainan City Environment Bureau,
facilitated by CNU, to allow information and knowledge sharing by
Tainan that will support LLDA to promote and oversee natural
systems throughout Laguna Lake.


--------------------------------------------------------------------------------

Muntinlupa Market Waste Water Treatment

To avoid further polluting Laguna Lake, the Muntinlupa City
government invested $130,000 in construction of an
underground wastewater treatment system. USAID, through the
Local Initiatives for Affordable Wastewater Treatment (LINAW)
project, provided technical (only technical, no financial)
assistance to the city to design this low-
cost, low-maintenance model facility; the first of its kind in the
Philippines.

http://philippines.usaid.gov/p.....wastewater

--------------------------------------------------------------------------------

For a cost comparison, this project in Dumaguete is similar:

Dumaguete developed a Wastewater Treatment Plant for its public
market using anaerobic baffled reactor and constructed wetland
for $75,000.

The program was developed with technical assistance from
the United States Agency for International Development (USAID)-
funded Local Initiatives for Affordable Wastewater Treatment
(LINAW) and Philippine Sanitation Alliance (PSA) projects

-----------------

Pahabol:

The costs above are in US dollars. So the numbers convert to millions of pesos.


Last edited by adedios on Wed Aug 10, 2011 6:51 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 1:01 am    Post subject: Reply with quote

kanoel wrote:
Nagiging makakalimutin na si Vice Mayor. Noon pa pong April 2009 ay nagpasa na ng resolusyon na nagpapahayag ng pagnanais at pagbibigay kapangyarihan sa punong bayan na lumagda sa kasunduan, at makautang ang bayan ng Paete sa ilalim ng programa ng LLDA (LISCOP) upang matugunan ang mga pangangailangan para maisaayos ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng ating mga basura. The documents will speak for itself.






Mukhang mas makakalimutin si Mayor dahil Upgrading ng MRF ang napagkasunduan diyan at hindi Landfill.


Re-post na lang po yung sumusunod dahil kasama ito dun sa nauna ko ng posting noong July 20, 2011.

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=11252


Heto naman po ang kwento ukol sa pag utang para sa upgrading ng MRF (hindi po Landfill)


Halaw sa KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG IKA-22 NG ABRIL, 2009, ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Ronald B. Cosico, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Kim Karlo G. Ballares, Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal(Opisyal na Lakad),
Kgg. Elizabeth G. Calma, Konsehal/LBP.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .



UNANG PAGBASA

1.

2. Proposed resolution affirming the interest of the Local Government Unit (LGU) and authorizing Honorable Mayor Emmanuel B. Cadayona, to apply, negotiate and participate in the Laguna de Bay Institution Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project and to borrow funds from the Municipal Development Fund Office (MDFO) under the Department of Finance (DOF) and undertake other actions necessary to the effective implementation of the Solid Waste Management of Paete. By Councilor Emerito B. Gajitos


Konsehal Emerito B. Gajitos. Magandang umaga po sa ating Tagapangulo at mga Kasangguni. Noon nga pong April 16 ay nagkaroon tayo ng pagpupulong sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan, kasama po tayo, ng mga barangay at ng LLDA. At ito nga po ang napag-usapan natin. Tingin ko nga po ay naroon lahat? Ah, yung iba po ay wala. Uulitin ko lang po na ang proyekto po na nais ng ating Pamahalaang Bayan at napagkaisahan ay ang upgrading ng Materials Recovery Facilities. At ito po ay ating sasamantalahin na magkaroon tayo ng loan para nga po ito’y magamit sa nasabing proyekto.

Sa pamamagitan ng ama ng mungkahi ay hiniling na pansamantalang maipagpaliban ang Alituntuning Panloob para sa maagang pagtatalakayan at dagliang pagpapatibay ng panukalang resolusyon. Pinangalawahan nina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Ronald B. Cosico, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, at Konsehal Eriberto D. Pascual, at pinagtibay


Konsehal Emerito B. Gajitos. Siguro po ay maaari ko nang hindi basahin dahil mahaba, bukas na po ang hapag para sa talakayan.

Tagapangulo. Para po sa karagadagan, ito po ay nung mayroon po tayong meeting with the representative from LLDA, ito po ay kanila nang format para dito sa pagbibigay authority. Mayroon na naman po kayong mga kopya, pwede na ninyong irepaso habang tayo ay nagtatalakayan.

Konsehal Aurelio P. Paraiso. Paglilinaw lang po sa ama ng mungkahi, dito po sa unang Whereas, “the LEAP process undertaken for the Municipality of Paete resulted in the identification and prioritization of the development and implementation of the Solid Waste Management Program”. Doon po sa Resolved, “that the prioritization of the sub-project proposed for financing under the LISCOP Project is the result of the participatory LEAP process undertaken for the Paete sub-watershed and is consistent with the approved local development plan/investment plan of the local government of Paete, Laguna.” Doon po sa unang Whereas, ang nakalagay po ay para sa implementation ng Solid Waste Management Program, samantalang dito po sa Resolved ay for the Paete sub-watershed. Pakilinaw lang po.

Konsehal Emerito B. Gajitos. Ito nga po ay pre-forma resolution lang, proposed resolution at dito nga po sa una ay Solid Waste Management Program at dito po sa Resolved ay babaguhin po natin. Imbes na sub-watershed ay yung upgrading of Materials Recovery Facilities or MRF ang gagawin natin. Ito pong proposed resolution na ito ay sa Mabitac.

Tagapangulo. So paglilinaw lang, ito po yata ay Grants o Loan, ito yata ay 40% ang Grants? Ang alam ko ay may 15% ang Equity at 45% malamang ang Loan, mas malaki ang Loan. So malinaw naman po, hindi po ito purong Loan, tapos ay payable pa within 15 years.

Konsehal Lourdes F. Sunga. Pwede po kayang buuin ang acronym na LEAP?

Tagapangulo. Tinanong kasi ako ni Konsehal Gajitos pero hindi ko ma-recall. Siguro ay to follow na lang yung meaning ng LEAP na acronym. Nasa file naman yun ni MPDC Elpidio Agbada. Na-anticipate na rin ito ni Konsehal Gajitos noon kaya itinanong sa akin.

Hiniling ng ama ng mungkahi na mapagtibay ang resolusyon, sa pagkatig ng buong Sanggunian, at pinagtibay. (042)


Katunayan ay nabisita naman yan at ginastusan na nga noon pa man. Hayan, abandonado sa matagal na panahon.
Napag buburulan naman po pala ng patay kahit papaano.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 6:06 am    Post subject: Reply with quote

Vice:

Ito ang aking pagkakaunawa. Ang resolusyong pinagtibay ay
alinsunod sa hiling ng LLDA. Ang resolusyon ay bahagyang
malawak dahil ito ang unang resolusyon at ang nasabing
proyekto ay hindi pa nabibigyang pansin ng LLDA. Lumipas ang
dalawang taon at marami na ring nangyari. Nawalan ng
pagtatapunan ng basura ang Paete at sinimulan ng matambak ng
basura sa sitio Sta. Ana. Ikaw na rin ang bumisita sa Kalayaan
kasama si Engr. Viray. Sa loob nang nakalipas na dalawang taon,
ang nabuong proposed project sa LLDA ay nagkaroon na ng
hugis. Ito ang nasa hapag ngayon.

Kaya ang susunod na hakbang ay nakasalalay sa Sangguniang
Bayan. Kung tatanggihan ang payo ng LLDA, sana naman ay
tanggihan ito sa tamang paraan upang malaman ng mamamayan
ng Paete kung ano ang dahilan at kung anu naman ang binabalak
gawin ng pamahalaan ng Paete para tugunan ang suliranin sa
basura at maduming tubig. Maaaring tanggihan at hindi pa
plantsado and proyekto. Ang pagkaplantsado ay kung ano ang
ibig ng LLDA at WB. Kaya kung ito ay tatanggihan, magsisimula
muli ang Paete sa umpisa. Subalit hindi plantsado ang
pagtanggap ng bayan ng Paete sa nasabing proyekto. Ang SB
ang tanging makakagawa nito.

Ang pagtanggi sa proyekto ay pagtanggi sa proyekto. Ito dapat
ang maging malinaw sa mata ng mamamayan, hindi ang
pagbubulabog o paglikha ng dahilan na ang layunin ay ipakita na
may masama o patagong ginagawa ang iyong mga kasama sa
pamahalaan ng Paete. Ang pagtanggi sa proyekto ay nasa
balikat ng SB at kailangang malinaw sa mata ng mamamayan
kung ano ang dahilan kung bakit ang proyekto ay hindi mabuti
para sa bayan ng Paete. Ang pagtanggi ay kailangang nakatuon
sa nilalaman ng proyekto at hindi sa kung ano mang dahilan. Ang
pagtanggi ay nangangahulugan na may mas mainam na paraan.
Kung wala namang mas mainam na paraan, ang pagtanggi ay
nangangahulugan na hindi kailangan ng bayan ang nasabing
proyekto at tinatanggap ng SB ang pananagutan at ang ano
mang mangyayari dahil hindi natuloy ang mga nasabing proyekto.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 8:07 am    Post subject: Reply with quote

Hindi ko po ito nakakalimutan Vice Mayor. Alam ko pong ang una nating proposal ay ang upgrading lamang ng ating MRF. Subali’t alam din ninyo na ng bisitahin ng LLDA ang ating pasilidad sa Bagumbayan ay niriject nila yong ating site sapagka’t ang requirement ng LLDA ay dapat may Sanitary Landfill at ang MRF ay nasa loob ng iisang pasilidad at masyado pong maliit ang lugar para sa mga ito. Kaya nga po ng magkaroon tayo ng problema sa pagtatapon sa Lumban, noong akoy nasa bakasyon, ay nakita ninyo sa binisita ninyong pasilidad ng Kalayaan na magkasama ang SLF at MRF at nakumbinsi kayo (ayon na rink kay Engr. Noel Viray at Admin Bokwet), na ito ay gayahin sa Paete sa lupang donasyon ni G. Africano. Ng atasan ninyo ang Municipal Engineer at Administrador na makipagugnayan sa DENR/LLDA, binisita nila ang lugar sa Sta. Ana at pagkatapos ng masusing pagaaral ay inaprobahan ang nasabing lugar na pwedeng pagtayuan ng SLF/MRF.

Bakit po hindi na kailangang baguhin ang inyong “letter of intent at authority to the Mayor” gayong Sanitary Landfill, MRF at Waste Water Treatment Facility na ang gusto nating isama sa mga sub-projects ng LISCOP? Ito po ay nilinaw kong mabuti sa LLDA at itinanong ko kung kailangan pang baguhin ang “Letter of Intent” under Resolution No. 042. Sapagkat ang ating orihinal na intention ay ang upgrading lamang ng Material Recovery Facility na specific na nakasaad sa nasabing Resolution No. 042 :

“ RESOLVED, that the prioritization of the sub-project proposal for financing under the LISCOP Project is the result of the participatory LEAP process undertaken for the improvement and upgrading of MRF (Material Recovery Facility) of the local government of Paete, Laguna”

Itinukoy po nila ako sa mga nilalaman ng inyong Resolusyon No. 042 na kung babasahin po ninyong mabuti at uunawain ang inyong nilagdaang Letter of Intent sa ilalim ng inyong resolusyon No. 042 ay ganito ang isinasaad, partikular sa mga sumusunod na probisyon:
SA TITULO PA LAMANG:
“RESOLUTION AFFIRMING THE INTEREST OF THE LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU) AND AUTHORIZING HONORABLE MAYOR EMMANUEL B. CADAYONA TO APPLY, NEGOTIATE AND PARTICIPATE IN THE LAGUNA DE BAY INSTITUTIONAL STRENGTHENING AND COMMUNITY PARTICIPATION (LISCOP) PROJECT AND TO BORROW FUNDS FROM THE MUNICIPAL DEVELOPMENT FUND OFFICE (MDFO) UNDER THE DEPARTMENT OF FINANCE (DOF) AND UNDERTAKE OTHER ACTIONS NECESSARY TO THE EFFECTIVE EMPLEMENTATION OF THE OF THE SOLID WASTE MANAGEMENT OF PAETE.

Ibig pong sabihin hindi limitado ang inyong pagpapahayag ng intensyon at pagbibigay ng kapangyarihan sa Punong Bayan sa MRF lamang o Sanitary Landfill lamang kundi iba pang mahalangang kailangang gawin upang mahusay na mapangasiwaan ang basura ng Paete.
Itinukoy din po ako sa mahalagang probisyon ng Resolution no. 042:
“RESOLVED, to authorize and empower the incumbent Local Chief Executive, Hon. Emmanuel B. Cadayona, Municipal Mayor, or his successor, for and on behalf of the Local Government of Paete to undertake the following:
a) To apply, negotiate, enter into contract, execute, sign memorandum of agreement, loan agreements, project agreements, credit facilities deeds and other papers with the Municipal Development Fund Office – Department of Finance (MDFO-DOF), for financing of the Solid Waste Management Program, including amendments, renewal and / or extension thereof sucn terms and conditions as may be agreed by MDFO-DOF, under the LISCOP PROJECT.

Sinasabi po nila na itoy malawak na probisyon na nagsasabi na maaaring baguhin o amiendahan ang ano mang naunang pinagusapan basta may kaugnayan sa Solid Waste Management Program at may pagsangayon ang MDFO-DOF sa ilalim ng LISCOP PROJECT. Kaya po nagkasundo tayo ng LLDA / LISCOP na i extend at isama sa sub-projects and Sanitary Landfill at ang Waste Water Treatment Facility na hindi na kinailangan ang panibagong letter of intent and giving authority to the Mayor lalo na’t ang pangunahing dahilan ay hindi pumasa sa kanila criteria ang lugar na ating pinapanukalang upgrading ng MRF.

Sana lang po kung meron tayong hindi pala gaanong nauunawan, ay sa ating pakikipagpulong sa LLDA / LISCOP noong Aug. 5 ay doon natin ito nilinaw at itinanong na mabuti upang hindi dito sa USAP tayo nagpapaliwanagan.
Kung inyo pong mamarapatin, Kgg. na Pangalawang Punong Bayan, sa inyong gaganaping impormal na pagpupulong bago tuluyang magpasiya ang Sangguniang Bayan kung papayagan ninyong magpasa ng Ordinansang Paglalaan, (appropriation ordinance) para sa dalawang sub-projects na pinaguusapan ay makumbida and inyong lingkod upang doon tayo makapagpalitan ng ating mga katuwiran.

Maraming Salamat po,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 1:12 pm    Post subject: Reply with quote

Uulitin ko na naman po at lilinawin, kaisa po ako sa paniwala na epektibong solusyon ang Sanitary Landfill sa problema sa basura. Ang nagiging problema po ay yung kondisyon ng nagkaloob ukol sa paggamit ng lupang donasyon na nais gamitin sa proyektong landfill.

Pansamantala lang po ang aking pag akto bilang Mayor nung 2010 kaya pansamantala lang po ang pwede kong gawing pagtatapon dun sa Sta. Ana at dahil emergency ito. Mas maganda siguro ay i-repost natin dito yung hindi maselang bahagi na naging pahayag dito sa USAP ng nagkaloob ng lupa para malaman natin ang totoo?

Yung sa launching at MOA signing last Aug. 9. Bakit nagkaroon ng ganitong event kung diumano ay idadaan pa sa pampublikong pagdinig ang proyektong WWTF?. Para pong nauna pa yung karuwahe sa kabayo. Dapat pag sigurado na ang lahat ay saka yung launching at MOA signing. Mga kilalang personalidad po ang naging bisita, para istorbohin kung hindi nila alam na ito ay sigurado na.

Hindi po dahil sa absent yung Ex Officio SB member na Kapitan kaya hindi napag usapan yung Appropriation Ordinance last regular session nung Monday. Napagtalakayan po ito at pinanatili sa 2nd reading ng may akda.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 2:07 pm    Post subject: Reply with quote

Ang paggamit ng lupang inihandog ni Nel Africano para maging
basurahan ay isang hakbang na ginawa ng bayan ng Paete.
Ito ay nagdulot ng hindi pagkaunawaan sa mga taong tunay na
kaisa sa pagmamalasakit sa Paete. Nakakalungkot balikan ang
nakaraan subalit nagigipit ang bayan ng Paete sa kadahilanang
wala itong pagtatapunan ng basura.

Ang paggamit ng lupa para maging basurahan ay nakatatak sa
lupa. Hindi ito pansamantala. Halos isang taon na ang paggamit
ng Paete sa lupa sa Sta. Ana. Dahil dito, ang lupa ay hindi na tulad
ng dati. Ang pansamantala ay ang paggamit sa lupa subalit ang
epekto sa lupa ay habang panahon. Ito ay isang napakalaking
sakripisyo ni Nel Africano. At nararapat lamang na ang bayan ng
Paete ay habang panahong magpasalamat sa kagandahang
loob ni Nel Africano. Maibabalik ba ang kahapon? Maaari, subalit
ito ay malaking gastos. Maaari, kinakailangan lamang na mayroong
ibang pagtatapunan ng basura ang Paete. Maaari, ang
gagastusin ay nailahad na sa usapang ito.

Aking uulitin ang kasalukuyang kalagayan ng mga proyekto. Ito ay
plantsado sa mata ng LLDA at WB. Kung ito ay babaguhin ng
Paete, kailangang magsimula sa unang hakbang uli at bibilang uli
ng taon bago marating ang kasalukuyang kalagayan.

Kaya ang susunod na hakbang ay nakasalalay sa Sangguniang
Bayan. Kung tatanggihan ang payo ng LLDA, sana naman ay
tanggihan ito sa tamang paraan upang malaman ng mamamayan
ng Paete kung ano ang dahilan at kung anu naman ang binabalak
gawin ng pamahalaan ng Paete para tugunan ang suliranin sa
basura at maduming tubig. Maaaring tanggihan at hindi pa
plantsado and proyekto. Ang pagkaplantsado ay kung ano ang
ibig ng LLDA at WB. Kaya kung ito ay tatanggihan, magsisimula
muli ang Paete sa umpisa. Subalit hindi plantsado ang
pagtanggap ng bayan ng Paete sa nasabing proyekto. Ang SB
ang tanging makakagawa nito.

Ang pagtanggi sa proyekto ay pagtanggi sa proyekto. Ito dapat
ang maging malinaw sa mata ng mamamayan, hindi ang
pagbubulabog o paglikha ng dahilan na ang layunin ay ipakita na
may masama o patagong ginagawa ang iyong mga kasama sa
pamahalaan ng Paete. Ang pagtanggi sa proyekto ay nasa
balikat ng SB at kailangang malinaw sa mata ng mamamayan
kung ano ang dahilan kung bakit ang proyekto ay hindi mabuti
para sa bayan ng Paete. Ang pagtanggi ay kailangang nakatuon
sa nilalaman ng proyekto at hindi sa kung ano mang dahilan. Ang
pagtanggi ay nangangahulugan na may mas mainam na paraan.
Kung wala namang mas mainam na paraan, ang pagtanggi ay
nangangahulugan na hindi kailangan ng bayan ang nasabing
proyekto at tinatanggap ng SB ang pananagutan at ang ano
mang mangyayari dahil hindi natuloy ang mga nasabing proyekto.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Guest
Guest





PostPosted: Wed Aug 10, 2011 2:38 pm    Post subject: Let's Scale the Mountain Reply with quote

Sabi nung isang nag-post, pag gusto raw, may paraan.
Ganoon din pag ayaw, hahanap at hahanap ng dahilan.
Napipiktyur ko tuloy yung mule na ayaw lumakad kaya
umupo na lang sa gitna ng kalsada. Kahit hilahin mo
ay aayaw lumarga. Naala-ala ko tuloy yung aking
kwentong kabayo.

Nakasama akong mangabayo na dadaan sa paang bundok
ay di kagaganda. Ay sa isang pagliko ay matarik na
pataas. Tumigil yung lider habang hinihintay yung
mga kasama namin. Aba atano at yung kabayo ko ay
nagsimulang umurong. Hindi ako makalingon at wari ko'y
isa o dalawang hakbang pang paurong at kami'y mabubulid
na sa bangin. Hindi ko rin mapalakas yung sipa sa may
tiyan at baka magitla ay mapalukso ng pabulusok.
Aba ay humakbang na naman paurong. Ay napasigaw na ako,
"What is he doing?!" Sabi nung handler ay ganay-on
daw yung kabayong iyon, at takot umadyo.
Ay di kinatligan nuong handler. Alam niya kung papaano
kalmahin yung kabayo kaya nakinig naman at nuong gumana
na yung grupo ay siya sumama na rin. Noong patag naman
ay kagagaling tumakbo. Parang iba dun sa kabayong
naduwag noong paakyat.

Big responsibilities require courage and sensitivity in
handling delicate matters.

Going into debts may be a big responsibility but is not
all bad. In our SLF and WWT case, it provides the road to
get past the mountain. It makes the mountain scalable.

Delicate matters should be handled with discretion. Airing
dirty laundry in public is tasteless and counter-unproductive.
There are more ways to deal with problem situations where
tact, gentleness and respect can be exercised as well.

The question is that we are faced with a big responsibility.
Are the leaders up to the task? If not, please step aside
and let the people move forward.
Back to top
Panawagan
Guest





PostPosted: Wed Aug 10, 2011 4:31 pm    Post subject: Reply with quote

Una, salamat kay Prof Angel sa mga matiyagang pagpapaliwanag ukol sa napakahalagang nangyayaring ito sa ating bayan; sa paglalahad /pag susuma rito ng mahahalagang puntong tinalakay noong pulong sa SB (5 Agosto). Salamat din sa lahat ng nagbahagi ng payo, opinyon, litrato at iba pang kasulatan para maunawaan ng mga mababasa ang loob at labas ng proyektong ito. Ang lahat ng ito ay katibayan ng pagmamalasakit ninyo sa ating bayan.

Masusi kong binasa ang lahat ng nahayag sa usaping ito. Nakita at naramdaman ko ang kabigatan ng mga tinalakay lalo na sa suliranin ng bayan natin ukol sa patutunguhan ng basura at sa paglilinis hanggat maari ng tubig na umuuwi sa lawa ng Laguna.

Nababahala ako dahil sa loob daw ng 5 taon at wala pang maagap na aksyon ay mamamatay na ang lawa. Ito ay isang sitwasyon na kalungkot lungkot kung pababayaan nating mangyari ng ganoon na lamang.

Panawagan po sa lahat lalo sa mga magdedesisiyon sa pagkakatuloy o hindi ng proyektong nabanggit na tanungin natin ang mga sarili kung paano tayo magiging bahagi sa paglutas sa suliraning pambayang ito. Panawagang magnilay, mag aral at humingi ng gabay para matanto ang mga tamang hakbang.

Panawagan din po na bago lubusang magdesisyon ang Sangguniang Bayan sa hinaharap ng daloy ng proyekto ay mag usap ang Punong bayan natin na si Ka Noel at ang pangalawang Punong bayan si Vice Mutuk.

Panawagang mag usap kayo, magharap sa ngalan ng kapakanan ng lahat ng mamamayan ng PAETE. Ang inyo pong mga opisina ay wala pa yatang 50 hakbang ang pagitan sa isat isa. Hindi po baga maaaring mag-usap na lamang kayo ng personal para doon maliwanagan ang mga nababanggit dito sa Usap Paete at iba pang bagay.

Bilang mamamayang nagmamahal sa Paete na nakakamasid sa inyong hindi pagkakaunawaan dito sa Usap ay nanlulumo, nalulungkot at nanghihinayang ako.
Maliwanag sa akin Ka Noel at Vice Mutuk ang inyong kagustuhang mapabuti ang kalagayan ng Paete, (ito ay ganoon din sa lahat ng lumahok sa talakayang ito). Maaari po baga mahal naming pinuno na magharap kayong dalawa na ang kagalingan ng bayan ang pangunahing mithi?

At kung mayroon mang hindi malutas lutas na pagkakaiba ng kuro kuro at pananaw ay makabubuti siguro na hindi na rito sa Usap Paete ilahad.

Gumagalang, humihingi ng paumanhin kung may mga nasaling, nagpapasalamat at nangungumusta po sa lahat.
Opel Ac-ac
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Aug 10, 2011 7:17 pm    Post subject: Reply with quote

Amen to that, Opel. Maraming salamat sa iyong panawagan. Just some small reminders of what I already posted here:

“The Sangguniang Bayan has the right and authority to summon the Mayor in their regular session and ask him to explain whatever they deem necessary in aid of legislation. For more than 2 years we have been talking about these projects and not even once was I invited by the SB.”

“Sana lang po kung meron tayong hindi pala gaanong nauunawan, ay sa ating pakikipagpulong sa LLDA / LISCOP noong Aug. 5 ay doon natin ito nilinaw at itinanong na mabuti upang hindi dito sa USAP tayo nagpapaliwanagan.”

“Kung inyo pong mamarapatin, Kgg. na Pangalawang Punong Bayan, sa inyong gaganaping impormal na pagpupulong bago tuluyang magpasiya ang Sangguniang Bayan kung papayagan ninyong magpasa ng Ordinansang Paglalaan, (appropriation ordinance) para sa dalawang sub-projects na pinaguusapan ay makumbida and inyong lingkod upang doon tayo makapagpalitan ng ating mga katuwiran.”

Tama po si Angel, ang pinaguusapang mga proyekto ay “plantsado” lamang ayon sa mga hinihinging requirements ng LLDA maliban sa “appropriation ordinance” na kung wala nito ay hindi tayo makalalagda sa “loan agreement” na siyang puso ng kasunduang ito.

Paalaala po uli sa Kgg. na Sangguniang Bayan, ang pagsasagawa ng “public hearing” ay inyong responsibilidad. Hindi po nakikialam ang Punong Bayan dito upang wag isiping itoy iniimplowensyahan nito, maliban kung siyay kukumlbidahin upang magpahayag ng kanyang opinion.

The faith of these proposed projects is not with LLDA nor with the Mayor, but in the hands of the Sangguniang Bayan, the dully instituted representative of the people of Paete.

Naka antabay lang po ako sa patawag ng Sangguniang Bayan kung ako’y kailangan.

Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Wed Aug 10, 2011 8:22 pm    Post subject: Fees Reply with quote

Vice Mayor,

Kaya dapat ay yong tapunan na lang muna ng basura at paglilipatan ng Slaughter house ang gawan ng paraan para kung uutang man ay maliit lang.

Huwag na muna yong WWTF na siguradong hindi rin papakinabangan ng ilang buwan dahil lumulubog ito tuwing tag-ulan. (na pwede pang umapaw kaya pupunta din sa lawa yong dumi)

DAHIL MALINAW DOON SA LETTER F NA MAGKAKAROON NG FEE IMPOSITION!

AT KUNG MALAKI ANG UUTANGIN AY MALAKING BAYARIN ANG PAPASANIN NG MGA MAMAMAYAN! Na ito na nga ang noon pa ang agam-agam ni Winston
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Fri Aug 12, 2011 12:55 pm    Post subject: Reply with quote

LAGUNA AND RIZAL TOWNS HAIL NEW ENVIRONMENTAL PROGRAMS
By Martin Antonio | August 12, 2011

Downloaded from the LLDA website
http://www.llda.gov.ph/news_liscop.shtml

Innovative environmental projects will be realized in various towns and cities in the Laguna de Bay Region through the $10 million Additional Financing from the World Bank which was granted to the Laguna Lake Development Authority for the expansion of its Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project.

During the two separate consultations in Mandaluyong City and Calauan, Laguna, which were well attended by Mayors, Sangguniang Bayan and Local Officials, 20 Local Government Units (LGUs) have indicated interest to participate in the Additional Financing with subprojects ranging from material recovery facility (MRF), sanitary landfill, environmental enhancement, river bank protection and local flood control, wastewater treatment facilities (WWTFs) to eco-tourism, agro-forestry and reforestation.

On August 9, 2011, the Paete Waste Management Sub-Project consisting of Wastewater Treatment Facility, Material Recover Facility and Level 1 Sanitary Landfill, was launched in Paete, Laguna. Leading the launching was Mayor Emmanuel Cadayona and LLDA OIC Dolora Nepomuceno with Mr. Mark Woodward, Sustainable Development Leader of the World Bank, and Congressman Egay San Luis of the 4th District of Laguna who graced the occasion. Together with the sub-project in Paete, there are now four major projects in the pipeline, the other three are: (1) Bay Lakeshore Protection, (2) Rizal Environmental Enhancement; and (3) Pila River Bank Protection and Environmental Enhancement.

In addition, a number of subprojects are also in the works such as the Rodriguez Environmental Enhancement, and the Bay MRF. Overall, there are 37 environmental initiatives programmed for three years under the Additional Financing for LISCOP.

Presently, much has been achieved in the first component (Strengthening of Institutions and Instruments) of the LISCOP Project. One of which is the adoption of micro-watershed planning in the municipal planning process, a 53% reduction of solid waste in dumpsites, reduced Biochemical Oxygen Demand (BOD) and Total Suspended Solid (TSS). These translate to 301 metric tons of solid waste being properly processed through segregation, reuse and recycling.

With the closing of the Original Financing, a total of 33 subprojects have been implemented by 21 LGUs around Laguna Lake. In terms of types of subprojects, seventeen (17) are MRFs, six (6) are Eco-enhancement, three (3) are Flood Control, three (3) are WWTFs, one (1) is Reforestation, and one (1) Sanitary Landfill. Overall, these projects have generated 482 direct jobs for its operation and maintenance.

Recipients of WWTFs such as the LGUs of Nagcarlan, Sta. Cruz and Lucban are now effectively complying with the effluent standards. Eco-tourism subprojects have also increased the revenues of the recipient LGUs such as Tanay, Pakil and Panguil with a total of Php 2.9 million gross revenue from January to July 2011.

Dolora N. Nepomuceno, LLDA OIC-General Manager, expressed her utmost enthusiasm with the launching of the latest World Bank funded programs that aim not only to bring in best practices of cleaning the environment but also and more importantly, to inculcate to the people the essence of protecting Laguna Lake so it can continue to give us life and nourishment.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Aug 12, 2011 10:53 pm    Post subject: Reply with quote

Opel,

Maraming salamat sa pangungumusta! Nagpulong na ang mga konsehal kagabi at minabuti ko na hindi dumalo. Sila ang nag usap usap kung ano ang dapat gawin sa usaping ito. Pagbibigyan kita sa iyong kahilingan na huwag na muna akong maglahad ng aking pananaw dito sa usap.

Nangungumusta din,

Vice

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Sat Aug 13, 2011 2:00 am    Post subject: Perspective Reply with quote

Paete is but a dot in the map, one of the little towns heavily
polluting the bay ("nakakasulasok,no proper drainage").
We make an impact that way.

The problem in Paete alone is a big problem for Paete.
And the Bay problem is more than we can handle, we'd say.
But the two are related. What we dump ends up in the Bay.
If we clean our waste, we help Paete and the Bay.

We really have not much choice left.
We are in violation of the law.
We endanger our health - our own families, own children, our own.
We are losing out as other towns clean up and create eco-parks.
Paete may be a tourist town, but a dirty town will lose its spark.
In time, tourists will be going next door. They already do.
Our neighbors' gain is our loss.

Some say we can't afford to go for a loan.
Truth is, we cannot afford to not take the loan and P16M free money.
Or we lose big in the long run.

Here is an urgency we cannot ignore any more.
Let us join hands and put our heads, pockets and hearts together
to drive this giant wave off our shore.

When there is fire, we move as one man.
The whole town works as one.
We are the first responders - using our meager buckets passing
them along from one person to another to quelch the waves of fire.
We do not say, oh we have to wait first for the firemen,
We just go and give what we can - time, strength, encouragement...
We do not wait for the neighbors before we act, though
we welcome them as they come. And they come.

Our waste problem is no different.
They go in and out every door in every house.
If we listen to the time ticking
then we will know we cannot not act.
When we act, we win.
Back to top
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sat Aug 13, 2011 4:04 am    Post subject: dear Vice M. Reply with quote

Dear Vice Mutuk,

Naku ang panawagan ko ay: na kayong dalawa ni Ka Noel sana ay magkusa nang magharap at liwanagin ang mga hindi pagkakaunawaan.., ang mga nakakalimutan at iba pang usapin.

Na sa halip na dito sa Usap public forum padaanin ay sa harapan
na lamang na personal. Hindi po baga ari yong halimbawang dalawin ninyo ang isat isa at makipag kape kahit walang imbitasyon yong isa? Bilang mga anak ng Paete, kayong dalawa yong mga panganay. Dahil bilang 'nakababatang kapatid sa pamilya natin ay nalulungkot akong matanaw ang mga nakasampay na damit natin na hindi pa nalalabhan may mga mantsa at amoy pawis pa.

Vice M., Hinding hindi ko ibig sabihin na huwag mo nang ilahad ang mga kuro kuro mo dito. Inuulit ko: yon laang 'lambingan ninyo ni ka Noel ang huwag na muna dito sa Usap kung maaari. Ituring na parang lambing ko na rin sa inyo na mga Kaka ko. Sori po kung malabo ang mga salita ko doon sa panawagan

Salamat at kumusta po muli,

Opel Ac-ac
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Sun Aug 14, 2011 8:29 am    Post subject: Reply with quote

Almost four years ago, this was the discussion;

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=5814

There are really two sides regarding the upcoming public hearings
on the two proposed subprojects. One side is proactive, offerring
two steps endorsed by the LLDA and the World Bank.

The other side maintains that the urgency is not present, the effect
of Paete on the environment is minimal, additional studies need to
be made, current methods are still acceptable, and some
characteristics of Laguna de Bay (especially its flooding stage)
makes the proposed wastewater treatment facility useless.

Almost four years have passed and studies were made by UPLB,
LLDA and the World Bank. These studies have led to the proposed
subprojects that are now on the table.

The debate should not be reduced to something personal. The
two sides have been here even before any personal disagreements.

And I hope the debate will remain focused on what the two sides
bring to the table. One side calls for action, the other calls
for the people to sit down and still take time to think about what
is going on. After almost four years, these are still the two sides
and the people this coming week will have to choose between
these two.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Guest
Guest





PostPosted: Mon Aug 15, 2011 2:13 am    Post subject: WWT for Paete Reply with quote

WWT FOR PAETE

INITIAL PHASE
* Php 4,594,077.50 loan (plus Php 4,594,077.50 grant)
* will clean the waste water from the canal by the slaughter house
* the best possible waste water treatment available
    proven method (proof: Arcata's success made it a center for education on WWT)
    adapted to Paete - based on studies and recommendations by people with knowledge and training on waste water mgt
    not a temporary patch, but a real remedy
* scalable
    initial phase is a limited scale based on Paete's ability to pay - 10% of its development budget, payable in 15 years
    (this is not pawning Paete's income for 15 years)
    initial phase is a pilot/experiment to estimate how much wetlands to allocate for larger scale
    in time, we can tackle the other canals & the river, (with option to have sewer infrastructure as money becomes available)
* this will lessen what Paete dumps into the Bay
* this will serve as our bargaining chip to ask for help so we can finish the job
* will generate jobs during construction = some money coming back to Paete
* this is a pro-active action to get something bigger done in finishing an overdue job


FINISHED JOB
* finishing the job is beyond Paete's financial capability (no bay town could afford it),
    but by then, phase 1 would have earned us the proof of our intent and commitment to take responsibility
    Note that there are many agencies and interested parties watching who can assist us.
    They can work with another town, we got lucky. Let us not squander this chance.
* Paete stops contributing to the problem of the Bay
* this will cleanse Paete's name as a major pollutant of the bay
* Paete will be in compliance with the Clean Water Act
* As project is replicated around the bay, we save the bay for our fishermen, consumptive & non-consumptive use, recreational, etc.
* Added benefits - social venue (like Wawa Park), visitors interested to learn from our WWT system, etc.
* We would have set an example to our children how to be responsible for our health and environment.

IF WE DECLINE THIS OPPORTUNITY:
We will have to come up with something closely effective, immediately.
The SLF project will also start on square one.
We will be answerable to the law, as we are already in violation.
We will have to find a new place to dump our trash.
We may end up lower in Liscop's list, and will have to wait till new funds come in.
We will have a harder time asking help from other agencies after we wasted the
investments and studies done for the WWT initial phase.
We lose Php 4,594,077.50 grant for WWT, total Php16M grant for both projects.
We will have to re-apply for loan...

Dredging the bay may save it, but it does not relieve us of dealing with our own waste water.
If we acted now and WWT saved the bay, dredging may be avoided.
The cost of dredging may be on the national government,
but remember that national funds come from the people's pockets.

Taking the loan to be paid by 10% of our development budget for 15 years means playing our ace.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Aug 15, 2011 5:00 pm    Post subject: Reply with quote

adedios wrote:
Mainam at ang mga mangingisda at magsasaka ay makakasama sa talakayan. Ang pagdalo sa darating na talakayan ni Ka Noel o ni administrador Bokwet ay karapatan at pananagutan. Ang mga nakakaalam ng proyekto ay kinakailangang humarap sa taong bayan. Sila ang makakapagpaliwanag ukol sa mga panukalang proyekto. Mainam din kung makakadalo ang mga kasapi ng waste management board.


Dear Prof Angel Good Morning Po

Nagkakaroon po na naman ako ng kalituhan sa sagot po ni Ka Noel sa nauna kong tanong ay ito...

Ka Noel Wrote:
Uulitin ko po, ang pagpapatawag ng "public hearing" ay nasa atas ng Taga Pangulo ng Sangguniang Bayan na walang iba kundi si Vice Mutok. Ang tanggapan po ng Punong Bayan ay hindi nakikialam sa mga pampublikong pagdinig upang maiwasan na sabihing ito'y iniimplowensyahan ng Punong Bayan; maliban kung siya ay kukumbidahin ng Sangguninang Bayan. Ang pagkaalam ko po ay naka calendar na ang gaganaping public hearing bago isagawa ang paglagda sa loan agreement kung mapagtitibay ang Appropriation Ordinance.
Maraming Salamat,
Ka Noel


Meron na po bagang imbitasyon ang Sanguniang Bayan para sa Pagdinig na ito para po sa tangapan ng Punong bayan...

Salamat po nais ko lang po itama aking iniisip kung ito nga ay ang tamang proseso.

Magalang po at Magandang umaga

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9  Next
Page 3 of 9

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group