PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

DAPAT BANG IBALIK ANG PARUSANG KAMATAYAN ?????

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
BULANGGUGO.........
Guest





PostPosted: Wed Nov 23, 2011 7:22 am    Post subject: DAPAT BANG IBALIK ANG PARUSANG KAMATAYAN ????? Reply with quote

Dahil sa damdamin na nagpupumiglas
Ang nasasa-puso ay 'binubulalas
Hindi na makahintay itakda ang oras
At mula ka Ka Ruben sa atin iatas.

Kaya di napigil na ngayo'y ibando
Ipangalandakan ang nasa loob nyo
Bukas na ang pinto umpisahan na ito
Huwag lang kalimutan tayo'y rumespeto.

Ako ay KONTRA sa parusang kamatayan
Gaano man kasakit sa mga nawalan
Hayaang pagdusahan doon sa kulungan
Karumaldumal na krimeng kagagawan.

Aaminin ko rin na may pasubali
Mga kalakaran sa loob may mali
Kapag ang kriminal mayroong salapi
kahit nasa loob nagbubuhay hari.

Muli ang dahilan ay kabaluktutan
Ang nagpapalakad ay nababayaran
Kriminal na dapat magbayad ng utang
Ginhawa sa loob ang nararanasan.

Ipipikit ko muna ang aking mga mata
Sa pinagtatalunan itutuon muna
Parusang kamatayan makatarungan ba
Kaysa habang buhay na ipagdurusa?


Ming
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Nov 23, 2011 4:17 pm    Post subject: Reply with quote

Magandang umaga po sa tulaan mga batang patio
Umpisa na naman malalalim na kuro kuro
Sa paksang ito tula ng mga astang-abogado
Ipagtatagol ng husto saan man ang nais na papanigan nyo

Kung bakit pinili ang kamatayan ang sukli
Mga karumal-dumal sa batas at niyuyurakang mga lahi
Sa mga balita ay pangkaraniwan na at sila ay may ngiti
Ang mga pusakal masaya pa yata kapag napiit sila sa munti

Ang buhay sa ngayon kapalit lang ba ng celpon?
Ginagawang hanap buhay ang anila'y pangtawid gutom
Takot ang namamahay sa dibdib kung gustong maglilimayon
Madilim na lansangan, kuta ng impyernong mga hudlom

Mga mandarambong armado na ngayon
Magagaling magplano kumpleto at lahat ng lookout aba'y may pone
Kumikitil ng buhay kahit na pobreng taong walang malay
Kawawang mga nadadamay na marangal na naghahanap buhay

Nais na ihalimbawa may parusang kamatayang bansa
May kinatatakutan at madalang ang walang hiya
Sa gabi mamasyal ka kahit saang lugar ka magpunta
Ikaw makakauwing ligtas pamamasyal ay mawiwili ka pa

Sa sariling bayan na kay ganda ganda pa naman
Ikaw ba ay ligtas sa lansangan mong binabagtas
Mag-ingat ka kung ikaw ay maligaw sa iyong nilalandas
Baka yan na ang huling hiningang malanghap at lupit ang malasap

Kung ang parusang kamatayan ay ibabalik sa minumutyang tanan
Tatanim sa budhi ng madla at magiging kaligtasan ay mainam
Bago gumawa ng mali mga bagay na sa bayan at sa ating lipi
Siya ay mag-iisip kapag nahuli ay ano? ang sa pamilya ang mai-iuuwi....
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
guest/rey bagalso
Guest





PostPosted: Fri Nov 25, 2011 10:11 am    Post subject: Reply with quote

Ako ay sang ayon ibalik ang kamatayan.
Para magbigay takot sa may balak ng kawalanghiyan.
At kung sa hukuman siya ay napatunayan
Ibigay na sya para walang tularan.

Tama ka Katoto, kung and salarin ay masalapi.
Sa loob nababayaran, sarap buhay nakakamit.
Kuwarto ay malamig, pagkain laging mainit.
Telebisyon at selpon ay laging kalapit.

Ito ba ang kabayaran sa karumaldumal na krimen?
Ilan buhay na pinigtal, sarap ay kapalit.
Kaya habang buhay, yan ay mag iisip.
Paano makakalaya, rehibitasyon wala sa isip.

Pamilya ng biktima, laging aagam agam.
Kalooban ay nagdudusa, poot ay kinikimkim.
Katarungan di nakamit dahil sa salapi ng ganid.
Katahimikan, at kapayapaan hindi makakamit.

Taong makasalanan,ibay nagbabago.
Natutong sumunod sa hakbang ni kristo.
Halimaw at demonyo wala sa uwisyu.
Hahanap hanapin ang pagbibigay ng purwisyo.

Dapat putulin na ang msamang damo.
Bago lumago at sundan ang masamang bisyo.
Kawalanghiyan ay likas, gusto'y laging gulo.
Dapat puksain, pati ugat gagaya ito.
Back to top
kaikong
Guest





PostPosted: Fri Nov 25, 2011 11:18 am    Post subject: Reply with quote

Hatol kamatayan sa nagkasalang dukha
Siguradong siya ay tuwang -tuwa pa
Sa isip niya hirap, sakit, gutom tapos na
Bye- bye sa mundong kay lupit sa kanya

Kung habang buhay siyang ikukulong
Usig nang budhi laging bumubulong
Mga kasalanan sa isipan bumabalunbon
Hanggang si kamatayan sa kanya'y pumaroon

Kung "rich" naman itong nagkasala
Hatol kamatayan hindi sapat sa kanya
Ipagkait ang layaw pag nasa labas siya
Unti unti ito ang papatay sa kanya

(dudugtungan nang tunay na layon bakit komuntra sa kamatayang hatol)
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Nov 26, 2011 6:10 am    Post subject: Reply with quote

Kung inyong nasaksihan sa balita ang munti nating piitan
Ibat ibang kalayawan, ipinagbabawal na gamot tenis ay meron jan
Kanya kanya sila ng silid buhay hari at mayroong naninilbihan
Ito ba ay parusang masasabi sa mga nagkakasalang mang aapi

Sapat na bang mahatulan at manatili doon sa kulungan
Pagkakataon maghintay lang at muli syang papanigan
Babaliktarin ang hukuman minsan kaydali lang busalan
Pagkat salapi ng mayayaman binibili ang katarungan

Di bat noon may nabalitaan sa ginawa nilang kasuklam-suklam
Nahatulan habangbuhay sila ba sa loob ay totoong nahirapan
Ilang taon lang ang nagdaan pinawalang sala ang mga hung-hang
Organisadong pag apila pagkat ebidensya ay winaglit na

Naiwan nilang ama lumaban mang muli pisi ang mamumutawi
Pamilya nyang pinaslang ng mga walang budhing masamang lahi
Ngayon nga ay laya na pagkat nabili na ang hustisya
Sila na ang pinapanigan sa karumal dumal na kasalanan

Kung kayat ang mungkahi parusang kamatayan ay ibabalik
Hindi sana mababayaran ang ang timbangan ng ating lahi
Kailangan ay si hagibis upang katarungan ay tumalililis
Pagkat piring nya ay nawawaglit minsan sa kislap ng malaking atik

Hindi na lingid sa atin ang sistemang kampi kampi
Pulitikang kinilingan impluwensyang batas ay talunan
Mga mananangol ay nagpupunyagi sa mga butas ng batas na mali
Kung kayat napapawalang sala kapag nangusap ay kislap ng salapi

Sana ay hindi kontra kung sa kulangan ay tutoong pagdurusa
Sa labas hirap ang dinanas nya kay ilap ang kumita ng pera
Masamang gawain pinasok nya nawala ang budhi at kaluluwa
Sa bilibid ay buhay sya libre pagkain tirahan ay hindi na uupa
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Sun Nov 27, 2011 4:19 am    Post subject: PARUSANG BITAY SANG AYUN AKO Reply with quote

Mga kaibigang apo ni Balagtas
Sa larangang pagtula mandi'y namamalas
Mga talatang galing sa isipang matalas
Ipagpatuloy natin pag iibigang wagas

Kahit na sabihing tayo ay nagtatalo
Sa isang paksang gusto sana ng publiko
Paki ingatan lamang tayo ay makatao
Kahit na pumanig sa kabilang dako

Abang lingkod ninyo ako'y nagpupugay
Ipa ubayang sa tulaan ako ay magbigay
Mga kuro-kurong matagal na binithay
Sa isipang payak at aba kong buhay

Ako po ay sang ayun sa bitay na hatol
Katulad noong araw ang ulo ay pinuputol
Mga mamatay tao at sa druga tagasulong
Salot ng lipunan na di dapat na umusbong

Kung ang hatol ng hukuman ay kamatayan
Sa kasong nagdaan sa tamang batayan
Dapat ipatupad sa wastong paraan
Maging halimbawa at di na tularan

Kaya nga ako'y muling magbabadya
Ang Diyosa ng Hukom piring ay isara
Hukum sa maralita bukas ang mata
Salaring maykaya kay ganda ng selda

Kung di mababago ang pamamalakad
Ng hukuman natin kay bagal ang usad
Lagayan at sa mahirap bitay matutupad
Hatol sa mayaman hatihati sa bayad

Ang sa ganang akin pamahalaan ay mag aral
Yung karapatdapat pakawalan na ilabas sa koral
Batas sa bilangguan ay tingnan kung umi iral
Ang taong nakakulong hindi lahat ay kriminal

At para magluwag pupulasyon ng bilangguan
Yung dapat bitayin pag aralan ang kaganapan
Baka pag nakalabas kriminal pa rin ang isipan
Walang kapusang problema sa bagong lipunan
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Nov 29, 2011 10:27 am    Post subject: BULANGGUGO............... Reply with quote

May mga krimeng lubhang karumaldumal
Nakakabangungot at kasuklam-suklam
Ang poot sa puso ay di mapaparam
Kung di parusahan nitong kamatayan.

Mayroon din namang napaparusahan
Kahit ang totoo walang kinalaman
Lalo na sa “corrupt” na mga hukuman
Na ang mga huwes ay nababayaran.

Kung sakaling siya’y kriminal na tunay
Ang kanyang ginawa ay kademonyohan
Bakit kamatayan ang siyang ipapataw
Pinapatakas mo sa kanyang kasalanan?

Hayaang sa loob kanyang pagdusahan
At sa pag-iisa ay balik-balikan
Ang nakakasuka na kabaluktutan
Hanggang pagsisi kanyang matutunan.

Hayaang sa loob siya ay mainip
Bangungot ang siyang laging panaginip
Sa seldang malamig o kaya’y mainit
Baka managhoy siyang abot hanggang langit.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Dec 01, 2011 7:01 am    Post subject: Reply with quote

Nasaan po ang iba pang magigiting sa tulaan
Maghandog ng inyong magagandang banat na mala-laman
Huwag sanang pigilin sa damadamin ay nana-nahan
Kakapulutan ng mga aral mula sa isip nyong pinag-yaman

Makata kay bigat ng diwa dala nitong tinatahak
Sa tulaan na ang sugat may kirot na nagna-naknak
Aking pakiwari ay nagngangalit ang bulkang umiiyak
Huwag sanang makasakit sa mga karimarimarim nasadlak

Hindi po ninanais ang nilalandas na daan maging salungat
Bagkus ang opinyon ay makamit ang katarungang salat
Doon po sa ating bayan nawa ay ganap kaligtasang nararapat
Maging maligaya at tunay na payapang pamayanan nating lahat

Kay dami ng mga batas likha sa inang bayan natin
Nagiging balakid sa mga balak kung paano gaganapin
Maraming sagabal sa hustisyang nais na itoy kamitin
Minsan ay salarin ang mga walang takot at panimdim

Panahon sana ay maibalik parusang sa bayan hangin ay itahip
Upang tumanim sa budhi ng mga pusong may madilim na kinikipkip
Alinlangan at maisa-isip sa balaking mala-impyernong budhing manhid
At mababawasan masasamang tangka na ngayon lubha ng lumalawig

Parusang pagpataw sa salarin, pawang ito ay kinukulang
Dahil marami ang kontra sa parusa nitong kamatayan
Ibat ibang sangay ng pamahalaan, relihiyon at mga samahan
Pagmumunimuni kung minsan kay hirap ng ating kaligtasan

Hindi ba o mainam sa sarili ay may tapang kang tangan
Na pwede mong panang-galang ang parusang kamatayan
Sa mga taong may lagim sa kapwa at batas sila'y lapastangan
Kung buhay ang inutang ay buhay din at hindi pera ang kabayaran
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Mon Dec 05, 2011 7:18 am    Post subject: BULANGGUGO..................................HUWAG PAKAWALAN Reply with quote

Ang isa raw na pagkakamali
Hindi maitatama ng isa pa uli
May naligaw, maitim ang budhi
Na sa pagsisisi’y isinilang muli.

Ayon sa Kanya ang paghihiganti
Ipagpaubaya sa Diyos na mabuti
Pagdurusa’t sakit ng mga nangyari
Sa banal na altar ihain ang sarili.

Hayaang parusa Siya ang mag-gawad
Sapagkat ang hustisya ng tao’y di sapat
Wika Nya ang tao dapat magpatawad
Sa atin ay utos na dapat matanggap.

Habang iniimbak ang galit sa dibdib
At ang mga ngipin laging nagngangalit
Pansinin, Katoto, ang pait at sakit
Dalahing pabigat, saya di makamit.

Kaya sa pag-usad ng maikling buhay
Biyaya’t pagsubok ipagpasalamat
Mabubuting gawa dalhin mo hukay
At ang masasama pagsisihang tunay.

May kilala akong isang kaibigan
Puno ng problema maging kapansanan
Sa Diyos ang lagi niyang kahilingan
Ay biyayaan siya nitong kamatayan.

Kaya ang salaring siyang naging ugat
Kumitil sa buhay at mga pangarap
Hahayaan mo bang sa isa lang iglap
Ay lumisan siyang walang paghihirap?
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Dec 08, 2011 12:11 pm    Post subject: MAKATARUNGAN ANG DIYOS Reply with quote

Bakit mo kikit’lin ang buhay

Na hindi mo naman maibibigay?

Bakit hahayaan mong madungisan

Ng dugo ang iyong laylayan?


Matarungang batas Diyos ang nagbigay

Kaya hayaan nating Siya ang magpataw

Kung tayo ang mag-gawad nitong kamatayan

Tayo at salarin walang pinag-ib’han.
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Dec 09, 2011 9:40 am    Post subject: Reply with quote

Sa pagpuri mong ito sa ulap ay nilipad ako
Dahil sa isang pahayag katoto ko daw dito
Pagbabasa nya ng mga lathala na ibinabalita ko
Walang halaga sa kanya akoy naliligayahan ng husto

Salamat kaibigan sa pagbabasa ng tula sa patio
Kung kayat dali daling kumathang muli kahit na magpapasko
Kamatayan na hatol payag ba o kontra dito
Pangilin ay dahilan ng pananahimik ng mga paham at henyo

Buhay ay mahalaga namnamin at mahalin ng husto
Tamang landas tahakin masalimoot man ang mundo
Masarap mabuhay kung hindi nang aagrabyado
Mahimbing na pagtulog at tahimk ang konsenya mo

Di ko maintindihan kustumbre meron tayo
Kung bakit pusakal ginogloripay pa ito
Sangkot sa droga nagpuslit sya ng mahigit isang kilo
Nang bibitayin na ay maraming nakikisimpatiya dito

Hindi ba ang labag na ipinagbabawal na gamot
Salot sa lipunan masama kanyang idinudulot
Ang mga gumagamit nito kalimitan ay nakakalimot
Kay bilis ng isipan at kayla lakas pusong mali ang itinibok

Matataas na uri ng ipinagbabawal na gamut
Di ba dayuhan ang sa bansa natin ay umiikot
Sila ang gumagawa at nagdadala ng salot
Dapat ay bitayin kapag nahuli ang mga buktot

Di ba kaydami na dayuhan mahuli man
Pinatatakas ito ng perang kumikinang
Kapag may bayong na salapi ang laman
Sentensyang hinatulan sa kurap madali lang yan

Kamay na bakal naway muling pairalin
Sa bansa natin na ngayon ay may panimdim
Masid ko kay lambot nitong hatol batas doon sa atin
Haring kadiliman madali lang, kasamaan ay pasukin

Mabigat na pagkakasala sa timbangan kay gaan ng parusa
Kaligtasan ng inosenteng bayan minsan kay hirap umasa
Walang pinipiling lugar sa tahanan man ay hindi ligtas na
Kamatayang hatol ang lunas itong nais ay ibalik na sana
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
BULANGGUGO....
Guest





PostPosted: Tue Dec 13, 2011 9:17 pm    Post subject: BAKASYON NG MGA MAKATA..................... Reply with quote

Sa aking palagay ngayong Kapaskuhan
Bakasyon ang mga makata ng bayan
Ang ganang sa akin kayo`y sasamahan
Saka na lang ulit tayo magbakbakan.

MALIGAYANG PASKO!
Back to top
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Thu Dec 15, 2011 1:27 am    Post subject: HATOL NA BITAY NA BATAS SANG AYUN AKO Reply with quote

Di pa rin nagbabago sariling opinyon
Sa bitay na hatol ako ay sang- ayun
Ang taong masama lipulin na ngayon
Maging halimbawa sa dako pa roon

Ating balikan ang batas nung unang panahon
Basta gusto ng hari at alyados ay sang ayun
Walang pinipili pugot ulo, garote, o lason
Patay kang bata ka ibang iba talaga noon.

Mahal na Panginoon ang dakilang guro
Hinatulan ng kamatayan ang sanhi'y di makuro
Doon sa kalbaryo sa kurus ipinako
Tinubos tayung lahat na mahal sa puso

Isang magiting na dilag na laban sa kaharian
Juana de Arko, hinatulan ng kamatayan
Dahil ito ang batas ng kanilang pamahalaan
Naging simbolo ng tapang at himagsikan

Si Gat Jose Rizal ang dakilang Malay
Naging martir at inialay ang sariling buhay
Doon sa Bagumbayan binaril nahandusay
Perlas ng Silangan, bandila mo iwagayway

GOMBURZA, Gomez, Burgos at Zamora
Tatlong paring katoliko na gustong mag isa
Lumaban sa pamahalaan at ayaw ng sumama
Hatol ay kamatayan at garote inabot nila

Marami pa ang nahatulan ng kamatayan
Batas na sinusunod ng kanilang pamahalaan
Si PM Bhuto ama ni Benazir na taga Pakistan
Biktima ng pulitika sinunod ng taong bayan

Noong panahon ni Presidente Marcos
Isang tagatulak ng druga pinatay ng firing squad
Magandang halimbawa sa bayan tumambad
Mga sumunod na pamahalaan ayaw ipatupad

Batas na kamatayan nakabinbin sa Kongreso
Kailan kaya ang disisyon hintay namin kayo
Maging dapat sana ang resulta at mga payo
Ang pagsulong ng bansa kami ay taas noo


Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa LAHAT.


Amang Ruben
Singapura, 15 Disyembre 2011
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Dec 18, 2011 12:27 am    Post subject: Reply with quote

Punong Kahoy kapag humatol ng Kamatayan

Puno ay isinilang doon sa kagubatan
Sa bundok na sagana sa mga halaman
Ibat ibang panahon mga pinagdaanan
Nakatayo pa rin ang puno at pinagyayaman

Ang tahanan ng puno noon sagana sa kalikasan
Sariwa ang hangin at mga ibon ay nag aawitan
Paraisong natural at kristal mga ilog at batisan
Mga hayop naglipana kapiling sa malayang lawigan

Dumami ang tao katawan ng puno naging troso
Putol doon putol dito naubos ang puno saan mang dako
Ginawang tirahan ng tao at ginawang turumpo
Sangkatauhan ay nakakahilo at sobra kung umabuso

Walang ipinagkaiba sa pag aagawan ng teritoriyo
Inagaw ng tao ang lugar halaman at mga puno
Parang mga leon na gutom kung pakaiisipin mo
Walang galangan makuha lang nya ang kanyang gusto

Subalit tingnan nyo ang balik sa tao
Dahil mga puno pinutol pati ugat nito
Ang mga puno sana ang kakampi ng tao
Panlaban sa baha pampigil sa delubyo

Baha galing sa bundok kasama ng putik
Hinuhukay ng ulan sa kabihasnan pilit ibinabalik
Pamilya ay nililipol pati na kaibigan nating matalik
Ito ang kalikasan kung magalit at maghimagsik

Sa aking palagay hindi pa huli ang lahat
Ibalik ang laya sa bundok na sa puno ay salat
Sila ay kaibigan ng tao, batis at mga hayop ay kumalat
Mahalin ang mga puno itanim sa kabundukan at isiwalat

Masdan ang tubig sa dagat na dating salamin ngayon itoy kulay uling
Maduming hangin kinagisnan ng mga batang ngayon naging supling
Punong sanay kanilang aakyatin sa bakuran nila ay wala na rin
Kamatayan ng mga puno minsan kamatayan din ng ating mga kapiling


Ipinaabot po ang taos pusong pakikiramay sa biktima ng Sendong disaster sa Mindanao.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Dec 25, 2011 3:52 pm    Post subject: Reply with quote

Makata sa patio ituloy na po natin naputol na paksain

Doon sa mutyang bayang sinilangan batas ay pairalin
Kay daming buhay nawala sino ang dapat na singilin
Kalikasan ba o ang mga taong budhing kay hirap pigilin
Walang habas na pagputol at pagkalbo ng kabundukan natin

Mga namumuno at nagpapatupad sa atin ng batas
Di bat sila ang dapat sa kalikasan ay unang magligtas
Dangat may kurap na nabibigay ng pagpayag na kalatas
Upang ang mga puno at bundok ay tuluyan ng maubos at mautas

May dalawang kataga na sa kabundukan ngayon umiiral
Pagputol ng mga puno at lupa ay kanilang binibungkal
Ang isa kung itoy tawagin ay isa daw pagputol na illegal
At ang isa naman kaparehong layon din ito naman daw ay legal?

Laking banta sa mga tirahan katabi ng bundok ilog at dalampasigan
Na di ba at tao din naman ang lahat ang dito ay may kagagawan
Parang naghihintay lang ng lakas at tamang kapanahunan
Upang maghimagsik sa sangkatauhan ang haring kalikasan

Ating kabundukan kung titingnan ay matanda at kalbo na
Kaydaling igupo ng bagyo at bahang palaging nananalasa
At isang dagdag pa ang pagtuklas ng ibat ibang mga minina
Kung kayat kay dali lang putik ibalik sa walang malay na masa

Sa aking pag-iisip talaga nga palang tao sa atin ay dapat na kumilos
Ang dagat umitim bumababaw at tubig ay madali lang kung magpuyos
Dahil sa putik na galling sa bundok na dala dala ng ibat ibang unos
Dagat ay hukaying muli alisin ang burak na sa tubig ay palaging nakayapos

Mutyang bayan ay nabuhay sa kahoy at mineral galing kabundukan
Ito rin ba ang papatay sa ating walang muang na mamamayan
Kung kayat nararapat ay ibalik ang paraisong dios ang naglaan
Kalikasan at buhay ay bantayan at totoong ito ay pangalagaan

Sa mga taong nakinabang kahit pairalin kamatayang hatol
Kulang pang pambayad sa perwisyong idinulot ng mga pulpul
Sa panahon ng bagyo malakas na ulan at hanging sumisipol
Di na kayang pigilan ang mga buhay ng tao ay pilit na pinuputol

Ito ang dapat pagtuunang totoo doon sa kongreso
Parusang kamatayan ibalik na upang tayo lahat ay matuto
Sa mga perwisyo sa kalikasan bayan at sa ating mga tao
Hindi pa huli ang magsimulang muli palagi tayo ng panibago
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
guest/rey bagalso
Guest





PostPosted: Mon Jan 23, 2012 5:46 pm    Post subject: balitaktakan uli Reply with quote

Ngayon lumipas na ang mga "holiday".
Gisingin na ang mga makatang napahimbing.
Ituloy ang balitaktakan, para may matutunan.
Gamitin gabay sa mundo habang nabubuhay.

Bago ipagpatuloy, konting tahimik lamang.
Ipanalangin ang mga sawimpalad.
Biktima ni Sendong at landslide.
Nawa'y sumalangit, kapayapaan ay makamit.

Ang ibang biktima, sila'y may kasalanan din.
Kakahuyan ay pinutol, kalikasan ay hinamon.
Sa salapi ay ay natukso, sa ginto ay nasilaw.
Katuwiran ay nabaluktot,hinahamon si kamatayan.

Masisisi mo ba ang kapit sa patalim?
Katotohanan, masakit tanggapin.
Kailan tayo matututo?
Kalikasan huwag susubukin.

Sa kabilang dako naman, katotong Bulangugo.
Pasyalan mo ang PES 61, larawan namin ay panoorin.
Kaming mga klasmeyt, muling nag aliw aliw.
Masasayang nakaraan muling sinasariwa.

Gising na Ka Ruben, kamiy iyong gulantangin.
Sa kinaroroonan mo, akoy may isang samo.
Dyan sa Indonesia lindol ay laging isyu.
Kaunting ingat, si Ampy nagdadasal sa kaligtasan nyo.

Dito naman sa Southern Calif. kamiy lagi din may isyu.
Kung hindi lindol, sunog naman ang perwisyu.
Kaya kahit saan ka naroon, lagi tayong umalisto.
Manalangin sa diyos, iligtas tayo sa delubyo.

Kaya mga katotong sampay bakod.
Atin ulin simulan, bugok na isipan, kalampagin.
Gisingin sa katotohanan.
Si katototong whernas lagi tayong nauunahan.

Akoy nagtataka, si Lakandiwa ay nasaan?
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Jan 24, 2012 8:49 pm    Post subject: Reply with quote

Kay dami ng tula ang dito ay aking binasa
Ibat ibang kahulugan ibat ibang ninasa
Mga nakaraang ala ala sa bayang sinisinta
At meron din naman pagbati sa mga kaibigan at kapamilya

Ninais na ibahagi ang namasid dito po sa tulaan
Ang pag lalahad ng damdamin ay isang katuwaan lang
Subalit kung nanamnamin bawat titik ang kahulugan
Nakakaaliw bawat isa ay may init ibat ibang aral at may kabuluhan

Mula ng itala itong tulaan forum ng mga bihasa at bagito
Kay dami na ang magagaling at paham ang nangag-alay dito
Hindi matatawaran mga kinathang tula po ninyo
Masidhing pinag-isipan at pinagbuhusan ng angking talino

Nais po na humiling sa mga nababagot sa tulaan natin
Buksan muli ang isip at wag sanang maging mahiyain
Masama man o maganda nakaraan sa mga naging paksain
Magbahagi kang muli ng katha mong kay sarap na basahin

Sa balagtasan ay ihasa ang isip at maglahad
Mga inipon sa dibdib ay ilabas na at ito'y isiwalat
Wag sanang kikimin at sarilinin ang talino sa pagsulat
Ipamana sa mga bagong lahi na dito ay nakamulagat

Libang na isipan at abalang abala sa kabuhayan
Kulang ang oras sa pagkatha ng talata dito sa tulaan
Ngunit kung may oras at nagmumuni-muni ka po laang
Pumindot na ng computer at isahimpapawid ang kaalaman

Ipagpaumanhin po sa ating naging paksa
Mga maka dios, relihiyon, pulitika ay umiiiwas kaya?
Ito po ay pag aaral at pag isipan natin bawat isa
Bakit bayan natin kay daling matukso sa kasalanang naglipana

Ang buhay ay mahalaga at kay sarap kung palaging ligtas
Sa bayang sinilangan punong puno ng ibat ibang batas
Hindi ko mawari kung bakit parusang kamatayan ay kinaltas
Panlaban sana ng isipan sa masasamang impluwensya ito ang lunas
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
kaikong
Guest





PostPosted: Thu Jan 26, 2012 12:10 pm    Post subject: Reply with quote

Parusang kamatayan ito ay di lunas
Para maiwasan krimeng binabagtas
Dapat bigyang pansin mga kadahilanan
Nang mga karumaldumal na mga kasalanan

Adik sa droga, hayok sa laman, ganid sa salapi,
Kumakalam na sikmura, at marami pang iba
Sila ay bingi sa "hatol na kamatayan"
Ang tangi nilang alam " ay kung mahuhuli"

At isa pang paalala katotong-gali
Paghihiganti sa tao ay likas
Pakaisipin mo ang dulot
Walang katapusang sigalot
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jan 27, 2012 9:29 am    Post subject: Reply with quote

Bagaman kay dami nga mga kasong karumal-dumal
Darating din ang araw mahuhuli rin sila ng ating mga kawal
Nag aapoy na damdamin ang galit ay sumisinghal
Liwanagin ang isipan huwag sana dilim ng paningin ang ikintal

Kaibigan na aayaw sa batas ng parusang kamatayan
Iginagalang ang yong panig paniniwala at katwiran
Huwag payagan na ang poot ay palagi mong tangan
Hayaan batas ang magpataw sa gumawa ng kasalanan

Parusang kamatayan para sa isipan ay silbing instrumento
Upang sinilangan ay ilagan ng masamang elemento
Kapuna-puna inang bayan ay para bang nahihilo
Napagsasamantalahan ang lipunan, bakit kaya umiiral ito?

Bakit nga ba droga tila bayan ay para nang pabrika?
Meron kung tawagain ay lugar talipapa ang kumpara
Kapit nga ba sa patalim? dahil walang pagkukunan ng pera
Kahit dayuhan hindi takot pagkat silya elektrika ay wala na

Sa ngayon mag-ingat ka sa balang naliligaw
Minsan ay ganun na lang ang dahilan ng pagpanaw
Para ng walang halaga ang buhay kapag inagaw
Walang budhing nilalang na parang pumitik lang ng langaw

Minsan ay kinatatamaran magbukas ng TV sa tabi
Pagkat parang nasanay na sa mga balitang hinahabi
Agam agam ang naiiwan sa isip at puso ay napipipi
Mga balitang kagimbal gimbal ay kapiling sa araw at gabi

Batas ay kay luwag sana kamay na bakal ay umiral
Dumaraming kasalanan pinapasok kahit bawal
Hiling na sana ay manumbalik ang kagandahang asal
Mabuhay ng matiwasay bayan ito ang aking dinadasal
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
BULANGGUGO..........
Guest





PostPosted: Wed Feb 01, 2012 2:37 pm    Post subject: PAGDUSAHIN NA LANG HABAMBUHAY... Reply with quote

Balagtasang iniwan nitong ka-Paskuhan
Binuhay na muli at nangag-hiritan
Bakit tila yata walang katapusan
Ako tuloy ngayon ay nauuubusan.

Kaya ang akin lang ay isang pagsusog
Kamatayang hatol h’wag ipagkaloob
Ang sakit at galit ay ipagpasa-Diyos
Hayaang sa loob magsisi nang lubos.

Sa kabilang dako kung itong sistema
Puno ng korapsyon, nababayaran pa
Baka sandali lang ay makalaya na
Gayong ang nasaktan ay nagluluksa pa.

Napakahirap na maging isang hurado
Pwede kang malinlang ng kapwa mo tao
Saksi’t ebidensya ay hindi perpekto
Buhay-kamatayan ay nasa kamay mo.

At kung siya na nga ang tunay na salarin
Ang ginawang krimen karimarimarim
Bakit hahayaang siya’y paalpasin (kamatayan)
Gayong habang-buhay dapat pagdusahin.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Feb 19, 2012 8:07 am    Post subject: Reply with quote

Ang pagkatha ng tula ay para din palang panahon
Ito ay pabago bago ng timpla at direksyon
Kadiliman ng langit ay burado ang talim ng imahinasyon
Kalangitang bughaw ay kay bilis ng isip sa ninanasang itugon

Sa balagtasan ang yanig ay kulog na dumagundong
Parang kidlat na sumagitsit sa pagbibigay ng mga nilalayon
Subalit nanabang bigla anaki’y alon na naglimayon
Pag ihip ng hangin na sumipol sa punong tenga lang bumulong

Mga manunulat at kumakatha ng tula ay nagsabula
Buwan na rin ang lumipas hindi na makapiling ng madla
Muli sanang umawit na parang ibon na kay saya at kay laya
Pagsaluhan natin ang biyaya likas na talinong ipinaparaya

Ang dalangin sa kalawakan sa itaas ay iguhit ng ipo-ipong mahinahon
Paksain na muli ay isaboy sa lupa ito ay ating ipaampon
Mga suwi unti unting tatayog at didiligin ng hamog at ambon
At ito ay aanihin ng mga nilalang na bago pa lang sumisibol

Mungkahi po ay wakasan na itong paksain na parusang kamatayan
Ipaubaya na sa Kongreso ang usaping ito na nababalam
Sana po ay kinapulitan ng kahit na kaunting aral
Ang mga ipinahayag ng mga katoto inilagda dito po sa ating tulaan
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group