PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

BALAGTASAN SA PAETE......PANGALAWANG SAGUPAAN
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
BULANGGUGO.....
Guest





PostPosted: Mon Oct 31, 2011 9:28 am    Post subject: BALAGTASAN SA PAETE......PANGALAWANG SAGUPAAN Reply with quote

Listo si Ka Ruben sa nais talakayin
Ang pluma niyang hawak ayaw palamigin
Malapit sa puso nais na paksain
Kahit sinong kalaban ay sasagupain........

Teka muna mga katoto at ating linawin
Bago mambabasa tayo ay usigin
Bato-bato sa langit pasintabi namin
Kung mayroong tutol NGAYON AY PIGILIN!

Ang Tema:

OFW-MAY ASAWA AT ANAK
LUMAYO SA PAMILYA UPANG MAGHANAPBUHAY (SA IBANG BANSA)
MAPAG-ARAL ANG (MGA) ANAK
NAIS GUMINHAWA ANG BUHAY

VS.

KAYOD AT HIRAP SA SARILING BANSA
MAGKAKASAMA ANG PAMILYA
IGAGAPANG ANG PAGPAPA-ARAL NG (MGA) ANAK
NAIS DING GUMINHAWA ANG BUHAY

Ang akin lang nais at aking paanyaya
Kayo na sasali ay magpahayag na
Panig ka ba sa OFW o KONTRA?
Magbigay ng maikling unang "patutsada."

Tinatawagan ko si Katotong Lakay
Upang sa tulaan ika'w umalalay
Isang Lakandiwa kailangang tunay
Upang ang respeto laging ipamalay.

MAGSALITA PO YUNG IBIG PUMIGIL SA PAKSAIN AT AMING PUPUTULIN!
Back to top
Kulapo
Guest





PostPosted: Mon Oct 31, 2011 11:39 am    Post subject: Reply with quote

Bagong Paksang tatalakayin, umpisahan at banatin
Kontra ka ba o sang-ayon din, kabuhayang napipinpin
Malayo man o malapit din, sa pamilya mong ginigiliw
Ibayong dagat man o sa Payti pa rin

Kung sa hirap ay namulat ka't sa pagkain ay nagsasalat pa
Sikmura mong humahapdi, nag-aaway sa t'wit'wina
Kung dumating ang sandaling kapalara'y lumapit na
Tatanggihan mo ba ito, o pipilii'y huwag muna?

Sang-ayon ako sa paglayo kung kabuhaya'y mababago
sa isangtabi muna pagsinta ko't ang bayan ko
Hirap na nilakha'y iwawaglit, tatalikdan ang hinampo
Haharapin ang hirap man, lungkot' pait sa utak ko

Datapua't mayro'ng bagay na nais kong bigyang diin
Ang kundisyong iiwana'y maingat na pipiliin
Kung puri't dangal ang kapalit, hindi naman igiit
lalu pa nga't sa Payti ay palasak din ang mga kabit

Lalayu ka ba kung sinta mo'y iba naman ang kasuyo
Habang ikaw nama'y gumagaod, kapiling ay piping puso?
Ginhawa bay tutumbasan ng sandamukal na pupo
Na ibubuhos sa dangal mo ng balasubas na si Toto?
Back to top
BULANGGUGO....
Guest





PostPosted: Mon Oct 31, 2011 1:07 pm    Post subject: PAHIWATIG KAY KULAPO Reply with quote

Maganda ang panimula sa ating tulaan
Magkabilang panig medyo dinaanan
Ang akin lang munting kahilingan
Palayaw or pangalan ay ating iwasan......halimbawa Toto.

Sa ating panuntunan ay maging totoo
Upang huwag matakot ang babasa nito
Ang mga pasaring pangkalahatan ang tono
Walang 'tinuturo, walang sini-sino.

Kaya Toto Kulapo ikaw ay magtuloy
Ang sa ganang akin ay hindi pagtutol
Bagkus paalaala't pag-iwas mauntol
Kung may mag-akalang siyang tinutukoy.....
Back to top
Kulapo
Guest





PostPosted: Mon Oct 31, 2011 2:07 pm    Post subject: Reply with quote

Kay Kaka Bartolome ako'y humihingi,
ng paumanhin sa pagbanggit nitong ngalang iniiwi
Walang tiyak na tukuyin pawang guni guni
kaya madlang tao'y isa namang pasintabi

Kung meron mang tumutugon sa palayaw na nabanggit
patutsada lamang ito, huwag sanang ikagalit
Hindi ikaw ang taong yon, kundi isang panaginip
sa larangan ng tulai'y bigla 'kamong sumingit.

Kaya kaka, ang hiling ko'y wala sanang masasaling
pagkat sabi mu nga'y kata laang tunay namang nag-aaliw
Palitan ng kuro-kuro't mga diwang sakdal lalim
siling pagka-anghang h'wag sanang mamasamain
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Oct 31, 2011 4:32 pm    Post subject: Reply with quote

Simula na naman ng balitaktakan sa ating forum na sadyang kay inam
Nais ko munang bigyan ng daan ang bayan kong minamahal
Unawain mga salitang bibitawan matamis man o maanghang
Saan nga ba iyong pinagmulan ito ay alamin na natin hirang

Isang maliit na dampa ang bayan ay nais ikinumpara
Kay ganda ng hugis iiwanan nga ba kita sinta
Bilang isang ama ng tahanang kay sigla at kay ganda
Paano pagyayamanin ang dampang pugad ng masayahing pamilya

Ang bayan kong ito kung titingnan mo sa mapa
Luntiang berde at asul ang paligid nya
Halumig-mig ng hangin kay sarap sa umaga
Pagsilay ng araw ay dampi ng mapagmahal mong inang sinta

Paligid moy puno ng ibat ibang bunga
Mga nilalang sa lawa malulusog at nanghahalina
Ngunit sa pagdami ng mga supling nila
Ang lahat ng ito hindi sapat kung walang sistema

Bato bato sa langit ang matamaan po ay wag sanang magagalit
Ang usapin pong ito ay lubhang masalimoot at mapait
Si ama ay syang damay sa problema na kay lupit
Bakit mga anak mo ay iniiwan ka nilang pilit na pilit

OFW din po ako....Kontra OFW
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Eme-ene
Guest





PostPosted: Mon Oct 31, 2011 7:46 pm    Post subject: Huwag paalisin ang ating mga mahal sa buhay Reply with quote

Naunahan ako ng ilang ginoo,
Pumili ng paksang pagtataluhan dito,
Bagama't isa akong maagang lumayo,
Iniwan ang bayang mahal na mahal ko.

Matapos maisip,matapos matanto,
Ito palang pulotong sa OFW ay pobor,
Natitira ngyon;paksang ipagtatangol
Ama,Ina at iba pang sinusuyo.

Yamang ang namasdan nitong inyong lingkod;
Ina,Ama,asawa,at kapatid,dine ay di lingid,
nagsanla ng kabuhayan, nais lamang umalis,
Makarating.magtrabaho,ginhawa ang panaginip.

Kaya pagpipilitan ko,sa inyo ay ilahad,
Mga paghihirap,sakripisyo nitong abang nagsilipad,
Magulang,anak,ina o'asawang nililiyag,
Ipagtatangol samakatuwid,paglipad ay sanggahan.


[ang lagay po ay nagpipilit laang itong walang katiyakan]
Back to top
guest/rey bagalso
Guest





PostPosted: Tue Nov 01, 2011 1:38 am    Post subject: Reply with quote

Paslit na isipan,malayo ang tinatanaw.
Sa kabilang dagat, berde daw ang damuhan.
Tahimik ang paligid,gutom ay di alam.
Salapi'y madaling kitain, masipag ka lamang.

Iyan ang pinapangarap habang lumalaki sa del pilar.
Pangarap na marating ang berdeng halamanan.
Sa tulong ng maykapal at siguro'y kapalaran.
Narating ang lugar na ina asam asam.

Marami sa ating mga kababayan.
Nagkaroon ng pagkakataon, makatawid sa karagatan.
Sa puso'y nakatanim, bilin ng magulang.
Humayo ka, hanapin ang magandang ikabubuhay.

Tandang tanda ko pa noon ng magsimulang lumikas.
Mga kabataan, sa US Navy nakalampas.
Dito nagsimula matupad ang pangarap.
Nakarating sa berdeng halamanan, Amerika ang tawag.

Ang pasakalye kong ito Ka Ruben at Bulanggugo.
Para iparating sa kokontra ang hirit.
Sa mga sakripisyung, nilunok pati pait.
Sa aking dinanas, sa OFW ako papanig.
Back to top
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Tue Nov 01, 2011 7:34 am    Post subject: PANIG SA OFW Reply with quote

Amang lawin ay umalis paimbulog sa kalawakan
Ang pangako'y babalik rin sa mag inang naghihintay
Kailangang lumayo muna sa isang kasunduan
Katapatan sa isa't isa hanggang sila ay may buhay

Ang paglayo ay may pakay dala ng pangarap
Buhay na maligaya at ang anak may hinaharap
Nasa sariling bayan nga at di umaalis sa pugad
Bilanggo ng karuwagan sa mga magaganap

Matagal pinag isipan ng magkasuyong ibon
Sino ang maghahanap ng liwanag sa dako roon
Amang buo ang dibdib harangan man ng kanyon
Ang pangarap at kinabukasan ay di maglalaon

Isang gabing kabilugan handa na si ama
Nagbasta na ng damit at niyakap ang pamilya
Pag bubukang liwayway ako'y yayaon na
Hintayin ninyo ako dalawang taon ang kontrata

Sa mainit na gitnang silangan siya naparoon
Konstruksyon ng mga gusali ang trabaho ay piyon
Ang matalbag na katawan maliksi pa sa lion
Gustong gusto ng mga amo itong mga pinoy
Back to top
Bibiruth
Guest





PostPosted: Tue Nov 01, 2011 1:32 pm    Post subject: Reply with quote

Mula pag kabata pangarap ay mag lakbay
Sa malayong lugar na green pasture ang hanap
Parang lang makaraos sa hirap sa sariling bayan,
Nakakahiya man aminin,yon pa rin ang pakay.

Nag aral ng mabuti,para pangarap ay matupad
Nang masagip ang mahal sa buhay sa hirap
Hindi madali itong pagsubok na hinarap
Gagawin ang lahat , makaraos lang sa hirap na dinanas.

Sa tono ang usap ko ay pabor sa OFW
Dahil wala ako makita sa bayan ko maging progresso,
Mahirap maiwan ang mahal sa buhay ko
Sakripisyo talaga ang umiiral dito.

Nang malaman ni Amat' Ina ako ay lilisan,
Papuntang Amerika na may magandang pakay,
Green Pasture at may magandang oportunidad
daw doon sa pupuntahan.
Buong pamilya ganon na lang ang kaligayahan.

Parang tumama sa sweeptakes ng malaman ng kapamilya
Na ang bunso anak ay lilisan para guminhawa
Isang jeep ang naghatid sa airport sa Manila
Para ihatid ang sinuwerteng member ng pamilya.

Sabi nina Kaka ng ang eroplano ay lumipad na,
Luha sa mga mata ng mga magulang ,hindi mapagkaila.
Para bang hindi na uuwi sa bayan sinisinta,
Si bunso na sinuwerte, na malalayo sa kanila.

Bali marami ng taon ang mga nakalipas
Wala akong masabi sa suwerteng tinanggap
Nakatulong din naman ako sa mga mahal na iniwan,
Salamat Panginoon ko sa biyayang inilagak.
Back to top
guest/rey bagalso
Guest





PostPosted: Wed Nov 02, 2011 8:28 am    Post subject: Reply with quote

Katotong Bulangugo,medyo yata nag iisip.
Hindi malaman kung saan papanig.
Bayaan mong tulungan ka,para mabuo ang isip.
Kumontra ka na, para may katulong sila.

Mahirap pumanig sa hindi OFW.
Dahil pambihira ang tagumpay nilang kwento.
Tunay na teleserye pag silay umasenso.
Headline sa Balita,buong bansa respeto.

Kaya toto Ming, kung ikaw ay nalilito.
Sumerender ka na,OFW panigan mo.
Magsalaysay na lang ng iyong kuwento.
Dinanas na hirap dito(USA) ay nainkwentro.

hayaan mot mag iisip para sa kabilang panig....hihihihi.
Back to top
BULANGGUGO..........
Guest





PostPosted: Wed Nov 02, 2011 1:01 pm    Post subject: TEKA MUNA..........AT ATING LINAWIN Reply with quote

Mga makatang katoto halata ang sigla
Ang napiling panig ang aking pangamba
Mukhang talambuhay, totoong istorya
Pakikipagsapalarang sa hirap nag-umpisa.

Kapagka ganito ang takbo ng tema
Baka “telesrye” ay madiskubre ka
At mapanood sa MMK kumbaga
Hindi na rin masama kung magkakapera…..hahahahaha!

Hayaang linawin paksang hahatawin
Bago humagibis kayo’y aakayin
Bagting na gitara ay itono natin
Upang ang harana’y isa lang ang tugtugin.

“KAILANGAN BANG IWANAN NG AMA O INA ANG KANYANG PAMILYA
SA PAGHAHANAPBUHAY SA LABAS NG BANSA KUNG KAPALIT NITO AY PAGKAKAHIWALAY, SA ASAWA AT (MGA) ANAK?”

Sariling talambuhay sandaling iwaksi
Sikaping limiin masama’t mabuti
Sa ating paligid maraming pangyayari
May ikakahiya ka’t may ipagkakapuri.


Ang ganang sa akin at pangangatwiranan
Ang iyong mag-anak di dapat iwanan
Panahong magkawalay di mababayaran
Ng kitang salaping iyong makakamtan.

Naroroon ka ba nang siya’y isilang?
Pumalakpak ka ba sa una nyang hakbang?
Umalalay ka rin ba nang siya’y binyagan?
At nang siya’y maysakit iyo bang nahagkan?

Dudugtungan..
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Nov 02, 2011 11:31 pm    Post subject: Reply with quote

Pasensya na po katungali medyo ako'y natagalan
Na sumagot dito sa paksang inayunan
Medyo natatameme sa dami ng kalaban
Lahat kayoy pabor sa OFW kabayang minamahal

Ako po ay naghihintay ng magiging kakampi
Sa paksang ito mahirap ang nagiisa ay madaling magagapi
Kaya nasaan na ang kotra OFW huwag ka ng umalis
Sa bayan na lang natin gawin ang mga plano at ninanais

Hintayin lang po nyo ang aking kasagutan
Kung bakit ako ay kontra ang bayan ay ating iwan
Nagiipon lang ng lakas at liwanag ng isipan
Upang masabayan ang magaganda ninyong mga tinuran
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
BULANGGUGO.............
Guest





PostPosted: Thu Nov 03, 2011 6:00 am    Post subject: REY...HINDI AKO SUMUSUKO SA LABAN........LOL Reply with quote

Sa panig na pinili ako’y naninimdim
Parang sumasalungat sa ihip ng hangin
Isang kalakaran sa buong bansa natin
Dugo sa ekonomiya ang siyang kahambing.

Milyon-miyong kalahi kamit ay biyaya
Sa mga mahihirap pamatid ng luha
Pagkain sa kumakalam na sikmura
Daan patungo sa dakilang adhika.

Kaya ang punto ko tunay na dehado
Kaharap ay lampaso sa katunggali ko
Magkaganun pa man lalaban nang husto
Ang kabila ng PISO makita rin ninyo.

Hindi ba’t kaya nga kayo nagpakasal
Ay upang magsama na panghabang-buhay?
Bakit kailangang iwanan ang mahal
Malamig, madilim ang kinagabihan.

Kung ika’y masikap at may kasipagan
Pilit na aangat ang iyong kabuhayan
Kung kayong dalawa ay magtutulungan
Mga pangarap nyo mayro’ng hahantungan.

May kilala ako , may kilala rin kayo
Matapos ang pulot-gata mabilis humayo
Doon sa Middle-East kamo nagtrabaho
Para sa kinabukasan, “pangakong totoo.”

Asawa, magulang, kapatid, kapitbahay
Naghatid sa NAIA isang jeep ang alalay
Sa saya, sa ingay, hindi magkamayaw
Ngunit pagtalilis mo ikaw ay luhaan.

Kung ang kontrata mo’y laging 2 taon
Sa iyong pag-uwi 1 b’wang bakasyon
Kung iyong kwentahin sa loob ng 10 taon
Limang b’wan pa lang kayong magkasuong.

Kung “nakabuo” ka sa tuwing uuwi
Sa paglilihi, pagbubuntis di ka nakihati
Pagbili ng manggang hilaw, o duhat na puti
Hindi mo nakitang asawa mo ay mangiti.

UMPISA PA LANG ITO.......MGA KAKAMPI SUMAWSAW NA KAYO!!
Back to top
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Thu Nov 03, 2011 9:20 am    Post subject: PANIG SA MAGKALAYO MUNA Reply with quote

Ang buhay ng tao at gulong ng palad
Masangga't manag uli pag tao ay tamad
Pag gustong ang pamilya ay maging maunlad
Sumama ka sa cruise at ang gulong ay uusad

Noong araw ang ating bayan ay sagana
Malakas ang bakya, ukit at pagtataka
Dumating ang gomang sipit talo ang bakya
Ang ukit naman unti unti ring nawala

Ang malaking dahilan ng pagppapa-ukit
Kahoy ay nagmahal at pagdating di marikit
Malayo na ang kaon sa Bikol na namimingwit
Dadaanang check points buwayang kabit kabit

At dapat kumain ang ating mga mahal
Maraming nangarap ng ibang kalakal
Ang gulong ng palad lalong bumabagal
Magtrabaho sa malayo mga anak mag aaral

Mag sing-irog na magkalayo isang sakripisyo
Tibay nang dibdib at liwanag ng huwesyo
Kailangang taimtim ang dasal na ilayo sa tukso
Ang babaeng gustong palawitan ng demonyo

Ang munti kong payo sa aking mga kababayan
Sumabay sa agos at huwag maiwan sa pansitan
Sana ang swerte ni Pedro ay swerte ni Juan
Pag masipag kapuwa pareho ang patak ng ulan

Ang swerte raw minsan lamang kung kumatok
Kung may puwang na mag abroad ikaw ay pumasok
Subukan mo at ang kalan laging may umuusok
Walang gutom ang pamilya puno lagi ang buksok.

Ilang porsyento kaya ang kabayang nagtagumpay
Gawin nating sukatan magagandang mga bahay
Kahit saan diyan sa atin kasama ang sulok na sinsay
Ako ay hanga at nagpapasalamat .. tulo pati laway
Back to top
BULANGGUGO........PAHABOL
Guest





PostPosted: Thu Nov 03, 2011 1:24 pm    Post subject: PASAKALYE PA LANG ITO MGA KATOTO Reply with quote

Ano bang sukatan ng tunay na ligaya
Malaking bahay ba at kamal na pera?
Magarang sasakyan, gamit na maganda
Alahas at “appliance” di na mabilang pa?

Sa akin ang bahay ay hindi “tahanan”
Ang katulad nito ay isang bastagan
Nakatira dito ang iyong pagmasdan
May pagkakaisa ba at pagmamahalan?

Matapos ang iyong maghapong trabaho
Dumadalas ba ang kabog ng dibdib mo?
Dahil makikita, sasalubong sa iyo
Mahal na asawa at ang inyong bunso?

O ika’y atubili sa iyong pag-uwi
At sa pag-iisa ika’w nahihikbi
Paano’y wala roon ang pinakamimithi
Na sa iyong pagod dagliang pumapawi.

Ang binaong “album” iyong bubuklatin
At sa iyong dibdib mahigpit yayakapin
Kahapong lumipas aalalahanin
Ang sa pusong lungkot lalong umiigting.

Ganoon di siya na iyong iniwan
Laging binabalot nitong kalungkutan
Nakakabagot bawat araw na dumaan
At panaginip ka sa kinagabihan.

Habang lumalaon nakakayang bat’hin
Ang pait sa puso, hinaing ng damdamin
Magkanun pa man parehong uhaw pa rin
Katulad ng tigang na mga lupain.

Kahit daw ang kahoy ay babad sa tubig
Kapag “nainitan” pilit magdidikit.
Ang tao pa kayang uhaw sa pag-ibig
Tulad ng halamang hindi nadidilig?

Ikaw na napadpad sa kabilang ibayo
Sa umpisa lamang ang kalungkutan mo
Bagong kaibigang makakahalubilo
May makakabilang na tunay na tukso.

Kung ang kalagayan ninyo ay pareho
Magkakahingahan nitong mga kwento
Una’y barkadahan, kapwa Filipino
Ngunit sa katagalan dalawa na lang kayo.

Dati ikaw ay kahoy na sa tubig ay nakababad
Unti-unti nadadarang sa panahong lumalakad
Nakatagpo ng gamot ang puso mong may sugat
Damdamin mong dati’y lungkot bakit ngayon nagagalak?

O TUKSO……LAYUAN MO AKO…….( MAY KARUGTONG)
Back to top
Eme-Ene
Guest





PostPosted: Thu Nov 03, 2011 3:12 pm    Post subject: Huwag paalisin ang ating mga mahal sa buhay Reply with quote

Ang mga isinasaad ng karamihan ninyo,
Parang sa salamin, nakikita ko ako,
Ginhawa ng magulang,mga 'otol mapatapos,
Pagpunta sa Philadelpia naging kalunasan.

Ang mga sagabal dala ng kahirapan,
Kay daling gamutin ng perang dolyar,
Kaligayahan na 'ng tumanggap ng balita,
Okey daw silla at malayo sa disgrasya.

Yaon ay Noon......

Sabado de gloria.....abril4 nang taong 1963 ng ak'lumipad,
Luhaan si Ina'tmarami'ng naghatid,
Masama ang luob kot kalungkutan'ydi malimut
Itinuon ko sa trabaho,sakit ay magamut.

Ang tatalakayin ko sa paksang pinapanigan,
Ay tunay na buhay ng matalik na kaibigan,
Mapait na karanasang kanyang pinagsisisihan,
bung nang kanyang pangingibang bayan.

Sa Saudi nagpunta matapos masesante sa maynila
Trabaho nilang magasawa biglang iglap na naparam,
Dahil siya'y nars madaling,natanggap,at nakalisan,
Nakibaka,nakipagsapalaran,lungkot pinagtiisan.

Dalawa niyang anak nakatapos sa pamantasan
Nakapunta sa Amerika duon sila namasukan;
Subali't,bunsong anak na naiwan dahilang siya'y sanggol
Pinagsamantalahan ng kamaganak kawawang kalalagayan.

Ang malungkotpa po nito,Mr napinasusunod,
Sa ibang pugad na pala,siya'y nagmumukmuk.
Iniwan niyang pugad,nawasak ,panaginip di mahayon
Kaibiga'y nang himatay sa sama ng loob.
Back to top
BULANGGUGO....
Guest





PostPosted: Fri Nov 04, 2011 1:38 pm    Post subject: SIGE LANG ..........MAGPAPANG-ABOT DIN TAYO Reply with quote

Ang bilis ng araw kahambing ay kidlat
Mga panahon mong nawawala sa isang iglap
Sa piling ng pamilya panahong nararapat
Pagdaan ng mga araw ang damdami’y lilipas.

Naiwang asawa ngayo’y bihasa na
Hindi ka na hinahanap kahit gumabi pa
Ang uhaw na puso nagagamot pala
Sa barkada’t “shopping” libang na libang na.

Minsan tumawag ka, “Di kita maintindihan.”
Ang pangungumusta mo di maunawaan.
Ibulong mong nagpadala ka, tanong agad ay “kailan?”
Kung bakit ba pagka pera malinaw ang usapan……..hehehehe

Ikaw naman unti-unting sa abroad ay nawiwili
Hindi ka na nalulungkot sa pagsapit nitong gabi
Ang album na dati’y yakap naroon sa isang tabi
Masusulatan ng daliri sa alikabok at dumi……hehehehehe

Paano nga’y mayroon nang nagpapatahip niyong dibdib
Dating hindi napapansin ngayon panay ang ‘yong titig
Kapwa ninyo pusong uhaw nadadarang na sa init
Umuusbong sa dibdib nyo isang bagong pag-ibig.

Durugtungan……. Inihahanay ko lang muna bago yung tumbok!
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Nov 05, 2011 7:36 am    Post subject: Reply with quote

Sintang mahal ay iniwan ofw bayan ay nausuhan
Mga magagaling na manggagawa matalino at matiyaga
Ibang bansa'ng gumagamit sa kakayahan ng kamay na pinagpala
Doon daw ay sapat ang ibinabayad sa dugo luha pawis at patitika

Sa bayang pinuntahan tinitiis lahat ng bawal
Bawal tumingin o lumingon sa mga kababaihan
Bawal uminom bawal din ang pag susugal
Habag sa sarili tiis na lang lahat para sa iyo ito mahal

Noong lisanin mo ang bayan puno ng pag-asa at pangarap
Konting pagtitiis at ito raw lahat pasasaan at matutupad
Baon ang lakas ng loob galing sa asawa at mga anak
Sa dibdib ang bigat at sakit ay pagtitiisan na lang lahat

Pagtungo sa sasadlakan mainit na lugar ng disyerto
Makikihalubilo sa mababahong amoy buriko at kamelyo
Pagtitiisan lahat nakakasulasok amoy nilang ito
Tangapin buong puso sa dalawang taon ay pareho na rin kayo

Sa unang pag-uwi ay bakasyon gradeng bwenamano
Isang punong jeep ang sa aiport ay sasalubong doon sa iyo
Humanda ka sa mga kaibigan kamag-anak at mga barkada mo
Simangot ang aabutin kung walang dalang bigay na regalo

Kamag-anak kaibigan at mga dating kausluan
Sagana ka pa unang lingo kayat sila ay iyong binangkaan
Pangalawa at pangatlong lingo abay tingnan hanap na ay sanglaan
Mga bagong kagamitan ubos din, ibinebenta ito kahit mura na lang

Ito na karaniwan pag balik sa five six ay kautang pa
Sa buhay na pinili magtrabaho at malayo sa pamilya
Kaya't palaging nasa isip sa pagtulog at pag iisa
Pangarap ba ay mabubuo o guguho lang ito sinta
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
kabesang tales
Guest





PostPosted: Sun Nov 06, 2011 3:35 pm    Post subject: makikisingit Reply with quote

tila yata iisa lamang ang ibinibigay na katuwiran ng mga manunula kung bakit hindi dapat mag-abroad: baka makaliwa. sana po ay mag-bigay din ng mga datus o katibayan sa mga babanggiting pangyayari. salamat po.
Back to top
BULANGGUGO........
Guest





PostPosted: Mon Nov 07, 2011 8:06 am    Post subject: KABESAND TALES.......SAMAHAN MO KAMI Reply with quote

Si Kabesang Tales mukhang naiinip
At sa mga datos ay gustong humirit
Di mo ba napansin sa mga binanggit
Hindi “kaliwaan” lang ang iginigiit.

Ang alam ko sa “datos” ay mga numero
At mga kasulatan na may patotoo
Hindi kailangan ang mga ganito
Nagkalat sa paligid ang usapang ito.

Ang tulaang ito bagama’t katuwaan
Ay napakalapit sa katotohanan
Mga kuru-kuro ay nagpapalitan
At baka sakaling buti’y kapulutan.

Inaanyayahan ko na ika’y sumali
Sa kat’wiranan ay buksan ang sarili
Mas maraming kasali ang dala ay buti
Pananaw mo sa buhay iyong ibahagi.
Back to top
Pilosopong Tasyo
Guest





PostPosted: Mon Nov 07, 2011 2:14 pm    Post subject: Balagtasan Reply with quote

Ang "Balagtasan" po ay isang sining o arte na bahagi ng litiratura o panitikan. Ito po ay maaaring ihalintulad sa isang "moro-moro" o "sarsuela" noong araw. Ang balagtasan po ay isang libangan lamang.

Ito po ay palitan ng katuwiran sa pamamagitan ng tulaan at pagandahan ng pagbigkas. Hindi po kailangan dito ang "datum" o "data" at "prueba". Tulad ng nabanggit sa itaas, ito'y isang libangan
lamang. May mga makata nga po na tumutula pa ng kabulastugan o katatawanan upang ang manonood ay malibang.

Kaya nga ang bilin ni Ming kahit "fictitious" name ay huwag babanggit
ang mga manunula at baka "makasagasa".
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Nov 08, 2011 12:12 am    Post subject: Reply with quote

Si Kabesang Tales ay may hinahanap
sa mga tula na ating inilalahad
Hindi maabot ng ating mga sangkap
hindi sya masiyahan sa paksang tinatahak

Nais na imungkahi ito ay anghangan
nang masiyahan ang matang lumalamlam
Huwag sana akong kasuklaman
sa aking mga salitang kathang isip lang

Sa aking pag iisip bakit nga ba nangyari
sa ating bayan OFW ay lubhang kay dami
Tayo bang mga Pilipino ganito na lang palagi,
Isa sa ikinabubuhay pagtatrabaho sa bansa ng ibang lipi

Matataas na pamantasan sa kursong nyang inasam
meron bang trabahong sa kanya ay nakaabang?
Kay haba ng pila sa oportunidad na i-isa
Pangungusta ng ina luha ang pasalubong sa kanya

Biyayang likas na kayamanan
puno ng uwido at masigasig na kababayan
Dangat hindi naalagaan pinagyaman ng mga sa bayan ay may tangan
Weder weder lang katwiran linta sa kaban ng ating bayan

Sana ay magbago kasalukuyan nating daan,
gulong ng buhay umikot paakyat para sa karamihan
Maraming problema kailangan ito ay sulusyunan
Subalit di yata kaya o hindi na alintana

Sa dampang kay ganda doon ay naglipana
Mga buwayang walang kabusugan sa tanan ngayon ang kasa-kasama
Ang dampa ay talaksan nagkalat na sa kadawagan
Kulang sa pangangailangan mga bantay na tapat sa lipunan

Kailangan maalagaan mga turista at mga dayuhan
Sila ay may dalang yaman para sa dampa maiayos at ang kapaligiran
Ito ay kuro kuro ko lang kung bakit kontra sa kasalukuyan
Sana bayan natin ay ayusin na ng totoong makatao sa lipunan

Palakasin ang hukbong sandatahan
pondohan at bigyan ng maayos na tirahan
Silang magtatangol magbabantay sa bayan
at mga tao ay tapat na paglilingkuran

Bayan ay bagsakan ng mga mamahaling produktong mga dayuhan
Kapalit ng ating pinya saging at mga produkto na pawang mura lang
Imbestor mandin ay paboran, trapiko ayusin at dagdagan ng daan
Mga nagtapos huwag pabayaan, trabaho sa kanila nararapat ay may nakalaan

Sana ang sintang bayan kung sapat ang kaayusan
Hindi na ito lilisanin bagkus ay sa atin na lang
OFW kung tawagin ay bayani kapag may tanghalan
Mapait na katotohanan kami sa kasalukuyan , produkto pang eksport nitong bayan

Ako po ay patawarin at unawain na lamang
Sa tula kong ito sa OFW ay may kaugnayan
Kung maunlad nga ba ang ating bayan siguro po ay konti lang
At mataas ang sweldo kung talagang sa ibayo ikaw ay kailangan
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 130
Location: Teody Alberto

PostPosted: Tue Nov 08, 2011 1:21 am    Post subject: Kulapo Reply with quote

Si katotong Winston ay may tinutumbok
Sa kanyang tinuran dito sa ating tumpok
Kung sa ating bayan sana'y mayroong rurok
Ng lubos na tagumpay, di na sana pumalaot

Ibong pagod na sa pagkampay nitong bagwis
Wangis nitong kababayang tagaktak na ang pawis
Busog man ang tiyan, ngunit dangal nama'y palis
Aanhin itong yaman, kung dangal ang kapalit?

Mapait na larawan nitong ating bayan
Dag-is ng kurakot, hagupit sa lipunan
Sandaling lumaya sa mga dayuhan
Sakmal naman tayo, ng pagka-gahaman

Sinta kong irog, ina kong bayan
Hanggang kailan ka pa, lalayang tuluyan?
Malagot ang sangwil, kumawalang tunay
Sa pagkadayukdok nitong kahirapan.

Sisilay pa kaya ang samong liwanag?
Sa dako pa roon ng silangang dagat
Perlas ang wangis mo na hinimas himas
Luhang tiniis mo sa nabuong hiyas.

Sa pagdapit hapon nitong abang buhay
Ang mata'y pipikit na may agam-agam
Masisilip kaya ang bukang liwayway
Nang bagong umaga sa sinta kong bayan?
Back to top
View user's profile Send private message
BULANGGUGO...........
Guest





PostPosted: Tue Nov 08, 2011 7:47 am    Post subject: kARUGTONG NG SINIMULAN... Reply with quote

Magkakaiba raw ang swerte raw ng tao
Kaya nga’t ugali ay di parepareho
Katulad din iyan ng pagtatrabaho
Lalo sa pampang ng kabilang ibayo.

May mga pag-aaring nagkasanla-sanla
Upang makarating lamang sa ibang bansa
Inabot ng malas nang sa “airport” bumaba
Ay pinabalik na’t ang kontrata’y “bokya.”

Kaya sa halip na gumanda ang buhay
Sa pagkakautang ay nakagulapay
Mayroon iniwang ng pinakamamahal
At hindi nakaya ang imbing kahirapan.

Mayroon din naman na kinakasihan
Magandang trabaho ang pinag-abutan
Ang mga pangakong kanyang binitiwan
Sa kanyang pamilya naisakatuparan.

Ang sa ganang akin ang pagkakalayo
Di matutumbasan ng ano mang luho
Ang lungkot na laging nakakalaguyo
Hindi magagamot ng malayong puso.

May lagnat mong anak hindi ka malambing
Madama ang ‘yong pisngi sa noong mainit
Hihipan ang lugaw upang medyo lumamig
Tulungang kumain sa panlasang mapait.

Sa kanyang paglalaro at daliri’y nasugatan
Naroroon ka ba upang ito ay hipan?
At noong minsan siya’y nabukulan
Naroon ka rin ba upang siya’y tumahan?

Sa madaling sabi, ang ibig kong sabihin
Ang mga panahong hindi ka kapiling
Walang alaalang sa puso’y natatanim
Na pwedeng balikan sa pagtanda natin.
Back to top
BULANGGUGO...........
Guest





PostPosted: Tue Nov 08, 2011 3:47 pm    Post subject: KARUGTONG..... Reply with quote

Kahambing ay buto ng isang pag-ibig
Matapos itanim ito’y dinidilig
Minsa’y ‘kinukubli sa matinding init
Upang di malanta’t sa bunga ay mahitik.

Naroong hukayin ang mga paligid
Upang ang mga ugat ay hindi maipit
May mga pataba na isinisingit
Tulong sa pagsigla at paglagong pilit.

Kung may mga ligaw na damong sumakal
O may mga hayop o kulisap na kaaway
Kagyat na kikilos sa init ng araw
Papatayin mo silang walang pakundangan.

At sa bawat araw, panahong lumipas
Malalagong sanga ay iyong namalas
Sa ihip ni Amihan mga ito’y papagaspas
Umaawit na ibon sa sanga'y palipat-lipat.

Matapos mamulaklak ay biglang susulpot
Bungang hinihintay na nakakalugod
Puso’y umaapaw, pawi na ang pagod
At nagpapasalamat sa Ama nating Diyos.

Kahalintulad ito ng pag-aasawa
Magkatugmang damdamin ngayon pinag-isa
May pangakong magsasama sa hirap at ginhawa
Pagyamanin ang pag-ibig sa puso ng isa’t-isa.

Hindi ko tinatawaran ang dakila mong layunin
Ang mahal na sinisinta iyo munang lilisanin
Mailap na hanapbuhay sa ibayo mo hahanapin
Mauudlot ang pag-ibig na dapat ay pagyamanin……

Durugtungan….
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group