PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Kaalaman Bigay ng Bayan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Mar 01, 2012 3:41 pm    Post subject: Kaalaman Bigay ng Bayan Reply with quote

Tuod Ng Aking Buhay

Buhay ay gumulong sagad sa kahirapan
Maagang nawala sa amin ama ng tahanan
Ang aming ina lang ang siyang pinag-iwanan
Kahit na anong hirap ng buhay ay hindi tinalikuran

Mapalad ang ibang kaibigan ko at kakilala
Buo ang pamilyang nagmamahal sa kanila
Kapag dukha at ulila ay halos talikdan ka
Nitong imbing buhay at mapagbirong balana

Ang masayang bahagi ng aking kabataan
Noong ako ay laging laman ng lansangan
Maghapon sa initan amoy limping libagan
Kung minsan ay naglalaro sa lakas ng ulanan

Sa benditang ilog kay sarap magtampisaw
Palaging naliligo halos boong araw
Doon ako ay unang sa pagsisid ay humataw
Umuwi ng palakat pagkat salawal ay may gumalaw

Sa bawat gabi naman ay taguang kay iingay
Kaming mga musmos sa likod ng aming bahay
Tumba preso habulan o kaya ay tubigan
Mayroon din kaming maliit na bahay-bahayan

Inaabangan ang buwan ng Abril at Mayo
Pumipila sa pasantakrusan at kumakanta dito
Nag-ayukod sa Poon libre nang hapunan ko
Agawan sa pakubol ay bukol ang uwing balato

Parang kalian din lang uso pa ang pamimiwas
Kay dami ng biya, ayungin lundagang malagaslas
Mga troso aming takbuhan na parang ibong limbas
Sa Wawa na kay gandang ala-ala ng panahong lumipas

Masasayang tawanan ay hindi malilimutan
Sa bayan ng Paete na puno ng kasayahan
Mga nagdaang araw makasaysayang karanasan
Sa musmos na gulang kami ay walang kamuang-muang

Lumakad ang panahon sa kapirasong tuod
Sa paanan ng bundok matiyagang pinulapod
Tigas ng Langka at lagari ang pinangkukudkod
Matiyagang uukitin ang ninanasa nitong loob

Ang naputol na tuod ay lubhang napakahalaga
Sa tulad kong mahirap ang kapalaran ay dito i-aasa
At sa araw araw ang nasa ay biyayang kinikita
Ikinabuhay na namin ang kaalaman sa bayang sinta

Ipinagpapasalamat sa Paete palad ay iginuhit
Maraming natutunan sa mga maestrong kay-babait
Ang mga nagsalin ng talino at isapuso ang pag uukit
Ikinararangal mga kinatha saan mang panig ng daigdig

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Nagagalak
Guest





PostPosted: Sat Mar 03, 2012 10:42 pm    Post subject: Sa iyo Winston.... Reply with quote

Pagpapakumbaba ang iyong ginawa....
Maraming salamat, Winston, ako'y iyong pinahanga.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group