PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Klasmayts 80-84 Unang Taon Pagkakatatag

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Jan 08, 2012 4:03 am    Post subject: Klasmayts 80-84 Unang Taon Pagkakatatag Reply with quote

Ako ay bumabati sa unang taon mong kaarawan
Nitong pagkakatatag sa isang maganda nyong samahan
Lumipas na taon ay punong puno ng kasiyahan
Mga proyektong kinatha ay saksi ninyong nagampanan

Noong tayo ay magtapos sa ating pagaaral
Pangakong sinumpaan sa sarili ito ay iiral
Maglingkod sa bayan at sa kapwa nating mahal
At higit sa lahat sa bathalang sa atin lahat ay nagluwal

Sa inyong mga minimithi at mga sinimulan
Ay kaisa nyo ako sa aking maliit na kakayahan
Malayo man ay handa ako na kayo ay damayan
Lalo na kung ang ambag ko kayo ay aking kwentohan

Sa mga larawan at sa inyong mga naging katuwaan
Doon sa facebook nakalathala at naging pahayagan
Wari ay iyan dapat palagi maging buhay at kalagayan
Upang kahit minsan malimutan hirap ng buhay sa kasalukuyan

Sa tinatahak nitong inyong nagiging landasin
Klasmayts 80 -84 maganda ang mga adhikain
Ito ay tatatak sa mahal na munting bayan natin
Ang pagtulong sa kapwa di kayang bayaran at hindi mamaliitin

Sa magagandang gawain ay parang isang puno
Yayabong at mamumunga at sa dilig ito ay lalago
Doon sa kabihasnan ay saksihan ang bawat mga tagpo
Bagyo man o delubyo itoy hindi kayang maigupo

Sana nga aking hiling ay taon taon ay itawid
Bawat pagsubok sa buhay mga kapuso kapamilya at kapatid
Samasamang itaguyod samahang sinimulan na may munting hatid
Mabuhay ka Klasmayts 80 84 bagtasin ang sa puso mo ay ipinipintig
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group