PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

SAMPUNG TAON NG BUHAY

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo-a.ka.
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2011 1:26 pm    Post subject: SAMPUNG TAON NG BUHAY Reply with quote

Sampung Taon ng Buhay
Bulanggugo…..2011

Habang tumatagal maaaring lumabo
Panahong nagdaan ibig nang maglaho
Mabuti kung ang isip ay laging matino
At nakikiramdam din sa tibok ng puso.

Halimbawa ika’y sisenta y singko na
Kahapong kinain minsa’y di maalala
Subukang balikan nung nagdadalaga
Matatandaan mo’y maraming eksena…(di baga?)

Mula unang baitang sa elementarya
Hanggang sa High School ay makatapos ka
Sampung taong singkad (lang) nagkasama-sama
Bakit laging ito ang binabalikan pa?

Tulad ngayon, ikaw ay lampas sisenta na
Limampung taon nang napahiwalay ka
Sa mga reunion at kumustahan pa
Yung panahong iyon ang laging alaala. (bakit nga kaya?)

O subukan ninyong dugtungan………pag hindi aking tutuluyan….
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Jul 21, 2011 12:05 am    Post subject: Reply with quote

Sa loob ng 50 taon, itinago mo ang pagmamahal
Hindi maibulalas, natatakot masaktan
Bakit ikaw ay tukiki, at hindi pinagbigyan
Ang puso mo na uhaw na uhaw sa kanyang pagmamahal

Hangang ngayon,alam niya. puso mo ay sugatan
Pilit mong tinakpan ng iyong isipan
Kaya sa loob ng 50 taon, dub na lamang at walang lub
Kailan ka puso sisilakbo,sabihin ng deretsahan.

AAHH kaibigan Bulangugo, kailan ka matututo
Hindi puwede ang ligaw tingin
Pagkat hangin ang makukuha mo
Siya ay malayang muli, at tila may pag asa ka

Ang tanong lang sayo"available ka ba"?
Back to top
Bulanggugo a.k.a
Guest





PostPosted: Thu Jul 21, 2011 6:26 am    Post subject: Parang kilala kita..... Reply with quote

Pare kong sa aking tula'y nakidugtong
Nagulat ako sa iyong himaton
Parang may alam sa aking kahapon
Na pinanlabo ng mahabang panahon.

At heto na naman ang palaging tukso
Kahit ko sabihing nanaginip lang ako
Suntok lang sa buwan ng abang puso ko
Ang maging kami ay ni hindi pinlano.

Kaya mahinog kang katulad ng manga
Di mo matitikman inasam na bunga
Kahit mahulog pa, mabili ang sanga
Walang mararating wakas na maganda.

Hahahahahaha!
Back to top
Bulanggugo a.k.a.
Guest





PostPosted: Thu Jul 21, 2011 7:30 am    Post subject: Karugtong Reply with quote

Dati kung tawagin mga batang paslit
Sa paningin ni Inay nahiwalay saglit
Ito yung panahong namulat ang isip
Pagbasa’t pagsulat natutunang pilit.

Masikip mong daigdig ngayon ay lumawak
Ang sigla at saya ng puso ay ganap
Kahit pa kung minsan sa baon ay salat
Sa panahong ito natiis, natanggap.

Pusong paslit mayro’ng naramdaman
Pagbilis ng tibok di maintindihan
Parang hiyang-hiya kapag natitigan
At napapangarap sa kina-gabihan.

Ito yung panahon na ang mga damdamin
Mapusok, marubdob, at sobrang maigting
Kapag ang simbuyo ay hindi nasupil
Pait ang sa huli ang siyang kakamtin.

Isang ngiti lamang kahit di katamisan
Dala ay ligaya sa loob ng isang buwan.
Ano pa kaya kung kamay mahawakan
Kahit di sinadya, nagkataon lamang?

Ito yung panahong nagkakulay ang daigdig
Namulat ang isip, kumabog ang dibdib
Pilit nagpumiglas kuyom na pag-ibig
May dumanas ng saya, ang iba ay pait.

Sampung taon, sa hinaba ng panahon
Pag binalikan mo saya ang himaton
Kahit ang pag-ibig ay walang katugon
Sapat nang siya ay bahagi ng “ noon.”
Back to top
eme-ene
Guest





PostPosted: Mon Aug 01, 2011 9:11 pm    Post subject: admiration to bulang-gugu Reply with quote

your receny poem awakend a 71yrs.old who had the same feelings while both paete elem. and eastern laguna collage.your recent tula hopefully will inspire me to get back to old tula akdaan...thank you
Back to top
Ming a.k.a Bulanggugo
Guest





PostPosted: Tue Aug 02, 2011 6:16 am    Post subject: Sige lang Eme-ene Reply with quote

Eme-ene,

Sige lang at tayo'y mamasyal
Sa ating kahapong totoong makulay
Ang kasalukuyan habang ninanamnam
Nakalingon pa rin sa ating nakaraan.

Halimbawa na lang at napag-usapan
Uso pa ba ngayon yaong binay-anan?
Binata't dalaga nagkakakilalanan
Hanggang sa umusbong ang pag-iibigan.

O baka naman sa texting nagkakabolahan
Nagkaka-igi na kahit sandali lang
Ni hindi kilala ng mga magulang
Dumalaw ng pormal di na kailangan.

Sige lang Eme-ene......
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Aug 02, 2011 12:16 pm    Post subject: Reply with quote

Palagay ko ay uso pa rin ang binay-anan tinuran,
Pero hindi na sa kabataan na high tech ang alam,
Ang alam ko ang nag babay-anan ngayon
Ay mga may idad na nilalang.

Ito ay nangyayari pag may reunion na ginanap
Nanunumbalik ang mga nakaraan pinagdaanan,
Totoo ka Kaibigan maraming nagyayari sa binay-anan,
Usually ng 1st love na hindi malimutan.
Back to top
Taguillero
Guest





PostPosted: Mon Aug 08, 2011 4:21 pm    Post subject: Reply with quote

Magmula nang ako'y matutong mag "log-in"
Sa Usap Paete, kung ating tawagin.
Ikaw Bulanggugo, nakatawag pansin.
Ang tema at diwa ng mga tulain.

May sukat at tugma ang mga taludtod,
Puedeng ikumpara kay Sisong Kantanod *
O kay Joseng Sisiw, Corazon de Jesus
Mga tula ninyo ay kalugod-lugod!

At sa iyong mga iba-ibang "postings"
Nagpasiyang ingles ang wikang gamitin,
Para bang ikaw ay si Teodoro Locsin
Benjamin Afuang, o kaya'y Nick Joaquin.

Naalaala ko si Ruben Afuang,
"Ang Manok Kong Bulik" binigkas, mahusay.
"Ang Pasko ni Flora", Dante Pagalanan
Mayor Cadayona, ay "Huling Paalam" **

Corona Valdellon, reyna ng tulaan,
At "Ang Pagbabalik" tulang ginampanan,
Ang kanyang "Pamana" dulot, kalungkutan
Ang mga mata n'yay, hilam at luhaan.

Tuwing dumarating ang Araw ni Gat Rizal,
Mayroong programa roon sa liwasan
Matanda at bata o ang buong bayan,
Nanunuod noon na may kasiyahan


Mga Koronasyon, sikat, Tomas Caday
Aba!, Dumas Roque merong kalokohan,
Akalain mo bang, reynang puputungan
Hiniling pa niyang sana ay mahagkan.

(Mga manunuod, nangaghagikhikan!)


*Komentarista sa Taliba Dekada '60 at ang mga komentaryo ay sa tula nakasulat.

** "Huling Paalam" ni Dr. Jose Rizal
Back to top
Bulanggugo a.k.a
Guest





PostPosted: Tue Aug 09, 2011 6:25 am    Post subject: Salamat po Reply with quote

Katotong Taguillero,

Damong "makahiya" ang aking katulad
Nang iyong purihin ay tumiklop agad
Yaong kapurihan hindi ko hinangad
Tangi kong inisip damdami'y ilahad.

Magkagan'un pa man salamat katoto
Hamon at inspirasyon mga binigkas mo
Halina't sa tulaan ikaw ay sumalo
Ilahad sa balana ang sa bayang pulso.

Ming Baldemor
Back to top
eme-ene
Guest





PostPosted: Sun Sep 18, 2011 11:47 pm    Post subject: kudos-bulang-gugo Reply with quote

ngayon ko lang uli nabuksan ang mga tula at sagutan ng mga makata ng paete. bagamat matagal ng panahon ang nalagas at 48 yrs na akong nangibang bansa.para pa ring bumabatingaw ang aming balagtasan sa plasa[sina dumas roque,rodolfo baldemor at si francisco em ng siniloan ang ka-balagtasan ko. ang masakit lamang ay aayaw manuod si ama dahil ayaw mapahiya. pero pinalakas ni mr ramos ang luob ko. kaya hayon,nanginginig man ang tuhod ko ay di hanggang ngayon ay nakakaakda ako at bumabanat bumigkas kung sasaan di sa canada at america. kaya salamat sa iyo at ang tulaan ay binubuhay mo sa puso ng ating mga kabataan at kababayan eme-ene
Back to top
Bulanggugo to Eme-Ene
Guest





PostPosted: Mon Sep 19, 2011 6:26 am    Post subject: Balagtasan Reply with quote

Nang iyong banggitin itong balagtasan
Sa mga binigkas puso ko'y napukaw
Ngayong kabataan iba na ang usapan
Taglis at jejemon gamit araw-araw.

Nasaan na yaong habang nag-uusap
Ang mga mata ay nagtatamang sukat
Nangagtatawanan nang magkakaharap
Minsan inaabot nang kung ilang oras.

At kung magkalapit ang mga damdamin
Ang pagsasama ay tunay na malalim
Pagkakaibigan o tanging pagtingin
Ang kabilang buhay ay kayang marating.

Ngayon ay tingnan mo kahit magkalapit
Bai ay pagmasdan at ang gamit at "text"
Ayaw nang mag-usap ang gusto ay "high tech"
Sa halip na sa iyo, sa "cell phone" nakatitig.

Pormal na pagligaw ay wala na yata
Wala na ring torpe na urong ang dila
Ang hawak ay "cell phone" at "text" maya't-maya
At nagkaka-ayos dalaga't binata.

Haaay nakuuuuuuuuuuu!!!!!!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group