PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Mahal na Araw O Araw ng mga mahal

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Wed Feb 29, 2012 2:58 am    Post subject: Mahal na Araw O Araw ng mga mahal Reply with quote

Sa dakong Silangan,sumikat ang dakilang araw.
Nagsabog ng liwanag,sa panahong 'di magmayaw.
Nais atupagin,ang makasaysayang tradisyonal.
Na maaaring magdulot,kaibahan sa hinog at hilaw.

Sa dinami-daming dahon,sa isang Balik-Buwan.
Ang aking inaasam,ang pagdatal ng Mahal na Araw.
Ngunit hindi upang,gumalaw sa ilalaim ng buwan.
Kundi ang gunitain la'ng,ang nagbuwis ng KANYANG buhay.

Tandang ay tumilaok,mula sa kanyang pagkakatulog.
Bukas na ang mga mata,sa modernong bagong umaga.
Kinakahig ang malambot na lupa,ito pala'y tumigas na.
Ang kahabag-habag na manok,iba na ang paligid nya.

Ang ibong naglakbay,upang kumuha ng maiinom.
Pagbalik sa kanyang pugad,na binago na nang panahon.
Nag-awitan pa sila,sa pagbabalik ng isa na palang agila.
'Wag sanang burahin,ito la'ang ay sariling sapantaha.
Back to top
Elias
Guest





PostPosted: Wed Feb 29, 2012 12:35 pm    Post subject: Reply with quote

May isang marangyang tao, na naipit sa trapiko.
Mga namamalimos,sa ginoo ay nagsusumamo.
humihingi ng pagkain o kahit na ilang sentimo.
Binuksan ang kanyang bintana,barya ay iniabot nito.

Subalit sa 'di inaasahan,nag-'go' na ang 'signal'.
Ang kaawa-awang pulubi,'di na umabot ang mga kamay.
Sapagkat inihagis na lang ,ang barya doon sa may daan.
Kung kaya't ang salitang pagtulong,nawalan din ng saysay.

Ang marangyang tao,ay 'di na nakapagnilay.
Kamay sana ng pulubi,kamay din sana ng MAYKAPAL.
Kung dumampi sana ang kamay,sa magrasang kamay.
Kahit man lang sa lansangan,nadama na nya ang kalangitan.

Lahat tayo ay 'guilty',kung pagtulong sa kapwa ang nais.
Sapagkat ayon sa bibliya,kung ating makikilatis.
Ang pagtulong sa kapwa,ay 'di kanais-nais.
Kung alam ng kanang kamay,ang sa kaliwa'y inihagis.

(Ito na ang kalakaran ng bagong mundo nating ginagalawan?)
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group